.

.

Chapter 43

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

“Good work, guys. Kami na ang bahala sa kanya. Sumunod na rin kayo sa agency,” sabay turo ni Sir Ryuu doon sa isang sasakyan.

 

Lumapit naman kaming tatlo doon at sumakay. Pagkaupong-pagkaupo ko pa lang, naramdaman ko kaagad yung pagod. Siguro dahil na rin sa sobrang tension na naramdaman ko kanina.

 

“Akala ko talaga noong una ay si Richard Andres yung murderer,” biglang sabi ni Ken na nakaupo sa kaliwa ko.

 

Napaisip naman ako. Sa una nga, parang si Mr. Andres yung killer. Mukha kasing malaki ang galit niya kay Mrs. Andres dahil sa pakikipaghiwalay niya rito. Isa pa ay alam na alam ni Mr. Andres lahat ng parte ng bahay nila pati na rin ang pang-araw-araw na kilos ni Mr. Andres. Pero mukhang sinet-up lang talaga siya ni Mr. Nestor Mercado para siya ang unang makakakita ng sunog. That way, wala siyang alibi na masasabi.

 

Pero nagkaroon ng miscalculation si Mr. Mercado. Hindi niya alam ni sinundan rin ng kinakasama niya ngayon si Mr. Andres. Ibig sabihin, pwedeng gawing alibi ni Mr. Andres si Ms. Carla Gomez. Nalaman namin yung side niya nung sinabi ni Hiro yung mga sinabi ni Ms. Carla. Sinundan niya raw si Mr. Andres hanggang sa makarating sila sa bahay nina Mrs. Andres. Hindi raw kasi sinabi ni Mr. Andres kay Ms. Carla kung saan siya pupunta. Nakita niya si Mr. Andres na dala-dala na ang anak niya na inilalayo doon sa nasusunog na bahay. Kitang-kita raw niya na takot na takot ang expression ni Mr. Andres habang karga-karga yung anak niya. Kaya imposibleng siya ang may gawa ng sunog. Bakit naman siya matatakot sa posibleng mangyari kung plinano niya yun, hindi ba?

 

“Pati na rin yung collector,” dagdag pa ni Ken.

 

Oo. Suspicious at nakakatakot ang collector na yun. Pero mukhang yung antique items lang talaga ang habol niya. Ayon sa naresearch nila habang kumukuha kami ni Hiro ng information sa mga suspect, si Mr. Edward Aragon, yung collector, ay mahilig talagang bumili ng antiques. Pero mas gusto niyang bilhin yun sa mas mababang halaga. Kilala siya sa pantotorture mentally ng mga antique sellers para maibenta sa kanya yung mga gusto niya ng mas mura. Kaso mukhang hindi iyon umubra kay Mrs. Andres kaya lagi niya itong kinukulit at balak nilang magmeet kanina. Kaso pagdating nga ni Mr. Aragon ay nasusunog na yung bahay. Kaya rin siya galit kanina ay dahil siguro iniisip niya kung anong nangyari sa mga antique items na gusto niyang bilhin kay Mrs. Andres. Siguro ay gusto niyang pumasok sa loob ng bahay kaya siya tingin nang tingin doon. Tinanong rin siya ni Hiro kung bakit sinong tinext or kung anong ginawa niya sa phone niya nung time na sumabog yung bomba sa bahay ni Mr. Sison. Ang sabi niya ay kinontact niya raw yung isa pang antique seller na kailangan niya ring i-meet.

 

Bigla ko namang naalala kanina yung pagkuha ni Hiro doon sa phone ni Mr. Mercado nung naposasan at natali na siya. Pinakita niya sa amin ni Ken yung number na huling dinial ni Mr. Mercado. Sakto sa oras ng pagsabog yung time ng tawag at hindi siya cellphone number yung tinawagan niya. Ibig sabihin, yun yung trigger code para sumabog yung bomba.

 

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nangyari. Parang ang haba masyado ng araw na ‘to. Sobrang pagod na pagod na ako. Idagdag pa na ang daming bumabagabag sa akin ngayon.

 

Una ay si Akane. Sana lang talaga ay hindi masyadong malala yung sugat na nakuha niya mula doon sa pagkakabaril sa kanya. Pangalawa naman ay si Mama at yung mga Shinigami kanina. Gustung-gusto ko na talaga siyang makita dahil marami akong gustong itanong sa kanya. Sino ba siya? Bakit siya hinahabol ng mga Shinigami? Tapos yung Rin...

