***

Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin yung tuhod ko sa sobrang takot. Kahit na mukhang wala na sa paligid yung Rin na tinawag ni Mama, hindi ko pa rin makalimutan yung chills na naramdaman ko nung nakita ko siya at nung lumapit siya.

 

“Miss, okay ka lang ba?” napatingin naman ako dito kay Mr. Nestor Mercado, yung lalaking nakasalamin at may dalang suitcase. Tinanong ko kasi siya kanina na kailangang malaman yung name niya para sa investigation. Pinakita ko pa sa kanya yung fake FBI ID para mas maniwala talaga siya, tutal ang sabi ko sa kanya kanina ay kasama talaga ako sa investigation team.

 

“Okay lang po. Uhm, may kilala po ba kayong Renato Sison?”

“Hmm? Oo. Magkakaklase kami noong college, kasama na rin si Felicity. Bakit mo naitanong?”

“Ahh. Namatay po kasi siya kanina dahil rin sa sunog.” Pagkasabi ko nun, halos mabitawan niya yung suitcase niya.

“P-patay na siya? Paanong nangyari yun?”

“Hindi ko po pwedeng ikwento yung buong pangyayari pero namatay rin po siya dahil sa sunog, pero ang totoong cause ng pagkamatay ay pagsabog ng bomba.”

“B-bakit ang daming namamatay ngayong araw? Nakakatakot.” Napabuntung-hininga na lang ako dahil tama yung sinabi niya. Dalawang tao na ang namamatay ngayong araw.

“Oo nga po pala, kilala niyo ba yung sinasabi niyong ka-meet dapat ni Ms. Felicity bago kayo?”

“Oo. Sabi niya, isang antique collector daw. Parang nakita ko siya kanina rito. Naka-formal attire pa siya. Sabi ni Felicity, kinukulit raw siya nung collector na ibenta sa kanya yung ilang antique items niya, pero ayaw niya dahil masyadong mababa ang presyo na inaalok nung collector.”

 

Narealize ko na yung sinasabing collector ni Mr. Mercado ay yung nakausap ko kaninang masungit na lalaki at sinabihan akong brat. Napatingin ako sa direksyon ni Hiro dahil siya yung nagtatanong doon sa collector.

 

“Ayun po ba yung tinutukoy niyo?” sabay turo ko doon sa lalaki.

“Oo, siya nga yun.”

 

Kaya pala inis na inis siya kanina. Kasi nasunog yung bahay ni Mrs. Andres at mukhang kasama doon yung mga antique na gusto niyang bilhin. Kaya rin pala sabi niya ay mas mabuting namatay na si Mrs. Andres. Teka, kaya rin ba parang uneasy siya kanina at nakatingin lang sa bahay ay dahil gusto niyang pumasok sa loob at tignan kung may nasalba pang items?

 

Saka ko ulit naalala yung sinabi ni Sir Hayate na may part raw na hindi nasunog sa may second floor at yun ay yung kwarto ni Mrs. Andres. Posible na nandun yung antique items na gusto niyang bilhin. Kung siya ang killer, nagfifit na kaya hindi siya umaalis rito ay para kunin yung mga yun.

 

“Pwede po ba ulit magtanong?”

“Ano yun?”

“Pwede po bang makita yung laman ng suitcase niyo?” Gusto ko talaga kasing makasigurado. Hindi kasi mapanatag yung kalooban ko hanggat di ko nakikita yung loob nun.

“Ahh eto ba? O sige,” tapos binuksan niya yung suitcase at bumungad sa akin ang mga glasswares na nakikita ko sa laboratories.

“Test tubes? Beaker?” parang minodify yung suitcase para malagyan ng foam-like molds at doon nakalagay ang mga glasswares.

“Sorry. These are my personal glasswares. Ayoko kasing gumagamit ng glasswares sa lab.”

“Lab?”

“Yeah. I’m actually a scientist. Ako ang nagfafacilitate ng lab sa office namin. Si Felicity naman ay isang Anthropologist, kaya mahilig siyang mangolekta ng mga antigong bagay.”

