.

.

Chapter 40

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

“One hour,” sabi ni Akane.

“No. Thirty minutes,” sabi naman ni Ken.

“Fine.”

 

Dahil sa nagpapanic na rin kami, napagkasunduan naming dapat ay masolve namin ang crime na ‘to sa loob ng twenty minutes. Hindi namin alam kung ano nang nangyayari kay Sir Hayate at kay Mama. Hindi ko na sila makita kahit pa halos 700-meter radius na ang nakikita ko.

 

“Heto yung mga nakuha naming impormasyon sa mga suspect, kasama na yung nakuha niyo doon sa isa pang crime scene,” sabay plug ni Reiji ng phone niya sa system ni Miyu. Tapos may pinindut-pindot lang siya at pagtingin namin sa paligid ni Miyu, may mga words at phrases na nakaproject.

 

Binasa at nireview ulit namin lahat ng nakalap naming impormasyon pero parang kulang pa rin. Inintindi ko rin yung mga nakuha nilang information galing doon sa isa pang crime scene.

 

Ayon sa kanila, parang may ring of fire daw talagang nangyari doon. Isa sa mga nasunog na bahay ang bigla na lang sumabog. Nakita ni Sir Hayate na may tao pa sa loob bago maganap yung pagsabog. Kahit hindi pa nacoconfirm, sigurado na silang namatay yung lalaki. Hindi nga naman na siya makakaligtas kung ganun nga ang nangyari.

 

Kaya naman habang abala raw yung mga nakikiusisa sa pagtingin sa mga nasusunog na bahay at yung mga nasunugan na nagliligtas ng gamit nilang pwede pang mailigtas, nagtanung-tanong na lang sila sa kanila kung kaninong bahay yung sumabog.

 

Napag-alaman nila na ang pangalan ng may-ari ng bahay at ng namatay ay Renato Sison, 30 years old. Mag-isa lang siyang nakatira sa bahay niya at isa siyang taxi driver. Sabi raw ng mga kapitbahay niya, madalang raw siyang makipag-usap at tuwing madaling araw lang umuuwi dahil sa trabaho niya. Pero may nakakita raw nung isang araw na may pumunta sa bahay niya na may dala-dalang susi at pumasok na lang ito, mga bandang tanghali. Nireport raw nila ito kay Mr. Renato nung madaling araw pero mukhang kakilala niya raw iyon at siya pa mismo ang nagbigay ng susi rito. Sakto namang hindi muna pumasada ngayon si Mr. Renato kaya nasa loob siya ng bahay niya nung mangyari yung sunog.

 

Malakas rin ang kutob naming magkakonekta ang dalawang crime na ‘to. Masyadong magkapareho ang way ng pagkamatay nila.

 

“Sino yung pumasok sa bahay ni Mr. Renato? Lalaki ba o babae?” tanong ko sa kanila.

“Hindi raw alam nung nakakita, nee-san, dahil nakahoodie raw yung pumasok at mula sa likuran niya lang nakita,” sagot naman sa akin ni Riye.

“By the way, may niresearch akong list ng robber groups na naging active nung mga nakaraang linggo.” Napatingin naman kami kay Reiji dahil sa sinabi niya.

“Robber groups? Anong kinalaman nila?” tanong sa kanya ni Akane.

“There’s a huge possibility that they are involved in the two crimes,” this time, kay Hiro naman kami napatingin.

“Sinabi niya sa akin na tignan ko raw yung mga nangyaring nakawan nung mga nakaraang linggo,” sagot naman ni Reiji. So si Hiro ang nag-utos sa kanya na magresearch? Ibig sabihin, nagreresearch pala kanina si Reiji? Yun pala yung ginagawa niya kanina sa phone niya.

“Teka, bakit?” si Ken naman ngayon ang nagtanong.

“Mukha kasing may balak siya o silang nakawin dito sa bahay ni Felicity Andres,” sagot naman ni Hiro.

