.

.

Chapter 35

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

“Thank you po, Dra. Yuuki.”

 

Lumabas ako sa hospital room at naglakad na ako papunta sa dorm namin. Ngayon lang ako dinischarge at siguradong wala akong makakasama sa dorm dahil nasa klase ngayon sina Akane at Riye.

 

Napatigil naman ako bigla sa paglalakad. Maraming estudyante ngayon sa field at ngayon ko lang narealize na wala man lang akong nakakausap o nakakasalumuha na taga-ibang family. Siguro dahil na rin sa schedule namin. Masyado na rin kasi kaming busy at tingin ko ay ganun rin ang ibang families. Pero nakakatuwang makita na marami talaga akong katulad. Nakakatuwa na magkakasama kaming mga Senshins dito sa Tantei High.

 

“Magandang pag-iisip yan, Akemi.”

 

Napalingon naman agad ako sa likuran at nakita ko si Sir Hayate. Crap! Nakabukas pala ang isip ko. Nakalimutan konang isara dahil na rin siguro sa pagod at pag-iisip sa mga nangyari kagabi. Agad ko namang isinarado ang isip ko after that.

 

“Hello po, Sir.”

“Morning. Kamusta na nga pala ang pakiramdam mo?”

“Okay na raw po ang condition ko sabi ni Dra. Yuuki.”

 

Nagsimula naman kaming maglakad ni Sir Hayate. Nasabi niya rin sa akin na may make-up classes ako para sa mga namiss kong meetings every subject. Pagkasabi niya pa lang nun, parang gusto ko nang manlumo.

 

“Narinig ko nga pala ang nangyari kahapon.” Napatigil naman ako nung sinabi yun ni Sir at napatingin ako sa kanya.

“Ahhh...” wala naman akong masabi dahil hanggang ngayon, hindi ko rin alam ang dapat kong maramdaman. “P-paano niyo po nalaman.”

“The President told me.” Sinabi ni Mr. President sa kanya? Close sila?

“Ganun po ba...”

“I’m actually under his division.”

“Anong division po ang hinahandle niya?” medyo nacucurious na rin kasi ako kay Mr. President. Ewan ko ba. May something sa kanya na parang gusto kong malaman.

“Intelligence Division.”

 

Lalo pang nadagdagan ang paghanga ko  kay Mr. President. Pakiramdam ko ang galing-galing niya kahit hindi ko pa nakikita ang true strength niya. Yung parang sa isang tinginan lang ay makikita mong malakas siya. At hindi ko akalaing nasa Intel Division pala siya, pati na rin si Sir Hayate. Akala ko dati, si Sir Hayate ay para lang doon sa Office of the Tranferees, yun pala ay nasa Intel rin siya. Ibig sabihin, sila yung brain ng school. They are the strategists and tacticians. Nakakamangha lang.

 

“Kayo po Sir, kamusta na po?” sabi kasi ni Ms. Reina kahapon, sugatan rin raw sina Sir Hayate at Sir Hiroshi nung laban nila ng mga reapers.

“I’m good. Minor injuries lang naman ang nakuha ko dahil kay Hiro.”

“Hmm? Si Hiro po?” ano kayang kinalaman niya?

“Ah hindi mo pa nga pala alam ang nangyari. Nung nawala na si Kyuuya sa room, ginamit namin yon bilang advantage at sinugod namin si Raiden, the reaper that was left behind, at nung time na malapit na namin siyang ma-corner, bigla na lang may dumating ulit na isa. Nagulat kami sa pagdating niya kaya ginamit niya rin yung opportunity para magcounter-attack. Hindi ko rin alam kung paano at kailan nangyari pero sa isang iglap, halos natalo na niya kami. Hiroshi and I tried to cover the students kaya kami ang napuruhan. Lumapit siya sa akin pagkatapos nun at alam kong anumang oras ay maaari niya akong patayin pero nakagawa agad si Hiro ng paraan. Binato niya yung sword na hawak ni Akane sa direksyon namin with extreme accuracy at nadaplisan sa pisngi yung Shinigami. Akala ko sususgurin niya rin si Hiro pero bigla na lang siyang tumalikod at nawala na lang sila bigla ni Raiden.”

 

Biglang bumigat yung pakiramdam ko after ng sinabi ni Sir Hayate. Alam kong posible pero ayaw pa rin tanggapin ng utak ko. Pero kailangan kong malaman...

 

“S-sir, yung Shinigami po ba na bigla na lang lumitaw ay naka-black cape rin tapos black ang buhok? Cold rin ba ang expression niya at halos kasingtangkad ni Hiro?”nagbago naman bigla ang expression ni Sir Hayate.

“Paano mo nalaman?” I knew it. Siya nga talaga yun.

