.

.

Chapter 44

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

“Ahh grabe! Ang sakit ng kamay at braso ko! Grabe si Ma’am Michiko!” sabay wagayway ni Akane sa pareho niyang braso.

“Energetic siya ngayon,” sabi naman ni Riye.

 

Nandito na kami ngayon sa dorm at magpapahinga muna kami dahil sa ginawa namin kanina sa PE namin. Sobrang napagod kami dahil sa training na ginawa ni Ms. Michiko. Nagulat pa nga kami dahil biglang sumulpot si Akane sa room. Pinagalitan niya pa kami ni Riye dahil hindi raw namin siya ginising nung pumunta kami sa room niya doon sa Medical department. Sabi niya, okay na raw siya dahil magaling daw talaga si Dra. Yuuki. Ayaw niya rin daw magstay doon habang walang ginagawa. Nung una pinipilit ko pa siyang magpahinga kaso nung nakita ko siyang humawak ng sword na parang wala lang nangyari sa kanya, sumuko na ako. I guess, okay na nga talaga siya.

 

Sobrang nakakapagod talaga yung mga pinagawa sa amin kanina. Pinatry niya kay Akane yung iba’t ibang klaseng swords. Merong sobrang haba, maiksi, sobrang bigat, at yung isa ay ang laki masyado. Pinasubok niya rin kay Riye yung iba’t ibang klase ng staff. Sa mga boys naman ay tinuruan sila ng iba pang techniques na magagamit nila. As for me, pinasubok niya sa akin kung kaya kong tumira ng tatlong arrows at once. Sobrang hirap, lalo na kung nasa iba’t ibang directions yung tatlong targets mo at iba-iba rin yung distance ko sa kanila.

 

“Feeling ko mamamatay na ako! Ang sakit talaga ng katawan ko!” tapos bumagsak na lang si Akane sa kama.

“Pero at least, para sa improvement natin ‘to,” sabi ko tsaka ako dumiretso sa kusina.

 

Dahil tanghali na, minabuti ko na rin na magluto kaysa naman pumunta pa kami sa plaza. Wala na kaming energy para maglakad pa ng malayo. Nagprito na lang ako ng isda para sa ulam namin at tinulungan naman ako ni Riye magsaing. Talagang binantayan ko siyang mabuti sa pagtakal at pagsabaw doon sa bigas dahil baka kung ano na namang mangyari. After that, naghain na ako at sabay-sabay kaming kumain.

 

“Akane nee-san, okay ka na ba talaga?” tanong ni Riye habang kumakain kami.

“Oo naman. Sabi ni Dra. Yuuki, wala na raw damage yung muscles ko at nakapagpahinga na rin naman ako kagabi at kanina.” Pagkasabi nun ni Akane ay hinawakan bigla ni Riye yung part na nabaril kay Akane kahapon.

“Whoa. Parang walang nangyari sa muscles mo, nee-san.”

“Told yah. What do you expect from our top doctor?”

“Si Dra. Yuuki ang top doctor dito?” tanong ko sa kanila.

“Yeah. She’s been developing different medical treatments for fifteen years,” sabi ni Akane.

“Wait, ibig sabihin naabutan niya yung pagsugod dito ng mga Shinigami fifteen years ago?”

“Mmm. Ayon sa mga naririnig kong usa-usapan sa Medical department, nagsimula raw talagang magfocus si Dra. Yuuki sa pagiging doctor matapos yung Shinigami Incident. Siguro dahil maraming namatay nun at naging signal yun para magligtas siya ng buhay.”

“Ahh ganun ba?” Hmm. Tanungin ko kaya siya? May alam kaya siya sa katauhan ni Mama pati nung Akemi? Teka, kasama kaya si Mama sa incident na yun?

“Nee-san, mukhang interested ka sa nangyari fifteen years ago ah?” napatingin naman ako kay Riye. Bumuntung-hininga na lang ako at napatigil ako sa pagkain.

“Ewan ko rin. Pero malakas ang kutob ko na may malalaman ako tungkol sa pagkatao ko kapag nalaman ko yung nangyari fifteen years ago.”

“Tungkol sa pagkatao mo?”