 

Namangha naman ako bigla. Ibang klase pa rin talaga kapag mga scientist. Ewan ko pero ang taas ng tingin ko sa kanila. Siguro dahil hindi ko strength ang Science at medyo mahina talaga ako doon. Pero ewan ko ba. Parang may something akong nafifeel dito kay Mr. Nestor. Pero hindi ko malaman kung ano.

 

After that, nagpaalam na ulit ako sa kanya at pinuntahan ko naman yung ex-husband ni Mrs. Andres, si Mr. Richard Andres. Pagpunta ko kung nasaan siya, kasama niya pa rin yung anak nila pero tulog na siya habang buhat-buhat niya.

 

“Excuse me po,” bigla naman siyang napatingin sa akin. “Uhm, kasama po ako sa investigation team at gusto ko lang pong hingin ang statement niyo,” sabay pakita ko doon sa FBI ID.

 

“Kung tungkol kay Fely, wala akong alam sa nangyari! Sinabi ko na nga di ba? Halos ilang bahay ang layo ko nung nangyari yung sunog at akala ko ay nagsusunog lang siya sa may bakuran!” Napaatras ako dahil pasigaw niya yung sinabi sa akin.

 

“K-kamusta po ba kayo ni Ms. Felicity bago ‘to nangyari?” nilakasan ko na lang ang loob ko dahil kailangan ko ‘tong gawin.

 

“Wala. Magulo ang relasyon namin! Ni hindi nga siya masyadong umuuwi at napapabayaan na niya ang anak namin! Wala siyang kwenta! Siguro kinarma siya dahil hindi siya naging mabuting ina at asawa,” tapos napansin kong nanginginig yung kamay ni Mr. Richard.

 

“Pwede niyo po bang i-describe kung paano nangyari yung sunog?”

 

“Nagsimula nga sa bakuran. Bigla na lang may umuusok doon na akala ko ay nagsisiga lang siya. Dahil nakafocus lang ako sa anak ko na naglalaro sa labas, hindi ko kaagad napansin na pumapasok na yung apoy sa loob ng bahay. Napansin ko lang yun nung tumingin doon ang anak ko at tinuro niya yung bahay namin. Pero dahil nagpanic ako at baka kung mapaano siya, nilayo ko kaagad siya doon. Nung sinabi niya sa akin na nandoon pa raw yung Mama niya, masyado nang kumalat yung apoy at nagkukumpulan na rin doon ang mga tao.”

 

“May napansin po ba kayong ibang tao na umaaligid dito sa bahay kanina?”

 

Sa pagkakatanda ko kasi, ang inireport ni Mrs. Andres kay Sir Hayate nung pumunta siya sa agency ay may parang umaaligid raw sa bahay niya tuwing gabi. Hindi kaya pumupunta rin dito si Mr. Richard tuwing gabi? O meron pang ibang umaaligid dito?

 

“Kanina? Oo. May dalawang lalaking dumating na halos magkasunod sa tapat ng bahay nung nasusunog na yun.”

 

“Sila po ba yung tinutukoy niyo?” sabay turo ko doon kay Mr. Nestor Mercado at doon sa collector.

 

“Oo, sila nga. Tsk. Kanina pa sila nakaabang sa tapat ng bahay.” Saka ko naman narealize na kanina pa silang tatlo dito. Hindi ba sila pinapaalis ng mga pulis kaya nagsstay pa sila rito? O dahil may mga kailangan sila sa loob ng bahay?

 

“Kayo po? Hindi pa po ba kayo aalis rito? I mean, baka po kailangan nang magpahinga ng anak niyo.” Bigla naman siyang naging alerto at kumunot yung noo niya.

 

“H-hindi pa raw ako pwedeng umalis rito sabi ng isang pulis. Kailangan pa raw nila akong imbestigahan dahil pamilya pa rin ako ng biktima,” saka niya iniwas yung tingin niya sa akin.

