.

.

Chapter 34

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Tatlong araw na ang nakalipas simula nang mangyari ang pangatlong case na na-experience ko. Nandito pa rin ako sa Medical Department para sa treatment. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari doon sa mansion ni Ma’am Ana. Sabi raw ni Dra. Yuuki, may poisonous substances raw na pumasok sa katawan ko dahil sa mga open wounds. Yung bala raw na ginamit ng reaper ay kakaiba dahil hindi lang iyon ordinaryong metal. Hindi ko na naintindihan yung ibang pinag-uusapan nila kahapon dito pero alam kong muntik na akong mamatay dahil doon.

 

“Nee-san, uwi lang muna kami sa dorm para maligo, ha?”

“Oo nga. Feeling ko ang baho ko na rin. Baka mamaya naaamoy na ako ng isang mokong mula sa malayo tapos aasarin na naman ako.” Saka nag-make face si Akane.

 

Ngumiti na lang ako sa kanila at sinabi kong umuwi na muna sila sa dorm para makapagpahinga na rin sila. Tatlong araw na rin kasi nila akong binabantayan tapos pumapasok pa sila sa klase. Pati sina Hiro, Ken at Reiji dinadalaw rin ako kapag tapos na ang klase.

 

Pagkalabas nila, napatingin ako sa orasan at nakita kong 5 PM na pala. Sabi ni Dra. Yuuki, pwede na raw akong lumabas bukas ng umaga. Ilang oras na lang ang hihintayin ko. Tamad na tamad na rin kasi ako dito sa kwarto na ‘to. Noong nakaraang dalawang araw kasi, bawal akong gumalaw nang gumalaw dahil baka raw kumalat pa lalo yung poisons na di pa natatanggal sa blood streams at muscles ko. Kaninang umaga lang talaga natapos yung complete extraction ng poison sa katawan ko.

 

“Mukhang okay ka na ah.” Nagulat naman ako nung may narinig akong boses sa tabi. Pagtingin ko, si Ms. Reina pala. Ni hindi ko man lang namalayan na pumasok siya rito sa kwarto ko. Kinabahan ako doon!

 

“Medyo okay na po.” Tapos lumapit siya sa akin at umupo doon sa chair na nasa tabi ng higaan ko. Napatingin naman ako sa kanya at biglang naging malungkot yung expression niya.

 

“Sorry Akemi. I wasn’t able to protect you from him. Nung nawala kayong dalawa sa harapan ko that time, hindi ko alam ang gagawin ko. Nag-panic ako. Alam kong napuruhan ko si Kyuuya pero hindi ako mapakali noon dahil kasama ka niya. So I decided to track the other one dahil naisip kong baka balikan niya ang kasama niya. Pero pagdating ko doon sa room, saktong nawala na yung presence ng reaper at nakita ko na lang na sugatan sina Hayate at Hiroshi.”

 

“Ms. Reina, wala naman kayong kasalanan. In fact, gusto ko ngang magpasalamat dahil kung hindi dahil sa inyo, baka patay na ako. Dumating ka noong cornerned na ako and you saved me. Sorry rin po kasi kung hindi ako humawak doon sa cape ng reaper, sana hindi ako napunta doon sa Balck Dimension.”

 

“Black Dimension?”

 

Oo nga pala. Wala pa akong napagsasabihan tungkol sa nangyari sa Black Dimension at sa pagkikita namin ni Darwin. Noong nakaraang dalawang araw kasi, hindi ko rin makausap ng matino sina Riye dahil pinagpapahinga lang nila ako… well, except Hiro.

 

Kahapon kasi, sabay-sabay silang dumalaw sa akin. Nung sasabihin ko na sa kanila yung about sa Black Dimension, pinigilan ako bigla ni Hiro.

 

‘Don’t tell them yet.’ Narinig kong sabi niya sa isip ko.

‘Bakit?’

‘Saka mo na sabihin kapag okay ka na.’

 

Napaisip naman ako sa sinabi niya that time. Sabagay, kapag sinabi ko sa kanila yung about sa Black Dimension, malalaman rin nila yung tungkol kay Darwin. Baka lalo lang silang mag-alala. Wait... ibig sabihin alam na yun ni Hiro? Nabasa niya kaya lahat ng nasa isip ko nung tulog ako? Really... paano niya ba nagagawa yung pagbabasa ng isip ng iba kahit nakasarado naman ito?

 

Pagkatapos kong maalala yun, sinabi ko na rin kay Ms. Reina yung nangyari doon sa Black Dimension.