“Actually, I know him.”

 

Dahil sa Atama family at kay Ms. Reina ko pa lang nakukwento si Darwin, minabuti ko na ring sabihin iyon kay Sir Hayate. Pero habang nagkukwento ako, hindi ko maiwasang hindi matakot. Oo, alam kong mataas ang rank ni Darwin sa mga Shinigami base sa sinabi sa akin ni Ms. Reina, pero hindi ko akalaing halos kasinglakas niya ang mga teachers namin… or maybe he’s even better than them.

 

“I think I need to report this to the President.” Sabi ni Sir Hayate matapos kong ikwento si Darwin sa kanya. “Mauna na ako, Akemi. And don’t forget your make-up classes.” Tapos umalis na rin kaagad si Sir Hayate.

 

Saka ko naman napansin na nasa quadrangle na pala ako at malapit na ako sa main gate. Ang layo pala ng nalakad namin ni Sir Hayate!

 

Bigla akong napatingin doon sa labas kung saan may malaking lake at hindi ko alam kung namamalikmata ako dahil parang nakita ko si Mama. Mukhang galing siya dito sa Tantei High at paalis na. W-wait... mukhang si Mama nga yun ah?

 

“MAMA!” tumakbo ako papuntang gate at nakita kong napahinto siya sa paglalakad, pero hindi siya tumingin pabalik. Pagkatapos nun, tumuloy na rin agad siya sa paglalakad.

 

Sigurado na ako. Si Mama nga yun. Pero, anong ginagawa niya rito? At bakit hindi niya ako nilingon?

 

“Oi Akemi!” napalingon naman agad ako sa likuran at nakita ko sina Akane na papunta sa akin.

“Ah. Kayo pala. Tapos na ang class?” tanong ko kaagad dahil nandito silang lima sa harapan ko.

“Yeah. What’s with you? Narinig ko yung pagsigaw mo mula doon sa room! Napatakbo tuloy kami agad dito.”

“S-sorry.”

 

Kinuwento ko naman sa kanila yung nangyari kanina mula nung nasa ospital ako hanggang sa makita ko si Mama. Sinabi rin naman nila sa akin yung mga ginawa nila nitong nakaraang tatlong araw. Mukhang marami nga akong hahabuling lessons.

 

“Hmm, ano naman kayang ginawa ng Mama mo dito? At saka hindi ba, hindi niya sinabi sa’yo ang totoong pagkatao mo?” tanong ni Ken sa akin.

“Hindi ko rin alam eh. Basta nasa malayo na siya nung nakita ko siya.”

“Maybe she’s hiding something from you.” Dagdag naman ni Reiji. Sa totoo lang, yun rin ang naiisip ko.

“Nee-san, di kaya may binisita siya rito?”

“Eh? H-hindi ko alam eh.”

 

Sa totoo lang, wala na akong masyadong alam kay Mama. I mean, wala akong alam tungkol sa buhay niya noong wala pa ako. Hindi niya naman naikukwento yung buhay niya nung dalaga siya o kaya nung nag-aaral pa siya. Ni hindi nga namin napag-uusapan si Papa dahil baka malungkot lang siya kapag in-open ko pa yung topic na yun.

 

Pagkatapos naming mag-usap-usap ay dumiretso na kami nina Akane at Riye sa dorm. Namiss ko ang kwarto namin. Pero dahil ayaw muna nila akong paglutuin, nagpadeliver na lang sila ng pagkain mula doon sa plaza. Sabay-sabay na rin kaming kumain at nakakatuwa lang dahil namiss ko silang dalawa kahit madalas naman silang dumalaw doon sa ospital. Pagkatapos naming kumain, nagkwentuhan ulit kami. Pero napahinto si Akane sa pagsasalita at napatingin siya sa may bintana.

 

“Nee-san? May problema ba?” tanong ni Riye sa kanya.

“May naririnig akong kakaiba pero mahina lang.” Bigla naman siyang pumikit at pagkadilat niya, nagbago na ang kulay ng mga mata niya. Naging yellow green yung left eye niya samantalang yung right ay almost green na. Whoa... ang huling pagkakatanda ko, yellowish pa yung mata niya dati. Pero ngayon, greenish na sila. Ibig sabihin, nag-improve na si Akane. And her sense of hearing will be amplified.

“Naririnig mo na ba ng malinaw?” tanong ko kaagad sa kanya.

“People are screaming. And I can hear a weird noise. Parang may nasusunog.”

“Hindi kaya may sunog na nangyayari ngayon? Gaano kalayo sa atin?”

“Two kilometers.” Nagulat naman ako sa sinabi niya. Totoo ba yun? Ibig sabihin, she can hear anything as far as two kilometers? Whoa! That’s pretty far!

