.

.

Chapter 42.5

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

“Mrs. Andres and Mr. Sison were also part of the trio but you killed them,” dagdag ni Reiji, tapos nilabas niya yung phone niya kaya may bagong source na naman ng ilaw.

 

“Paano niyo...”

 

“Sabi niyo, anthropologist si Mrs. Andres kaya mahilig siya sa antique items. Napag-alaman namin na ilan sa mga ninanakaw ng Io ay antiques, money and jewels. Maybe she’s an expert when it comes to inspection of those things. Si Mr. Sison naman ang nagsilbing driver niyo tuwing magnanakaw kayo. No wonder na lagi siyang wala sa bahay niya dahil napag-alaman naming nagpapractice siyang magdrive ng mabilis after niyang pumasada para makapagprepare sa gagawin niyong pagnanakaw,” napahinto ako sa pagsasalita dahil nandidilim na yung mukha ni Mr. Mercado.

 

“You thoroughly researched our group. You...” bigla niya namang hinawakan yung suitcase niya at binuksan. Nalaglag yung isang test tube kaya bigla kaming naging alert sa pwede niyang gawin.

 

“And as the scientist, you’re responsible for the deaths of the witnesses,” sabi ni Hiro sa kanya. Bigla namang tumawa si Mr. Mercado kaya kinilabutan ako. Ibang-iba yung ugali niya ngayon sa pinakita niya sa akin kanina. Nakakatakot.

 

“Mukhang marami na kayong nalalaman. Posible rin kayong maging scientist tulad ko dahil sa pinapakita niyong talino ngayon. Why don’t you join me?” sabay ngiti niya sa amin.

 

“We’re detectives, not killer scientists,” mariin na sabi ni Hiro at naramdaman ko kaagad yung tension dito sa loob ng room.

 

“Ooohh. Then prove it, kid.” Ngumiti na naman siya kaya napaatras ako. Nakakakilabot siyang tao.

 

“Glycerin and potassium permanganate,” napatingin naman siya kay Reiji habang nagsscroll siya sa phone niya. “You used those chemicals to set up a fire even if you’re not there.”

 

“Nakita nila ‘to sa may bakuran matapos yung sunog,” sabay pakita ni Akane doon sa dalawang bote na nakita nina Reiji at Hiro kanina. “It turns out that these are reagent bottles for glycerin and potassium permanganate.”

 

Ewan ko pero namamangha ako ngayon kahit nakakatakot si Mr. Mercado. I mean, oo, puro chemical reactions ang pinag-aaralan sa Chemistry, pero hindi ko masyadong naiisip na pwede talaga silang i-apply sa mga ganitong bagay. Akala ko nga ay imbento lang yung ibang chemical reactions for the sake of studying them. Pero ngayon, nalaman ko na yung dalawang chemicals pala na yun ay pwedeng mag-cause ng sunog.

 

“Yung narinig na ingay ni Mrs. Andres for the past few days ay ang pagseset-up mo sa mga chemicals sa may bakuran. You even installed a camera para mamonitor mo yung oras ng sunog. Right, nee-san?” sabay tingin sa akin ni Riye. Tumango naman agad ako at tumingin kay Mr. Mercado.

 

“Nakakita kami ng dent doon sa puno sa may bakuran. Maybe you installed a microcam at doon mo yun nilagay. Pero kagabi, nirecover mo yun para walang magdoubt na accident nga ang sunog. Pero malas lang dahil hindi nasunog nang tuluyan yung reagent bottles at narecover namin ang mga yun.” Unti-unting nawawala yung ngiti sa mga labi ni Mr. Mercado at napapalitan na iyon ng pagkunot ng noo niya.

 

“Nangyari yung apoy nung nagkaroon ng contact ang dalawang chemicals sa may bakuran. Mabilis rin itong kumalat dahil maraming tuyong dahon sa bakuran nila. Tiniming mo rin yung sunog nung wala na ang anak niya sa loob ng bahay para i-frame ang asawa niya, hindi ba? Dahil kilala mo dati pa si Mrs. Andres at nag-install ka ng camera sa bahay nila, nalaman mo kung anong oras lumalabas ang anak niya para maglaro at nalaman mo rin na laging umaaligid sa bahay nila yung dati niyang asawa. Pero nung nakita mo sa view mo na buhay pa si Mrs. Andres, binaril mo siya mula doon.” dagdag ni Ken sa sinabi ko.

 

“At sa pagkamatay ni Mr. Sison, naglagay ka ng remote-controlled bomb nung araw na pumunta ka sa bahay niya. Dahil naging kasama ka na niya sa pagnanakaw, naging kampante siya na ibigay sa’yo yung susi ng bahay niya. Pero hindi niya alam, na sinet-up mo na pala yung pagkamatay niya,” this time, si Akane naman ang nagbigay ng details.

 

“You killed them so you will have all the money you robbed,” sabi sa kanya ni Hiro.

 

Alam kong malaking temptation ang pera pati na ang mga alahas. At siguro, halos lahat ng tao ay gugustuhing masolo ang mga yun. Pero to the point na papatayin mo yung mga kasama mong naghirap rin para doon? Alam kong mali ang magnakaw pero mas maling pumatay ng tao.

 

“Brilliant.” Halos sarcastic na sabi ni Mr. Mercado, habang hawak-hawak niya sa kanang kamay niya ang suitcase at sa kaliwa naman ay yung bag na pinaglalagyan niya ng pera at alahas.

 

“And one more thing, Mr. Mercado,” napatingin agad si Mr. Mercado kay Riye. “Nag-iwan ka rin ng isang napakalaking clue sa amin dahil sa sunog.”

 

“Ohhh. Did I?”

