.

.

Chapter 33

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

He pointed his gun to me. Parang nadrain lahat ng dugo ko sa katawan. Hindi ako nakagalaw dahil kaharap ko ang isang taong may hawak ng baril at anytime ay pwede niya yung iputok sa akin. Pero napansin kong napangiwi siya at napahawak siya doon sa sugat niya sa tagiliran na gawa ni Ms. Reina. Ginamit ko ang milliseconds na yun para gumalaw mula sa kinalalagyan ko palayo sa kanya. Pero napatigil rin agad ako nung narinig ko siyang nagpaputok.

 

“Subukan mong gumalaw pa diyan at magiging bangkay ka na.” He said it in a very cold voice at sobra akong kinilabutan. Hindi na talaga ako nakagalaw sa pwesto ko kahit hawak ko pa ang bow and arrows ko.

 

Madilim talaga sa lugar na ‘to. Para kaming nasa ibang dimension dahil walang kahit ano rito kundi space at kadiliman, pero kitang-kita ko pa rin siya. Hinawakan ko ng mahigpit ang bow ko habang nakatutok pa rin sa akin yung baril niya at nakatingin siya ng masama.

 

“I am really itching to kill somebody right now. Fuck that Shinigami tracker!” tapos bigla siyang ngumiti ng nakakatakot at mas lalo niyang itinapat sa akin yung baril na hawak niya. “You’re dead.” Pagkasabi niya nun, gusto ko nang mapasigaw pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Napapikit na lang ako nung kakalabitin na niya yung gatilyo.

 

“Kill her and I’ll kill you, too.” Napadilat ako nung may narinig akong nagsalita. Pagtingin ko, mayroong lalaking naka-cape ang nakaharap sa reaper at nakatalikod naman siya sa akin.

 

“Tss.” Binaba ng reaper ang baril na hawak niya kaya medyo nakahinga na ako ng kaunti. At least, mukhang hindi naman ako mamamatay ngayon.

 

“She wants to see you. Bumalik ka na.” Sabi ng lalaking nakatalikod at nakita ko naman sa expression ng mukha ng reaper ang takot. Tapos nagulat na lang ako nung bigla siyang nawala na parang bula.

 

Humarap naman sa akin yung lalaki at tama ang hinala ko. Sa boses pa lang niya kanina, may hinala na ako kung sino siya. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nakikita ko. Hanggang ngayon, hindi ko akalaing magkikita kami sa ganitong paraan.

 

“D-Darwin.” Lumapit siya sa akin. Gusto ko sanang tumayo pero hindi ko na kaya pang gumalaw. Bukod sa nawalan ako ng lakas sa sobrang takot kanina, marami rin akong daplis ng bala mula sa reaper at mukhang na-sprain pa ako dahil sa pagtalon ko mula sa second floor. Hindi ko lang siguro nararamdaman ang mga ‘to kanina dahil sa adrenaline rush pero ngayon, parang gusto ko na lang umiyak at pumikit dahil sa sobrang sakit.

 

“Rainie.” Nagkatitigan kami. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon dahil hindi ko mabasa ang expression niya. Ganun naman siya simula pa nung makilala ko siya. Masungit, tahimik at walang expression. Umupo siya para maging magkalevel kami.

 

“S-so, Shinigami ka?”

 

“And you are a Senshin.”

 

Hindi ako nakapagsalita at nagtinginan lang kami. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maging reaksyon at dapat kong sabihin. I know it’s been centuries na hindi magkasundo ang mga Shinigami at Senshins. Pero hindi ko naman maitatanggi na may pinagsamahan kami ni Darwin nung nasa school pa ako kahit mababaw lang at hindi naman talaga kami nag-uusap masyado. Ano ba ang dapat kong sundin? Yung pagiging Senshin ko o ang pagiging classmate niya?

 

“Umalis ka na rito bago pa may makakita sa’yo.”

 

“Nasaan ba tayo?” hindi ko naman kasi alam kung nasaan talaga kami at kung paano umalis dito. Ni hindi ko nga alam kung makakaalis pa ako rito dahil sa kalagayan ko ngayon.

 

“Black Dimension.” Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Black Dimension? Literal bang nasa ibang dimensyon kami?

 

“Yes. This is a different dimension.” Nanlaki ang mata ko nung narinig ko ang sinabi niya. Alam ko sa sarili ko na nakasarado ang isip ko, yet nababasa niya pa rin? Akala ko si Hiro at si Mr. President o si Sir Hideo lang ang nakakagawa nun pero pati rin si Darwin?

 

“T-teka. Paano ako makakabalik doon sa mansion nina Ma’am An—” hindi ko na naituloy ang gusto kong sabihin dahil kumirot na naman ang paa ko at napahawak ako doon. Ang sakit! Parang may burning sensation akong nararamdaman sa buong katawan ko. Parang gusto ko na lang mawalan ng malay.

