.

.

Chapter 31

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Napadilat ako nang maramdaman kong yumuyugyog yung kama. Pagtingin ko, nakatingin sa akin si Riye na parang na-guilty. Tumingin naman ako sa kanan ko at nakita kong tulog na tulog pa rin si Akane.

 

“Nee-san, sorry nagising ata kita.” Tapos bumaba na siya sa kama. Nakita kong may kinuha pala siya doon sa may higaan niya kaya naalog yung kama namin. Isang kama lang kasi ito tapos sobrang laki na kasya ang limang tao.

 

Bumangon na ako dahil hindi na rin ako makatulog. Pagtingin ko sa wall clock, 3 PM na pala. Grabe, 11 hours tulog ko. Doon ko naman naramdaman ang gutom. Hindi kami nakapagbreafast o lunch man lang. At dahil ako lang naman ang marunong magluto sa aming tatlo, pumunta na ako sa kusina para magluto.

 

“Magluluto ka, nee-san?” napatingin naman ako kay Riye at natawa lang ako dahil parang nagningning yung mata niya. Mukhang gutom na rin siya.

“Oo. Wait ka lang dyan.” Saka ako tuluyang pumunta sa kusina.

 

Tinignan ko naman kung ano yung stocks namin sa cabinet pati sa ref. Nagdecide ako na adobong sitaw na lang para madali lang lutuin. Pinrepare ko yung mga ingredients tapos nagsaing na rin ako ng kanin. Mukhang naliligo na rin si Riye dahil naririnig ko yung shower. Dahil hinihintay ko pang lumambot yung sitaw, bumalik muna ulit ako doon sa higaan at balak kong gisingin si Akane, na hanggang ngayon ay tulog na tulog pa rin.

 

Niyugyog ko siya para magising siya. Pero hindi pa rin siya nagigising. Tapos bigla na lang akong nagulat nung may narinig ako sa isip ko. And it’s Akane’s voice. Oo nga pala. Bukas ang isip ng tao by default at lalo na kapag natutulog.

 

‘Mommy! Mommy!’ narinig kong umiiyak si Akane sa isip ko. Am I hearing her voice in her dream? ‘Tulong! Tulong! Tulungan niyo po yung mommy ko! Please! Tulungan niyo po kami! Mommy!’ napapikit na lang ako dahil sa pag-iyak ni Akane. It’s so heartbreaking.

 

Minabuti ko nang gisingin ulit siya. Ayoko nang marinig yung panaginip niya dahil ayokong mainvade ko ang personal life niya. Tinapik-tapik ko yung pisngi niya para magising siya. After ilang tries, dumilat siya at nakita kong nanunubig yung mata niya. Pinunasan naman niya agad yun at ngumiti sa akin

 

“Hmm. Bango! Nagluluto ka ba?” tinanggal ko na lang sa isip ko yung narinig ko kanina sa kanya.

“Yep. Adobong sitaw.” Since gising naman na siya, bumalik na ako doon sa kusina para tignan yung niluluto ko.

 

Pagkatapos maluto nung ulam at kanin, sabay-sabay na rin kaming kumain at naligo na rin kami ni Akane. Mga 5 PM na rin kami nakalabas doon sa dorm at syempre, dumiretso kami sa agency. Sinuot ko rin kung kwintas na detector na nakalimutan ko na ang pangalan dahil alam kong magagamit namin ito. Tinahak namin yung madilim na hallway at pagdating namin doon, nandoon na yung tatlong lalaki pati na rin si Sir Hayate.

 

“Ang aga niyo naman.” Sabi ni Akane sa kanila at saka dumiretso doon sa sofa. Sumunod rin naman agad kami ni Riye.

“Hindi kami maaga. Sadyang mabagal lang kayong kumilos.” sabi naman ni Ken.

“Wow, ang bilis mong kumilos ha? ” pare-pareho na lang kaming napailing dahil magsisimula na naman ng away ‘tong si Akane at Ken.

“Sir, nasaan na po pala si Ma’am Ana.” Tanong ni Riye na mukhang gusto ring itanong nung iba. Oo nga. Wala na si Ma’am Ana. Pati si Ms. Reina at Sir Hiroshi wala rito.

“Bumalik na siya sa kanila. Susunod tayo doon mamayang 6 PM. Binigay na niya yung address.” Natuwa naman ako nung ginamit niya yung ‘tayo’. At least, may kasama kaming may experience na sa ganito. Nung second case ko kasi, kami-kami lang ang nag-asikaso kaya siguro kami natagalan at marami pang namatay.

“Sir, sasama rin po ba si Ms. Reina at Sir Hiroshi ?” tanong ko naman. Mas mabuti na kasi na marami kami since Shinigami ang makakabangga namin dito.

“Reina can’t make it. May inaasikaso pa kasi siya pero si Hiroshi ay sasama.”

