.

.

Chapter 39

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Bakit siya nandito? Ano ba talagang kailangan niya sa akin?

 

Bigla siyang tumingin ng matalim kaya napaiwas agad ako ng tingin. Pero pagtingin ko ulit doon sa pwesto niya, wala na siya. Napahawak na lang ako dibdib ko dahil sa sobrang kaba. Nawala na lang siya bigla. Paano niya nagawa yun? Ginamit niya ba ang Black Dimension? O sadyang mabilis lang siyang kumilos? Pero imposible. Halos isang segundo lang nawala ang tingin ko sa kanya. Imposible rin naman sigurong gamitin niya ang Black Dimension dahil maraming tao rito. Baka may makakita sa kanya na bigla na lang siyang nawala na parang bula.

 

“Are you okay?” napatingin naman ako bigla kay Reiji. Kahit papaano, bumagal na yung tibok ng puso ko. At least, alam kong may kasama ako.

 

“Mmm,” tapos tumango na lang ako.

 

Inalis ko muna sa isip ko si Sarah Angeles at nagfocus na lang sa case na ‘to. Pero nnapaisip rin ako after that. Kasama siya sa mga suspect ni Hiro. Posible kayang siya ang may gawa nito? Pero sabi ni Akane, masyado raw attracting ng tao yung way ng pagpatay at hinding-hindi yun ginagawa ng mga Shinigami.

 

Pumwesto kami ni Reiji sa may labas ng bahay para ma-observe namin yung kilos ng apat pang suspects. Tinry kong i-adjust yung distance na kaya kong makita kaya naramdaman kong nagbago yung kulay ng mga mata ko.

 

Una kong tinignan ay yung dating asawa ni Mrs. Andres. Kasama niya pa rin ang anak nila at nasa may bandang gilid sila. Nakatulog na yung bata kaya buhat-buhat niya. Halatang-halata sa mukha niya yung awa sa anak niya pati na rin yung pagod. Iniisip ko tuloy kung bakit sila naghiwalay ni Mrs. Andres. Kawawa tuloy yung anak nila.

 

Napatingin naman ako bigla doon sa unang suspect na tinuro ni Hiro kanina—yung lalaking nakasalamin at may dala-dalang briefcase. Para siyang professor or businessman. Hindi siya mapakali at lagi siyang tumitingin sa orasan niya. Hmm, ano kayang laman ng briefcase niya? Hindi kaya...doon nakatago yung baril na ginamit niya, kung siya ang suspect? Pero masyadong risky yun dahil baka mag-inspect ang mga pulis ng mga bagahe ng mga nandito. Hindi naman siguro siya gagawa ng ikapapahamak niya lalo pa’t may hindi pa nagagawa yung suspect.

 

Sunod kong inobserbahan ay yung lalaking mukhang mayaman na naka-polo at necktie. Mukha siyang depressed at nakatingin lang siya sa bahay nina Mrs. Andres. Parang gusto niyang pumunta sa loob ng bahay pero hindi pwede dahil may mga pulis na nakabantay. Kinutuban naman ako sa kanya. Hindi kaya...siya ang may gawa nito? Sabi kasi ni Hiro kanina, kaya hindi pa raw umaalis yung murderer ay dahil may kailangan pa siyang gawin. Sa kilos niya, mukhang may balak nga siyang gawin o hanapin doon sa loob ng bahay.

 

Huli kong inobserbahan yung petite na babae. Patingin-tingin lang siya sa paligid niya na para bang may hinahanap. Para siyang kinakabahan dahil hindi siya mapakali. Nung napunta yung tingin niya doon sa bandang gilid kung nasaan si Mr. Richard Andres at yung anak niya, napabuntung-hininga na lang siya. Magkakilala kaya sila?

 

Iniisip ko kung kakilala ba nilang lahat si Mrs. Andres at bakit sila nandito. Gusto ko sana silang tanungin pero masyadong maraming tao at pulis na nagkalat dito. Mamaya na lang siguro. For now, oobserbahan ko muna sila.

 

Napatingin naman ako kay Reiji na nasa gilid ko. Nakatingin lang siya sa phone niya kaya sinilip ko kung anong tinitignan niya. Pagtingin ko, parang may view siya ng nasusunog na mga bahay.

 

“Reiji...ano yan?” napatingin agad sa akin si Reiji at tinuro ko yung phone niya.

