.

.

Chapter 38

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

“And that’s the whole story, Sir,” sabay upo ni Akane after niyang i-explain kay Sir Hayate yung nangyaring arson at murder doon sa pinuntahan namin kanina.

 

“Hmm, okay. Pupunta tayo ulit doon in five minutes,” tapos umalis si Sir doon sa table niya at pumasok sa may Tantei Police Department.

 

Naiwan naman kami doon sa may sofa. Iniisip ko pa rin yung nakita ko doon sa projections ni Miyu. Ano na kayang nangyayari kay Mama? Sabi ni Hiro, pinoprotektahan niya raw ako. Pero saan? Kanino? Doon ba sa mga Shinigami? Ano namang kailangan nila sa akin?

 

Sobrang daming tanong ang nasa isip ko ngayon pero kahit isa, wala akong masagot.

 

“Nee-san, are you okay?” napatingin naman ako kay Riye at napansin kong worried yung expression niya. Unti-unti namang nawala yung bigat ng pakiramdam ko dahil narealize kong mas priority namin ngayon ang case. Isa pa, ayaw ko namang mag-alala sila sa akin dahil lang sa mga tanong sa isip ko na hindi ko masagot.

“Mmm,” saka ako ngumiti sa kanya.

 

Siguro naman, mas reason si Mama kung bakit hindi siya nagpapakita sa akin. Alam kong may reason rin siya kung bakit hindi niya sinabi sa akin yung tungkol sa Tantei High, pati na rin sa sixth sense ko. Gusto ko na talaga siyang makausap. Namimiss ko na rin siya. Sana lang, harapin na niya ako.

 

“Let’s go,” sabi ni Sir Hayate na nakatayo na pala doon sa pintuan.

 

Sabay-sabay naman kaming tumayo doon sa sofa at pumunta sa labas. Sumakay agad kami kay Miyu at dinala niya kami doon sa crime scene. Pagdating namin doon, marami pa ring pulis sa bahay nina Mrs. Andres. Kasama si Sir Hayate, lumapit kami sa kanila at napatingin naman sila sa amin.

 

“Detective,” sabay pakita ni Sir Hayate ng isang FBI ID. Naalala ko tuloy na ginawa rin ‘to ni Miss Reina dati para raw payagan kaming mag-investigate ng mga pulis.

 

Sinabi rin ni Sir Hayate na kinausap siya ni Mrs. Andres kaninang umaga para imbestigahan yung nangyayari sa bahay niya kaya pinayagan kami ng mga pulis na pumasok doon sa crime scene.

 

Pagpasok namin sa bahay, amoy na amoy pa rin yung mga sunog na gamit. Pinuntahan namin kung saan nakatayo si Mrs. Andres nung barilin siya. Sabi nina Riye at Reiji, nasa sala raw si Mrs. Andres nung pumasok sila at nung nakita na nila, wala na siyang buhay.

 

“Dito namin siya nakitang nakahiga nung nabaril na siya,” sabay turo ni Reiji doon sa spot sa sala.

“Kung dito siya bumagsak, ibig sabihin nakaharap siya sa bintana dahil galing sa right side sa perspective niya,” dagdag naman ni Ken at pumunta siya doon sa may bintana kung saan maaaring dumaan yung balang tumama kay Mrs. Andres.

 

Naglibut-libot pa kami doon sa bahay. Sabi kasi ni Sir Hayate kaninang umaga, pumunta daw sa Agency si Mrs. Andres dahil may mga naririnig raw siyang umaaligid sa bahay niya mula noong nakaraang araw. Pumunta ako doon sa likod ng bahay at may nakita akong kakaiba.

 

“What did you find?” napatingin naman ako sa likuran ko. Nandito rin pala si Hiro at Reiji.

“Ayun oh,” sagot ko kay Hiro habang tinuturo ko yung puno.

 

Sabay-sabay kaming lumapit doon at tinuro ko ulit kung anong nakita kong kakaiba. May parang dent kasi sa trunk ng puno. Para kasing hindi natural yung pagkakaroon ng ganun doon sa trunk.

 

“Parang may nakalagay dito dati,” tapos hinawakan ni Reiji yung part na yun.

“Pero ano?” kasingliit lang ng limang piso yung dent. Hindi ko tuloy alam kung ano talagang nakalagay dito o kung meron nga talaga.

 

“Open your minds, so we can communicate with them,” sabi naman ni Hiro. Narealize kong ang tinutukoy niya ay sina Akane, Ken, Riye at Sir Hayate na nasa loob ng bahay. Siyempre, ginawa naman namin ni Reiji yung sinabi niya pero small opening lang yung ginawa ko.

