.

.

Chapter 30

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Napatingin kami sa mga litrato na inilapag nung matanda.
Nalula ako sa nakita ko. Sa mga pictures kasi, puro ginto, pera at alahas yung nakita ko. Kahit pictures lang yun, nakakaoverwhelm pa rin.

 

“Excuse me lang ho lola, pero hindi pa po bukas yung agency. Mag-fofour pa lang po.” Napatingin naman kami kay Ken. Pero sabagay, may point siya. At saka, paano nakapasok dito yung matandang babae? Di ba kailangan pang dumaan sa Tantei Police Department na nasa kabilang kwarto bago makapasok dito?

 

Nasagot naman ang tanong ko nung biglang bumukas yung pinto at bumungad sa amin si Sir Ryuu.

 

“Whoa! Ang aga niyo ata? At bakit mga nakapantulog pa kayo?” sabay tingin sa amin ni Sir Ryuu na parang ang weird namin. “Mukhang di na kayo maghihintay ng matagal, Ma’am.” Tapos tuluyan nang pumasok sa agency. Pinaupo siya ni Sir doon sa may sofa kaya sumunod kami habang dala-dala namin yung mga litratong nilapag niya sa desk.

 

“This is Ma’am Ana Felidad. An alumna of Tantei High.” Pagkasabi nun ni Sir Ryuu, pare-pareho kaming nagulat. Galing rin siya sa Tantei High? Pero kung isa rin siyang Senshin, bakit siya nagpapatulong sa isang robbery case? Hindi ba may ability naman ang mga Senshin para doon? Kaya nga nag-aral sa Tantei High para ma-enhance yung skills as a detective. Pero narealize ko, matanda na nga pala siya. Kailangan niya pa rin ng assistance. Pero wala kaya siyang pamilya? Di ba pure blood naman lahat ng Senshin? Ibig sabihin, Senshins rin yung pamilya niya.

 

“Alam ko kung sino ang thieves pero hindi ko alam kung paano sila mahuhuli.” Sabi ni Ma’am Ana.

“Paano niyo po nalaman?” tanong ni Akane sa kanya. Then after that, biglang nagkulay yellow green yung mata ni Ma’am Ana.

“I have the ability to distinguish pure metals from other kinds of matter.” Tapos bigla niyang hinawakan yung pictures na dala niya. “Nung time na nanakawin na nila yung Golden Sun, pinalitan ko ito ng replica na hindi pure gold. Binantayan ko sila thru CCTV na nakainstall doon sa room kung saan nakadisplay yung Golden Sun replica. Akala ko hindi nila mapapansin pero hindi nila yun kinuha at nagbanta na kailangan kong ilabas ang Golden Sun tonight. Kaya naisip kong baka yung isa sa mga nagtangkang magnakaw ay halos may kaparehas na ability sa akin na kayang magdetermine kung pure ba ang isang substance o hindi. And I am 100% sure that they are Shinigamis.”

 

Natahimik kami after nung sinabi ni Ma’am Ana. Ang amazing naman ng sixth sense niya. Pero natakot ako sa sinabi niya. Ibig sabihin ba nito, yung nababalitang robbery cases ay kagagawan na naman ng mga Shinigami?

 

“Teka, sila ang nagdemand na ilabas niyo yung kung anuman yung Golden Sun na yun? Ibang klase sila magnakaw ha.” Napangiti naman ako sa sinabi ni Ken. Oo nga naman. Bakit sila pa yung nagdedemand?

 

“It’s not what you think. Kung alam kong kaya namin sila, hindi na ako pupunta rito. They are too strong for us. Nung pinalit ko yung replica, pinatay nila ang isa kong anak bilang kabayaran daw sa ginawa ko.” Pagkasabi niya nun, parang bumigat yung pakiramdam ko. P-pinatay yung anak niya? Dahil hindi yung tunay na Golden Sun yung nakadisplay doon? Grabe naman! Wala na ba talagang puso ang mga Shinigami? Paano nila nakakayang pumatay ng inosenteng tao?