“Siya na ata yung paparating.” Sabi naman ni Akane kaya napatingin kaming lahat sa pinto at nag-aabang sa darating na si Sir Hiroshi.

“Am I late?” yan agad ang bungad niya nung binuksan niya yung pinto galing doon sa hallway.

“Just in time.” Tsaka tumayo si Sir Hayate.

 

Pumunta siya sa harapan namin at seryoso kaming tinignan. Ganun rin ang ginawa ni Sir Hiroshi. Kinabahan naman ako dahil mukhang mabigat ang atmosphere ngayon.

 

“Nakita niyo ang itsura nung dalawang Shinigami mula sa head gear, hindi ba?” tumango naman kami sa tanong ni Sir Hayate. Hanggang ngayon, natatakot pa rin ako kapag naaalala ko yung mukha nila. Yung isa ay black yung buhok, green ang mga mata, manly ang mukha niya at naninigarilyo pa siya. Yung isa naman ay parang kalmado lang. Medyo brown yung buhok, soft ang features pero cold yung expression. Pareho silang nakasuot ng cape gaya nung babaeng nagsalita sa isip ko sa last case.

 

“We also know them.” Dagdag naman ni Sir Hiroshi, tapos tumingin siya kay Hiro at Ken. “At buti ay hindi niyo sila nilabanan nung hinabol nila kayo.”

“Why?” tanong ni Ken sa kanya.

“Kung kinalaban niyo sila, you’ll be dead by now.” Pagkasabi niya nun, napatahimik si Ken at nakita ko siyang lumunok. Si Hiro naman, parang wala lang sa kanya yung sinabi ni Sir Hiroshi. Maski ako kinilabutan nung pagkarinig ko nun.

“Kung sa Tantei High, meron kayong mga sensei o teachers, sa mga Shinigami naman, meron silang reapers. They are elite class of Shinigamis na sumusunod lang sa orders galing sa mga pinakamataas.” Lalo akong kinilabutan sa sinabi ni Sir Hiroshi. At paano nila nalaman ang tungkol sa Shinigami? Akala ko ba masyadong silent ang Shinigamis sa mga ginagawa nila? Though parang hindi na dahil lagi namin silang nakakaencounter ngayon.

 

“Nalaman namin ang tungkol dito, few weeks ago. Naalala niyo ba nung dumaan kami ni Reina sa case na hinahawakan niyo last week? She’s tracking several Shinigamis that time and we were engaged in a battle. Nakatakas ang ilan pero may nahuli kaming isa. Dinala namin agad siya sa Technology Department para ma-analyze. Luckily, katatapos lang ng bagong project ni Hiroshi na Wavisual head gear kaya sinubukan namin ‘to sa kanya. Pero nagkaroon ng problema dahil parang damaged yung brain waves na nababasa ng head gear. Parang may nag-lock sa isip niya para hindi namin mabasa ang laman nito. May mga lumalabas na iba pero distorted at yung mga tunog ay hindi rin maayos. Pero buti na lang at may nakuha kami kahit kakaunting information tungkol sa kanila.” After ng paliwanag ni Sir Hayate, nasagot rin yung isa kong tanong. Pero hindi lang ako makapaniwala sa narinig ko. Lumaban sila ni Ms. Reina sa mga Shinigamis at silang dalawa lang? Wow. Ganun ba sila kalakas?

 

“Sir, bakit parang agitated ang mga Shinigami ngayon? It’s like they’re showing themselves to us and not the usual silent killing method.” Tanong naman ni Reiji na isa rin sa mga tanong sa utak ko.

 

“Yan rin ang inaalam namin sa ngayon. Pero wag niyo nang isipin yun. Kaming mga nakakatanda na ang bahala doon.”

 

After that, pinagprepare na rin nila kami dahil maya-maya ay aalis na raw kami. Tahimik lang kaming anim doon habang sina Sir Hiroshi at Sir Hayate ay kung anu-anong ginagawa. May mga nilalagay sila sa bags nila na hindi ko naman alam kung ano. Baka mga devices and weapons na inimbento ng Technology Deparment.

 

Habang naghihintay ng oras, napaisip rin ako tungkol sa mga Shinigami. Bakit naman kaya nila kailangan yung Golden Sun? At konektado ba talaga sila sa robbery cases na nangyayari ngayon? Saan naman nila gagamitin yung mga nanakaw nila? For personal purposes kaya? Bigla ko namang naalala si Darwin at bumigat yung pakiramdam ko. Hindi ko talaga ineexpect na makikita ko siya sa ganoong sitwasyon. Hindi naman ako gaanong close sa kanya, pero since wala akong friends talaga sa dati kong school at hindi naman talaga ako ganun kalapit sa classmates ko, siya na ang maituturing kong pinakanaging kaibigan ko. Seatmate ko kasi siya nung 4th year at nakakausap ko siya kahit medyo masungit siya. Siguro dahil na rin pareho kami ng sitwasyon kaya napalapit ako sa kanya. Wala rin kasi akong nakikitang kumakausap sa kanya o kinakausap niya. Naalala ko na naman tuloy yung time na siya pa ang naghatid ng bag ko sa may Principal’s Office nung na-expel kuno raw ako dahil sa excessive late records ko na ang totoo naman ay dahil itatransfer ako rito sa Tantei High.

