.

.

Chapter 32

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Halos hindi ako nakagalaw sa pwesto ko dahil sa bilis ng mga pangyayari. Basta ang alam ko lang, para silang mga estatwa doon at hindi rin gumagalaw.

 

“Fucking plan.” Biglang sabi ng reaper na black yung buhok. Nakatayo lang siya one meter away from Akane. Nasa magkabilang gilid niya si Sir Hiroshi at Ken. Hawak-hawak ni Ken ang isang rope at nakapulupot doon sa Shinigami, habang may nakatutok na baril sa ulo niya na hawak naman ni Sir Hiroshi. Pero mas nabigla ako sa mga nakalutang na mga letters at words sa paligid nila. Maging yung isang reaper ay ganun rin ang sitwasyon. May nakapalupot na rope sa kanya galing kay Hiro at nakatutok sa leeg niya ang isang sword na hawak naman ni Sir Hayate.

 

“I see. This is a trapping rope, right?” sabi naman nung brown-haired reaper.

“Yes. Once you move, you’ll be in pieces.” Sagot ni Sir Hiroshi. Napatingin agad ako sa rope na nakapulupot sa kanila at hindi naman iyon naiiba sa mga nakikita kong lubid, pero mas mataba nga lang ito.

“Pathetic plan.” Then the brown-haired Shinigami smiled coldly.

 

Napahawak na lang ako sa upuan. Halos matumba ako sa sobrang kaba kanina sa ginawang pagsugod ng mga Shinigami kay Akane. Buti na lang at walang masamang nangyari sa kanya. At mukhang walang bahid ng anumang takot sa mukha niya ngayon.

 

“This is boring.” Narinig kong sabi nung black-haired Shinigami, tapos ginalaw-galaw niya yung ulo niya. The next thing I knew, napasigaw na lang ako dahil biglang may lumabas na mga blades sa rope at tumusok iyon sa katawan ng Shinigami.

“Your fault.” Sabi ni Sir Hiroshi sa kanya.

“That fucking hurts!” this time, mas lalo akong nagulat dahil andaming dugo na ang tumutulo mula sa katawan niya pero parang hindi man lang siya nagpapanic. “Humanda ka sa akin, sisiguraduhin ko ring aagos ang dugo mo.” Seryoso niyang sinabi kay Sir Hiroshi na ikinatindig ng mga balahibo ko.

 

Napatingin ulit ako doon sa brown-haired Shinigami na hawak nina Hiro at Sir Hayate. Tahimik lang siya at walang imik pero ewan ko ba, kinikilabutan ako sa kanya. Tinignan ko siya nang mabuti at may napansin akong kakaiba sa kanya.

 

“Riye, Reiji, tignan niyo yung brown-haired Shinigami. Ano yung parang transparent something na nakapaligid sa kanya?”

“Huh? Saan nee-san?”

“Wala rin akong makita.”

 

Nagkatinginan kaming tatlo. Teka, bakit hindi nila nakikita? O hallucination ko lang yun? Pero nandoon talaga eh. At parang palaki ito nang palaki.

 

“Parang smoke siya pero hindi ganoon ka-visible. Tapos parang palaki nang palaki.” Dinescribe ko sa kanila yung nakikita ko at nagulat ako nung lalong lumapit si Reiji sa screen.

“I have a bad feeling about this.” Sabi niya tapos bigla siya ulit tumingin sa amin. “Naaalala niyo ba yung nangyari kanina? Parang bigla na lang silang na-repel nung sumulpot yung mga Shinigami.”

“Oh my gosh. You mean—” bago pa matapos ni Riye ang sasabihin niya, hinanap ko kaagad kung may mic button ba sa mga pinipindot. Nakita ko naman agad iyon at saka ko pinindot.

 

“Hiro! Sir Hayate! Lumayo kayo sa kanya! He’s going to release some force! Parang kanina!” yun ang sinabi ko doon sa mic at mukhang narinig naman nila mula doon sa room dahil bigla silang lumayo. Pero bago pa sila makalayo nang tuluyan ay nangyari na ang inaasahan namin. Biglang nag-repel lahat ng bagay doon sa room palayo sa brown-haired Shinigami. Maging yung trapping rope ay naputol dahil sa nangyari.

