.

.

Chapter 28

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Nandito kami ngayon sa Medical Department para bantayan si Riye. Sabi ni Dra. Yuuki, nagising na raw kanina si Riye pero natulog na ulit para magpahinga. Dahil nag-aalala kami sa kanya, dito na namin napagpasyahan ni Akane na magpalipas ng gabi. Mukha ngang tulog na rin siya. Alas-dos na rin kasi ng umaga. Ako naman, hindi ako makatulog dahil sa dami ng naiisip ko ngayon.

 

Unang-una na dyan ay yung sinabi ni Akane tungkol sa Akemi na isa sa pito. Sabi niya, hindi raw dinidiscuss o pinag-uusapan yung dating Akemi sa klase nila kahit dati pa kaya wala siyang alam tungkol rito. Ang alam lang niya, hindi iyon pinag-uusapan dahil nga raw sa pagiging cursed niya. Sabi rin niya, alam halos ng lahat ng estudyante dito kung gaano kagaling ang pitong yun pero kakaunti lang ang may alam kung paano namatay ang lima sa kanila. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko ay tinatago ng mga nakakaalam yung totoong nangyari sa pito after nilang matalo yung mga Shinigami. Yan tuloy, lalo lang akong nacucurious.

 

Pangalawa, yung lalaking bigla na lang nawala. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nangyari sa amin ni Riye sa may pusod ng gubat. Buti na lang talaga at hindi masyadong malala yung nangyari kay Riye at narecover pa ni Sir Hiroshi yung arrow mula doon sa lalaking sumugod sa amin. Hinihintay na lang namin ngayon ay yung result ng blood analysis na ginagawa ng Medical Department doon sa arrow. Sabi rin nila, malaki ang possibility na isang Shinigami yung naka-encounter namin. Pero ano bang kailangan nila kay Riye?

 

Pangatlo ay yung robbery cases na nangyayari ngayon sa labas ng Tantei High. Sobrang talamak raw ngayon ang pagnanakaw at hindi yun normal. May kinalaman na naman ba ang mga Shinigami rito?

 

At panghuli, si Sarah Angeles. Kahit nasabi ko na lahat ng nalalaman ko tungkol sa kanya kay Miss Reina, hindi pa rin talaga ako mapakali. Natatakot ako sa kanya. I think siya talaga yung babaeng naka-cape na kinausap ako through inner voice during the second case. Hindi ko nakita yung mukha niya noon dahil nasa may mapuno siyang lugar at madilim pero kitang-kita ko naman yung green niyang mata. Tandang-tanda ko pa rin yung mga sinabi niya sa akin noon.

 

‘No, dear. To have great powers is to also experience great misery. That’s the rule of the world. That’s the rule of our world.’

‘That’s right, dear. Solve this crime and prove yourself. Then I shall decide whether to take you or not.’

 

Hindi ko rin alam kung anong ibig sabihin ng mga binitawan niyang salita, pero sigurado ako na binabantayan niya ang bawat kilos ko that time. Pero ang pinakapinag-iisipan ko talaga sa ngayon ay si Mama. Pakiramdam ko ang dami-dami niyang tinatago sa akin. Oo, close kami ni Mama pero hindi ko akalaing hindi ko pala talaga siya kilala. Sabi nina Akane dati, halos lahat ng parents ng mga Senshins, tinuturo sa mga anak nila ang basics ng pagiging Senshin. Pero si Mama, ni wala man lang sinabi o ikinuwento sa akin. Sigurado naman akong may rason siya kung bakit hindi niya sinabi sa akin pero hindi ko pa rin talaga mapigilang mapaisip kung ano iyon. At isa pa, bakit parang walang nakakakilala sa kanya dito? Okay, alam kong dahil hindi ko alam ang alternative name niya pero hindi kaya siya yung cursed Akemi at sa kanya ko narinig yung name na Akemi? Pero sabi kasi nila, patay na yung last Akemi. Lalo lang gumulo yung isipan ko.

 

“Nee-san? Bakit gising ka pa?” napatingin ako kay Riye at nginitian ko siya. Gumaan yung pakiramdam ko nung makita ko siyang gising na at nakatingin sa akin.

“Hindi ako makatulog eh. Andami kong iniisip sa ngayon.” Saka ako napabuntung-hininga. Bigla namang lumingun-lingon sa paligid si Riye at nakita niya rin si Akane na natutulog sa may couch. Bigla siyang tumayo doon sa hospital bed kaya nagpanic ako.

“Wait, Riye. Wag ka munang tumayo at baka may mangyaring masama sa’yo.”

“No, I’m okay nee-san. Galos lang naman ang mga ‘to. Besides, may gusto akong sabihin.” Napatigil naman ako sa sinabi niya. Lumingun-lingon ulit siya sa paligid na para bang sinisiguradong walang nakikinig sa amin. Naglakad siya papunta sa akin at umupo siya sa tabi ko.

