.

.

Chapter 45

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Ugh.

 

Napahawak ako agad sa ulo ko dahil para akong nahilo. Pagdilat ko, nakahiga pala ako sa isang kama at nandito ako ngayon sa isang kwarto na walang kalaman-laman.

 

“Gising ka na pala.” Napatingin agad ako sa pinanggalingan ng boses at halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

“Darwin?”

 

Bigla siyang lumapit sa akin kaya napalayo ako at dumikit ako sa headboard ng kama.

 

“N-nasaan ako?” Umupo siya sa bandang gilid ng kama.

“Shinigami’s base.”

 

Pagkasabi niya nun, parang biglang lumubog yung puso ko. Inalala ko kung anong nangyari sa akin kanina. Sa pagakatanda ko, imbes na sina Akane at Riye yung sinugod nung dalawang Shinigami, sa direksyon ko sila pumunta. Then after that, bigla na lang akong nawalan ng malay sa hindi ko malamang dahilan. Bakit ba ako nawalan ng malay?

 

“Kung gusto mong malaman kung bakit ka nahimatay, dahil yun kay Ichiro,” sabi bigla ni Darwin kaya napatingin ako sa kanya.

“Ichiro? Isa ba siya sa mga Shinigami na sumugod doon sa gubat?” Bigla naman siyang tumango.

“And his sixth sense is touch and consciousness.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Kapag hinawakan ka niya o nahawakan mo siya, hindi mo mararamdaman ang senses mo. You’ll lose your consciousness.”

 

Kaya pala ako nawalan ng malay nung hinawakan niya ako. Pero bakit ako yung sinugod nila? Sa pagkakaalam ko, sila yung posibleng pumatay sa Mom ni Akane. Oh God! Ano na kayang nangyari kay Akane at Riye? Kailangan kong makaalis dito!

 

Tinignan ko si Darwin at nakita kong nakatingin rin siya sa akin. Mukhang alam na niya kung anong binabalak ko.

 

“Bakit nila ako dinala dito?” tanong ko sa kanya habang iniisip ko kung paano ako makakatakas.

“Order from above,” tapos tumayo siya bigla.

“Above? You mean si Rin?”

“Mukhang kilala mo na siya,” sabay tingin niya sa akin.

“Nakita ko siya na kinakalaban ang Mama ko. Ano bang kailangan niya sa akin?!”

“Malalaman mo rin sa susunod,” tapos lumapit siya sa akin at tumabi sa pwesto ko.

 

Bigla akong kinabahan sa kanya. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang Shinigami siya. Parang dati, normal lang kaming dalawa. Oo, wala kaming masyadong kinakausap sa school pero masasabi kong nagkakaintindihan kami. Siya lang ang nakakausap ko dati dahil bukod sa seatmate ko siya, sa kanya lang ako komportable. Siguro dahil na rin kakaiba kami. Kaya ba ako lang rin ang kinakausap niya? Matagal na ba niyang alam na Shinigami siya?

 

“May akong gustong itanong sa’yo,” sabi ko sa kanya. Gusto ko yung itanong sa kanya. Nahihirapan na kasi akong isipin na siya pa rin yung dating Darwin na kilala ko.

 

“Go on. I’ll answer it,” tapos umayos siya ng upo niya. Bumuntung-hininga muna ako bago ko siya kausapin ulit. Pakiramdam ko kasi, ito na ang una at huling beses na makakausap ko siya ng ganito.

 

“Matagal mo na bang alam na Shinigami ka? Kahit nung nasa school pa tayo?” Kaya niya lang ba ako kinakausap ay dahil doon? Dahil alam niya ring Senshin ako?

 

“No. Nalaman ko lang na ganito ako, one week matapos mong ma-expel. At doon ko rin nalaman na Senshin ka.” Nakahinga naman ako ng maluwag nung marinig ko yun. Ibig sabihin, hindi nya ako kinausap during those times dahil Shinigami siya at Senshin ako, kundi dahil naging friends talaga kami, though hindi naman talaga kami ganun kadalas mag-usap.

 

Pero magkaaway na kami ngayon, dahil sa tribes na pinagmulan namin.

 

‘Seiji, pumunta ka dito.’

 

Bigla akong napahawak sa ulo ko. May narinig kasi akong kakaibang boses, pero parang pamilyar. Narinig ko na ang boses na yun dati.

 

Napatingin naman ako bigla kay Darwin at napabuntung-hininga siya. After that, tumayo na siya at tumalikod sa akin.

 

“T-teka Darwin, saan ka pupunta?” Napatayo rin ako dahil papunta na siya sa may pintuan. Lumingon siya kaagad sa akin.

“Rin’s calling me.”

 

Tinatawag siya? Pero Seiji yung pangalang sinabi ah? At...si Rin yun? Boses ni Rin yung narinig ko sa isip ko?

 

“Ah. Seiji is my name here. But you can still call me Darwin,” sabay pihit niya doon sa doorknob.

