.

.

Chapter 37

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

“Namatay siya dahil sa tama ng baril sa dibdib niya at natamaan yung puso niya. She died around 11:30 to 11:33,” sabi ni Riye habang sinusulat iyon sa isang papel.

“Nagtanung-tanong rin kami sa mga kapitbahay at nagsimula raw yung sunog sa kabilang street bandang 11:10 at nagsimula naman yung sunog sa bahay nina Mrs. Andres bandang 11:25,” dagdag ni Ken.

 

Nandito kami ngayon sa loob ni Miyu at dinidiscuss namin yung mga nangyari sa sunog doon sa street namin at dito sa street nina Mrs. Andres.

 

“Do you think they’re connected?” tanong naman ni Riye.

“It’s possible. The time interval between the fire occurences is too narrow to be a coincidence,” sagot ni Reiji sa kanya.

“At sigurado ako na may bumaril sa kanya galing sa crowd dahil doon ko narinig yung putok ng baril, though hindi ko nakita kung sino kasi masyadong maraming tao,” at dinagdag naman yun ni Akane sa sinusulat ni Riye.

 

Sinusubukan kong magfocus doon sa case pero hindi pa rin talaga mawala sa isip ko si Mama. Bakit siya galing sa Tantei High? Bakit wala siya sa bahay? Bakit nasunog yung bahay namin? Gustung-gusto ko na siyang makita at makausap. Gustung-gusto ko nang itanong sa kanya lahat ng tanong na naiipon na sa loob ko.

 

“Akemi?” nagulat naman ako nung tinawag ako ni Akane at lahat sila ay nakatingin sa akin.

“H-huh?”

“C’mon. Alam naming preoccupied ka dahil sa Mama mo, pero focus muna tayo dito. We need to solve this crime.”

 

Gusto ko sanang sagutin si Akane, pero napigilan ko ang sarili ko. Narealize ko na mas mabigat siguro yung nararamdaman niya dahil baka dahil sa akin, naaalala na naman niya yung Mom niya at yung pagkamatay niya. Narealize kong ang selfish ko kapag pinagpatuloy ko ‘tong ginagawa ko. Lahat sila may napagdaanang hirap pero hindi nila pinapakita na nahihirapan sila. I admire them for that.

 

“Sorry,” saka ako napabuntung-hininga, “magfofocus na ako.” Sinilip ko yung papel na sinusulatan ni Riye at tinignan ko yung mga pinag-uusapan nila.

 

“Pero ang weird lang talaga yung tatlong bahay, kasama yung inyo,” tapos tinuro ako ni Akane, “ay magkakatabi, tapos halos kasabay nasunog yung bahay nina Mrs. Andres, which is a street away.”

 

Sa totoo lang, kinilabutan ako kanina nung nangyayari yung magkasunod na sunog. Sobrang weird nga talaga. Bakit kailangang hiwalay na masunog yung bahay nina Mrs. Andres?

 

“Kung si Mrs. Andres nga talaga ang target ng killer, bakit kailangan niya pang sunugin yung tatlong bahay sa kabilang kanto?” tanong ni Ken.

“Maybe to divert the attention of the crowd?” sagot naman ni Reiji.

“Pero nung nasusunog na yung bahay nina Mrs. Andres, she’s still alive. Namatay lang siya dahil sa tama ng baril, which is galing sa crowd,” dagdag ni Riye habang patuloy pa rin siya sa pagsusulat.

 

“Akane.” Napatingin kaming lahat kay Hiro dahil ngayon lang siya nagsalita dito sa discussion na ginagawa namin.

“Why?”

“You heard the gunshot from your left side, right?”

“Yeah. And I’m pretty sure na naglagay siya ng silencer sa baril na ginamit niya para walang makarinig ng putok. Too bad I’m his or her miscalculation.”

 

Tumahimik saglit si Hiro pero nakatingin pa rin kami sa kanya. After siguro ng isang minuto, tumingin siya sa computer system ni Miyu.