 

Pagkatapos nun, nasigurado ko nang may tinatago o di naman kaya ay may sinasabing hindi tama yung tatlong nakausap ko. Pare-parehong may kailangan sina Mr. Richard, Mr. Nestor at yung collector dito sa bahay ni Mrs. Andres.

 

‘Are you done?’

 

Nagulat naman ako nung narinig ko yung boses ni Hiro sa isip ko kaya napalingon ako sa direksyon niya. Nakatalikod siya sa akin at mukhang kausap naman niya ngayon ay yung babaeng suspect na kinakasama ni Mr. Richard. Mukhang hindi pa rin alam ni Mr. Richard na nandito yung babae dahil para siyang nagtatago at ginagamit na harang si Hiro.

 

‘Yeah.’

 

‘I’m also done. Let’s go back to Miyu. Our time is running out.’

 

Pagkatapos niyang sabihin yun ay napatingin ako sa relo ko. Twenty five minutes na ang nakakalipas. Five minutes na lang ang natitira sa time limit namin kaya tumakbo na ako papunta kay Miyu, habang si Hiro ay nakasunod sa likuran ko.

 

Pagpasok namin doon ay nasa discussion area silang apat at mukhang marami rin silang nalaman sa research na ginawa nila habang wala kami.

 

“Kamusta kayo?” tanong ko kaagad.

“Nalaman na namin yung cause ng dalawang sunog,” sabi agad ni Akane.

“Nalaman na rin namin kung paano talaga namatay yung dalawang biktima,” dagdag naman ni Ken.

“Now it’s up to your data,” sabay tingin sa amin ni Reiji.

 

 Umupo agad ako at kinuwento ko lahat ng pinag-usapan namin ni Mr. Richard at Mr. Nestor. Ganun rin ang ginawa ni Hiro. Kinuwento niya rin yung mga nalaman niya kay Mr. Edward Aragon, yung collector, at Ms. Carla Gomez, yung kinakasama ni Mr. Richard. Pagkatapos naming magkwento ay pinakita naman nila sa amin yung mga naresearch nila. Ilang minuto rin ang lumipas na walang nagsasalita sa amin dahil nag-iisip kami kung paano i-coconnect lahat ng ito.

 

Teka, sa pagkakatanda ko, may sinabi siyang kakaiba... that person, I’m sure sinabi niya yun. Ibig sabihin…

 

“Guys—” sasabihin ko sana sa kanila yung naisip ko pero nakita ko bigla yung mga ngiti sa labi nila pati na rin yung confidence sa mga tingin nila.

“Yeah Akemi, I think mukhang nagkasabay-sabay na naman tayong nalaman ang identity ng killer,” sabay ngiti sa akin ni Akane.

“It’s that person, right, nee-san?” sabi naman ni Riye.

 

Kahit wala kaming sinasabi sa isa’t isa, alam na agad namin ang susunod na gagawin.

 

We opened our minds to let the information flow. Well, except for Hiro. Alam naman naming laging sarado ang isip niya.

 

Ilang minuto pa ulit ang lumipas para iabsorb namin lahat ng naiisip ng isa’t isa. And it’s really cool because w have the same person in our minds.

 

It has to be that person.

 

“Should we corner him right now?” tanong ni Reiji.

“No. Not yet. We still don’t have a concrete evidence,” sabi naman ni Hiro.

“Pero paano natin siya mahuhuli?” sabay tingin ulit ni Ken doon sa data na nakalap nila kanina.

“Ahh, I get it. Nii-san, we should wait until that person makes his move, right?” tapos tumingin si Riye kay Hiro for confirmation.

“Yes. We’ll catch that person tonight.”

 

Napatingin ako sa relo ko. Saktong thirty minutes na ang nakakalipas. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nalaman na namin kung sino ang killer at may plano na rin kung paano siya hulihin. Ngayon ay kailangan na naming tulungan si Sir Hayate pati na rin si Mama.

 

Tumayo agad ako kaya napatingin sila sa akin.