 

Well, may point siya. Antique shop ‘tong bahay nina Mrs. Felicity Andres. Hindi malabong maging biktima siya ng pagnanakaw. Mahal pa naman ngayon ang mga antigong bagay. Pero kung magnanakaw nga ang may gawa nito, ano namang nanakawin niya sa isang lalaking pagiging taxi driver lang ang pinagkakakitaan?

 

Bigla namang may nagproject na bago sa paligid ni Miyu. Pagtingin ko, ito na yung list na sinasabi ni Reiji at Hiro.

 

Jackal

Silver

Io

Zen

Oz

 

Binasa ko pa yung ibang details at napanganga na lang ako. Grabe yung estimated amount ng mga nanakaw nila. Hindi ba sila nahihiya sa mga sarili nila? At saan naman nila ginagamit yung mga napakalaking pera na ninanakaw nila? At mukhang kilalang-kilala na sila sa pagnanakaw pero hindi narereveal yung mga mukha nila. So sila yung mga uri ng magnanakaw na tago ang katauhan.

 

“Pero, kung may kinalaman nga sila kay Mrs. Andres, ano namang kinalaman nila kay Mr. Sison?” tanong ni Riye.

“I still don’t know but it’s possible that the one who entered his house is a thief,” sagot naman sa kanya ni Hiro.

“Teka, ang sabi niya sa nakakita ay kakilala niya yun di ba?” dagdag ni Akane.

“Ohh. Eh di ba nga hindi naman exposed yung katauhan ng mga magnanakaw na yun? Ibig sabihin, posibleng hindi alam ni Mr. Sison na magnanakaw pala yung kakilala niya,” agad namang sagot ni Ken.

 

Namamangha na lang ako sa kanila. Lalo na kay Hiro at Reiji. Nakakapag-isip agad sila ahead of us. Kung ako, hindi ko maiisip na posibleng robber group ang may gawa nito. Maiisip ko lang na baka may grudge kay Mrs. Andres at Mr. Sison yung gumawa.

 

Wait...

 

“Hindi kaya, may connection si Mrs. Andres at Mr. Sison?” sabi ko nung marealize kong pwedeng mangyari yun.

“Posible...” sabi ni Reiji, sabay type na naman doon sa computer ni Miyu.

 

Habang ginagawa yun ni Reiji ay patuloy pa rin sila sa discussion. Ako naman, bigla kong naalala si Sir Hayate at si Mama. Bigla akong kinabahan. Ano na kayang nangyayari sa kanila? Okay kaya sila? Sana… sana walang nangyaring masama sa kanila.

 

“What can you say about those two guys?” nagulat naman ako nung kinausap ako ni Hiro. Pero mas nagulat ako nung natitigan ko yung mga mata niya. They are both green.

“T-two guys?” masyado akong namangha sa mga mata niya. I mean, oo, marami na akong nakitang gren-eyed Senshins. Pero hindi ko inaasahan na sa age niya ngayon ay green na yung mga mata niya.

“The suspects.” Narealize ko naman na yung tinutukoy niya ay yung mga nakausap ko. Yung lalaking naka-formal attire at yung isang nakasalamin at may dalang suit case.

 

Ikinwento ko sa kanya yung mga sinabi ko sa dalawa at yung mga sinabi nila sa akin. Bigla naman akong nahiya. Paano kasi, ang konti lang ng information na nakuha ko, samantalang sila, halos madeduce na nila yung nangyari.

 

Tumayo ako mula sa pagkakaupo para lumabas. Gusto ko ulit kausapin yung mga suspects. Gusto kong makakuha ng magagamit naming information para ma-solve na agad ‘tong crime na ‘to. Dahil kung hindi, baka kung ano nang mangyari kay Mama at pati na rin kay Sir Hayate.

 

“Ken, Akane, Reiji, Riye. Stay here. Analyze all the information that we got,” narinig kong sabi ni Hiro kaya napalingon ako. Pagtingin ko, nakatayo na rin siya at sumunod siya sa akin.

“Saan ka pupunta?” tanong ko nung makababa na kami ng sasakyan.