 

Naglibot pa kami sa bakuran para maghanap pa ng clues na pwede naming magamit sa pagsosolve sa kasong ‘to. Si Reiji, may nakitang sunog na lalagyan na parang bote. Dahil sobrang sunog na, hindi na namin ma-identify kung anong laman nun. Si Hiro naman, may nakita ring babasaging bote. Okay, bakit parang puro bote ang nakita namin dito?

 

‘Hey guys! Natanong na namin yung ilang witness sa pagkakasunog ng bahay,’ narinig ko yung boses ni Akane sa isip ko.

‘Kasama sa natanong namin ay yung dalawa sa suspects,’ dagdag naman ni Ken.

‘Tinanong rin po namin yung tatlo pero hindi raw nila naabutan yung simula ng sunog,’ sabi naman ni Riye.

 

Mukhang marami na rin silang nakalap na information regarding this case.

 

‘May nakita naman kami dito nina Hiro at Reiji na mga kakaibang bagay,’ sabi ko na lang dahil mukhang walang balak sumagot yung dalawang kasama ko. Nakatingin lang sila sa mga burnt bottles na hawak nila, na parang inaanalyze nila kung ano o bakit nandun yung mga bagay na yun.

 

‘Akemi, Hiro, Reiji, bumalik muna kayo rito sa loob,’ this time, boses naman ni Sir Hayate ang narinig ko.

 

Sumunod naman kami sa sinabi niya at pumasok ulit kami sa loob. Dala-dala pa rin nila yung dalawang bote hanggang sa pagpasok namin. Nakita namin sila doon sa may sala kaya dumiretso kami doon.

 

“Ano yang mga yan?” tanong ni Akane sa kanilang dalawa pero hindi na naman sila sumagot at tinitigan lang yung mga boteng hawak nila. Napabuntung-hininga na lang ako at ako na ang nagsalita para sa kanilang dalawa.

“Mga nakita namin doon sa likod. Weird lang kasi na nandoon yang mga yan. Tapos may kakaibang dent rin doon sa puno sa likod. Kayo ba? Anong nalaman niyo?”

“Well, may weird things rin kaming napansin. Like that place,” tapos tinuro ni Akane yung daan papuntang second floor.

“Anong meron doon?” nacurious ako sa tinuro niya. Hindi naman namin pwedeng puntahan dahil nasunog na rin yung hagdanan. Nakakatakot nang umakyat dahil baka bigla na lang mag-collapse. Tsaka teka, paano nila nalaman na may kakaiba sa second floor?

“Hindi ko rin alam kung anong itsura exactly, pero sabi ni Sir Hayate, may part daw sa second floor na hindi nasunog.”

 

Nagulat naman ako sa narinig ko. Merong part na hindi nasunog? Eh parang nalamon nga ng apoy yung buong bahay kanina. Posible ba yun? Tsaka paano nalaman ni Sir Hayate.

 

“Ah, sorry. Hindi mo pa nga pala alam ang sixth sense ko,” nakalimutan kong isarado ang isip ko kaya nabasa ni Sir Hayate yung tanong ko. Shocks. Bigla ko tuloy naisara dahil baka kung anu-ano na namang malaman nila sa akin.

 

“Kaya kong makita ang mga bagay na gusto kong makita kahit may nakaharang pa sa kanila. Sort of an x-ray, actually,” sabay ayos ni Sir sa salamin niya.

 

Wow. Ang astig ng sixth sense ni Sir. Ibig sabihin, kaya niyang makita kung ano yung nasa second floor kahit na may kisame? Sobrang helpful nun.

 

“Gusto ko talaga ng sixth sense niyo sir, ang useful,” biglang sabi naman ni Ken sabay tawa. Pero muntik na siyang mabilaukan dahil bigla siyang binatukan ni Akane.

“Kung sa’yo yun mapupunta, for sure pambababoy lang gagawin mo,” tapos inirapan siya ni Akane.

“Hindi ka naman kaboso-boso,” sabay takbo ni Ken dahil alam niyang bubugbugin na naman siya ni Akane sa sinabi niya.

 

Baliw talaga yung dalawang yun. Kahit seryoso yung pinag-uusapan, nagagawa pa rin nilang maglokohan.

 

“Saan ang hindi nasunog?” napatingin naman kami kay Hiro. This time, wala na sa boteng hawak niya yung attention niya, kundi na kay Sir Hayate.

