.

.

Chapter 3

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, December 24, 2014


***

“Whoa!”

“Cool!”

“Ang ganda grabe!”

 

Ganyan ang kadalasan kong naririnig sa ngayon. Sa tantsa ko eh nasa 50+ kaming transferees. Naglalakad kami ngayon papunta sa gate, pero yung labas pa lang ng Tantei High eh sobrang nakakaamaze na. Nung papasok na kami sa main gate ng school, huminto yung apat na men in black kaya napahinto rin kami.

 

“Admission slips?” sabi nung lalaking light brown, almost blond ang buhok.

 

Ako naman eh dali-daling kinuha yung wallet ko tapos nilabas ko yung admission slip ko. Ganun din ang ginawa ng iba. Pinapila kami nung isa pang lalaki tapos isa-isa niyang tinignan at kinuha yung slips namin. Then nilusot niya yun sa center ng gate. Hindi ko agad napansin dahil medyo malayo ako pero parang may lusutan ng thin card or paper doon sa gate. Tapos nagulat ako nung may kinuha yung isa pang lalaking nakatuxedo doon sa likod nung device na pinasukan nung slip ng isang estudyante. Nung tinaas kasi niya, ID na yung slip.

 

“Cool.” Nasabi ko nalang nung makita ko yun.

“Anong cool?” napatingin naman ako sa babae sa harapan ko. Nakalingon na kasi siya sa akin.

“Uhm, yung slip kasi natin, nagiging ID. Ayun oh.” Tapos tinuro ko yung device sa gitna ng gate.

“Huh? Wala akong makita.”

“Ahh maliit lang kasi eh.”

 

Tapos tinaasan niya ako ng kilay. Sabi ko nga mukhang malabo ang mata niya at hindi niya makita yun. Tsk. Hinintay ko naman yung turn ko. Siguro ten minutes ang nakalipas bago ako mapunta sa pinakaharap.

 

“Rainie Lazaro?” tumango naman agad ako. Then pinasok niya yung slip ko sa may device doon sa gate. After a minute, kinuha niya yung ID ko sa kabilang side ng device tapos binigay niya sa akin.

 

Di naman ako nakapagsalita. Ang cool kasi talaga eh. Tinignan ko yung ID ko pero wala pa palang picture. Itatanong ko na sana dun sa lalaki pero naunahan na niya ako.

 

“Sundan mo lang yung iba mong kasama. Dun mo kunin ang ID picture mo.” Tapos ngumiti siya sa akin. Nagbow naman ako sa kanya tapos binitbit ko na yung backpack ko tsaka hinatak ko yung malaking maleta ko. Pumasok ako doon sa main gate at sinundan ko yung babae kanina sa harap ko na nagtanong kung ano yung nakita ko.

 

Merong tatlong building na nasa harapan ko ngayon. Nakapalibot sila sa akin. Tapos marami pang buildings sa likod tsaka sa gilid. Grabe lang. Sobrang laki ng school na ‘to. Di ko inexpect na ganito pala ang Tantei High. Samantalang yung school namin eh isang malaking building lang.

 

Bago pa pasukan ng langaw yung bibig ko eh tinikom ko na yun at sinundan nalang ulit yung babae. Pumasok siya doon sa building na nasa harapan namin kaya pumasok na rin ako. Nakita ko naman na parang may booth doon sa entrance ng building. Paglapit ko, counter pala. Doon iniwan nung mga kasama kong transferees yung bags nila, so iniwan ko na rin doon at binigay sa akin ni kuyang nagbabantay yung number 23.

 

“Uhm bago ka pala pumunta sa ID Room, magpalit ka muna ng uniform mo. Nasa right side yung CR.”

 

Sabi sa akin nung nagbabantay sa booth. Tumango nalang ako tsaka ako pumunta doon sa CR. Dinalian ko lang yung pagpapalit ng uniform since madali lang naman siyang isuot. Tapos eh lumabas na rin ako kaagad. Hinanap ko ulit yung kasunod ko kanina sa pila tapos nakita ko siya na paakyat ng hagdan kaya sinundan ko, then umakyat siya sa second floor at kumanan, tapos huminto siya sa isang room na nakasulat sa may pinto ‘ID Room’.

 

Pagpasok ko, halos mapasigaw ako sa sobrang gulat at amazement. Eh paano kasi, ang lawak nung room. Parang three times ang laki sa bahay naming, tapos ID room lang siya? Tapos may waiting area doon na parang sa airport kaya naupo ako kasunod nung babaeng sinundan ko.

 

“Perez, Ariella?” tumayo rin siya agad.

 

Hahaha kawawa naman yun, kauupo lang tapos natawag agad. Tumayo siya doon sa harapan ng tumawag sa kanya, tapos pinaharap siya doon sa may salamin sa gilid.

 

“Smile Ms. Perez. Gusto mo bang nakasimangot ka sa ID Picture mo?” bigla namang napangiti yung Ms. Perez sa harapan ng salamin. Tapos biglang...