 

“Kailangan na nating tulungan sina Sir Hayate. Baka kung napano na sila—”

“Ahh! Akemi, hindi na kailangan—” napatingin ako kay Akane dahil sa sinabi niya. Itatanong ko sana kung bakit pero bigla na lang bumukas yung pinto ng sasakyan. Napalingon agad kami at halos hindi ako nakahinga nung nakita ko kung sino.

 

Si Sir Hayate.

 

“Sabi ko sa’yo hindi na kailangan eh. Narinig ko kasi bigla si Sir Hayate na pabalik na rito,” sabi ni Akane sa akin at ngumiti na lang siya.

 

Napatingin naman ako kay Sir Hayate. Bukod sa mga galos sa kanang braso niya, mukhang wala namang masamang nangyari sa kanya kaya nakahinga na ako ng maluwag. Pero may bumabagabag pa rin talaga sa akin.

 

“Sir, kamusta po si Mama? Nakita niyo po ba siya?” sobrang kinakabahan na ako sa pwedeng isagot ni Sir Hayate sa akin pero nilakasan ko pa rin ang loob ko.

 

“She’s okay. Halos malapit lang ako sa kanya kanina habang kinakalaban niya yung tatlong Shinigami pero bigla na lang umatras yung mga Shinigami.”

 

“W-wala naman pong nangyaring masama sa kanya, di ba?” bigla naman siyang napabuntung-hininga.

 

“She’s strong. Mukhang wala nga siyang natamong sugat kahit na tatlo yung kinakalaban niya kanina. Pero nung bandang huli, nung isang Shinigami na lang ang kinakalaban niya, halos magkasinglakas sila. Hindi ko akalaing makakakita ako ng ganung klase ng laban.”

 

With that, tuluyan na akong nakahinga ng maluwag. At least, alam kong safe na si Mama. Pero mas lalo lang akong naguluhan sa pagkatao niya. Bakit siya hinahabol ng mga Shinigami? Bakit kilala niya yung Rin? Bakit hindi niya ako nilapitan? Napakaraming tanong sa utak ko ngayon pero wala akong makuhang sagot sa mga yun.

 

“Sir, kilala niyo po ba si Mama?” tanong ko kaagad kay Sir, tutal ay nakita na niya si Mama. Pero bigla na lang niyang iniwas yung tingin niya sa akin.

 

“Pasensya na Akemi pero hindi ko yan masasagot sa ngayon.”

 

After that, nireport na nina Akane kay Sir Hayate yung mga nangyari nung nawala siya. Sinabi na rin nila yung plano na pag-ambush doon sa killer mamayang gabi dahil doon lang siya pwedeng gumawa ng move kung kailan wala ng mga pulis at bystanders. Kaya naman napagdesisyunan muna naming bumalik sa Tantei High.

 

Buong byahe ay tahimik lang ako at isinarado ko na lang yung isip ko para hindi nila mabasa at para na rin hindi sila mag-alala. Alam kong may itinatago sa akin si Sir Hayate tungkol kay Mama at ayaw niya lang sabihin sa akin. Pero bakit ayaw niyang sabihin? Wala ba akong karapatang malaman ang pagkatao ni Mama?

 

Dahil 3 PM pa lang at 7 PM ang meeting time namin mamaya, napagdesisyunan muna nilang umuwi sa kani-kaniya nilang dorm. Ako naman, sinabi ko kina Akane at Riye na hindi muna ako uuwi sa dorm dahil may kailangan lang akong gawin.

 

Pumunta ako sa library sa may Midori Building. Kung ayaw nilang sabihin sa akin yung mga nalalaman nila, ako mismo ang maghahanap ng sagot sa mga katanungan ko.

 

Pagkapasok ko doon, marami akong nakitang estudyante. Mukhang mahilig tumambay sa library ang ibang families. Naupo na lang ako sa may bandang dulo para hindi ako masyadong makita ng mga tao dahil medyo tago ang lugar na ‘to.

