.

.

Chapter 29

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

“Are you alright?” napaupo ako sa lupa noong nakaalis na yung dalawang taong nag-uusap. Kasama ko pa rin si Hiro at hindi ako makapaniwala sa nakita ko kanina.

 

“Okay lang.” Kinalma ko muna yung sarili ko dahil feeling ko mababaliw ako kapag nag-isip pa ako ng kung anu-ano. Tumayo na rin agad ako. Pero may tanong na bumagabag sa isip ko. “Bakit ka nga pala nandito, Hiro?”

 

“Checking some evidence.” Speaking of evidence, nanlumo ako nung marealize ko na nakuha nila yung phone ni Riye. Yun yung pinunta ko dito sa gubat na ‘to pero hindi ko naman nakuha.

 

Napatingin ako kay Hiro at nakita kong nagtetext siya sa phone niya. After that, bigla niya akong hinatak palayo doon sa may gubat.

 

“W-wait. Saan tayo pupunta?”

 

“Agency. I already texted them.”

 

Hindi na ulit ako nagtanong. At saka alam ko namang kailangan talaga naming pag-usapan yung mga nangyari. Masyadong maraming misteryo na ang bumabalot dito na hindi ko naman maipaliwanag at maintindihan.

 

Habang naglalakad kami ay chineck ko rin yung phone ko. Pagtingin ko, 3:03 AM na pala. Sobrang dilim ng paligid kaya tanging phones lang namin ang nagsilbing guide sa paglalakad namin. Nakita ko rin na panay ang missed calls mula kay Akane. Di kaya narinig niya rin yung mga kaluskos na narinig ko kanina sa gubat? Abot naman kasi ng range niya yung unahan ng gubat.

 

Nagulat naman ako nung bigla na naman niya akong hinigit pagilid at nagtago kami sa gilid ng isang building. Itatanong ko sana kung bakit pero nalaman ko rin kaagad nung may narinig akong mga boses.

 

“Yes. I felt their presence.” Kahit madilim ay alam kong boses iyon ni Ms. Reina.

“May binalikan kaya sila? Mas mabuti pa, puntahan na lang natin.” Rinig ko naman sa boses ni sir Hayate.

“And let me investigate on how they vanished.” Pati yung boses ni sir Hiroshi narinig ko rin.

 

Nag-uusap sila ng kung anu-ano habang naglalakad palayo pero hindi ko na masyadong marinig, hanggang sa wala na talaga akong marinig. So pupunta rin pala sila doon sa gubat. Buti na lang at hindi nila kami doon naabutan dahil lagpas na kami sa curfew.

 

Naramdaman ko ulit yung paghatak ni Hiro sa kamay ko kaya naglakad na ulit kami, this time, mas binilisan namin dahil baka may makahuli pa sa amin. Pumasok kami sa Midori Building. Nakakatakot lang dahil sobrang dilim at wala talagang nakabukas na ilaw. Bigla naman siyang huminto kaya alam kong papasok na kami sa hallway. Pagbukas niya ng pinto, parang huminto yung heartbeat ko. Kapag pumapasok kami rito pag umaga or tanghali, nakakatakot na dahil sobrang dilim sa hallway. Pero ngayong 3 AM, parang lalong dumilim yung paligid. Pagtapak namin sa loob, wala na talaga akong makitang kahit ano. Tapos ang lamig pa sa pakiramdam. Yung para bang may hahatak sa’yo anytime.

 

Habang naglalakad kami, rinig na rinig ko yung footsteps namin pati yung paghinga ko. Minabuti kong bilisan ang paglalakad ko dahil iba talaga ang pakiramdam ko sa lugar na ‘to.

 

After fifteen minutes of walking, nakarating rin kami kaagad sa agency. Pagdating namin doon, nakabukas na yung ilaw at nandoon na rin sina Akane, Reiji, Ken at Riye. Biglang nawala lahat ng takot na naramdaman ko kanina nung nakita ko si Riye sa harapan ko.

 

“Riye? Bakit ka nandito? Okay ka na ba? Pinayagan ka na bang lumabas? Paano yung--”

“Calm down, Akemi. Tumakas lang kami.” Biglang sabi ni Akane.

“Okay lang po ako nee-san. Mga galos lang naman ‘to.” Wala naman akong nagawa. Nandito na sila kaya wala na talaga akong magagawa.

 

Naupo naman ako sa tabi nila at saka ako nagpakawala ng buntung-hininga. Narealize ko na halos hindi na pala ako huminga kanina sa sobrang takot sa pagdaan doon sa hallway. Tapos sila, parang wala lang sa kanila. Siguro nasanay na rin sila sa pagdaan doon.