 

Whoa! That was...COOL!

 

Biglang lumiwanag yung buong salamin tapos may machine doon sa gilid nun at lumabas doon yung ID niya.. with picture at lace na rin. Cool. Ang astig talaga! Camera na salamin? Ayos yun ah!

 

“Lazaro, Rainie?” napatayo agad ako at biglang nagdrumroll yung puso ko. Hala ka bigla akong kinabahan! Grabe Rainie, papapicture ka lang! Wag kang OA!

 

Humarap naman ako doon sa nag-aassist na babae and I gasped. Hindi ko talaga napigilan yung sarili ko.

 

“Ohh, sorry.” Tapos ngumiti siya sa akin.

 

Ako naman eh nakatingin pa rin sa kanya. Grabe. Nafreeze na ako doon sa kinatatayuan ko. Eh paano ba naman kasi!! Yung mata niya is kulay green, tapos biglang nag-yellow, then bumalik ulit sa pagiging green! Sinong di magugulat doon?! Feeling ko tumayo lahat ng balahibo sa katawan ko! Parang.. wait. So.. hindi nga ako namalikmata nung nakita kong naging green yung mata ni ma’am Castro? Totoo yun? Shiz! Anong magic yun? Bigla nalang nagbabago yung kulay ng mata nila. Ang disturbing lang.

 

“Ms. Lazaro, please look at the mirror.” Huminga naman ako ng malalim at sinubukan kong kumalma. Then after nun eh tumingin na ako doon sa mirror sa wall. At gaya nung nangyari doon sa ibang estudyante kanina, lumiwanag yung salamin na parang flash ng camera tapos lumabas doon sa gilid yung ID ko na may picture ko na at lace.

 

“Proceed to Midori Building Ms. Lazaro.”

 

Nagbow ako doon sa nag-aassist tapos lumabas na ako ng room. Kinuha ko naman ulit yung wallet ko at nilabas yung map na nakaattach din dun sa mga papeles ko kahapon. Tapos bumaba ako at kinuha ko yung backpack at maleta ko. Phew! Grabe ang bigat ng mga dala ko ha! Ang laki-laki pa naman ng school na ‘to! Feeling ko magiging kuba ako, di pa nagsisimula ang mga klase. Tinignan ko yung map habang naglalakad. Tapos nakita ko na ang Midori Building ay nasa likod pala ng building na’to. Phew buti nalang malapit. Ayoko nang maglakad ng malayo lalo na’t ang dami kong dala at isa pa, may takong yung sapatos ko! Si mama kasi ang pumili neto. Binilhan niya pala ako ng boots kahapon. Adik talaga yung nanay ko.

 

Naglakad naman ako papunta doon. Tapos bigla akong napaisip. Bakit kaya Midori? Pinangalan kaya yun sa isang tao? Or may iba pang meaning yun? Ah ewan! Bakit ko pa ba yun iniisip eh for sure malalaman ko rin naman yun maya-maya lang.

 

Pagdating ko doon eh halos mabitawan ko yung maleta ko. Grabe. Ang daming estudyante!! Hindi ko alam kung maeexcite ba ako o matatakot o mahihiya! Tapos parang naestatwa na naman ako doon sa pwesto ko! Nagkalat sila sa harapan ng Midori Building. Halos teenagers ang nakikita ko pero nung tumingin ako sa right side eh meron rin palang mga parang elementary at...pre-school?!

 

“Okay students.” Napalakad ako ng mabilis doon sa gitna kung saan marami ring estudyante nung narinig kong nagsalita yung nasa harapan. Tumahimik naman bigla lahat at tumingin doon sa lalaking nagsalita.

 

“Ngayon ang first day of school niyo. At tulad ng nakasanayan, transferees and newly-admitted students, please step forward.”

 

Bigla namang kumabog ng malakas yung dibdib ko. Waaah bakit pupunta sa harapan?! Anong gagawin?! Hala kinakabahan na talaga ako!

 

Wala naman akong nagawa kundi pumunta sa harapan kasama nung iba pang transferees. Tapos kasabay namin eh yung mga newly-admitted students.. na hindi ko akalaing ang babata pa. Para silang manika! Siguro 4-5 years old palang sila at kitang-kita sa mukha nila na kinakabahan, or more like natatakot sila.

 

Nung nasa harapan na kaming lahat, eh halos nagpapawis na yung kamay ko sa sobrang kaba. Eh paano ba naman kasi lahat nung natirang estudyante sa gitna eh nakatingin sa amin!! Nakakatakot kaya! Nagulat naman ako nung biglang nagform ng six lines yung mga natirang estudyante. Pero ang weird lang dahil yung limang pila eh ang daming estudyanteng nakapila, pero yung pinakaleft side eh lima lang. Then yung nasa unahan ng mga pila ay may hawak na parang name plate. Pero di ko naman gets yung nakasulat. Yung isa ay Hana ang nakasulat tapos may Mimi—

 

 

“Sa mga nasa harapan, pakitignan ang ID card ninyo. Kung mapapansin niyo eh alphanumeric ang student number na nakalagay dyan. Ang unang letra ang magsasabi kung saang family kayo mapupunta.”

