.

.

Chapter 42

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Tinignan ko yung relo ko at 7:23 PM na. Napagplanuhan na rin namin ng mabuti kung anong gagawin namin. Pero, kaming anim lang ang pumunta rito dahil may kailangan raw asikusahin si Sir Hayate, at mukhang may kutob ako kung tungkol saan yun.

 

Hindi namin pinark si Miyu sa tapat ng bahay ni Mrs. Andres kundi doon sa medyo malayo. Naglakad kami papunta sa bahay nang dahan-dahan para walang ingay na marinig mula sa amin.

 

Pagdating namin doon, may iilan pang mga tao pero halos wala nang nagbibigay pansin doon sa nasunog na bahay. Dahil baka may makakita sa amin kapag pumasok kami mismo doon sa harapan, minabuti na lang namin na umikot sa kabilang street. Nasa tapat na kami ngayon ng bakuran ng bahay pero may mataas na wall na kailangang akyatin bago kami makapasok.

 

“Ako muna,” bulong sa amin ni Ken. Umaatras siya nang umatras tapos tumakbo siya papunta doon sa pader at bigla na lang tumalon. Akala ko nga ay hindi niya maaabot yung taas pero nakahawak na siya doon at pinilit niyang itawid yung sarili niya. Buti na lang at hindi masyadong kita yung bakuran mula doon sa harap ng bahay.

 

Napatingin naman ako kay Reiji at bigla na lang naging yellowish yung mata niya. The next thing I knew, nakaupo na siya doon sa taas ng pader at tumalon sa kabilang side.

 

His sixth sense is really amazing. Sobrang taas ng tinalon niya and yet he gracefully landed at the top of the wall.

 

“Hiro, upo,” mahinang sabi ni Akane. Napansin ko namang naglakad si Hiro papunta doon sa pader at umupo siya sa harap nun.

“Riye, ikaw muna,” tapos hinatak ni Akane si Riye papunta kay Hiro.

“Sorry, nii-san,” tapos umupo si Riye sa balikat ni Hiro. Bigla namang tumayo si Hiro pero mukhang hindi pa rin abot ni Riye kaya tumayo siya doon sa balikat ni Hiro at kumapit sa taas ng pader.

 

“Careful,” mahina kong sabi dahil nakakatakot tignan yung position ni Riye. Nasa taas na kasi siya at ang kailangan na lang niyang gawin ay tumalon.

“We’ll catch you.” Narinig ko naman yun mula sa kabila kahit mahina. At after nun ay tumalon na si Riye doon sa kabila. Mukhang sinalo nga siya nung dalawa kaya nakahinga na ako ng maluwag.

“I’m next!” sabi naman ni Akane kaya pinaupo niya ulit si Hiro at siya naman ang umakyat sa mga balikat niya. Gaya ng ginawa ni Riye kanina ay tumayo rin siya sa balikat ni Hiro at sumampa doon sa pader.

“Hoy Ken, ayusin mo buhay mo ha. Catch me or I’ll kill you,” tapos ay tumalon na si Akane. Dahil wala naman akong narinig na masyadong ingay, mukhang nasalo rin naman siya ng maayos.

 

Dahil kami na lang ang nasa side na ‘to, lumapit na rin ako sa kanya. Bigla naman akong naawa dahil ang dumi na ng damit niya. Puro tapak na ng sapatos. At for sure, masakit na rin ang balikat niya.

 

“Uhm, o-okay ka pa ba?” tanong ko sa kanya. Bigla naman siyang lumingon sa akin.

 “Yeah. Come on.” Wala naman akong nagawa kundi sumunod na lang. Umupo siya ulit at sumampa ako sa balikat niya. Nung tumayo siya, tumayo na rin ako mula sa balikat niya at sumampa doon sa pader. Nakita ko naman kaagad sina Ken, Reiji, Akane at Riye sa kabilang side kaya tumalon na ako. Buti na lang ay nasalo agad ako ni Ken.

 

Saka ko naman naisip...

 

“Teka, paano si Hiro?” agad-agad namang nasagot ang katanungan ko nung nag-land siya sa tabi ko. Mukhang di ko na kailangang mag-alala.

 

Dahan-dahan kaming naglakad papunta malapit sa may back door. Isinagawa agad namin ang plano naming pag-akyat doon sa second floor. At dahil medyo sira na ang hagdanan sa loob nung nakita namin yun kanina, minabuti na lang namin na umakyat galing sa labas.

 

Sa nangyaring sunog kanina, yung first floor ang nakatamo ng matinding sunog, pero yung second floor, medyo lang. Nag-summon naman kaagad si Reiji ng rope at hook. Inassemble niya agad yun at hinagis papunta sa second floor. Na-hook iyon sa may bintana at agad-agad siyang umakyat.

