.

.

Chapter 36

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

“No choice. Hihiramin ko muna ‘tong isa sa mga sasakyan dito.” Biglang sabi ni Akane. Nagulat ako nung biglang humawak si Riye sa braso ko at pagtingin ko sa mukha niya, para siyang nakakita ng multo.

“Ayos ka lang ba, Riye?”

“D-don’t let Akane nee-san drive.”

“Eh? Bakit?”

“We’re... gonna... die.”

 

Bigla naman kaming hinatak ulit ni Akane at nagulat ako nung pinapasok niya kami sa isang puting kotse. Teka, paano niya nabuksan ‘to? Sa kanya ba ‘to?

 

“Fasten your seatbelts, ladies. We’re going to fly! Ha-ha!”

 

Simula nung umandar yung sasakyan na dinadrive ni Akane, pinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi na ako sasakay sa isang sasakyan kapag si Akane ang nagdadrive. Ngayon ko lang narealize yung sinabi kanina ni Riye. Mukhang mamatay nga ata talaga kami dahil sobrang bilis ng pagpapatakbo ni Akane.

 

“Oi, oi! Don’t tell me takot ka rin Akemi? Tsk. Si Hiro at Reiji lang talaga ang hindi apektado pag ako ang nagdadrive. Hahaha!”

 

Sa loob ng limang minuto, nakahawak lang ako sa kamay ni Riye at sa seatbelt. Sa loob ng limang minuto, doon ko naramdaman kung anong feeling ng nasa bingit ng kamatayan. Halos hindi na ako huminga dahil sa sobrang kaba. Walang sinasanto si Akane sa pagdadrive. Halos hindi na nga siguro makita yung kotse ng ibang drivers dahil sa sobrang bilis. Mas nakakatakot pa ‘to kaysa sa roller coaster!

 

Nagsimula lang akong huminga ulit nung huminto na yung sasakyan. Hinang-hina talaga yung buong katawan ko. Para akong pinatakbo ng walang tigil dahil hanggang ngayon, nanginginig pa rin yung kalamnan at mga binti ko.

 

“We’re here!” masiglang sabi ni Akane at saka siya lumabas ng sasakyan na para bang walang nangyari. Pagtingin ko kay Riye, sobrang putla ng mukha niya at nagkulay violet na yung labi niya.

 

“WHOA! Nag-drive ka?! Shit! Buhay pa ba sina Akemi at Riye?! Shit!” narinig ko yung boses ni Ken mula sa labas at biglang bumukas yung pintuan ng kotse. “Y-you killed them!”

 

“OA mo!” tapos binatukan ni Akane si Ken.

 

Nagulat naman ako nung parang biglang gumaan yung pakiramdam ko. Teka, lumulutang ba ako?

 

“Why did you let her drive?” saka ko narealize na binuhat na pala ako palabas ng kotse ni Hiro, at ganun rin naman ang ginawa ni Reiji kay Riye.

“Hindi ko alam na... ganun siya magpatakbo.”

 

Pinapangako ko na hinding-hindi ko na hahayaang mag-drive si Akane pag kasama namin siya. Baka sa susunod, hindi na kayanin ng puso ko at bigla na lang akong atakihin sa sobrang kaba.

 

“Riye...” binaba ni Reiji si Riye sa lapag at pinump niya bigla yung chest ni Riye. Pero parang may kakaiba…

“He’s adjusting his muscle strength to open the airway.” Sabi ni Hiro, saka niya ako binaba. At after ilang seconds, narinig ko yung pag-inhale ni Riye ng malakas at saka siya umubo.

“T-thank you, Reiji.”

“No worries.”

 

Huminga rin ako ng malalim dahil parang nakalimutan ko ng huminga. Grabe. Feeling ko may trauma na ako sa mga sasakyan. Parang ayoko nang sumakay ulit sa kahit anong sasakyan ngayon.

 

“Don’t ever drive again! Ha!” napatingin naman ako kina Akane at Ken at nakita kong nakaakbay si Ken at sinasakal niya si Akane.

“Ouch! Ano ba! Nadala lang ako, okay?!”