 

Hinanap ko kaagad sila sa screen at mukhang nakaligtas naman sila doon sa mala-explosive force.

 

“Oi, oi! I-control mo yang sarili mo at baka kung anong mangyari sa statue!” sigaw nung isa pang Shinigami at nawala na rin yung trapping rope sa katawan niya na mukhang dahil rin doon sa force. Pero kitang-kita pa rin yung mga sugat niya mula doon sa blades. Punit-punit na rin yung cape niya.

 

“Tsk. Hindi ko sila napatay.” Walang siglang sabi ng brown-haired Shinigami at bigla siyang tumingin doon sa CCTV camera. “There’s a spectator.” Halos magwala na yung puso ko sa sobrang kaba nung sinabi niya yun. Nalaman na niya ang presence namin.

 

“Yeah! I heard her voice! Fucking annoying.” Iginala ng black-haired Shinigami yung mata niya at nahinto yun kay Sir Hiroshi. “I’ll be back for your dead body.” And then bigla na lang siyang nawala.

 

Alam ko. Alam ko kung anong mangyayari. Kaya lumingon agad ako sa likuran namin at nakita kong takot na takot na ang pamilya ni Ma’am Ana at nandoon sila sa bandang gilid.

 

“Reiji! Riye! Protect them!” sigaw ko sa kanila kaya tumakbo agad sila doon kina Ma’am Ana.

 

“Hi little girl.” Muntik na akong mapasigaw nung may narinig akong boses malapit sa tenga ko. Napalayo agad ako doon sa pwesto ko at pagtingin ko doon, nandoon na yung Shinigami. “Surprised?” and then he smiled.

 

Nung sa screen ko lang siya tinitignan, sobrang natakot na ako. Ngayong kaharap ko na siya, parang hindi na nagfafunction ng maayos ang utak at katawan ko. Pinapangunahan ako ng takot at kaba. It’s like i’m close on the doors of death.

 

Bigla naman siyang lumingon sa direksyon nina Riye kaya nagpanic ako. Bago pa siya makahakbang papalapit sa kanila, I immediately summoned my bow and arrows. Habang nakatingin pa siya sa side nina Riye ay tinira ko sa kanya ang isang arrow. It hit his wound sa braso na gawa nung blades galing doon sa trapping rope.

 

“Shit!” nagawa ko namang agawin yung atensyon niya at napatingin siya sa akin. Pero this time, wala na ang mga ngiti sa labi niya at napalitan yun ng isang cold stare.

 

“Wag na wag mo silang lalapitan, or else, I’ll... I’ll... k-kill you.” Muntik na akong panghinaan ng loob. Hindi ko akalaing nasabi ko yun. I’ll kill him? Ni hindi nga ako makapatay ng ipis o daga sa buong buhay ko eh. Who am I kidding?

 

Bigla siyang tumawa nang malakas.

 

“Then prove it.” Saka siya lumapit sa akin.

 

Nagsimula akong tumakbo. Lumingon ako para i-chec kung nakasunod siya sa akin. At napag-alaman kong hinahabol niya na rin pala ako. Inisip ko na lang na ilayo siya doon sa camera room para walang mapahamak doon. Tumakbo ako nang mabilis sa hallway pero napasigaw ako nung bigla siyang magpaputok. Lumingon ulit ako habang tumatakbo at nakita kong may hawak siyang dalawang baril. Nagpaputok ulit siya kaya napasigaw na naman ako. Pero hindi dahil sa gulat kundi dahil sa sakit. Nadaplisan ako sa braso ng bala. Tumakbo ako ng mas mabilis at hindi ko na lang muna inisip yung tama ng baril sa braso ko. Takbo lang ako nang takbo habang siya ay sunud-sunod akong pinapaulanan ng mga bala. Alam kong puro daplis na ang katawan ko dahil sa ginagawa niya pero mukhang wala pa namang natatamaang kritikal. Hindi ko alam kung sinsadya niya ba yun o hindi. Basta ang alam ko lang, napahinto ako dahil dead end na.