“What do you mean, Riye?” ewan ko pero feeling ko dapat na akong kabahan sa kung anumang sasabihi niya.

“Naaalala mo pa ba yung sinabi nung lalaking naka-encounter natin sa gubat? Di ba sabi niya, he needs me?” tumango ako sa sinabi niya. “I know what they want from me.” Pagkasabi niya nun, nagsimula nang bumilis yung tibok ng puso ko.

“A-anong kailangan nila sa’yo? Why are they after you?”

“Siguro alam na nila kung saang family ako galing.”  Tapos bigla niyang tinaas yung shirt niya hanggang sa bago mag-dibdib. Napatingin ako sa parang tattoo na nakalagay sa right side ng bandang bewang niya. Nakaenclose sa circles ang isang eye-shaped symbol tapos color green yung eye.

“Ano.. ano yan?” sabay turo ko doon sa tattoo na pinakita niya sa akin.

“This is the symbol of the Querino family, the best Shinigami Trackers.” Para akong nawalan ng hininga nung sinabi sa akin yun ni Riye. Shinigami Trackers? Yung biological family na pinanggalingan niya ay mga Shinigami Trackers?

 

“Kaya pala hindi ka nagbibihis sa kwarto at lagi kang sa banyo nagpapalit.” Napalingon kami kay Akane na gising na pala ngayon. So she’s been listening to us. Medyo nakahinga ako ng maluwag nung nalaman kong hindi lang ako ang makakaalam sa mga pinagsasabi ni Riye. Lumapit rin sa amin si Akane at tinaas niya yung shirt ni Riye. Tinignan niya rin yung tattoo na pinakita sa akin kanina ni Riye.

“Wait, I think I saw this mark before.” Kumunot yung noo ni Akane at mukhang iniisip niya kung saan niya nakita yung tattoo ni Riye. Pero bago pa maalala ni Akane ay inunahan na siya ni Riye.

“Sa batok ni Miss Reina. She’s one of the Querino clan, too. Pero malayong kamag-anak na kami. Kaya siya pumasok as teacher sa St. Joseph dahil dalawa tayong Senshins ang nandoon, at pareho pa tayong Atama. Para makasiguro silang walang masamang mangyayari sa atin, nagpadala sila ng isang Shinigami Tracker and that is Miss Reina.” Pagkatapos sabihin yun ni Riye, natahimik lang kami ni Akane. Ibig sabihin ba nun, alam na ni Miss Reina beforehand na mapupunta ako sa Atama?

“Ibig sabihin, kailangan ka ng lalaking nakita niyo ni Akemi dahil isa kang Shinigami Tracker?” tanong sa kanya ni Akane.

“I think so. Siguro para makakuha ng information. Pero wala naman akong masyadong alam tungkol sa pagtatrack dahil tinuturo lang iyon sa family namin kapag nag-fifteen na kami.” Sa pagkakatanda ko, fourteen pa lang si Riye this year, so next year pa siya magkakaroon ng experience about the Shinigami Tracking.

“Sinabi mo na ba ‘to kina Sir Hayate at Dra. Yuuki?” tanong ulit sa kanya ni Akane.

“I think they already know it. Baka sinabi na ni Miss Reina sa kanila yung pagiging part ko ng Shinigami Trackers. Since they can’t touch Miss Reina because she is strong, they are targeting me because I’m weak.”

“Anong pinagsasabi mo? You are not weak.” Sabi ko kay Riye. Hindi naman talaga siya mahina. Sa tingin ko nga, ako ang pinakamahina sa amin.

“You may be weak physically pero ikaw ang best support sa amin. Your analytical and medical skills are superb.” Napatango ako sa sinabing yun ni Akane at ngumiti naman si Riye. May namumuong luha na sa gilid ng mata niya pero mukhang pinipigilan niya yung bumagsak.

“Thank you Akane nee-san, Akemi nee-san. Yes, I am weak physically kaya gumawa na ako ng paraan para makilala kung sino yung lalaking yun. I recorded his voice on my phone at balak ko sanang ipadala kina Mama pero paggising ko kanina, wala na yun sa bulsa ko. Sasabihin ko sana yun kina Sir Hiroshi pero naisip ko na baka masyado silang busy para hanapin pa yung cellphone ko.” Bigla naman kaming nagtinginan ni Akane at alam kong iisa lang ang naiisip namin.

“Sa gubat.” Sabay naming nasabi yun kaya nagtaka si Riye. Alam kong nalaglag somewhere yung phone ni Riye mula sa bulsa niya nung binubuhat namin siya ni Akane pero nawala na yun sa isip ko dahil sobrang nag-aalala ako at natatakot para kay Riye nung time na yun.