“Yung kwarto ni Mrs. Andres. May ilang parts na naabutan ng sunog pero hindi nasunog halos lahat ng gamit doon.”

“That’s weird,” this time, si Reiji naman ang nagsalita.

“Yeah. And her son was outside when the fire occurred. I don’t know if it’s just a coincidence or the suspect didn’t want the child to get hurt.”

 

Natahimik naman kami dahil sa sinabi ni Sir Hayate. Kanina, nakausap ko pa yung anak ni Mrs. Andres sa labas. Iyak pa siya nang iyak at humihingi siya ng tulong sa amin para i-save yung mommy niya. Pero may bigla akong naalala.

 

“Nasaan na po pala yung anak niya?” tanong ko sa kanila.

“She’s with her Dad, nee-san,” sagot ni Akane sa akin.

“Teka, yun ba yung kasamang lalaki kanina nung bata?”

“Opo.”

“Hindi ba, isa siya sa mga suspects?” tumango naman si Riye.

“Actually, he’s our primary suspect for now. The husband of Felicity Andres, Richard Andres. Nung tinanong namin siya kanina, naabutan niya raw yung sunog. Sabi niya rin, nagsimula yung sunog sa may bakuran. Akala niya, nagsusunog lang daw si Mrs. Andres kaya hinayaan niya lang. Pero nung napansin niyang kinakain na ng apoy yung bahay nila, nakita niyang nasa tapat lang ng main door nila yung anak niya kaya sumugod siya doon para ilayo yung anak niya,” sabi ni Sir Hayate.

“Nasaan siya nung nagsimula yung sunog?” tanong naman agad ni Reiji.

“Nagtatago siya doon sa poste ng kuryente malapit sa bahay nila.”

“Bakit siya nagtatago?”

“Hiwalay na kasi sila ni Mrs. Andres at nagpupunta siya dito para lang tignan yung anak niya. Pero hindi siya pumupunta mismo sa bahay. Nagtatago lang siya malapit sa bahay nila dahil ayaw niya  raw makita si Mrs. Andres.”

 

Natahimik ulit kami. Kung si Mr. Richard nga ang may gawa nito, hindi niya gugustuhing madamay yung anak niya. At isa pa, baka may motibo siya dahil sa paghihiwalay nila. Alam rin niya ang structure ng bahay nila at yung galaw ng asawa niya. Hindi imposibleng siya nga ang arson at murderer.

 

“Guys! Shit!” napatingin naman kami agad sa may pintuan at nakita naming tumatakbo ulit papunta rito sina Akane at Ken.

“Bakit?” tanong ni Sir Hayate sa kanila.

“May naaamoy na naman akong sunog!”

“Ano?!” halos pare-pareho kami ng reaksyon at nagpanic na rin kami. Hindi pa nga namin tapos imbestigahan ang nangyari dito, tapos may sunog na naman?

“Where?” tanong agad ni Hiro kay Ken.

“Approximately 2.5 kilometers from here,” halos hingal na sagot ni Ken.

 

Bigla namang naglakad palayo sina Sir Hayate at Hiro kaya sumunod kami, pero pinahinto kaming lahat ni Sir Hayate.

 

“Someone should stay here. Baka gamiting chance ng killer kapag wala na tayo rito at gawin niya kung anumang hindi niya pa nagagawa,” sabi ni Sir Hayate sa amin.

“So parang lookout? I think Akemi will be our best choice,” dagdag naman ni Akane. Nagulat ako sa sinabi niya pero naisip ko na perfect nga ang sixth sense ko bilang lookout.

“Okay, Akemi, maiwan ka muna rito. Pupuntahan lang namin yung sunog na sinasabi ni Ken. Mag-ingat ka,” tapos tumalikod na ulit si Sir Hayate pati na rin sina Akane para umalis.

“Reiji, stay with her,” napatingin naman ako kay Hiro at Reiji. Wait, maiiwan rin dito si Reiji?

“Okay,” sagot ni Reiji sa kanya.

 

After that, umalis na sina Sir Hayate, Hiro, Ken, Akane at Riye, tapos kaming dalawa ni Reiji ay naiwan dito. Lumabas kami doon sa bahay at tinignan namin kung nandun pa yung limang suspects. Nakita ko naman na binaba ng babaeng naka-cap yung shades niya at tumingin sa direksyon ko. Nung ginawa niya yun, halos manigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang kaba at takot. Then, she smirked at me.

 

Bigla kong naalala yung nangyari sa ospital. Hindi ako makahinga dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko. W-why is she here?

 

Bakit nandito si Sarah Angeles?