 

“Ibig sabihin, nakatakas pala ng tuluyan si Kyuuya.”

“Yeah. At kung tama ang pagkakaalala ko, pinapatawag ata siya ng isang babae.”

“Babae?”

“Sabi kasi ni Darwin that time, She wants to see you. Bumalik ka na.” Pagkasabi ko nun, biglang nagbago yung expression ni Ms. Reina. Para siyang may narealize na kung ano.

“I knew it.” Saka siya napatingin sa akin.

“Ang ano po?”

“Naalala mo ba yung sinabi nina Ken at Hiro? Sabi nila, yung dalawang Shinigami na yun, sila yung humabol sa kanila nung time na sinusundan nila si Sarah Angeles.” Tumango naman ako sa sinasabi ni Ms. Reina. “And we told you na ang mga reapers, elite class ng Shinigamis na sumusunod lang ng orders sa mga pinakamatataas. I am 70% sure na ang tinutukoy ng Darwin na yun na ‘she’ ay si Sarah Angeles dahil siya ang nakita nina Ken dati na kasama ng dalawang reapers na yun. And surprisingly, mukhang sinunod rin ng reaper ang utos ng classmate mo dati.” Unti-unti ko namang narerealize rin yung gustong iparating ni Ms. Reina kahit ayaw tanggapin ng utak ko.

“I-ibig sabihin...”

“Yes. That Sarah Angeles and Darwin are on a higher level than those reapers. That means they are stronger than them.”

 

Bigla akong kinilabutan sa sinabi ni Ms. Reina. Parang bigla ko na lang naramdaman ang takot. Alam kong Shinigami si Sarah Angeles pati si Darwin, pero hindi ko akalaing nasa mataas na posisyon sila.

 

“Sige Akemi, mauna na muna ako. Sasabihin ko muna sa kanila yung mga napag-usapan natin ngayon.”

“Sige po.”

 

Tumayo si Ms. Reina at lumabas siya sa kwarto ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at umupo ako. Sabi naman ni Dra. Yuuki, okay na raw ako at kailangan ko lang talagang magpahinga. Pero mukhang hindi na ako mapapakali ngayon dahil sa nalaman ko. Hindi ko talaga lubos-maisip na si Darwin ay isa sa may mga pinakamataas na posisyon sa mga Shinigami. Akala ko talagang nagsusungit lang siya that time pero ngayon ko lang narealize na para talagang may authority siya nung kinausap niya yung Kyuuya. And that Sarah Angeles. May hinala ako dati na siya ang kumakausap sa akin through my mind. Tapos nalaman ko pa ngayon na nasa mataas na posisyon rin pala siya. Ano bang kailangan niya sa akin?

 

 

“Oh. So you’re thinking about me. How cute.” Halos malaglag ako sa higaan ko nung biglang may lumitaw sa gilid ko. Nakaupo siya sa upuan sa gilid ng kama ko at nakatingin lang siya sa akin. Nung makita ko kung sino ang nasa harapan ko, parang gusto ko nalang mawalan ng malay.

 

It’s Sarah Angeles.

 

I can still remember her face. Pero hindi katulad dati na naka-business attire siya at may hawak na suitcase, ngayon ay naka-black cape siya, nakalugay ang mahaba niyang buhok at nakatingin sa akin ang intense green eyes niya.

 

“Wag kang matakot. I’m not here to kill you. I’m here to check if you’re still alive.” Bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo at lumapit siya sa akin. Napaatras ako sa kama ko dahil sobrang natatakot na ako sa kanya, lalong-lalo na ngayon na alam kong mas malakas pa siya sa mga reapers na na-encounter namin.

 

“It’s been a long time, Yuzuki.” This time, pareho kaming napatingin ni Sarah Angeles sa pinanggalingan ng boses. Mas lalo akong nagulat nung nakita ko si Mr. President sa may couch sa gilid. How did... how did he get there?

 

“H-Hideo.” Tumalikod sa akin si Sarah at hinarap niya si Mr. President.

 

“Anong ginagawa mo rito?” hindi naman siya nabother sa presence ni Sarah at nakacrossed-arms lang siya na parang wala lang sa kanya ang nangyayari. Napansin ko namang parang nanginginig si Sarah. Natatakot ba siya?

 

“Kung hindi dahil sa’yo... sana... sana...” saka ko narealize na hindi siya nanginginig dahil sa takot kundi dahil sa galit. Kitang-kita kong nakakuyom ng matindi yung kamay niya. At kahit hindi ko nakikita yung expression niya, alam kong matalim ang mga tingin niya kay Mr. President.