“Nadala, nadala! Muntik nang hindi makahinga si Riye!”

“Magsosorry na nga ako eh !”

“Nag-sorry ka na rin dati pero ginawa mo pa rin! You speed freak!”

“Whatever smelly boy!”

 

Napabuntung-hininga na lang ako. Oo, malakas ang Atama family kapag seryosong bagay na ang usapan, pero kapag nasa ganitong sitwasyon, iniisip ko kung tama ba ang napasukan kong pamilya.

 

 

Rainie, don’t come here.

 

Eh? Mama? Teka... boses yun ni Mama. Did she just talk to me through her inner voice?

 

Napatakbo ako bigla papunta sa bahay namin. Nandito kami ngayon sa street kung saan nakatira si Felicity Andres pero nilagpasan ko yun at tumakbo papunta sa street namin.

 

“Akemi! San ka pupunta?!” naririnig ko ang boses ni Akane at alam kong sinusundan nila ako.

 

Malapit na ako sa bahay namin. Kaunting takbo na lang. Makikita ko na si Mama. Makikita ko na siy— Huh?

 

“Kumakalat na yung apoy! Lumikas na kayo!”

“Wala pa ba yung mga bumbero?!”

“Tubig! Kumuha pa kayo ng maraming tubig!”

 

No... no way. Bakit... bakit kasama yung bahay namin sa mga nasusunog? Si Mama...

 

“Mama! Mama!”

“O-oy Miss! Delikado na dy—oy!”

“Hala pumasok siya sa bahay!”

 

Tumakbo ako papunta sa loob ng bahay namin. Nasaan si Mama? Nasaan siya?! Bakit nasusunog yung bahay namin? Bakit?!

 

“Mama! Nasaan ka?! Mama!” bigla naman akong naubo. Ugh... kumakapal na yung usok. Sobrang init na rin. Pakiramdam ko, nasusunog yung loob ng katawan ko. Hindi na rin ako makahinga ng maayos.

 

Mama...

 

“AKEMI!” T-teka, boses yun ni Akane. U…ugh. N-nanlalabo na rin ang paningin ko. Napaupo na lang ako sa sahig dahil naramdaman ko na naman ang panginginig ng tuhod ko. H-hindi... pwede...

 

“Why are you always hurting yourself?” pinilit kong buksan ang mga mata ko at nakita ko si Hiro sa harapan ko.

“H-hiro?” bigla niyang hinatak yung kamay ko at binuhat niya ako. Mas lalong bumigat yung mata ko at ang alam ko lang, dumilim na ang buong paligid bago pa kami makalabas.

 

***

 

“Akemi? Akemi?”

“Nee-san...”

 

Dinilat ko ang mga mata ko dahil naririnig ko yung mga boses nila. Nakapalibot sila sa akin ngayon at bigla na lang akong niyakap ni Akane at Riye. Bigla ko na lang narinig na umiiyak na silang dalawa.

 

“Umiiyak ka ngayon, pero kanina nung halos hindi na siya makahinga dahil sa pagdadrive mo, ni hindi mo man lang napansin.”

“Shut up or I’ll drive you to hell!” Maski ako kinilabutan nung sinabi yun ni Akane kay Ken.

 

Mukhang nasa loob kami ngayon ni Miyu. Nagpasalamat naman ako kay Hiro dahil niligtas niya ako, pero wala siyang sinabi... kahit sa isipan ko. Nagpahinga muna kami ng ilang minuto bago lumabas ulit. Paglabas ko, halos hindi ko na makilala yung bahay namin.

 

Tatlong bahay ang nasunog kasama ang bahay namin. Nung nahimatay raw ako, dumating na yung mga bumbero pero wala nang natira sa mga bahay. Mabuti na lang at walang nasaktan sa sunog. Ibig sabihin, wala doon si Mama sa bahay at ligtas siya. Buti naman. Pero... ano yung narinig ko kaninang boses niya?

 

“Teka, tignan niyo yun!” bigla namang may tinuro si Ken sa may kanan namin at halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

“Wait... d-doon tayo galing di ba? Bakit...bakit nasusunog rin yun?!” sabi ni Akane habang nakatingin sa tinuturo ni Ken.