 

“Hindi ko alam kung bakit mo yun ginawa pero maraming pamilya ang nadamay dahil doon. Sinunog mo rin ang ibang bahay para lang ipakita ‘to,” saka inihagis ni Riye kay Mr. Mercado ang dalawang picture. Tumawa lang si Mr. Mercado habang tinitignan yung dalawang picture na ibinato sa kanya.

 

“Beautiful, isn’t it?”

 

Gusto ko siyang sugurin ngayon pero pinigilan ko ang sarili ko. Nadamay ang bahay namin dahil sa walang kakwenta-kwentang dahilan. Yung ibang gamit na mahalaga sa akin, hindi ko alam kung tuluyan nang nasunog. Pati si Mama, nawala na lang bigla sa bahay.

 

Yung mga pictures na inihagis ni Riye ay aerial view ng dalawang sunog na nangyari kanina at nakuha namin iyon sa data ni Miyu galing sa Windows ability niya. Sa unang sunog na nangyari ay nag-form ng small letter i yung mga bahay na nasunog at yung tuldok ang bahay ni Mrs. Andres. Sa pangalawa naman ay pabilog at nagmukhang letter o, kung saan nasa tuktok ang bahay ni Mr. Sison.

 

Inisip ko na lang yung sinabi sa amin ni Ms. Hina sa Psychology nung mga nakaraang araw. Sabi niya, ang mga killers or murderers ay either consciously or subconsciously nag-iiwan ng clues sa isang crime scene. Marahil ay gusto lang nilang i-challenge yung authorities kaya sila nag-iiwan ng clues kung sino sila o kaya naman subconsciously, gusto talaga nilang may pumigil sa kanila sa paggawa ng mga krimen.

 

Pero ngayon, hindi ko alam kung sinasadya niya ba yun para i-challenge ang mga pulis, o gusto niyang may pumigil sa kanya, kahit papaano.

 

“Kids, you are really smart, but...you’re going to die here.”

 

Hindi ko nasundan agad kung anong nangyari. Halos manigas na lang rin ako parang kanina dahil nagulat ako sa sobrang bilis ng mga pangyayari.

 

Bigla niyang tinanggal yung foam-like molds sa loob ng suitcase niya at nagulat na lang ako nung may baril na nakatago doon. Bigla niya yung pinaputok at narinig ko na lang ang sigaw ni Akane at ang pagbagsak niya sa sahig.

 

“Akane!” napasigaw rin ako at nakita kong umaagos na yung dugo mula sa braso niya. Gusto ko na lang tumayo doon sa pwesto ko at isiping panaginip lang lahat ng ‘to pero inalis ko kaagad yun sa isipan ko at tumakbo ako papunta kay Akane.

 

Nakita ko rin na tumakbo papunta sa direksyon ni Mr. Mercado sina Ken at Hiro habang nagsusummon sila ng weapons. Si Reiji at Riye naman ay sinamahan ako dito kay Akane. Hinawakan ni Riye yung part na tinamaan ng bala kay Akane.

 

“Her muscles and nerve tissues are torn! Kailangan siyang magamot agad!” halos paiyak na sigaw ni Riye kaya lalo akong nagpanic.

“Let’s get her out of here!” sabi naman ni Reiji, tapos dahan-dahan niyang binuhat si Akane na ngayon ay wala nang malay. “Riye, buksan mo yung bintana!” Pagkasabi nun ni Reiji ay tumakbo agad si Riye sa may bintana at binuksan niya agad ito. Biglang tumalon doon si Reiji at tumakbo naman si Riye doon sa may hagdanan.

 

Hindi ko na napigilan yung galit na kanina ko pa kinikimkim.

 

Una, sinunog niya yung bahay namin. Ngayon naman, dinamay niya pa si Akane.

 

Agad kong kinuha yung piraso ng test tube na nabasag at sinugatan ko yung sarili ko. I summoned my bow and arrows. Nakita kong pinagtutulungan ni Hiro at Ken si Mr. Mercado pero hindi sila masyadong makalapit dahil sa baril na hawak niya.

 

Kinalma ko yung sarili ko mula sa galit na nararamdaman ko at tinaas ko yung bow ko. I can see him clearly. I can even see his wicked expression.

 

“Hiro! Ken!” sigaw ko at mukhang naintindihan naman nila yun kahit hindi sila tumigin sa akin. Tumalon sila palayo at saka ko nirelease yung arrow.

 

I shot his right hand kaya nabitawan niya yung baril na hawak niya at nasugatan siya. Dahil doon, agad-agad siyang napabagsak nina Hiro at Ken. Nagsummon rin sila ng posas at lubid para i-subdue si Mr. Mercado.

 

Matapos nilang gawin yun ay agad-agad naming kinontact si Sir Ryuu para mahuli ‘tong si Mr. Mercado. Dumaan kami doon sa kwarto ng anak ni Mrs. Andres para doon bumaba sa bintana, habang pinagtulungang ibinaba ni Hiro at Ken si Mr. Mercado.

 

Hindi ko naman mapigilang hindi manginig. Nag-aalala ako kay Akane. Kitang-kita ko kung gaano karaming dugo ang nawala sa kanya. Paano kung...

 

“She’s going to be okay,” napatingin naman ako kay Ken at nakangiti siya sa akin kahit halatang pilit lang iyon. Alam ko namang nag-aalala rin siya para kay Akane.

“She’s a strong-willed woman,” dagdag naman ni Hiro.

 

Tumango na lang ako sa kanila at pinunasan ko yung patulo pa lang na luha galing sa mga mata ko. Tama. Naniniwala ako kay Reiji at Riye. Siguradong nadala kaagad nila si Akane sa Tantei High. At naniniwala ako kay Akane. Alam kong malakas siya. Alam kong makakaligtas siya.