 

Kahit nasa malayo siya, kitang-kita kong ngumiti siya dahil sa sitwasyon ko. Itinaas niya ulit yung dalawang baril at tinutok sa akin. Kaya bago pa niya iyon iputok, tumakbo ako papunta doon sa gilid at tumalon ako sa may bintana.

 

Hindi ko alam kung sumigaw ba ako o hindi sa pagtalon ko. Nasa second floor kami kaya mataas ang binagsakan ko. Buti na lang at may mga bushes na nakatanim at doon ako bumagsak. Naramdaman ko pa rin yung impact pero tiniis ko iyon at agad tumayo at tumakbo.

 

Nakarinig ako ng pagbagsak kaya alam kong tumalon rin mula sa bintana yung Shinigami. Nanghihina na ako sa sobrang sakit ng katawan at mukhang maraming dugo na rin ang nawala sa akin pero pilit pa rin akong tumakbo. Saka ko narealize na dinadala na ako ng mga paa ko sa room na iyon.

 

Nasa first floor ang room kung nasaan sila Akane. Gusto ko silang tulungan pero hindi ko alam kung paano. Ni hindi ko nga magawang kalabanin ang isang ito. Wala akong maitutulong sa kanila.

 

“This is your end!” narinig kong sigaw nung Shinigami na humahabol sa akin. Lumingon ako sa kanya at nakahinto lang siya doon habang nakatutok sa akin yung baril na hawak niya. Narinig kong pumutok yung baril niya kaya nagpanic ako. Is this... really my end?

 

Mawawalan na sana ako ng pag-asa pero nagulat ako nung bigla na lang bumagsak yung Shinigami at napasigaw siya.

 

“Shit! Fuck! Ugh!” nakahiga siya sa sahig at nabitawan niya yung mga baril niya. Hinawakan niya yung bandang tagiliran niya at nakita kong umaagos na naman ang dugo galing doon.

 

Napatingin naman ako sa nakatayo mula doon sa malayo na may hawak ring baril at naglalakad palapit sa akin. Halos maiyak ako nung makita ko si Ms. Reina na naglalakad papunta sa amin.

 

“So you are Reaper Kyuuya.” Sabi ni Ms. Reina doon sa nakahigang Shinigami at sinipa niya palayo yung dalawang baril ng Shinigami.

“Heh. You’re that famous Shinigami tracker.” Sagot naman nung Shinigami na nakahiga sa sahig.

“Oh. Sikat pala ako? Pero sorry, you’re under arrest.” Bigla namang tumawa yung Shinigami kahit na sobrang daming dugo na ang nawawala sa kanya.

“Nagpapatawa ka ba? You think you can arrest me? No fucking way!” naramdaman ko na naman yung sensation na yun. Alam kong tatakas siya. Alam kong magteteleport na naman siya sa kung saan. Kaya bago pa siya mawala sa paningin namin ay hinawakan ko yung cape niya.

 

Hindi ko alam kung anong nangyari. Sa katunayan, hindi ko naiintindihan ang nangyari. Basta ang alam ko lang, nasa isang madilim na lugar ako at kasama ko ang Shinigami na ‘to. Madilim ang paligid pero kitang-kita ko yung Shinigami na katabi ko ngayon.

 

“What the fuck?!” lumayo agad ako sa kanya nung nakita niya ako. Bigla na lang siyang naglabas ng baril at alam kong anytime ay babarilin na niya ako.

 

Bigla kong narealize ang nangyari. Kumapit ako sa cape niya kanina. Then gaya ng ginawa niya kanina doon sa room, bigla na lang siyang nawala at lumitaw doon sa camera room. And I realized... kasama ako ngayon sa ginawa niyang pagteleport.

 

But... where the heck are we?