 

Kumuha ako ng mga libro tungkol sa history ng Tantei High at nilapag ko yung lahat sa table ko. Pero bigla akong nakarinig ng kaluskos sa bandang gilid ko kaya naging alerto agad ako. Hinanap ko kung saan nanggaling yung ingay na narinig ko pero wala namang tao doon.

 

Hindi kaya napaparanoid lang ako at kung anu-ano nang naririnig ko? Siguro dala na rin ng mga nangyari kanina. Napabuntung-hininga na lang ako at humarap ulit sa mga libro na kinuha ko.

 

Pero pagharap ko, nanlaki ang mga mata ko at halos napasigaw ako sa nakita ko. Muntik pa akong hindi makahinga dahil sa sobrang gulat.

 

“Meow.” Bigla na lang may lumitaw na pusa sa harapan ko at nakapatong siya sa mga librong kinuha ko.

 

Kinalma ko muna yung sarili ko bago ako gumawa ng kung anuman. Tinitigan ko yung pusa na nasa harapan ko ngayon. Kulay puti siya na halos kasingkulay niya ang snow, pero kulay green ang mga mata niya. Like the Senshins.

 

Unti-unti naman akong lumapit sa kanya at hinaplos ko yung ulo niya. Mukhang mabait naman ‘tong pusa. Nagulat na lang ako nung bigla siyang tumalon sa akin at humiga sa lap ko.

 

Hinayaan ko na lang muna siya at binuksan ko na lang yung mga librong kinuha ko.

 

Binasa ko yung ilang pages na naglalaman ng history ng Tantei High. Gaya ng sinabi sa akin ni Akane nung binigyan niya ako ng free History class, ganun rin ang nakasulat dito. Pati yung mga nangyari sa mga sumunod na generations ay nakalagay rito. Pero pagdating sa events fifteen years ago, napakonti lang ng mga nakalagay.

 

Binasa ko rin yung ibang libro. Nakita ko doon yung seven names na nadiscuss nami sa History class. Sina Hideo, Michiko, Mayu, Akira, Naomi, Mitsuo at Akemi. Sinabi doon yung nangyaring pagsugod ng mga Shinigami dito sa Tantei High at kung paano niligtas ng pito ang mga Senshins dito. Pero bukod doon, wala nang nakasulat. Ganun rin ang ibang libro. Talagang yung nangyari fifteen years ago ang may pinakakaunting details.

 

“Meow.” Napatingin naman ulit ako sa pusa na nasa mga binti ko. Tumalon ulit siya papuntang lamesa at hiigaan niya yung binabasa kong libro. Tapos tumingin siya doon sa wall clock na nakasabit sa may gilid kaya napatingin rin ako.

 

Saka ko narealize na magse-seven na pala! Oh my God! Halos 4 hours na pala akong nagbabasa ng history books? Ni hindi ko man lang namalayan yung oras! Buti na lang nakita ko yung oras—

 

Teka, hindi eh. Yung pusa yung tumingin sa oras kaya napatingin rin ako. Tapos hinigaan niya rin ‘tong mga libro para huminto ako sa pagbabasa. Ibig sabihin, parang alam ng pusa yung mga ginagawa ko.

 

Pero ang weird nito. Hindi kaya nakakapag-isip rin siya na parang tao?

 

“Pusa, kilala mo ba si Akemi?”

“Meow,” tapos tuluyan na siyang nahiga doon sa mga libro at pumikit.

 

Ano bang pinag-iisip ko? Gosh. Pati pusa pinag-iisipan ko ng kung anu-ano. Mukhang kailangan ko ng pahinga mamaya.

 

Bago pa ako may maisip na naman na kung ano, binuhat ko na lang ulit yung pusa at inihiga ko siya sa may upuan. Mukhang kilala naman siya ng librarian at hindi na lang siya pinapansin. Binuhat ko ulit yung mga libro at binalik ko sa shelf. After that, tumakbo na ako papunta doon sa agency.

 

Pagkatapos naming masolve ang crime na ‘to, magreresearch talaga ako para may malaman ako kay Mama... at sa pagkatao ko. Gulung-gulo na rin kasi ako. Sana lang, may malaman ako.