 

“Miyu, the Window.” Right after niyang sabihin yun, nag-activate yung sasakyan at nakikita na naman namin yung labas kahit nakasara yung sasakyan. Nakaproject sa paligid ng sasakyan yung mga nagaganap ngayon sa labas. So, Window pala yung command na yun.

 

“I have five suspects.” Napabalik yung tingin namin kay Hiro dahil sa sinabi niya.

“Five? Who are they?” tanong agad ni Reiji.

 

Tumayo si Hiro at pumunta siya doon malapit sa bintana kung saan nakaproject yung harapan ng bahay nina Mrs. Andres at sobrang daming tao ang nagkukumpulan para makiusyoso.

 

“These five people are on our left side and they’re suspicious,” sabay turo niya sa limang tao na nandoon sa harapan ng bahay ni Mrs. Andres. Una niyang tinuro ay yung isang lalaki na nakasalamin at may dala-dalang brief case. Pangalawa ay isang mukhang mayamang lalaki na naka-polo at necktie pa. Pangatlo naman ay isang lalaki na ngayon ay kasama yung anak ni Mrs. Andres. Pang-apat, petite at maputing babae. At ang huli niyang itinuro ay isang babaeng naka-shades at cap.

 

Bigla naman akong na-amaze. Ibig sabihin, natandaan niya kanina lahat ng itsura ng tao sa paligid niya at nadistinguish niya pa kung sino yung nasa left side at kung sino yung mga suspicious. Whoa. His sixth sense is amazing.

 

“Kung sila nga suspects natin, dapat i-check na natin yung mga dala nila dahil baka nasa kanila pa yung baril na ginamit sa pagpatay,” sabi ni Ken sabay tayo.

“No. We’ll observe them first.”

“Bakit?”

“Dahil hindi pa sila umaalis.”

 

Lahat kami ay napa-‘huh?’ sa sinabi ni Hiro. As in sabay-sabay kami. Muntik na tuloy akong matawa. Akala ko hindi na gagaan ‘tong atmosphere dito dahil sa mga nangyayari pero may tinatago palang sense of humor si Hiro kahit di niya sinasadya.

 

“Ah! I get it, nii-san,” sigaw ni Riye habang nakataas pa yung kamay niya.

“Yeah. That’s it.” Muntik ko nang tanungin kung ano na namang sinasabi niya pero narealize ko na baka nag-usap sila through their inner voices.

“Oh. That’s it.” This time, si Reiji naman ang nagsalita. Okay, mukhang silang tatlo lang ang nagkakaintindihan.

 

“Nii-san wants to observe their actions because the killer is still there.”

“So?” nakakunot na yung noo ni Akane dahil sa sinabi ni Riye.

“Ibig sabihin, hindi pa nagagawa ng killer yung buong plano niya,” dagdag ni Reiji habang nagpipindot na naman ng kung ano sa phone niya.

“Ibig sabihin, may gagawin pa siya bukod sa pagpatay kay Mrs. Andres,” sabi naman ni Ken habang patangu-tango at mukhang narealize niya na rin yung ibig sabihin kanina ni Hiro.

 

 

“However, we can’t investigate on our own,” tapos tinuro ni Hiro yung nakaproject na bahay nina Mrs. Andres doon sa sasakyan at nakita naming mga local police yung nandoon. Hindi naman kami pwedeng bigla na lang maki-imbestiga doon dahil unang-una, mga teenagers lang kami sa tingin ng mga ordinaryong tao, at pangalawa, baka mabunyag ang existence ng mga kagaya namin.

 

“So mukhang wala tayong choice kundi bumalik muna sa school at i-report ito kay Sir Hayate,” sabi agad ni Ken at nag-agree naman silang apat.

“Wait, paano kung sa time na wala tayo dito, saka kumilos yung killer?” bigla namang tumayo si Akane at lumapit kay Hiro.