 

“Obaa-san, anong oras po raw nila babalikan yung Golden Sun at saan? Did they give some instructions?” si Riye naman ang nagtanong. Pero ano raw? Obaa-san? Nirecall ko yung mga napanood kong anime para malaman kung anong meaning nun. After some time, parang naalala ko na old lady ata ang meaning nun. Di naman masyadong mahilig si Riye sa Japanese terms, no?

 

“I think they are highly-positioned Shinigami. Nag-iwan sila ng note doon sa room at bigla na lang nawala na parang bula. Pagpunta ko doon sa room, nakasulat doon yung oras at lugar.” May kinuha siya doon sa bag niya at nilapag niya sa harapan namin. Pagtingin ko, yun ata yung note na iniwan ng mga Shinigami.

 

10 PM

Display Room

 

Yun ang nakasulat sa isang maliit na papel pero nakakatakot lang dahil nakasulat ng kulay red.

 

“That’s the blood of my son.” Halos magcrack yung boses ni Ma’am Ana nung sinabi niya yun. Napabitaw naman si Akane sa pagkakahawak doon sa papel.

 

Kung nung una ay natatakot ako dahil sa itsura niya, ngayon ay naaawa na ako sa kanya. Ang tanda na niya pero nakakaramdam pa rin siya ng ganitong sakit. Namatayan pa siya ng anak.

 

“Why don’t we use the Wavisual Device?” napatingin naman ako kay Reiji. Wavisual? Ano yun? “I mean the device that converts brain waves to visual images.” Nakita niya siguro yung expression ko kaya niya yun sinabi.

 

So yun pala yung sinasabi nila kanina na gamitin kay Hiro para makita rin namin yung nasa isip niya. Pero hindi ba sabi nila for officials lang yun ng Tantei High?

 

“Okay. Kakausapin ko lang si Hiroshi.” Tapos umalis na doon sa agency si Sir Ryuu at doon siya dumaan sa creepy hallway.

 

Napahikab naman ako. Oh gosh. Hindi pa pala ako natutulog. Well, halos lahat naman ata kami hindi pa masyadong nakakatulog. I know na pagod kaming lahat pero kailangan naming tulungan si Ma’am Ana.

 

“Ah pwede po bang magtanong? Ano pong nangyari dyan sa peklat sa mukha niyo?” parang nagising yung diwa ko sa ginawang pagtatanong ni Ken. Hindi ko alam kung wala lang ba talaga siyang respeto o sadyang curious lang siya sa mga bagay-bagay. Basta ang alam ko lang, pagkatapos niyang sabihin yun, nakatikim siya ng isang matinding sapok kay Akane.

 

“Ah eto?” hinawakan naman ni Ma’am Ana yung mahabang scar niya sa mukha. Akala ko papagalitan niya si Ken pero mukhang mabait naman siya.

 

“Is that from the incident fifteen years ago?” napatingin kaming lahat kay Hiro. Fifteen years ago?

 

“Very brilliant, kid. Yes. Nakuha ko ito mula sa Shinigami Attack fifteen years ago. Nasa Tantei High pa ako nun at isa ako sa mga nakipaglaban sa kanila. It was a terrible incident but great. Nakita ko kung gaano kalakas ang ibang Senshins maging ang ibang Shinigami. It’s like watching the gods and goddesses battle each other.”

 

Bigla akong kinabahan. So it means, isa siya sa witness sa greatness ng the Great Seven. Ibig sabihin... kilala niya yung dating Akemi.

 

“How was the one named Akemi?” bigla kong naitanong kaya napatingin sila sa akin. Gusto ko talagang malaman yung mga nangyari sa Great Seven, lalung-lalo na kay Akemi.

 

“All I know is that she is great. And it’s forbidden to speak about her.”

 

“B-bakit po?”

 

“I don’t know. Basta ang alam ko hindi pwede.”

 

“How about my Mom?” this time, si Akane naman ang nagtanong. Kitang-kita ko sa kanya yung lungkot. Siguro miss na miss na niya ang mama niya ngayon.