 

“Hanggang ngayon clumsy ka pa rin.” Napatingin naman ako sa kanya at balak ko sanang magreklamo sa sinabi niyang pagiging clumsy ko pero hindi ko na naituloy dahil bigla niya akong binuhat. Doon na ako nagsimulang mag-isip ng kung anu-ano. Paano kung dadalhin niya na pala ako sa base ng mga Shinigami? Paano kung tutuluyan niya na pala akong patayin?

 

“Darwin, ibaba mo na ako. Kaya ko namang maglaka—”

 

“Halos hindi ka na nga makakilos tapos balak mo pang maglakad? Isipin mo na lang na ito na ang huli nating pag-uusap at ito na rin ang huling tulong na maibibigay ko sa’yo.” Pagkatapos niyang sabihin yun, nakaramdam ako ng kakaibang sensation. Parang lalong uminit yung buong katawan ko at pakiramdam ko ay mag-eevaporate ako. Bago pa ako makapag-react, biglang nanibago yung mata ko sa paligid. Saka ko narealize na nandito na kami sa mansion at napunta kami doon sa hallway kung saan ako nasama sa pagteteleport nung reaper. Binaba niya ako mula sa pagkakabuhat niya sa akin.

 

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya dahil sa sinabi niya bago kami umalis doon sa Black Dimension.

 

“Rainie, you know our situation. The next time we’ll see each other, we’re enemies.” Pagkatapos nun ay tumalikod na siya at bigla na lang siyang nawala.

 

Naiwan ako doong nakatulala doon at hindi pa rin makapaniwala sa lahat ng nangyari. Napabuntung-hininga na lang ako. Wala naman na akong magagawa. Kahit naging magkaklase pa kami dati, magkaaway na kami ngayon. Dahil sa matagal na alitan sa pagitan ng mga Senshin at Shinigami, alam kong hindi na kami pwedeng magkausap pa.

 

“Nee-san!” napatingin naman ako kung saan nanggaling ang boses ni Riye at nakita ko siyang tumatakbo sa direksyon ko kasama si Reiji. Napaupo silang dalawa sa tabi ko.

 

“Anong nangyari sa’yo? You look terrible.” Sabi ni Reiji at bigla niyang hinawakan yung braso ko kung saan ako nadaplisan ng bala kanina kaya napasigaw ako sa sobrang sakit.

 

“Oh my gosh, nee-san. Your muscles are damaged pero ang pinakamalala ay yung left foot mo. Your fibula and Achilles tendon are damaged. Nee-san, hubarin mo muna yang rubber shoes mo.” Sabi naman ni Riye habang hinahawakan niya yung paa ko. Sila na rin ni Reiji ang nagtanggal ng sapatos ko dahi hindi ko na magalaw ng maayos ang kamay ko dahil sa sobrang sakit. Pero parang lalo pang sumakit ang pakiramdam ko nung makita ko ang itsura ng paa ko. The back side is swollen at gusto ko na lang himatayin dahil sobrang kakaiba na ng itsura ng paa ko.

 

Buti na lang talaga at nandito si Riye at Reiji para i-assist ako. Pero bigla kong naalala na nasa gitna pa pala ng labanan sina Sir Hayate kaya bakit nandito sina Riye at Reiji?

 

“A-anong nangyari doon sa loob ng room? Kamusta sila?” tanong ko habang iniinspect ni Riye yung paa ko at bigla na lang siyang napatigil. Maging si Reiji ay napatigil rin sa pag-inspect sa mga daplis ko sa braso at binti.

 

“They lost. Nakuha ng Shinigami yung statue. Masyado siyang malakas.” Sabi ni Reiji. Lalo lang bumigat yung pakiramdam ko sa narinig ko. Lima silang nandoon sa isang kwarto at isa lang yung Shinigami pero natalo pa rin sila? Hindi ko ma-imagine kung gaano siya kalakas para matalo sina Sir Hayate. Nakakatakot.

 

“Nasaan na sila?” tanong ko ulit kay Reiji.

 

“Kausap sina Ma’am Ana.”

 

“Reiji, dalhin na natin si nee-san kay Miyu. She really needs an immediate treatment.” Biglang sabi ni Riye kaya nagtulungan silang dalawa para akayin at alalayan ako. Hindi ko pinanlalakad yung kaliwang paa ko at sinuportahan na lang nina Riye yung weight ko.

 

Habang naglalakad kami, nakaramdam ako ng lungkot dahil sa nangyari ngayon. We were defeated by just two Shinigamis. Ganun ba sila kalakas? Kasi kung marami pa silang ganun kalakas, wala kaming laban sa kanila. This is our complete defeat.

 

Bigla na naman akong nakaramdam ng matinding sakit kaya napasigaw ako. Narinig kong nagpanic rin si Riye at Reiji pero hindi ko na masyadong marinig ang mga boses nila. Ang alam ko lang, kinakain na ako ng sakit na nararamdaman ko sa buong katawan ko. And the everything went black.