“Mmm. Nung nakita ko si Mama kahapon habang nakikipaglaban sa mga Shinigami, natakot ako pero at the same time, namangha. Sabi rin ni Sir Hayate, halos walang laban sa kanya yung mga Shinigami at nagseryoso lang siya nung makaharap niya si Rin.”

“Rin? Sino yun? Wait, parang narinig ko na yang pangalan na yan,” sabi ni Akane.

“I-Isn’t she the leader of the Shinigami tribe?” napatingin kami kay Riye dahil sa sinabi niya. Tumango ako sa kanya bilang sagot.

“Teka paano mo yun nalaman, Riye?” tanong naman sa kanya ni Akane.

“Nee-san, I’m a Shinigami tracker, remember? May alam rin naman ako kahit papaano na information about that tribe,” sagot naman ni Riye. Oo nga pala. Shinigami tracker si Riye at yung buong angkan nila. Halos nakalimutan ko na yun.

“Ah, geez. Oo nga pala. Anyway Akemi, paano naman napasok yung nangyari fifteen years ago sa katauhan mo at ng Mama mo?”

“Ngayon ko lang narealize yung mga napapansin ko sa kanya dati. Kapag nasa bahay kami, lagi siyang nagpapatak ng kung ano sa mga mata niya. Kapag naman aalis kami, lagi siyang nakashades. Akala ko namamalikmata lang ako dati, pero nakita kong nagkulay green yung mga mata niya. Pero di ba sabi niyo, hindi na madaling nag-iiba ang kulay ng mga mata ng Senshin kapag naging green na dahil yun na yung last stage?”

“Yeah. Kaya nga hindi pwedeng malaman ng humdrums ang existence natin. Kapag kasi nagdedevelop tayo at naabot natin yung peak natin, which is determined by the color of our eyes, hindi na madaling ibalik yun. Syempre kapag brownish or yellowish pa lang, kaya pa rin nating ibalik sa pagiging normal state yung mga mata natin. Pero habang lumalakas ka nang lumalakas, mas mahirap ng bumalik sa dati. Tignan mo si sina Sir Hayate, Ms. Reina at yung iba pang teachers. Laging green yung mga mata nila, dahil ganun na yun habangbuhay.”

“Pero bakit nung nagscout si Ms. Reina sa school, normal naman yung kulay ng mga mata niya? Tsaka si Sir Hayate. Kapag sumasama siya sa atin sa mga case, normal rin naman yung mga mata niya.”

“Those are contact lenses, nee-san. Sa family namin, madalas ko yung nakikita. Sabi nila, dinevelop daw yun ng Medical at Technology departments. Marami kasing Senshins ang kailangan pa ring mamuhay kasama ang mga humdrums para sa trabaho nila. Hindi naman pwedeng makihalubilo na lang sila habang iba yung kulay ng mga mata nila, hindi ba? So they developed those lenses para magmukhang normal-looking ang mga mata nila.”

“Ibig sabihin, yung akala kong pinapatak ni Mama ay contact lens?”

“Yeah. Ang alam ko, parang eyedrop lang yun. Pero kapag pinatak mo sa mata mo, para kang nagsusuot ng contact lens dahil magbabago na lang ang kulay ng mga mata mo.”

 

After ng usapan naming tatlo, nagpahinga na silang dalawa at natulog muna dahil mamayang 5 PM pa naman yung class namin. Hindi naman ako makatulog dahil mas lalong gumulo yung isip ko.

 

I really saw her green eyes before. Akala ko dati, imagination ko lang. Pero dahil sa nalaman ko ang existence ng Senshins, alam kong totoo yung nakita ko dati. At yung sinasabi niyang sakit niya sa mata, alam ko na ngayong dahilan lang yun para itago niya yung totoong kulay ng mga mata niya. Pero bakit? Bakit ayaw niyang ipaalam sa akin na Senshin kami? Dahil ba gusto niyang mamuhay kami ng normal? Dahil ba masyadong mapanganib yung mundong ginagalawan ko ngayon?