 

“Si Akira ba ang nanay mo? Kamukhang-kamukha mo siya noong ganyang edad pa siya. She also had that red hair, just like yours. Ahh, ang bilis talaga ng panahon. Isa siya sa mga pinakamagagaling na Senshin na nakilala ko. I hope you would also be.” Tsaka ngumiti si Ma’am Ana.

 

“Siya rin ho. He’s the son of Hideo, the current president.” Dagdag pa ni Akane, sabay turo kay Hiro. Tumingin naman kay Hiro si Ma’am Ana at napakunot ang noo nito.

 

“Hindi kayo masyadong magkamukha. Pero yang blank expression mo, ganyang-ganyan rin siya dati. Pati yung pagiging tahimik at walang imik. I guess you’ll be as great as him.”

 

“I looked like my mother.” Biglang sabi naman ni Hiro na parang na-offend sa sinabi ni Ma’am Ana.

 

“Oh wait. You mean your mother is—” naputol naman yung sasabihin sana ni Ma’am Ana nung biglang bumukas yung pinto ng agency mula doon sa Tantei Police. Bumungad sa amin sina Sir Hayate at Ms. Reina.

 

“Teka, bakit nandito na kayo? Alas-kuwatro pa lang ah?” tanong agad sa amin ni Ms. Reina nung naabutan nila kami dito sa loob ng agency.

 

“Uhm, emergency client. Ha-ha.” Sabay turo naman ni Ken at Reiji kay Ma’am Ana.

 

Bumukas rin yung pinto sa kabila at nakita namin na pumasok si Sir Ryuu at si Sir Hiroshi habang may hawak-hawak na head gear. Si Sir Hiroshi, halatang nagmadali. Kahit nakashirt at jeans siya, halata namang bagong gising siya dahil ang gulu-gulo ng buhok tapos di pa pantay yung salamin niya. Pero ano yung hawak niya? Yun na ba yung Wavisual Device?

 

“Oh, what a great sight.” Sabi ni Sir Hiroshi nung makita niya kaming mga nakapantulog rin, except kay Hiro, Ms. Reina at Sir Hayate.

 

“Teka ano bang nangyayari? Can someone explain it--” napahinto naman sa pagsasalita si Sir Hayate kaya nagtaka kami. Then bigla na lang siyang nag-nod. “Oh, okay. Got it.” Tapos umupo siya sa tapat ni Ms. Ana at kinausap niya ito.

 

Mukhang alam ko na ang nangyari. Napatingin ako kay Hiro dahil alam kong siya lang naman ang may kakayahan dito sa amin na makapag-invade ng utak kahit naka-close naman ito. Siguro sinabi niya na kay Sir Hayate yung summary ng nangyari through his inner voice.

 

Napaisip tuloy ako, ano kayang laman ng isip niya? I mean, no one could read his mind. Siguro kaya ng pamilya niya dahil siguro same genes? Err. Ewan. Ayoko sa Biology. Ano namang alam ko sa genes di ba?

 

Pero ano nga kaya? Siguro sobrang kumplikado ng utak niya. Nacurious tuloy ako bigla. Sana kahit minsan, i-try niyang buksan yung isip niya para naman mabasa ng mga taong nakapaligid sa kanya.

 

‘If you could read my mind, you'd be in tears.’

 

Halos napatalon ako nung narinig ko yun sa isip ko. Shocks! Oh my gosh, Rainie! Bakit ba nakakalimutan kong kaya niya rin palang iinvade ang utak ko? Did he just read what I’m thinking? Nakakahiya! Pero anong sabi niya, I’d be in tears? Bakit naman?

 

‘Bakit naman ako iiyak?’

 

‘You know, girls and their dramas.’

 

Napatigil naman ako. Drama? Masyado bang madrama ang buhay niya kaya niya nasabing maiiyak ako? Hah. Same goes with guys and their so called coolness.

 

Napatingin na lang ulit ako kay Ma’am Ana habang sinusuot sa kanya yung head gear. Pinaupo siya ulit doon sa sofa habang kami naman ay nakatayo sa paligid niya. Naka-assist sa kanya si Sir Hiroshi habang kinakabit yug head gear sa kanya.