“Teka lang—”

“Wag kang mag-alala, babalikan kita,” tapos ngumiti siya at saka siya lumabas ng kwarto.

 

Tumakbo ako papunta doon sa pinto at sinubukan kong buksan pero ayaw bumukas. Mukhang naka-lock mula sa labas. Nahampas ko na lang yung pinto sa sobrang frustration.

 

That voice. Sabi na nga ba, pamilyar yung boses niya. Siya yun. Siya yung kumausap sa akin dati. Tandang-tanda ko pa yung mga sinabi niya sa akin.

 

‘No, dear. To have great powers is to also experience great misery. That’s the rule of the world. That’s the rule of our world.’

 

‘That’s right, dear. Solve this crime and prove yourself. Then I shall decide whether to take you or not.’

 

 

Dalawang beses niya akong kinausap dati at nag-iwan siya ng mga hindi ko maintindihang salita. Pero ngayon, medyo nagkakaroon na ng sense. Kaso hindi ko pa rin maintindihan yung iba. Why would I prove myself to her? Why would she take me?

 

Gusto ko na talagang umalis sa lugar na ‘to pero hindi ko alam kung paano. Iisa lang ang way kung paano makalabas at sarado naman mula sa labas yung pinto. Walang kahit anong bintana sa room. Wala ring mga gamit kundi itong kama. Kung kaya ko lang sirain yung dingding...

 

“Ah!”

 

Bigla kong naisip yung weapons na minarkahan ko dati. Sa pagkakatanda ko, bukod sa bow and arrows ko na galing kay Riye, nag-mark rin ako ng staff at spear. Ugh! Magagamit ko ba yung mga yun? Pero yun lang ang kaya kong gawin sa ngayon kayo no choice ako. Sinugatan ko yung isa kong daliri at tinry kong i-teleport dito yung marked weapons ko. Pero bigla akong nakaramdam ng kakaibang sensation. Napahawak na lang ako sa braso ko dahil parang sinusunog yung laman ko.

 

“Ugghhh!”

 

Napaupo na lang ako sa lapag at pakiramdam ko ay naubos na lang bigla yung lakas ko. Sobrang init sa pakiramdam. Para akong sinusunog mula sa loob. Pero ang hindi ko matanggap, hindi ko na-summon yung marked weapons ko. Napasandal na lang ako sa kama at gusto ko na lang umiyak.

 

Bakit hindi ko magawa?! Dahil ba nasa base nila ako? Hindi ba ako pwedeng mag-teleport ng mga bagay dito? Nasaang parte ba kasi kami ng mundo?!

 

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko...

 

Bigla ko namang narinig yung pagpihit ng pintuan kaya napatingin ako doon. Pumasok si Darwin sa kwarto at tumingin siya sa akin habang nakaupo pa rin ako sa may lapag.

 

“Anong nangyari sa’yo?” sabay upo niya sa tabi ko. Nag-iwas na lang ako sa kanya ng tingin. Pero naramdaman kong hinawakan niya yung braso ko.

 

“May sugat ka,” napatingin ako sa kanya bigla. “Nakita kong ginawa rin ‘to dati nung redhead girl,” tapos bigla niyang hinawakan yung pisngi niya. Saka ko naalala yung kinuwento ni Sir Hayate sa akin. Kinwento niya yung nangyari doon sa room kung nasaan ang Golden Sun at kung paano binato ni Hiro yung sword ni Akane kay Darwin at nadaplisan yung pisngi niya.

 

Hinila ko yung braso ko sa kanya at pinunas ko na lang sa damit ko yung dugo sa daliri ko. After that, sinubukan kong tumayo para pumunta sa kama pero nanlambot yung mga tuhod ko. Para pa ring sinusunog yung loob ng katawan ko sa hindi ko malamang dahilan.

 

“Did you try to summon something? I saw that redhead doing that before,” sabi niya sabay tayo rin. Iniwas ko na lang yung tingin ko dahil mukhang nahuli niya yung ginawa ko.

 

“Don’t do that again, or you’ll end up dead,” saka niya ako hinawakan sa balikat. Napatingin ako sa kanya nung marinig ko yung sinabi niya.

“D-dead?”

“Oo. Kaya magpahinga ka na lang at wag kang gumawa ng kahit ano. You’re just hurting yourself.” Pinilit kong kumawala sa hawak niya pero masakit pa rin talaga yung pakiramdam ko. Nahihirapan rin akong huminga at mainit talaga sa pakiramdam.

“B-bakit? Bakit ba kasi ako nandito?! Bakit—”

“Because you belong here.” Napahinto ako sa pagkawala sa kanya dahil sa narinig ko.

“A-anong sabi mo?”

“You belong with us, Rainie...” lalong nanlambot yung tuhod ko dahil sa sinabi niya. Bigla na lang akong natumba papunta sa kanya habang nakaalalay siya sa katawan ko. Naramdaman ko yung hininga niya sa bandang tenga ko at bigla siyang bumulong sa akin...

 

“...because you’re one of us.”