“Ito yung place na pinuntahan ngayon nina Sir Hayate. Naka-connect kasi ‘tong phone ko sa system ni Miyu kaya na-access ko yung Window program niya kaya nakikita ko yung nangyayari doon, pero sa isang point of view lang.”

 

Namangha naman ako sa sinabi niya. Ang galing. Pwede palang magamit yung features ni Miyu sa phone niya. May view tuloy kaming nakikita ngayon ng nangyayari doon. Pero bakit ganun?

 

“Teka...bakit...ang weird ng sunog?” tanong ko kaagad kay Reiji at nagshrug na lang siya ng balikat niya.

“Hindi ko rin alam. Pero mukha ngang connected sila ng nangyaring sunog dito dahil sa pagkakaparehas nila,” napatango naman ako sa sinabi niya.

 

Sa point of view kasi na nakikita namin, involved sa nangyayaring sunog ang maraming bahay. Pero ang weird dahil circular yung pagkasunog nila. Para tuloy may ring of fire doon sa lugar. Ang weird talaga. Bakit ganun pa yung way ng pagsunog? At may mamamatay na naman ba?

 

 Bigla namang nagbago yung expression ni Reiji at napatingin siya sa paligid namin.

 

“Reiji? B...bakit?”

“Do you think the killer is still here?”

“Eh? Teka...di ba hindi niya pa nagagawa yung dapat niyang gawin?”

“Oo, pero kung pareho ‘to ng nangyari dito, ibig sabihin, baka may mamatay na naman. Which means, it’s either he or she has an accomplice or he or she can control the method of killing someone from here.”

 

Dahil sa sinabi ni Reiji, napatingin ulit ako sa mga suspect na nandito. Saka ko napansin na pare-pareho nilang hawak ang mga phone nila.

 

“H-hindi kaya, gagamitin niya ang phone niya para i-activate ang something?” tanong ko kaagad kay Reiji.

“That’s possib—”

 

Bigla naman kaming may narinig na malakas na pagsabog galing doon sa phone ni Reiji kaya napatingin agad kami. Doon sa nangyayaring sunog ay may isang bahay na sumabog, na kasama ring nasusunog.

 

Dali-dali namang kinontact ni Reiji sina Sir Hayate.

 

“Hello, Riye? Anong nangyari dyan? May sumabog ‘di ba? What? Okay. Thanks,” pagkababa ni Reiji ng phone niya, nakaabang na ako sa sasabihin niya sa akin.

“A-anong sabi ni Riye?”

“Bomba raw yung sumabog. May isang lalaking namatay na nasa loob ng bahay na nasusunog.”

“N-no way.”

 

This...is really weird.

 

“Magiimbestiga raw muna sila doon,” sabi ni Reiji sa akin.

“Sa tingin mo, may connection si Mrs. Andres at yung lalaking namatay doon?” pagkatanong ko nun, tumango lang si Reiji. Actually, malakas rin ang kutob kong magkakilala sila. At sa tingin ko, kilala rin sila ng killer.

 

“We should also investigate,” saka naglakad si Reiji papunta doon sa mga suspect kaya sumunod rin ako sa kanya. Dahil pumunta siya doon kay Mr. Richard Andres, dumiretso ako sa lalaking naka-polo at necktie.

 

“Uhm, excuse me po,” napaatras naman ako bigla nung tumingin siya sa akin ng matalim.

“What do you want, brat?”

“Uhm, part po ako ng investigation team at gusto ko lang pong kunin ang statement niyo regarding this crime.”

“Heh. Okay lang sa akin na namatay na si Felicity. She’s a troublesome woman after all,” sabay punas niya sa pawis niya. Napansin ko namang tingin pa rin siya nang tingin doon sa loob ng bahay.

“Meron ka po bang kailangan sa kanya? Mukhang hindi kayo mapakali,” bigla namang nagbago yung expression niya.

“This is not a kid’s game, brat,” pagkasabi niya nun ay naglakad siya palayo sa akin.

 

Nakakatakot siya. Akala ko kanina, sasaktan na niya ako. Buti na lang at hindi nangyari.

 

Sunod ko namang pinuntahan yung lalaking nakasalamin at may dalang briefcase. Sayang. Kung nandito lang sana si Sir Hayate, makikita niya kung ano yung nasa loob ng briefcase.

 

“Excuse me po. Uhm, kakilala niyo po ba si Mrs. Andres?” panimula ko sa kanya. This time, hindi naman matalim na tingin ang sumalubong sa akin.