 

“Okay, Ma’am. Alam kong baka may malaman kaming personal sa buhay niyo at ayoko namang isipin na iniinvade namin ang pagkatao mo. Kaya ang gawin niyo lang po, i-recall niyo lang yung nangyari last night para yun lang ang makita namin. Okay po ba?” sabi ni Sir Hiroshi at tumango naman si Ma’am Ana.

 

After that, may pinindot na button si Sir Hiroshi doon sa gilid ng head gear at bigla na lang nadisplay like hologram yung nasa isip ni Ma’am Ana. Napapanood namin yung nangyayari through her point of view.

 

Nasa isang camera room si Ma’am Ana at nakatingin siya sa isang monitor kung saan nandoon yung dalawang magnanakaw. Nakatalikod sila sa amin kaya hindi namin makita yung mga mukha nila. Lumapit sila sa isang glass case kung saan nakadisplay yung Golden Sun. Doon ko nakita kung ano yung itsura ng Golden Sun. Akala ko kanina, hugis araw lang talaga siya na gawa sa gold, pero hindi pala. Life-size statue iyon ng isang babae habang hawak-hawak niya yung araw at gawa iyon sa ginto. Kahit nasa monitor lang, napanganga ako sa ganda ng Golden Sun. Hinawakan yun ng isa sa kanila ng medyo matagal at bigla na lang siyang napailing. Sakto namang bumukas yung pinto doon sa room na kinalalagyan nila at pumasok ang isang lalaki na may dalang dalawang baril. Pero bago niya pa nagawa ang gusto niyang gawin, nakahandusay na siya sa lapag. Nakita kong may hawak rin palang baril yung isa sa kanila at binaril niya yung pumasok na lalaki. Then after that, nilapitan nung bumaril yung lalaki na narealize kong anak ni Ma’am Ana base sa kwento niya kanina. May ginawa siya doon at may inabot siyang papel sa kasama niya. The next thing I knew, lumapit yung lalaking inabutan ng papel sa may CCTV at pinakita iyon habang nakangiti pa. Halos mapasigaw ako sa takot. Pinakita niya yung papel na sinulatan nila ng oras at lugar gamit yung dugo ng binaril nila.

 

“Bring the real one or I will kill your entire clan!” napaatras ako dahil sa takot doon sa lalaking nakatapat sa CCTV. Bukod sa nakakatakot yung expression niya ay naninigarilyo pa siya. Lumayo siya doon sa CCTV at iniwan niya sa sahig yung note. Pero ang ikinagulat ko ay bigla na lang silang nawala na parang bula, just like what happened last night sa Shinigami na naka-encounter namin ni Riye at kina... kina Darwin kanina.

 

 

Pagkatapos nun, pinindot ulit ni Sir Hiroshi yung button at nawala na yung hologram sa harap namin. Tinanggal niya rin agad yung head gear kay Ma’am Ana. Tahimik kaming lahat matapos naming makita yung nasa isip ni Ma’am Ana.

 

“Hiro.” Napatingin kami kay Ken dahil siya ang unang nagsalita at seryosong-seryoso yung mukha niya.

“Bakit? Anong meron?” tanong ni Reiji sa kanya.

“Sila yung humabol sa aming Shinigami during the serial murder incident.” Sagot ni Hiro. After niyang sabihin yun, natahimik ulit kami at parang lalong masbumigat yung atmosphere.

 

Naputol naman ang katahimikan namin nung biglang nagsalita si Ms. Reina.

 

“Okay, okay. Guys, magpahinga na kayo. You look like zombies. Kapag nakapagpahinga na kayo, pag-uusapan ulit natin ‘to. Pero sa ngayon, kami na muna ang bahala rito.” Saka niya kami itinulak papunta doon sa creepy hallway.

 

Pagkasabi ni Ms. Reina ng magpahinga na kami, doon ko naramdaman yung pagod at pagkaantok. I guess I really need a rest.