“I’ll go with you. May mga gusto rin akong itanong sa suspects,” tapos nauna na siyang naglakad. Sumunod naman agad ako sa kanya.

 

Tinignan ko yung suot kong relo. Ten minutes na ang nakakalipas. Sana makaabot kami sa limit na sinet namin.

 

Pero bigla akong napatigil nung may naramdaman akong chills sa katawan ko. Para akong nanlamig at hindi ako makagalaw. Pagtingin ko kay Hiro, napahinto rin siya. Tapos bigla siyang napatingin sa direksyon ko at bakas sa mukha niya yung kaba. Bigla kong naalala yung isang beses na naramdaman ko rin ‘to. Yung bigla na lang akong kinilabutan at parang may dumaang malamig na hangin sa batok ko.

 

“Na-naramdaman mo rin ba yun?” tanong ko sa kanya. Bigla niyang hinatak yung braso ko.

“Someone’s here.” Pagkasabi niya yun, lalo akong nanlamig. Ibig sabihin, may sumusunod sa amin? May nag-oobserba sa amin? Te-teka, hindi kaya si Sarah na naman?

 

Kahit maraming tao sa paligid namin, pakiramdam ko kaming dalawa lang ang nandito pati na yung sumusunod sa amin. Sobrang kinikilabutan na ako dahil sa nararamdaman ko ngayon. Pinilit kong maging matapang at sinubukan kong ienhance yung paningin ko. Pumikit muna ako sandali at pagkadilat ko, 700-meter radius na ulit yung kaya kong makita. Pinilit kong hanapin kung may tao ngang nakasunod sa amin. Inikot ko yung paningin ko at napatingin ako doon sa gilid ng kalsada. Kung kanina, kinakabahan lang ako, ngayon, nanginginig na yung buong katawan ko. Naramdaman ko rin na biglang humigpit yung hawak ni Hiro sa braso ko. Alam kong nakatingin rin siya sa tinitignan ko ngayon. Kung hindi niya hawak yung braso ko ngayon, sa tingin ko kanina pa ako bumagsak at napaupo sa sobrang takot.

 

Nakakatakot.

 

May mga matang nakatingin sa akin ngayon galing doon sa gilid ng kalsada, 100 meters away from us. She’s wearing a black cape. Her hair is short and her stare is too cold. Nakatingin lang siya sa akin pero pakiramdam ko, hawak-hawak niya yung leeg ko.

 

Pero mas lalo akong hindi nakahinga nung bigla siyang gumalaw mula doon sa pwesto niya at lumapit sa amin. Hindi ko alam kung anong nangyari pero in just a second, halos kaharap na namin siya.

 

But everything went fast.

 

“Rin!”

 

Bigla na lang siyang nawala sa harap namin. Gaya ng nangyari kay Sir Hayate, parang may dumaan rin sa gilid niya at sinama siya. Pero alam ko. Alam ko kung kaninong boses yun.

 

“Ma..ma.”

 

Hindi ko na alam kung anong nangyari. Basta ang alam ko lang, nawala silang pareho sa harapan namin. At alam kong si Mama yun. Ni-niligtas niya ako. Did she…protect me?

 

“Come on.” Hinatak ulit ako ni Hiro kaya napatingin ako sa kamay niya habang hawak-hawak yung braso ko. Nararamdaman ko yung panlalamig ng kamay niya.

“Hiro...”

“We have a case to solve. Time is everything,” natauhan ako sa sinabi niya. Tama. Kailangan na talaga naming masolve ang case na ‘to. Kung hindi...kung hindi, baka kung ano nang mangyari.

 

Habang tumatakbo kami papunta doon sa maraming tao, kinalma ko yung sarili ko. Pinipilit kong isantabi muna lahat ng nangyari kanina. Kailangan naming magfocus sa case. Kailangan naming makakuha ng mga impormasyon at ebidensya.

 

Pagdating namin doon, kaagad naming tinanong ulit yung mga suspects. Sana lang... sana lang, matapos agad namin ‘to.