 

Ilang minuto rin ang lumipas bago kami maaakyat lahat. Nandito kami ngayon sa isang room kung saan nagkalat ang mga laruan. Panigurado ay kwarto ito ng anak ni Mrs. Andres. Nadamay rin ito sa sunog pero hindi naman nasunog lahat. Pero mas kakaiba pa rin yung mismong kwarto ni Mrs. Andres dahil halos lahat ng gamit ay hindi nasunog.

 

Habang hindi ba gumagawa ng move yung killer ay nag-inspect kami sa room ni Mrs. Andres pero naging maingat kami. Kailangan ay hindi kami mapansin ng mga tao sa labas kaya walang naglabas sa amin ng flashlight o kahit anong ilaw. We amplified our sixth senses  para magamit namin sa pag-iimbestiga. Dahil may mga lamp post naman sa labas at medyo tumatagos dito ang kauting ilaw, nakatulong rin sa amin yun.

 

Malaki ang kwarto ni Mrs. Andres at sobrang daming antique items ang makikita. Pati yung ibang furnitures ay mukhang antique rin.

 

“Found them,” narinig naming sabi ni Reiji kaya lumapit kami sa pwesto niya.

 

Halos napanganga na lang ako sa nakita ko. Nandito kami ngayon sa tapat ng tatlong malalaking antique jars. Halos ¾ ng height ko ang tangkad ng antique jars. Pagtingin namin sa loob, sobrang daming paper bills at alahas ang nandun. Ngayon lang ako nakakita ng ganun karaming pera at alahas kaya namangha talaga ako.

 

“Wait, may papasok na sa bahay,” bulong ni Akane kaya dahan-dahan kaming lumabas doon sa kwarto ni Mrs. Andres at nagtago kami sa kwarto ng anak niya. Binuksan rin namin ang mga isip namin para makapag-usap kami kahit hindi kami nagsasalita.

 

Halos pigil yung paghinga ko dahil kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Unti-unti ko namang narinig yung pag-creak ng nasunog na hagdanan. Mukhang dahan-dahan siyang umaakyat para hindi bumigay yun. Hanggang sa narinig na namin yung mga yapak dito sa second floor.

 

‘He’s here,’ narinig ko ang boses ni Akane sa isip ko.

‘Be alert,’ sabi naman ni Hiro sa amin.

 

Narinig namin yung pagbukas ng pinto sa kwarto ni Mrs. Andres. Ilang minuto rin ang nakalipas at bigla na lang kaming nakarinig ng pagtawa. Kinilabutan ako bigla. Para na siyang nababaliw sa pagtawa.

 

“These are mine...” tapos kumalansing yung mga alahas.

 

Bigla namang tumayo si Hiro at nagsignal na lumapit kami doon sa kwarto ni Mrs. Andres. Dahan-dahan naman kaming tumayo at unti-unting lumapit sa kwarto. Iniwan niyang bukas yung pinto kaya pumasok kami doon habang abalang-abala siya sa paglalagay ng mga pera at alahas sa isang bag.

 

Nilabas ni Ken yung flashlight na tinago niya sa bulsa niya kanina. Binuksan niya yun at itinutok sa taong nasa harapan namin  ngayon.

 

“You’re caught in the act, Mr. Thief?” sabi ni Ken habang iniilawan yung killer.

 

Halos hindi siya makagalaw dahil sa pagtutok sa kanya ng ilaw. Para siyang nakakita ng multo dahil hindi niya akalaing may mga tao rin dito na kasama siya.

 

“H-how...”

 

“Give it up, Sir. We’re here to arrest you for killing Mrs. Andres and Mr. Sison,” sabi ni Riye at lalong naging disturbed yung expression ni Mr. Nestor.

 

Yes. Mr. Nestor Mercado was the murderer. Hindi ko rin akalaing siya ang pumatay kay Mrs. Andres at Mr. Sison dahil mukha naman siyang mabait nung kinausap ko siya kanina. But then again, hindi ko naman mababase doon kaagad ang totoong personality ng isang tao. Lalo na ng isang mamamatay-tao.

 

Naging kalmado naman ang expression niya matapos niya kaming makita.

 

“Heh. You’re just a bunch of kids.”

 

“Yes, we are. Pero alam na namin kung paano mo pinatay sina Mrs. Andres at Mr. Sison, pati na rin ang motibo mo, Mr. Mercado. Or should I say, leader of the Io group?” sabi ni Akane sa kanya at halos mamutla si Mr. Mercado nung marinig niya yun.