“Akemi, wag mong kalimutan ang existence ng lalaking ‘to,” tsaka niya pinisil yung pisngi ni Hiro pero wala man lang siyang karea-reaksyon, “He won’t leave a crime scene without a back up plan. Right, Akuma?” tapos nagmake face pa siya sa harapan ni Hiro.

 

Bigla ko namang naalala yung sinabi dati ni Akane sa akin. Tinawag na naman niya kasing Akuma si Hiro. Sa pagkakatanda ko, ang sabi ni Akane, devil daw ang ibig sabihin nun. Bakit kaya yun ang tawag sa kanya ng iba?

 

“Dahil may dala akong kotse—”

“Which is not yours...” bigla namang binatukan ni Akane si Ken dahil sa pagputol ng sinasabi niya. Ang cute talaga nilang dalawa. Kahit lagi silang nag-aaway at nagbabangayan, napapagaan pa rin nila yung atmosphere dahil sa personalities nila.

“Dahil may dala akong kotse, doon ako sasakay. Akemi, Riye, sasabay ba ulit kayo sa akin?” pagkasabi nun ni Akane, napaatras agad ako at pinagpawisan dahil naalala ko na naman yung experience ko kanina. Si Riye, parang paiyak na yung expression niya kaya alam kong ayaw na rin niyang sumabay kay Akane.

“Boo. KJ! Ako lang mag-isa dun?!”

“Ha! Mag-drive ka mag-isa. Magsasama ka pa ng papatayin mo—oh shit!!” biglang hinila ni Akane si Ken sa collar ng damit niya at halos kaladkarin niya palabas kay Miyu.

“Patayin pala ha? Humanda ka sa akin smelly boy, ipagdadrive kita papuntang hell!” narinig kong sigaw ni Akane habang palabas sa sasakyan.

“Shit! Help me! HEL—” at nakatikim na naman siya ng isang malakas na batok mula kay Akane. Hindi ko tuloy alam kung matatawa o maaawa ako sa kanya. Oh well, mukhang nasa sasakyan na sila.

“Then we shall also go. Miyu,” sabi ni Reiji at nagrespond naman agad sa kanya si Miyu.

“Yes, Master Reiji.”

 

Umandar kaagad si Miyu at pabalik na kami sa school. Pero halos mapatigil ako sa paghinga nung may nakita akong figure na nakaproject sa isang part ni Miyu. Naka-activate pa kasi yung Windows at alam kong tama ang nakikita ko.

 

Nakita ko si Mama sa loob ng bahay namin na nasunog na nakaproject kay Miyu at may kalaban siyang... Shinigamis. Well, I think they are Shinigamis because of their capes. Pero ngayon ko lang nakita si Mama na... ganun yung itsura. Kalmado lang ang itsura niya dati pero ngayon, parang punung-puno siya ng confidence at halos kilabutan ako nung nakita ko ang mga mata niya. Her eyes are intense green in color. At hawak-hawak niya yung paborito niyang pamaypay. Pero bago pa may mangyari ay biglang nawala yung projection at wala na rin yung Windows.

 

Napapikit na lang ako dahil hindi ko na talaga alam kung ano bang nangyayari kay Mama. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil kinakabahan ako sa scene na nakita ko kanina. Tatlo ang kaharap niyang Shinigami. Paano kung... paano kung...

 

‘So that was your mother.’  Napatingin ako kay Hiro dahil bigla siyang nagsalita sa isip ko. He saw her?

‘N-nakita mo siya?’

‘I saw your expression when you looked at that particular projection. And I could read your mind.’

 

Hindi na ako nakasagot. Hindi ko na rin kasi alam ang sasabihin. Mas lalo lang bumigat ang pakiramdam ko dahil nag-aalala ako kay Mama. Mag-isa lang siya doon. Paano kung may masamang mangyari sa kanya?

 

‘A Senshin gets stronger when he or she is protecting someone.’ Napatigil ulit ako sa pag-iisip dahil sa sinabi niya.

‘Anong ibig mong sabihin?’

‘She’s protecting you.’ Pagkasabi niya nun, lalong bumigat yung pakiramdam ko.