.

.

Chapter 4

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, December 24, 2014


***

“So here’s our dormitory. Dito ang girls, doon naman ang boys.”

 

Naglalakad kami ngayon sa dormitory daw namin habang nakaangkla pa rin sa amin ni Rizelle si Akane. Yeah yun daw ang name niya. Sinabi niya sa akin habang pumapasok kami sa dorm. Napalingon naman ako doon sa tatlong lalaking nakasunod sa amin. Yung nagtanong kasi ng pangalan ko kanina ang nagbitbit ng maleta ko. Eh kasi ‘tong si Akane eh, pinabitbit sa kanya. Nakakahiya tuloy!

 

“Okay, andito na tayo!” then ngumiti siya sa akin. Tapos lumingon siya sa likuran. “Oh kayong tatlo, shoo shoo muna. Girl bonding muna kami. Bye!” inabot ko naman yung maleta ko tapos nagthank you ako doon sa lalaki. Tapos bigla siyang ngumiti sa akin kaya napahatak ako ng malakas doon sa maleta ko. A.. ang gwapo niya kasi—Ay naku tama na nga ‘to!

 

“Tara dito Rainie!” napatingin naman ako kay Akane at Rizelle na nakaupo sa gilid ng isang malaking kama.. at nung sinabi kong malaki, eh malaki talaga. Grabe, super duper queen size ata ‘to eh.

 

Nilapag ko yung backpack ko sa sahig tapos binitawan ko yung maleta ko. Nakatingin lang naman silang dalawa sa akin at nakangiti. Pero ako eh naaawkward pa rin. Eh kasi naman, kakakilala lang namin five minutes ago! Ang FC ko naman kung bigla nalang akong makipag-usap sa kanila.

 

“Ano pang tinatayu-tayo mo dyan? Umupo ka dito!” tapos hinatak ako ni Akane kaya napaupo ako sa gitna nila. Grabe ang hyper ng babaeng ‘to!

 

“Ahahaha! Ang cute cute mo! Kyaaah grabe may babae na naman akong makakasama! Mwahaha!”

“Nee-san!” napatingin naman ako kay Rizelle. First time ko lang siya marinig magsalita mula kanina.

“Ano ka ba Riye, wala naman akong gagawing masama kay Rainie eh. HAHAHA!”

 

Bakit ganun? Nung sinabi niya yun eh parang kabaligtaran yung mangyayari? Nakakatakot ang personality nitong si Akane ha! Parang ngayon lang nakakita ng babae! Pero ano daw? Riye? Teka diba Rizelle ang name niya? Di kaya nickname niya yun? Pero bakit parang medyo malayo? Dapat Rize nalang.

 

“Uhm, bakit pala Riye ang tawag sayo?” di ko na napigilang itanong kay Rizelle. Nacurious kasi ako eh.

“Ah ano po kasi...ahh—”

“Napakamahiyain mo talaga Riye, kaya boring kang kasama minsan eh. Tsk. Mukhang kailangan na naman kitang parusahan. Hahaha!”

“Eh..ehh?!” napakapit bigla si Rizelle sa akin nung sinabi yun ni Akane. Naku child abuse ‘to. Napansin naman ni Rizelle na napakapit siya sa akin kaya bumitaw agad siya tsaka nagblush. Ay ang cute niya!

 

“Rainie, Riye na ang name niya simula nung pumasok siya dito sa Tantei High.” Sabi ni Akane habang nilalaru-laro yung dulo ng buhok niya.

“Eh? Nagpalit ka ng pangalan? Bakit? Ayos naman ang Rizelle ah?” tanong ko kay Rizelle.

“Kasi one-san—uh pwede po ba kitang tawaging nee-chan?” napataas naman ang kilay ko. Nee-chan? Teka parang narinig ko na yan sa anime eh. Ano ngang ibig sabihin nun?

“A..ate or older sister po ibig sabihin nun.” Ah yun nga! Napansin siguro niya na hindi ko alam. Haha sorry naman. Di ko talaga matandaan. Tsaka minsan lang naman ako manood ng anime eh.

“Okay lang.” then ngumiti ako sa kanya. Tapos napansin kong ngumiti rin siya ng malapad.

“Thank you po! Ahm, yung po sa name ko, required po kasing magpalit ng name eh.”

 

Teka ano daw? Bakit parang mali yung dinig ko? Required?

 

“Anong sabi mo? Required?”

 

Tumayo naman bigla si Akane at pumwesto sa harapan namin.

 

“Hay naku. Riye, mukhang kailangan nating bigyan ng history lesson si Rainie.” Sabay pawaywang niya sa harapan ko. Sabi ko nga andami ko pang hindi alam.