“Hmm?”

“Ah, sorry po. Kasama po ako sa investigation team at napag-utusan po akong magtanong sa mga tao rito,” sabi ko na lang sa kanya.

“Ah ganun ba. Oo, kilala ko siya. Magkaklase kami noong college. Sa katunayan, may usapan kami ngayon pero...”

“May usapan po kayo?” tumango naman siya kaagad.

“Oo pero after lunch pa dahil may imimeet rin daw siya bago ako.”

“Eh bakit po nandito na kayo ng before lunch?”

“May meeting rin kasi ako sa company na kanina lang sinabi sa amin kaya makikipagmeet sana ako ng maaga kay Felicity. Kaso pagdating ko rito, nasusunog na yung bahay niya.”

“G-ganun po ba.”

 

After that, hinila ako ni Reiji pabalik doon sa dati naming pwesto.

 

“Anong sabi sa’yo ng dalawa?” tanong ni Reiji sa akin. Syempre, sinabi ko yung sinagot sa akin ng dalawang suspect.

“Kamusta naman yung sa’yo?”

“It turns out na yung babaeng suspect, ay yung kinakasama ni Mr. Richard Andres.”

“Hala, talaga?”

“Yeah. Pero mukhang hindi alam ni Mr. Richard na sinundan siya ni Ms. Carla. Hindi raw kasi sinasabi ni Mr. Richard kung saan siya pumupunta kaya pinili niyang sundan siya. At pagdating niya rito, nasusunog na yung bahay ni Mrs. Andres.”

 

Napag-isipan naming hintayin na lang muna sina Sir Hayate para masabi namin sa kanila yung mga nakalap namin. Pero syempre, inobserbahan pa rin namin yung mga suspects. Kaso biglang nabaling yung tingin ko sa ibang direksyon, at halos nanlaki yung mata ko sa nakita ko.

 

“R...reiji, na...nakita mo ba yun?”

“Ang alin?”

 

Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako o kung ano pero parang may mga gumagalaw na anino doon sa bandang gilid. Sinubukan kong ifocus yung paningin ko doon.

 

‘Rainie, don’t come here.’

 

Napatigil ako sa paghinga. Boses ni Mama yun. Ibig sabihin ba, malapit lang siya rito? Teka, hindi kaya…

 

Sinubukan ko ulit na titigan yung mga gumagalaw na anino at nung medyo nakikita ko sila, napahinga na lang ako ng malalim. Para akong nanonood ng naka-fast forward na palabas. They are moving really fast. Nakikita ko si Mama pero hindi ganoon kalinaw. Hindi ko sila masundan.

 

‘Watch out!’

 

Narinig ko ulit yung boses ni Mama pero hindi ko alam kung ako ba yung sinasabihan niya. Watch out for wh—

 

Nagulat ako nung biglang may lalaking lumitaw sa harapan ko at may hawak-hawak siyang baril. Nanigas na lang ako doon sa pwesto ko at mukhang hindi siya napansin ni Reiji. Tinutok niya sa akin yung baril, dahilan kung bakit halos lumabas na yung puso ko sa sobrang kaba. Sigurado na akong matatamaan ako ng bala nung kinalabit niya yung gatilyo, pero bigla na lang siyang nawala...

 

No. H-hindi siya nawala.

 

Napatingin ulit ako sa left side dahil doon sa direksyon na yun nakita kong pumunta yung lalaki. Finocus ko ulit yung paningin ko at nakita ko si Sir Hayate na kalaban yung lalaking yun.

 

H-how... Teka, ibig sabihin, tinulak siya ni Sir Hayate palayo sa akin? Pero hindi ko siya nakita! And that guy... siya yung Raiden na sinasabi ni Ms. Reina na kasama ni Kyuuya nung ninakaw nila yung Golden Sun.

 

“Are you okay?” napatingin naman ako sa harapan ko at nakita ko sina Hiro. Pagtingin ko sa likuran, nandito na rin sina Akane, Riye at Ken.

“Whoo, that was awesome! Hindi ko nasundan yung galaw ni Sir!” sabi naman ni Ken.

“P-pero, hindi ba Shinigami yun? Kailangan nating tulungan si—”

“Don’t worry. He won’t lose to the same enemy twice. For now, the best thing we can do is to solve this crime,” saka pinuntahan ni Hiro si Reiji at nagpalitan sila ng impormasyon.