 

Bigla naman akong kinabahan. Sabi ko na nga ba. Pamilyar yung pangalan na yun! Siya yung narinig kong sinabi ni Mr. President kay Sarah Angeles nung bigla siyang lumitaw sa hospital room.

 

Ibig sabihin... siya yung leader ng Shinigami Tribe.

 

Kinilabutan agad ako sa idea na yun. Kaya pala sobra akong natakot nung nakita ko siya. Kahit tingin niya pa lang, para na akong pinapatay. Sobrang hirap huminga. Lalo na nung bigla siyang sumugod. Halos hindi na ako nakahinga nung mga panahong yun at sobrang nakakapanghina siya ng katawan. Pero iniligtas ako ni Mama.

 

“She’s strong. Mukhang wala nga siyang natamong sugat kahit na tatlo yung kinakalaban niya kanina. Pero nung bandang huli, nung isang Shinigami na lang ang kinakalaban niya, halos magkasinglakas sila. Hindi ko akalaing makakakita ako ng ganung klase ng laban.”

 

 

 Bigla kong naalala yung sinabi ni Sir Hayate. Ibig sabihin, si Rin yung tinutukoy niya na kalaban ni Mama? Masyado na talaga akong nacucurious at naguguluhan sa pagkatao niya. Tapos mukhang may alam rin si Sir Hayate pero ayaw niyang sabihin sa akin.

 

‘Stop thinking about them.’

 

Napatingin naman ako sa kanan ko dahil narinig ko yung boses ni Hiro sa isip ko. Nakapangalumbaba siya habang nakasandal sa bintana at nakapikit.

 

‘Pero...’ bigla siyang dumilat at umayos ng upo.

‘We’re here.’

 

Huminto yung sasakyan kaya napatingin ako sa labas. Bumaba naman agad kami at tumakbo papunta sa agency. Tumakbo kami doon sa creepy hallway for fifteen minutes at dumiretso sa Medical Department. Tinanong namin doon sa information desk kung saan yung kwarto ni Akane at pumunta kaagad kami doon.

 

“Okay na siya. Her muscles and nerve tissues are alright. Kailangan lang niya ng pahinga.” Naabutan namin si Dra. Yuuki sa loob ng kwarto. Pagkapasok namin, agad rin naman siyang lumabas. Sinundan ko pa siya ng tingin dahil namangha na naman ako sa kanya. Ang bilis niyang nagamot si Akane at sabi niya ay okay na raw siya. Doctors are really amazing, but Senshin doctors are more amazing.

 

Nilapitan namin si Akane na ngayon ay natutulog. Mukha ngang okay na siya dahil bumalik na sa dating kulay yung mukha niya. Kanina kasi habang buhat-buhat siya ni Reiji ay sobrang putla niya.

 

“Buti naman at ayos lang siya,” sabay upo ni Ken doon sa upuan sa tabi ng kama ni Akane. “Good work, Akane,” tapos ginulo niya yung buhok ni Akane.

 

Napaupo na lang ako sa tabi ni Riye doon sa may sofa. Sobrang dami talaga ng nangyari ngayong araw. Gusto ko nang magpahinga.

 

“Riye, magpahinga na kayo. Kami na ang magbabantay sa kanya.” Halos papikit na yung mata ko nung narinig ko yung sinabi ni Hiro.

“Okay, nii-san. Let’s go, nee-san.” Hinawakan naman ni Riye yung braso ko at hinila ako palabas ng kwarto.

 

Naglakad kami palabas ng Medical department at dumiretso sa dorm. Ni hindi ko nga namalayan na nandito na pala kami sa kwarto namin. Nagpahatak na lang ako kay Riye at bumagsak na lang ako sa kama.

 

***

 

Sunog.

 

Nakakaamoy ako ng sunog. May sunog na naman bang nangyayari?

 

Dinilat ko yung mga mata ko. Mukhang umaga na. Ni hindi na ako nakapag-shower kagabi. Sobrang napagod talaga ako. Pero bakit amoy sunog? Teka...

 

Napatakbo agad ako sa kusina at nakita kong nagpapanic na si Riye sa harap ng kalan.

 

“Riye!” napalingon siya sa akin at parang paiyak na siya.

“Nee-san...”