 

“Ganito kasi yun Rainie. Required kang palitan, or more like, gumamit ng alternative name kapag andito ka sa school. Kadalasan eh Japanese name ang ginagamit since yun na ang nakasanayan and besides, Japanese ang founder ng school na ‘to. For example, si Rizelle, Riye ang altenative name niya, which means blessed with logic. At ako, I’m Vivien and as you know, ang alternative name ko ay Akane which means red dye.”

 

“Kayo lang ang pumili ng alternative names niyo? At saka pala, bakit required? Anong meron sa true name natin at di pwedeng gamitin?”

 

Ang weird kasi eh. Para saan naman ang alternative name right? Kung pwede naman yung true name. At isa pa, mahal ko ang pangalan ko. Gustung-gusto ko nga yung Rainie eh! Sabi kasi ni mama, nung pinanganak niya daw ako eh sobrang lakas ng ulan at halos bumaha na sa ospital. Kaya daw Rainie ang name ko. Tinanong ko nga kung bakit hindi Storm kasi mukhang may bagyo nun eh, tapos ayun binatukan niya lang ako. Tsk. Adik pala talaga ng nanay ko.

 

“Pwedeng ikaw or pwedeng pinili ng parents mo. Pero yung akin eh ako lang ang pumili. Actually, dahil yun sa red-haired ako. Si Riye naman ay dahil sa Senshin abilities niya.”

 

Ano daw? Senshin? Ano na naman yun? Ay naku, kelangan kong itake note na mag-aral ng nihonggo simula mamaya. Feeling ko hindi ako magsusurvive ng walang alam tungkol doon dahil Japanese-cultured ata dito.

 

“Senshin? Ano yun?”

 

Bigla naman silang nagtinginang dalawa at nanlaki yung mga mata nila. Okay. Did I say something bad? Anong nangyari? Eh sa hindi ko alam yung senshin eh.

 

“Are you joking?” patawang tanong sa akin ni Akane. Psh. Mukha ba akong nagjojoke? Eh hindi ko naman talaga alam yun! Umiling nalang ako.

“Oh my God.” Napatakip siya sa bibig niya. Teka. Masamang bagay ba kapag hindi alam ang salitang senshin? Mapapatalsik na ba  agad ako?

“Nee-chan, h..hindi mo alam ang s-senshin?” this time, si Rizel—I mean si Riye naman ang nagtanong sa akin.

“Hindi talaga. Ano ba yun?”

 

Tapos nagtinginan na naman sila na parang nagwoworry. Bigla namang napaupo ulit sa tabi ko si Akane.

 

“I think you REALLY need a history lesson.” Tumango naman si Riz—Riye.

 

 

“Rainie, senshin is the layman’s term for sensors. Or those who have the sixth sense.” Nakatingin lang ako sa kanya at nag-aantay ng sasabihin niya, pero dahil nacurious ako eh nagtanong na naman ako.

 

“Anong sixth sense?” yan rin yung sinabi nung lalaking nag-announce kanina ng families eh. Nagtinginan na naman silang dalawa. Para ngang kulang nalang eh sabihin nila sa pagmumukha ko na ang bobo ko at di ko yun alam eh.

 

“Nee-chan. Yun yung parang enhanced senses natin. Kakaunti lang ang meron nun. I mean, it’s not possible for a humdrum to have it.”

 

Ano daw? Humdrum? Ayan na naman yan. Yan rin yung sinabi ni Ma’am Castro eh.

 

“Wait. Ano ba yung hundrum?”

 

“Normal people.” This time, napatingin ako kay Akane.

 

“Huh? Hindi ba kayo normal?” nakatingin ako sa kanilang dalawa. Are they joking? Ano bang pinagsasabi nila? Nakadrugs ba ‘tong mga ‘to?

 

“We are not. We are above them. Kasi nga may sixth sense tayo.”

 

“You girls are crazy. Anong pinagsasabi niyo?” napatayo ako sa kama at humarap sa kanila. Nababaliw na sila. Hindi normal? We? Pati ako? Sinong pinagloloko nila?

 

“Makinig ka muna kasi okay?” napatahimik naman ako nung biglang sinabi yun ni Akane. Shemay naman kasi. Ano bang pinagsasabi nila? Nagugulo lang yung utak ko eh!

 