 

“Ano bang nangyari, Hiro?” sabi ni Ken habang nag-iinat pa ng kamay. Naka-pajama pa siya kaya halatang kagigising niya lang.

“Shinigamis.” Pagkabanggit nun ni Hiro, biglang naging seryoso yung mukha nilang lahat. Maski ako, napatahimik rin sa sinabi niya.

“Wait. Ibig sabihin, nasa gubat na naman sila?” tanong ni Akane habang nakatingin siya sa akin.

“Sa gubat ? Paano mo nalaman ?” this time, si Reiji naman ang nagtanong kay Akane.

“Pumunta kasi doon si nee-san para hanapin yung phone ko. Narecord ko kasi yung boses ng Shinigami na umatake sa amin kaya naisip ko na baka pwede nating magamit yun for tracking his identity.” Sabi naman ni Riye at halatang naguiguilty siya sa nangyari.

 

Dahil nandito na rin naman kaming lahat, kinuwento ko sa kanila yung nangyari. Kung paano namin nakita yung dalawang Shinigami at nung nawala na sila habang hawak-hawak yung phone ni Riye, pati yung narinig naming usapan ng mga teachers namin. Pero kahit nasabi ko na yung lahat, may kung ano pa ring mabigat sa loob ko.

 

“So they are also investigating it. Panigurado, tinatrack na ni Ms. Reina ngayon yung mga Shinigami na yun.” Tumayo si Akane at nagpalakad-lakad sa kwarto.

“Pero mas gusto kong malaman kung paano sila sumusulpot at bigla na lang nawawala. You think they can teleport themselves?” tanong naman ni Ken na mukhang gising na gising na ngayon.

“Nakita niyo ba yung mga mukha nila?” napayuko ako bigla nung tinanong iyon ni Reiji.

“We saw their faces and I can describe them to you.” Sabi naman ni Hiro.

“Teka, di ba may device na ang Technology Department na nakakapagvisualize ng mga nasa isip ng tao?” narinig kong sabi ni Reiji.

“Pero ang alam ko, for officials lang yun ng school eh.” Sagot naman ni Riye sa kanya.

 

Napatingin naman ako sa kanila. May ganung device na pala? Makikita mo visually yung nasa isip ng isang tao?

 

“There’s no need for that. She knows one of them.” Tapos bigla siyang tumingin sa akin kaya napatingin rin lahat sa akin. Oh gosh. Sabi na nga ba nabasa na naman niya yung nasa isip ko kanina eh. And I think narinig niya yung sinabi ko kanina.

 

Napapikit na lang ako dahil hindi ko alam ang irereact ko. Sana nga mali yung nakita ko kanina eh. Sana hindi mukha niya yung nakita ko. Pero kilala ko siya. Alam ko kung anong itsura niya. Pero paano yun nangyari?

 

“Kilala mo yung isa? How come?” lumapit sa akin si Ken at napabuntung-hininga na lang ako. Siguro may karapatan naman silang malaman kung sino siya.

 

“His name is Darwin. Naging classmate ko siya sa dati kong school. Akala ko humdrum lang siya pero hindi ko akalaing makikita ko siya kanina.” After kong sabihin yun, natahimik rin sila.

 

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nakita ko kanina. I saw him. I saw Darwin. Siya lang yung kaisa-isang kaklase ko na maituturing kong naging kaibigan ko. I still remember the time na siya pa ang naghatid ng bag ko sa Principal’s Office. Akala ko hindi ko na siya makikita, pero nagkamali ako. Namukhaan ko siya kanina. His familiar face. His voice. Alam kong siya yun. Pero paano siya naging... naging Shinigami? At alam niya kayang nandito ako sa Tantei High? Alam niya kayang Senshin ako?

 

Nabasag ang katahimikan namin nung biglang bumukas yung pinto ng agency. Napatingin kaming lahat sa pinto at halos mapasigaw ako nung makita ko yung nasa may pintuan.

 

“Is this the Detective Agency?” tanong ng isang matandang babae. Napaatras ako nung bumaling yung tingin niya sa akin. Payat siya at marami ng puti ang buhok niya. Pero natakot talaga ako sa itsura niya. Malaki yung mga mata niya tapos may malaki siyang scar sa right cheek at kulu-kulubot yung balat niya sa mukha.

 

“Yes.” Si Hiro ang unang nakapag-react sa amin.

 

“I want you to investigate on the robbery cases.” Lumapit siya sa amin at may nilapag siyang mga litrato.