 

Pinatay ko kaagad yung kalan at hinatak ko siya palayo sa kusina. Sinabi ko na lang na ako na ang magluluto. Pero napangiti na lang ako sa ginawa niya. Mukha kasing balak niyang magsinangag pero ang liit ng pinaglutuan niya kaya hindi masyadong nahahalo yung kanin at nasunog na yung ilalim na part.

 

Tinuloy ko na lang yung pagluluto at nagprito na rin ako ng hotdog at itlog. After that, sabay na kaming kumain ni Riye at naglagay kami sa tupperware ng pagkain para kay Akane.

 

Nagprepare kami para sa klase namin ngayon. PE lang naman at Techology class. Bago kami pumunta sa klase ay dumaan muna kami sa Medical department para ibigay ‘to kay Akane. Kaso tulog pa siya nung nakita namin siya sa kwarto niya kaya iniwan na lang namin doon.

 

“Nee-san...” sabi ni Riye habang naglalakad kami papunta sa PE class namin.

“Hmm?”

“Kanina pa siya sumusunod sa atin.” Napahinto naman ako sa sinabi ni Riye at bigla akong naging alerto. Dahan-dahan akong tumingin sa likuran namin at...

 

“Ah! Yung pusa!” sabay turo ko doon sa pusang nakita ko sa library kahapon. Teka, so siya yung sumusunod sa amin?

“She’s following us since we left the dorm.” Umupo si Riye at sinubukan niyang palapitin sa kanya yung pusa, kaso hindi siya lumapit. Nagulat na lang ako nung biglang tumakbo yung pusa papunta sa akin at bigla na lang tumalon.

“Ouch!”

“Nee-san!”

 

Napaupo ako sa lupa dahil natakot ako sa pagtalon sa akin nung pusa. Buti na lang at nasalo ko siya. Binaba ko na lang ulit siya at nagsimula na ulit kaming maglakad, habang yung pusa ay nasa pagitan namin ni Riye at nakisabay na rin sa aming maglakad.

 

“It seems that she likes you.”

“Eh? Ewan ko. Nakita ko lang siya sa library kahapon.”

“Siya yung pusa na laging nasa library. Sabi nila, hindi raw siya umaalis sa library kahit anong gawin sa kanya. Ngayon ko lang rin siya nakita sa labas ng library.”

“Wow. Talaga?” Hindi ko naman akalaing hindi pala lumalabas ng library ang pusang ‘to. Pero ang cool talaga ng mata niya dahil kulay green rin.

“Opo. Tapos hindi rin siya masyadong malapit sa mga Senshin. Ang nakakalapit lang sa kanya ay sina Sir Hideo at Ma’am Michiko.”

“Bakit naman?”

“Hindi ko rin alam, nee-san.”

 

Nakarating naman kami sa PE class kasama yung pusa. As expected, nandoon na yung boys pati na rin si Ma’am Michiko. Pero nagulat ako nung biglang tumakbo yung pusa papunta kay Ma’am Michiko. Nakita ko rin yung shocked expression ni Ma’am nung nakita niya yung pusa pero niyakap niya yun kaagad.

 

“’Di ba yun yung pusa sa library?” tanong kaagad ni Ken sa amin. Napansin ko naman na may eyebags siya. Mukhang binantayan niya talaga si Akane kagabi.

“Yeah. Bigla na lang siyang sumunod kay nee-san kanina,” sabi ni Riye sa kanya.

 

Lumapit naman sa amin si Ma’am Michiko habang karga-karga niya yung pusa.

 

“Ang gagawin natin ngayon ay ieenhance natin yung skills niyo. Nagprepare ako ng ilang methods para doon. Now summon your weapons so we can start.”

 

Ginawa naman namin yung sinabi ni Ma’am Michiko. Sinummon ko yung bow and arrows ko. Then after that, lumapit sa akin si Ma’am Michiko.

 

“Hmm. So sinundan ka pala ni Demi.” Napakunot naman yung noo ko sa sinabi ni Ma’am.

“Demi?”

“It’s her name,” sabay taas niya sa hawak niyang pusa.

“Uhm, opo. Totoo po bang hindi siya lumalabas ng library at sa inyo lang siya ni Mr. President lumalapit?” Nacurious kasi ako bigla doon sa pusa.

“Yeah. This cat belongs to the Great Seven. Well, technically, it’s her cat.”

“Her?”

“My close friend’s cat. It seems like Demi likes you. No wonder,” tapos tumalikod na siya at pinuntahan niya sina Reiji.

 

Close friend? Sino kaya ang tinutukoy niya? Naguguluhan na talaga ako sa kanila.