 

Nakita namin ang nasusunog na bahay ni Mrs. Felicity Andres mula doon sa street na pinanggalingan namin kanina. Agad-agad kaming sumakay kay Miyu at hindi ko muna inalala ang takot ko sa sasakyan dahil naka-auto driving naman ang system ni Miyu. Pagdating namin doon, wala pang mga bumbero dahil nasa street pa namin sila.

 

“Mama! Mama!” lumapit ako doon sa batang umiiyak habang hawak-hawak niya yung manika niya.

“Bata, anong nangyari dito?”

“Ate... si Mama ko, nasa loob pa! Iligtas mo po si Mama ko!” saka siya umiyak ulit.

 

M-may tao pa sa loob?! Wait... si Felicity Andres ba yung nasa loob? Teka, akala ko ba nasa trabaho siya, sabi ni Sir Hiroshi? Pero, masyado nang malaki yung apoy. Kung may tao pa sa loob...

 

“Don’t try that stunt again.” Patakbo na sana ako sa loob pero pinigilan ako ni Hiro at hinatak niya yung kamay ko.

“P-pero—”

“They can do it.”

“Huh?”

 

Saka ko naman napansin na biglang nagbuhos ng tubig sa sarili nila sina Riye at Reiji. Nagsuot rin sila ng helmet at saka pumasok sa loob ng bahay.

 

“Don’t worry, Akemi. Their sixth senses can help them.” This time, si Akane naman ang nagsalita at tumabi siya sa akin. Pero bigla siyang napalingon sa kaliwa namin na para bang may narinig siyang kung ano.

“And besides, they are also strong.” Tapos ngumiti sa akin si Ken.

 

Wala naman akong nagawa kundi maghintay dito sa labas. Halos hindi na ako mapakali dahil alam kong nasa loob sina Riye at Reiji. At saka ko narealize, ganito rin ba ang naramdaman nila nung nasa loob ako ng nasusunog naming bahay? Ganito ba ang pakiramdam ng hindi mo alam kung darating ba yung hinihintay mo o hindi?

 

“They’re coming out.” Napatingin ako ulit sa bahay nung sinabi yun ni Hiro. At ilang segundo lang ang nakalipas ay biglang sumabog yung bandang pintuan at lumabas si Reiji habang nakasakay si Riye sa likuran niya at buhat-buhat naman niya ang isang babae.

 

Whoa...nakalabas nga sila.

 

Napatakbo kami papunta sa kanila. Binaba niya yung babae sa lapag at nakita kong duguan na siya.

 

“We’re too late to save her.” Sabi ni Reiji.

“K-kamamatay niya lang nung pumasok kami sa loob. If...if we were just a bit early...” tapos tinakpan ni Riye yung mukha niya. Alam kong umiiyak siya at mukhang sinisisi niya yung sarili niya sa nangyari.

“It’s not our fault.” Sabi naman ni Reiji kay Riye.

“Yes, hindi niyo kasalanan.” Napatingin kami kay Akane. “Nung pagkapasok niyo kanina, may narinig akong putok ng baril. Akala ko kung ano lang, pero mukhang sa siya ang target.” Saka niya itinuro yung bangkay. Teka, yun ba yung time na bigla siyang napalingon sa kaliwa kanina?

 

Napatingin ulit ako sa bangkay ni Mrs. Felicity Andres. May tama siya sa dibdib at nasunog rin yung ilang parte ng katawan niya. This is so horrible. Bakit kailangang barilin pa siya kahit na halos mamatay na siya sa loob ng nasusunog nilang bahay?

 

“Hindi kaya Shinigami ang may gawa nito?” mahinang tanong ko sa kanilang lima.

“No, this is not their work. Masyadong nakaka-attract ito ng tao.” Sabi ni Akane.

“Ibig sabihin, tao ang gumawa nito?”

“Yes. A humdrum with an evil intent.” Sabi naman ni Reiji.

“Ano pang hinihintay natin? Let’s investigate!” dagdag ni Ken, at after nun, sinimulan na namin ang imbestigasyon.