 

“Akemi! Tara na.” Nagulat naman ako nung tinapik ako sa balikat ni Akane. Narealize ko na masyado na pala akong nag-iisip ng mga bagay-bagay kaya hindi ko na napansin yung nangyayari sa paligid ko. Aalis na pala kami.

 

Tumayo ako doon sa sofa at sinundan ko sila. Dumaan kami doon sa Tantei Police station at mukhang busyng-busy na naman ang mga police officers. Siguro dahil na rin sa laganap na robbery cases at iba pang krimen sa Pilipinas. Pagkalabas namin doon, nakita ko kaagad na naka-park si Miyu sa harapan namin. Sumakay kami sa loob at umupo agad doonsa low table.

 

“Good afternoon, Masters.” Sabi agad ni Miyu nung pagkapasok namin. Syempre binati rin namin siya. Sina Sir Hiroshi at Sir Hayate ang pumunta doon sa driver’s seat pati na rin sa passenger seat. Kaming anim ay nakaupo lang sa malambot na cushion sa may low table.

 

Tahimik lang kami buong byahe, dahil na rin siguro sa kaba. Reapers ang ma-eencounter namin mamaya. Sana nga lang at walang mangyaring masama. Nakarating naman kami sa bahay ni Ma’am Ana after 30 minutes. Biglang bumukas yung main gate kaya pinaandar ulit ni Sir Hayate yung sasakyan at nag-park siya doon sa may parking area kung saan nasa pitong sasakyan rin ang naka-park. Na-amaze lang ako dahil hindi ko akalaing malaking mansion pala ang pupuntahan namin. Sobrang ganda ng bahay nila at sobrang laki pa.

 

“Whoa.” Yan lang ang nasabi namin pagkalabas ng sasakyan. Nakaabang sa may fountain sa may gitna ang isang matandang lalaki kaya nilapitan namin siya.

 

“Kanina pa po kayo hinihintay ni Madam Ana. Tara na po.” Sumunod naman kami sa kanya. Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang hindi tignan ang paligid. Ang ganda-ganda talaga. Parang yung nakikita ko talaga sa TV na bahay ng mga ubod ng yaman na pamilya.

 

Hinatid kami nung butler doon sa may camera room daw at nakita naming nandoon si Ma’am Ana kasama ang ilang tao. Pagtingin ko, halos lahat sila ay may yellow green eyes pero yung dalawang bata ay normal pa ang kulay ng mata.

 

“Thank you for coming.” Tapos tumayo si Ma’am Ana mula doon sa pagkakaupo at pinakilala niya yung mga tao doon sa loob sa amin.

 

“They are my family. Siya ang husband ko, si Juro.” Tinuro niya yung matandang lalaki sa tabi niya na sobrang dami ring cut marks sa braso. Nakuha niya rin kaya yun sa nangyari fifteen years ago? “These are my children, Aiko, Jiro and...” napatigil naman siya. Saka ko narealize na baka gusto niya rin sigurong banggitin yung isa niya pang anak na namatay dahil sa pagsugod niya sa mga Shinigami. Naawa tuloy ako bigla. Napatingin ako sa mga anak niya. Siguro nasa late 30’s or mid-40’s na sila. “And these are my grandchildren, Ayako and Chiyo.” Sobrang bata pa nung dalawa. Siguro nasa 4 or 5 pa lang sila. Mukhang di pa sila nag-aaral.

 

Pinapunta naman kami ni Ma’am Ana doon sa computers kung saan nagpoproject yung kuha mula sa CCTVs. Nasa gitna ay yung room kung saan nakadisplay ang Golden Sun.

 

“You guys should stay here. Bantayan niyo lahat ng mangyayari sa camera.” Biglang sabi sa amin ni Sir Hayate.

“Wait. Pupunta po ba kayo sa room na yan?” tanong ko at saka ko itinuro yung room kung saan nakalagay yung Golden Sun.

“We’ll go, too.” For the first time, narinig kong nagsalita si Hiro ngayon. Napatingin kami sa kanya dahil sa sinabi niya.

“Hindi pwede. Masyadong delikado para sa inyo. Kung pwede nga lang ay hindi na namin kayo sinama dito. This case is so dangerous.” Sabi ni Sir Hayate at tumango naman si Sir Hiroshi.