 

“Do not dwell on the past. Alam kong hindi iyon ang pinunta mo rito.” Biglang naging seryoso yung expression ni Mr. President kaya pati ako ay kinabahan.

 

“Wala lang. Gusto ko lang tignan ang kalagayan ng batang ‘to.” Saka siya tumingin sa akin. “And I’m just following her order.” Bigla naman akong napaisip sa sinabi niya. Her order? Ibig sabihin, may mas mataas pa sa kanya?

 

“I see. So she’s starting to move her pawns and generals.” Bigla siyang tumayo doon sa couch. Pero bago pa ako makapag-react, nakita ko na lang si Mr. President na nasa harapan na namin. P-paano niya nagawa yun? Pero mas namangha pa ako nung nakita ko ang mga mata niya. I saw Sarah’s eyes and it’s intense green. Pero yung kay Mr. President, sobrang intense ng pagka-green to the point na nakakasilaw na kapag tumingin ka sa mga mata niya ng matagal, pero at the same time, hindi mo rin kayang alisin ang tingin mo sa mga mata niya dahil sa sobrang ganda.

 

“Tell this to Rin: I am already prepared.” Pagkatapos sabihin yun ni Mr. President, bigla na lang nawala si Sarah Angeles na parang bula. Pero alam kong nagteleport na siya papunta sa Black Dimension. Pagkatapos ng scenario na yun, saka ko lang narealize na pigil na pala ang paghinga ko.

 

“Okay ka lang ba?” tanong sa akin ni Mr. President. Pero masyadong maraming tumatakbo sa utak ko ngayon at pakiramdam ko ay hindi na ako magiging okay pa.

 

“S-sino po si Rin?” ewan ko pero nabother talaga ako sa name na yun. This time, siya naman ang umupo sa may upuan sa gilid ng higaan ko.

 

“She’s my counterpart. She’s the leader of the Shinigami tribe.” Halos hindi na ako makahinga dahil sa nalaman ko. Rin, that name, mas lalo akong kinilabutan.

 

“A-ano pong itsura niya?”

 

“Bakit ka interesado sa kanya?” napayuko naman ako sa tanong ni Mr. President. Ewan ko rin. Gusto ko lang malaman. Para kasing... para kasing... may something sa kanya na dapat kong malaman.

 

“Matagal ko na siyang hindi nakikita. Hindi ko na alam kung nagbago ba ang itsura niya pero alam kong ganun pa rin siya. Her intense glaring green eyes, black cape, long hair—yan ang laging description ng mga nakakakita sa kanya. Madalang lang kasi siya magpakita. She’s always on the shadow.” Pagkasabi nun ni Mr. President, dun ko na narealize lahat ng kakaibang pangyayari during the second case.

 

“Hinahanap ka ni Ms. Michiko.” Napatingin ako sa may pintuan at this time, si Hiro naman ang nakita ko. Bakit ba lahat ng pumapasok sa kwarto ko ngayon ay hindi ko man lang nararamdaman ang presence?

 

“Sige, Ms. Akemi, mauna na ako.” Tapos ngumiti sa akin si Mr. President at dumiretso doon sa pintuan kung nasaan si Hiro. Sabay na rin silang lumabas ng kwarto ko at naiwan na akong mag-isa—hopefully. Sana lang ay wala nang sumulpot na kahit sino.

 

Medyo nakahinga na ako nung wala nang pumasok o lumitaw bigla sa kwarto ko after five minutes. Nakakapag-isip na rin ako ng mabuti. Naalala ko yung description na binigay ni Mr. President kanina. At kanina ko lang rin narinig ang boses ni Sarah Angeles. Ngayon sigurado na ako na hindi pala siya ang kumausap sa akin dati sa isip ko. Pero nung nabanggit ni Mr. President yung name na Rin, naging kakaiba yung pakiramdam ko. At nung sinabi niya yung intense green eyes, black cape, long hair at yung she’s always on the shadows, nagkaroon ako ng hinala na siya yung nakita ko na nakatingin sa akin mula sa madilim na part ng road during the second case. At paano kung siya rin ang kumausap sa akin that time? Siya kaya yun tumatawag sa akin ng dear? Siya kaya yun? Pero... anong kailangan niya sa akin? Ano ba kasing kailangan ng mga Shinigami sa akin?

 

Ano bang meron sa akin?