 

Family? Huh? Para saan?

 

 

“Ang family, ang magiging category ninyo. Ang A ay sa “Me”, B ay sa “Hana”, C ay sa “Mimi”,  D ay sa “Kuchi” at E ay sa “Hada”. Japanese words yan for your sixth sense. Go to your respective families para maexplain sa inyo yung meaning nyan.”

 

Tinignan ko naman yung akin.

 

MT203-F05647

 

Okay. Asan ang A-E dito? Bakit parang wala?

 

Isa-isa namang nagsisilapitan yung mga kasama ko doon sa pila habang ako eh nakatingin lang sa ID ko. Naman eh! Ano ba ‘to?! Bakit walang A, B, C, D, o E dito?! Ano ‘to lokohan? Wala akong family?

 

Dahil unti-unti ng nauubos yung mga nasa harapan at ayoko namang maiwang mag-isa doon, lumapit ako sa nagsasalita at itatanong ko nalang sa kanya kung may mali doon sa ID ko dahil wala akong makitang A-E na letters.

 

“Ahm, excuse me po sir.” Tumingin naman agad siya sa akin tapos ngumiti.

“Yes?”

“Ahh itatanong ko lang po sana kung.. kung may mali po ba sa ID ko.”

“Ha? Bakit?” kumunot yung noo niya, kaya ako naman eh dali-daling binigay yung ID ko sa kanya. Kasi naman eh! Baka mamaya naduling lang ako at di ko nakita yung A-E. Kaso MT talaga yung nakalagay eh!

 

Nung tumingin siya sa ID ko eh nanlaki yung mata niya at palipat-lipat yung tingin niya sa akin at sa ID ko. Te..teka. Ano bang problema sa ID ko? Kinakabahan na talaga ako ha.

 

Bigla naman niyang inabot sa akin yung ID ko at kinuha niya yung mic. OMG ipapahiya niya ba ako dahil di ko makita ang A-E na letters sa student number ko? Hala baka nga naduling ako?

 

“Ang MT ay sa ‘Atama’.”

 

WHOA! So ibig sabihin may family ako? Grabe akala ko wala! Buti nalang! Eh kasi naman di niya sinabi lahat! May MT pa pala! Psh. Pero nung pagtalikod ko eh biglang lahat sila eh nakatingin sa akin. Te.. teka. Ano na naman bang meron?

 

“Sige na Ms. Lazaro, pumunta ka na sa family mo.” Bulong sa akin nung lalaki na kinausap ko. Nagpakawala muna ako ng isang malalim na bunting-hininga bago ko kinuha yung maleta ko at lumakad papunta doon sa mga pila. Then nung halfway na ako eh iniscan ko yung name plates tapos nakita ko yung “Atama”. Yun yung may limang students lang na nakapila. Ewan ko pero bigla akong kinabahan. Para kasing.. may something sa group na yun. Di kaya sila yung mga troublemakers kaya nakahiwalay sila? Eh hindi naman ako troublemaker eh!

 

Nung papalapit  na ako eh saka ko lang nakita kung sino yung mga andun. Dalawang babae at tatlong lalaki. Tapos yung isang babae...

 

 

“Teka ikaw si Rizelle Querino di ba?!”

 

Bigla naman siyang nagulat at tumango.

 

 

OMG! Siya nga! Siya yung second year last year na nagquit sa school last year! Grabe! Di ko akalain na makikita ko ulit siya! Pero sabagay, sinabi naman na ni Ma’am Castro na nandito nga siya sa school na ‘to. Pero di ko naman kasi masyadong inexpect na makikita ko siya agad no!

 

“Wow! Magkakilala pala kayo. That’s nice!” napatingin naman ako doon sa isa pang babae. At sobrang ganda niya. Oh my, parang gusto ko ng maging tomboy. Medyo reddish ang hair niya na hanggang bewang tapos curly yung dulo.

 

“Well, it’s really nice na may babae ulit dito! OMG! Naeexcite ako! Ahahaha!” nahiya naman ako bigla nung inangkla niya yung braso niya sa braso ko tapos hinatak niya rin si Rizelle kaya magkakakabit kaming tatlo.

 

“Ano palang pangalan mo?” tanong nung isang guy na brownish ang buhok at...OMG. Yellow ang mata niya?! OH GOSH! Para siyang pusa!

 

”R-Rainie Lazaro” tapos ngumiti ako sa kanila at nagbow na rin.

 

 

“So Rainie Lazaro, welcome to Meitantei! The best family in Tantei High! Hahaha!” sigaw nung babaeng maganda sabay hila sa amin ni Rizelle.

 

Wait. Did I hear it right? The...the best?