“We can help. Isa pa, nakaencounter na rin namin sila last time.” This time, si Ken naman ang gustong sumama sa kanila.

“No--”

“Tsaka po kayo na rin ang nagsabi na malakas sila. Pwede kaming maging back-up if ever may nangyaring hindi maganda.” Dagdag pa ni Akane.

 

Nagtinginan naman sina Sir Hayate at Sir Hiroshi na parang wala na silang magawa kaya napailing na lang sila.

 

“Fine. But someone needs to stay here. Kailangan may magbantay ng mga mangyayari mula sa malayo at para na rin may kasama sila Ma’am Ana rito.”

 

“Riye, since kakaospital mo lang kahapon, ikaw na lang ang magbantay rito.” Sabi ni Sir Hiroshi at tumango naman si Riye pero napansin kong medyo malungkot siya.

“I’ll stay with her.” Sabi naman ni Reiji. “I can use my sixth sense if something went wrong here.” Tapos umupo siya doon sa isang upuan at tinusok niya yung daliri niya doon sa parang pin na nakalagay sa isang table. Then bigla na lang may lumabas na book sa kamay niya. Wait. Did he just summon the book?! Pwede pala yun? Sabagay, mas convenient pag ganun.

“Dito na lang rin po ako.” Sabi ko na lang sa kanila. Palagay ko kasi magiging sagabal lang ako sa kanila kapag may laban na nangyari. Hindi pa ako confident sa skills ko para lumaban sa mga reapers.

 

After that, umalis na sina Sir Hayate at Sir Hiroshi kasama sina Hiro, Ken at Akane. After ilang minutes, nakita na namin sila sa may room. Tinignan nila yung Golden Sun at mukhang nag-iisip na sila ng strategy para hindi manakaw yun and at the same time ay mahuli yung dalawang reapers. Pinakinggan lang namin sila mula rito habang nag-uusap kung ano ang mga dapat nilang gawin. Sinummon na rin nila lahat ng pwedeng weapons na magamit. Nilabas rin nina Sir Hayate at Sir Hiroshi yung mga nilagay nila kanina sa bags nila na hindi ko naman alam kung ano.

 

Hindi ko naman napansin yung oras. Nalaman ko na lang na 8 PM na nung biglang may tumunog na bell. Yun pala, dinner time pala yun ng pamilya nina Ma’am Ana. Pero dahil busy rin sila sa pagsubaybay sa mga mangyayari, hinatid na lang ng mga maids dito yung dinner nila at naglagay sila ng table para makakain. Dinalhan nga rin nila kami pero hindi muna kami kumain. Hihintayin namin yung mga nasa room. At isa pa, wala pa akong ganang kumain dahil sa mga nangyayari.

 

Pero nagulat na lang kaming lahat nung biglang may nangyari sa room na kinalalagyan nila. Bigla na lang may force na tumulak sa kanila palayo doon sa Golden Sun. Napasigaw pa ako nung tumama sila sa walls ng room at nabasag rin yung ilang glass displays.

 

“Whoa, whoa. Easy. Hindi mo kailangang maging seryoso para dito.” Sabi nung Shinigami na naninigarilyo last time. Pero ngayon, hindi siya naninigarilyo mukhang kalmado pa rin yung isa. Siya ba ang may gawa nung force na yun?

“Tsk. Is this the real one?” tanong nung lalaking kalmado lang sa isa. Bigla namang hinawakan nung black-haired guy yung statue at tumango siya.

“This is the real one.”

“Kunin na natin ‘to para matapos na.” Akmang bubuhatin na nila yung Golden Sun statue nung biglang may lumipad na espada sa direksyon nila. Nagulat na lang ako nung hinawi lang yun nung kalmadong lalaki pero nakita kong nagdugo yung kanang kamay niya. Napatingin agad ako sa direksyon kung saan galing yung espada at nakita ko si Akane na nakatayo doon sa may dulo ng room.

 

Kinilabutan naman ako nung biglang ngumiti yung kalmadong lalaki at tumingin siya kay Akane. Gusto kong tumakbo doon pero ano namang magagawa ko kung pumunta ako doon?

 

“Little girl, this isn’t a game. Do you want to die?”

“Oh, I love death games. And I’ll stop the both of you.” Napatakip ako sa bibig ko nang sabihin yun ni Akane. Saan siya humuhugot ng tapang niya? She is literally facing death right now! Ako kinakabahan para sa kanya.

“Stop us?” tumawa yung kalmadong lalaki sa sinabi ni Akane at tumingin ulit sa kanya. “You can’t stop us... or rather, you don’t have the skills to stop us.”

 

Napasigaw na lang ako nung biglang sumugod sa direksyon ni Akane yung dalawang lalaki. Pero bago ko pa maisigaw ang pangalan ni Akane, nangyari na lang bigla ang hindi ko inaasahan.