“Ako na lang ang maghahanap.” Tapos tumayo ako. Pero bago pa ako makalakad ay hinawakan ni Akane at Riye ang magkabilang braso ko.

“Are you out of your mind? Alas-tres na Akemi! And that place is dangerous. Mas mabuti pang ipagpabukas na lang natin ang paghahanap.” Sabi sa akin ni Akane. Bago ako magsalita, sinigurado ko munang saradong-sarado ang isip ko dahil baka may mabasa sila.

“Don’t worry, alam ko kung saan nalaglag yung phone ni Riye. Nasa may bungad lang naman yun.” Pagsisinungaling ko sa kanila. Sana hindi sila makahalata.

“Kung pupunta ka doon, sasama ako.” This time, ako naman ang pumigil sa paglalakad ni Akane.

“No! Dito ka lang Akane. Dapat may kasama si Riye dito dahil baka kung anong mangyari.” Ewan ko pero malakas talaga ang kutob ko na hindi pa tapos yung nangyari kanina. Baka kasi kung anong mangyari na naman kay Riye kapag wala siyang kasama.

“Then how about you?”

“Kaya ko ang sarili ko.” Saka ako naglakad palabas ng kwarto ni Riye.

 

Sa totoo lang, halos mamatay na ako sa sobrang kaba. Pero isinantabi ko muna yun at naglakad palabas sa Medical Department. Alam kong ang baliw ko dahil sa ginagawa kong ‘to. Pwede nga naman naming ipagpabukas yung paghahanap pero baka bukas wala na yung phone na yun. Hindi namin alam kung babalik ba yung lalaking yun o baka may makakuha ng phone ni Riye. At isa pa, gusto kong gawin ‘to dahil naguguilty pa rin ako sa nangyari kay Riye. Sinisisi ko pa rin yung sarili ko kung bakit siya naaksidente. Siguro ito na rin yung way para makabawi man lang ako sa kanya.

 

Naglakad ako papunta doon sa gubat. Napayakap pa ako sa sarili ko dahil biglang humangin ng malakas. Sobrang dilim rin ng paligid at sobrang tahimik. Yung footsteps ko lang at ang hangin ang naririnig ko. Sinubukan kong i-enhance yung eyesight ko to its maximum distance, which is 700 meters. Kahit sobrang dilim, nakikita ko pa rin naman kung saan ako papunta.

 

Nakarating ako sa may bandang bungad ng gubat. This time, nilabas ko yung phone ko para magsilbing flashlight. Pero pagkabukas na pagkabukas ko, bigla akong may narinig na kumaluskos. Napatingin ako sa paligid at chineck kung ano yun pero wala naman akong makita dahil sobrang dilim. Lumakad ulit ako papasok sa gubat pero this time, lalong lumakas yung mga naririnig kong kaluskos. Sinimulan na akong kabahan. Nararamdaman kong papalapit na ng papalapit sa akin yung tunog pero hindi na ako makagalaw sa sobrang kaba. Kinurot ko pa yung sarili ko para lang makapagfunction ng maayos. Nung ihahakbang ko na pabalik yung paa ko ay biglang may nagtakip ng bibig ko at hinigit ako sa bewang papunta sa likod ng isang puno. Halos lumabas na yung puso ko sa sobrang kaba. Gusto kong sumigaw at magwala pero hindi ko magawa dahil sobrang higpit ng hawak niya. Mawawalan na sana ako ng pag-asa pero bigla niyang niluwagan yung hawak niya sa akin.

 

‘It’s me. Don’t be scared.’ Pagkarinig na pagkarinig ko nun sa isip ko, nakahinga na ako ng maluwag. Si Hiro pala yun. Magtatanong na sana ako kung anong nangyayari pero bigla niya uling hinigpitan yung hawak niya sa akin. ‘Shh. Wag ka munang gumalaw at magsalita.’ Naramdaman ko yung paggalaw ng ulo niya papunta sa right side kaya napatingin rin ako sa right side. Nung una, wala akong makita kundi kadiliman, pero nung narinig ko ulit yung mga kaluskos, alam kong may mga tao doon. Pinilit kong tignan kung sino ang nandoon pero wala talaga akong makita. Susuko na sana ako pero may nakita akong green lights kaya lalo ko pang finocus yung tingin ko doon. Saka ko narealize, na mata pala ng tao yung green lights na tinitignan ko.

 

“Come on, we need to go.” Sabi nung isa.

“Fine.” Sagot nung isa pa. Bigla namang may umilaw doon sa pagitan nila at narealize kong hawak na pala nila yung phone ni Riye. Napatingin ako sa dalawang lalaki at halos hindi ako nakahinga nung nakita ko yung mukha nung isa dahil sa ilaw na galing sa phone ni Riye.

 

No way.

 

I... I know that guy.