 

Pero malakas pa rin ang kutob ko na may kinalaman si Mama sa nangyari fifteen years ago. Ganun na rin katagal nung pinanganak ako. Tapos hinahabol rin siya ng mga Shinigami at ayaw niyang lumapit ako sa kanya nung time na yun. Dahil ba pinoprotektahan niya ako? Mula saan? Sa mga Shinigami? Pero bakit?

 

“Ugh!” Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil sobrang dami kong tanong na si Mama lang ang makakasagot.

“Meow.”

“Oh my God!”

 

Natumba ako sa upuan ko sa sobrang gulat. Pagtingin ko, may pusa sa harapan ko.

 

“Akemi!”

“Nee-san!”

 

Napatingin ako kay Akane at Riye na mukhang nagising dahil sa pagsigaw ko at sa pagtumba ng upuan. Ngayon ko lang rin naramdaman yung sakit ng pagbagsak ko. Buti na lang at napaupo ako sa sahig nung bumagsak ako kaya pwet ko lang yung masakit.

 

“Ayos ka lang?” sabay alalay sa akin ni Akane.

“O-oo. Nagulat lang ako sa pusa—teka, Demi?”

“Siya nga nee-san. Mukhang sinundan ka rin niya dito.”

“Meow.”

 

Tinignan ko si Demi at nakatingin lang rin siya sa akin. Sa pagkakatanda ko, ang sabi ni Ms. Michiko ay sa Great Seven ang pusang ‘to. Sinabi niya pa na ‘her cat’ raw pero hindi ko naman kilala kung sinong tinutukoy niya. Pero bakit niya ako sinusundan?

 

Bigla namang tumaas yung buntot niya at gumalaw yung tenga niya.

 

“Akane nee-san.” Napatingin ako kay Riye dahil bigla niyang tinawag si Akane. Pagtingin ko kay Akane, para siyang nakakita ng multo sa sobrang putla niya. Bigla rin siyang napayakap sa sarili niya.

“Akane? Ayos ka lang ba?”

“M-mom,” tapos bigla na lang siyang tumakbo palabas ng kwarto. Napansin kong sinundan rin siya ni Demi at pareho silang lumabas sa dorm namin.

“Akane!!”

“Nee-san, what’s wrong with her?”

“Hindi ko rin alam. Pero sundan na lang natin siya!”

 

Tumakbo kami ni Riye para sundan si Akane. Inenhance ko kaagad yung paningin ko para makita kung nasaan siya.

 

“Ayun siya!” Tinuro ko yung path papuntang gubat. Tumakbo kami ni Riye papunta doon pero bigla akong kinabahan. Bakit tumatakbo si Akane at Demi papunta dito? At bakit niya binaggit yung Mama niya?

 

Nasagot agad yung katanungan ko nung huminto si Akane. Halos hindi ako makagalaw sa posisyon ko nung makita ko na may dalawang Shinigami sa harap ni Akane.

 

“K-kayo...kayo ba ang pumatay sa Mama ko?” Nakatayo lang kami ni Riye dito sa likod ng puno dahil hindi namin alam kung anong gagawin namin sa ngayon. Rinig na rinig ko yung pagcrack ng boses ni Akane at feeling ko ay iiyak siya anytime.

“Ooohh. So you really have the same ability as hers. Binulong ko lang na dito ko pinatay si Akira at narinig mo yun?” sabi nung isa at tumawa naman yung isa. Nakita kong kinuyom ni Akane yung kamay niya. Maski ako ay sobrang nainis doon sa sinabi ng Shinigami na yun.

“I’ll kill you!!” sigaw ni Akane sabay nagsummon siya ng dalawang sword.

“Nee-san!” bigla namang tumakbo si Riye papunta kay Akane.

 

“Akane! Riye!”

 

Sobrang kinabahan ako dahil sa nangyayari. Kusa na lang kumilos yung katawan ko para isummon yung bow and arrows ko. Bigla ring sumugod yung dalawang Shinigami kina Akane at Riye kaya kumuha ako ng dalawang arrows at tinira ko yun sa kanila.

 

But something went wrong.

 

Ang buong akala ko ay susugurin nila sina Akane at Riye pero bigla na lang silang pumunta sa...

 

Sa direksyon ko.

 

“Akemi!”

 

Bago pa ako makagalaw, bigla na lang dumilim ang buong paligid ko.