“I’ll give you a free history lesson. So.. hundreds of years ago, may lalaking nagngangalang Shou. He’s a Japanese actually. He’s not sociable. Ayaw niyang makipagkaibigan dahil nararamdaman niyang may kakaiba sa pamilya niya. Napansin niya kasing isolated ang family nila at di sila nakikipag-usap sa kahit kanino at iniiwasan sila ng mga tao. Until one day, nalaman niya sa father niya na kakaiba nga sila. They have the sixth sense. Both her parents, siya at ang older brother niya. After nun, napagpasyahan niyang magtravel around the world dahil gusto niyang malaman kung sila lang ba talaga ang may sixth sense. He changed his name to Shinji para di siya makilala ng ibang nakakita sa kanya dati. One day, napadpad siya sa isang lugar, now we call it Russia, at nakilala niya si Veronika. Actually, accidental ang pagkikita nila since hinahabol nun si Veronika ng mga tao kaya tinulungan siya ni Shinji. After that, nalaman niya na may sixth sense rin si Veronika at balak siyang ibenta ng mga humahabol sa kanya for a high price dahil nalaman nila yung ability niya. Dahil dun, sumama siya kay Shinji para makatakas sa mga humahabol sa kanya. She also changed her name to Natsue, na sinuggest ni Shinji sa kanya. Naghanap pa sila ng followers throughout the world. Kinilala sila bilang Senshins dahil nga sa enhanced senses nila. Hanggang isang araw eh napadpad sila sa Pilipinas. Matanda na nun si Shinji at Natsue and kasama rin sa tribe nila yung mga naging anak at apo nila. Yeah. Naging mag-asawa sila. Then nabalitaan nila na bumuo rin pala ng tribe of sensors si Ryou, yung older brother ni Shou/Shinji at namonopolate na nila ang Japan. Nalaman rin nila na ibang practice ang ginagawa nila sa paggamit ng sixth sense. Dahil doon, hindi na ginusto ni Shinji na bumalik pa sa Japan, so dito na sila nag-stay sa Pilipinas. Nagtayo sila ng institution para sa mga sensors or Senshins para mapractice ang sixth sense nila. And then after few years, namatay si Shinji at Natsue and naging grave na rin nila yung institution na tinayo nila. And that institution, is Tantei High.”

 

 

Napalunok naman ako bigla. Parang nakalutang lang sa utak ko lahat ng pinagsasabi niya. Oo naintindihan ko naman, pero parang tanggapin ng utak ko yung mga sinabi niya. Pero nagawa ko pa ring magtanong kahit ganun pa man.

 

“You mean, hindi normal si Shou at Natsue at yung iba pa nilang kasama? Anong basis?”

 

“Ahh. Let’s put it this way. Dinala ka na ba ng parents mo sa isang ospital?”

 

Napaisip naman ako bigla. Naalala ko nung grade 4 ako eh nalaglag ako mula sa itaas ng puno dahil kinukuha ko yung bunga ng alatires. Kaya nagkaroon ako ng maraming sugat at nabalian ata ako ng buto.

 

“H..hindi pa. May kaibigan kasi si mama na doctor kaya sa bahay lang ako ginamot dati.”

 

“Well, dahil yun sa dugo mo.” Napataas na naman ako ng kilay. Anong meron sa dugo ko?

 

“Bakit? Anong meron dun?”

 

“Ang dugo natin ay hindi compatible sa mga ordinaryong tao. Kaya kahit maubusan ka na ng dugo eh hinding-hindi ka dadalhin ng parents mo sa ospital. Hindi kasi maaanalyze ng mga doctor ang dugo mo. At kapag nangyari yun, pwedeng mabulgar ang existence ng mga katulad natin. Sigurado ako na ang doctor na pumupunta sa bahay niyo ay isa ring Senshin. Dahil sila lang ang may kayang gumamot sa kapwa nila Senshin.”

 

“Pero—”

 

“And one more thing. Hindi ko lubos-maisip kung bakit hindi sinabi sayo ng parents mo ang totoo. Yung pagkatao mo. Na isa kang Senshin. Pero sigurado ako na pareho silang senshin. Lahat kasi tayo ay pure blood. I mean, hindi tayo pwedeng makipagmate sa mga humdrums, kundi sa kauri lang natin. Dahil oras na magmate ang tao at isang senshin… the normal human will die.”

 

Napalaki yung mata ko sa sinabi niya. A-ano daw? Mamamatay yung tao? N..no way.

 

Wait. Pure blood? Both parents?

 

“You mean, Senshin pareho ang parents ko? Si mama?”

“Of course! Or else, you will not exist.”

“No way.”

 

Si mama? Huh? How come? Imposible!

 

 

“Nee-chan, tara! You need to discover your sixth sense before tomorrow.” Tapos napaupo na naman ako sa pagitan nila nung hinatak ako ni Rize—err, Riye.

 

“Yung s-sixth sense ko? Eh pano kung wala naman akong ganun? I mean—”

 

“Hay naku, ayan na parating na ang mga asungot. Tsk. Mamaya nalang natin ituloy ‘to ha? Magbibihis muna ako. Andyan na kasi yung mga lalaking bwiset.” Then pumunta siya doon sa closet at dumiretso sa CR. Pero naguluhan ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman na may darating?

 

“P-pano niya nalaman na may parating? Wag mong sabihing.. nakikita niya ang future?” tanong ko kay Riye. Tapos bigla siyang ngumiti.

 

“Eh kasi nee-chan, that’s her sixth sense. Nakakarinig siya within a 100-meter radius. Kahit bulong pa yan, kaya niyang marinig basta nasa perimeter ka niya.”

 

“WHAT?!”