 

Bigla naman niyang kinuha yung cellphone niya at nagdial siya doon. Pinindot niya yung loud speaker option kaya narinig namin yung pag-ring. After three rings, sumagot yung nasa kabilang linya.

 

“Yo. Bakit?” tanong ni Ken na siyang nasa kabilang linya.

“May naririnig akong commotion, two kilometers from here. I think there’s a fire. Can you confirm this?” saka ko narealize na kaya ngang maconfirm iyon ni Ken dahil sa sixth sense niya. Wow. Ang bilis mag-isip ni Akane.

“Hmm... mukhang may sunog nga. But it’s not just a simple fire. It’s from some explosives.”

“Okay. Thanks smelly boy!”

“Oyy—”

 

Bigla namang in-end ni Akane yung tawag at napangiti na lang kami ni Riye dahil nang-asar na naman si Akane. Pero sumeryoso ulit yung atmosphere after that.

 

“Dahil wala naman tayong ginagawa ngayon, puntahan kaya natin yung lugar na nasusunog ngayon?” biglang sabi ni Akane.

 

Napatango naman kami agad ni Riye. Wala rin naman kaming ginagawa at isa pa, puro na pahinga ang ginawa ko these past three days kaya gusto ko namang kumilos kahit papaano.

 

Sabi ni Akane, it’s either accidental yung sunog o kaya arson. Ang Arson cases raw ay para sa Hana family dahil angkop iyon sa sixth senses nila. Pero dahil nga bored raw siya, gusto niyang maka-experience ng ganitong klaseng case.

 

Lumabas agad kami ng dorm at tumakbo papunta doon sa building kung nasaan ang creepy hallway. Tinahak namin yung sa loob ng fifteen minutes para makapunta sa Agency. Nung makarating kami doon, naabutan namin si Sir Hayate na nasa room.

 

“Saan kayo pupunta?” tanong niya sa amin.

“May sunog po kasi ngayon about two kilometers away.” Sagot naman sa kanya ni Akane.

“But arson cases are for Hana family members.”

“Sige na po Sir! Please?” napabuntung-hininga naman si Sir Hayate.

“Fine. Tutal may bagong case na dumating para sa inyo.”

 

Nagulat naman kaming tatlo dahil sa sinabi ni Sir. Bagong case ulit? Binigay niya sa amin yung isang papel na may nakasulat na pangalan at address.

 

“Felicity Andres? Wait... this address... two kilometers away rin ‘to mula dito ah?” sabi ni Akane nung nakita niya yung nakasulat sa papel. Hmm... teka lang... parang...

“Pumunta siya rito kaninang umaga. Sabi niya, tuwing gabi raw, tatlong araw na ang nakakaraan, may naririnig siyang parang umaaligid sa bahay nila. Kaya pumunta siya kanina para imbestigahan natin yun pero dahil may trabaho siya ay umalis rin siya kaagad.”

“A thief, maybe?” sabi naman ni Riye.

“Anyway, nauna na yung tatlo sa inyo dahil dumiretso sila kanina rito.”

“Eh?! Nauna na sila doon?! Sige Sir, bye!” tapos bigla kaming hinatak ni Akane at lumabas kami doon sa Police Department. Nagulat pa nga yung ilan dahil halos madapa na kami ni Riye sa pagkaladkad sa amin ni Akane.

 

Pagkalabas namin sa Police Department, binitawan rin kaagad kami ni Akane at huminga ako ng malalim. Whoa! Grabe nakakapagod!

 

“Ugh! Kinuha nila si Miyu! Those guys! Ni hindi man lang tayo sinabihan! Lagot sila sa akin mamaya!” saka ko naman napansin na wala nga si Miyu doon sa parking area.

 

“Ahh! Naalala ko na!” napasigaw ako bigla. Kaya pala parang pamilyar kanina yung pangalan at address. Sabi ko na nga ba.

“Nee-san? Anong naalala mo?”

“Felicity Andres. Siya yung may ari ng antique shop, one street away sa street namin.”

“Eh? Malapit yun sa bahay niyo?”

“Yup.”

“Talaga, Akemi? Ibig sabihin, malapit rin sa inyo yung sunog? Wait, gusto kong makita yung bahay niyo!” sabi naman ni Akane nung narinig niya yung usapan namin ni Riye.

 

Napabuntung-hininga naman ako. Well, sabi sa letter nung pumunta ako dito sa Tantei High, hindi raw kami pwedeng bumalik sa bahay namin at tuwing bakasyon lang kami makakauwi. Pero sasayangin ko ba ang pagkakataong ‘to? Isa pa, gusto ko ring makita si Mama. Marami akong gustong itanong sa kanya, lalo na ang tungkol sa pagkatao naming dalawa.