.

.

Chapter 46

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Napayakap na lang ako sa sarili ko habang pilit na inaalam kung anong pwede kong gawin.
Kaaalis lang ni Darwin at iniwan niya ako na nakatulala dahil sa pinagsasabi niya.

 

“You belong with us, Rainie, because you’re one of us.”

 

Iniling-iling ko yung ulo ko dahil naalala ko yung sinabi niya. Kahit itanggi ko, alam kong isa lang ang gusto niyang sabihin. Pero hindi ako naniniwala. Paano niya naman nasabi yun di ba? Paano niya nalaman yun? At kung totoo nga yun, ibig sabihin, hindi Senshin si Mama? O baka si Papa? Pero hindi ko naman nakilala ang Papa ko. Sabi ni Mama, matagal na raw siyang patay.

 

Lalo lang gumulo yung isip ko. Ang dami-dami ko na ngang tanong sa sarili ko dati, ngayon lalo pang nadagdagan. Hindi ko na alam kung sino ba talaga ako.

 

Kung totoo nga yung sinasabi ni Darwin, ibig sabihin ba...

 

Ugh! Ayokong isipin! Baka hindi naman totoo. Baka sinasabi niya lang yun. Pero bakit niya yun sasabihin sa akin? Ano bang plano nila? Ano bang kailangan sa akin ng Rin na yun? Akala ko talaga dati, si Sarah Angeles yung kumausap sa akin, pero nung narinig ko yung boses ni Rin, alam kong siya yun.

 

Kinilabutan ako nung naalala ko yung ginawa niyang pagtitig sa akin nung nakaraan. Nung halos matumba na ako sa sobrang takot dahil sa kanya. Gusto ko na talagang makaalis dito. Gusto ko nang bumalik sa Tantei High.

 

“Meow.”

 

Napatigil naman ako sa pag-iisip nung narinig ko yun. Tumingin ako sa paligid ko pero wala naman akong nakikitang pusa. Pero isa lang ang kilala kong pusa na laging dumidikit sa akin. Si Demi. Pero nasaan siya? Bakit naririnig ko siya kahit wala naman siya dito sa room?

 

“Meow.” Ayan na naman. Napatayo ako at nilibot ko ang maliit na room na ‘to. Naririnig ko talaga siya.

“Demi?” tawag ko. “Nasaan ka?” Hindi kaya naiimagine ko lang yung pag-meow niya? Hindi eh. Naririnig ko talaga. Pero nasaan siya?

“Meow!”

“Oh my God!”

 

Napaupo ako sa sobrang gulat dahil bigla siyang tumalon papunta sa akin.

 

Lumitaw siya out of nowhere. As in out of nowhere. Bigla na lang siyang sumulpot sa ere at tumalon papunta sa akin. Paano niya nagawa yun?!

 

“Demi!” sabay yakap ko sa kanya. “Teka, paano mo yun nagawa? Paano ka nakapunta dito?”

“Meow.”

 

Bakit ko ba siya kinakausap eh hindi naman siya sasagot ng maayos? Pero nagtataka talaga ako kung paano niya yun nagawa. Teka, sinundan niya ba ako dito?!

 

“Demi, paano ka nakapunta dito?” Bigla naman siyang tumingin sa taas. Feeling ko nakatingin siya sa kung saan siya biglang lumitaw. Bigla na lang kasi siyang nag-appear...

 

Wait lang, parang alam ko ‘to.

 

“Sa Black Dimension ka galing?!”

“Meow.”

 

Kinabahan ako sa naisip ko. Kung galing si Demi sa Black Dimension kaya bigla na lang siyang lumitaw, ibig sabihin ba, nasa Black Dimension kami ngayon o hindi? Wait. Baka nga nasa Black Dimension kami. Kasi kung nasa real dimension kami, kaya kong i-summon yung weapons ko. Pero para akong sinusunog kanina nung tinry ko yun.

 

Naalala ko bigla yung unang beses kong napunta sa Black Dimension. Kasama ko nun si Kyuuya pati na rin si Darwin. Ganun rin yung naramdaman ko that time. Yung parang sinusunog yung laman-loob ko at nakakapanghina.

 

So nasa Black Dimension nga kami? Kaya ba hindi ma-track ng mga Shinigami trackers yung base nila dahil nasa Black Dimension yung base nila?

 

“Meow.”

“Nandito ka ba para sunduin ako? Anong nangyari kina Akane at Riye?”

“Meow.”

 

Kung may sinasabi man siya, hindi ko naman maintindihan. Pero kailangan ko na talagang umalis dito. Ayoko nang mag-stay dito. Iniisip ko pa lang na nasa isang lugar ako kasama ng mga Shinigami, hindi na kinakaya ng isip ko.

 

“...because you’re one of us.”

 

Kung gusto kong makaalis dito, kailangan kong tanggapin yung sinasabi niya. Ang alam ko, mga Shinigami lang ang kayang magnavigate sa Black Dimension, though hindi ko alam kung paano yun nagawa ni Demi. Pero...

 

“Meow.”

“Hindi ko na alam kung sino talaga ako.”

 

Kahit gusto kong intindihin, kahit gusto kong malaman kung ano yung pagkatao ko, ayaw naman magsalita ng mga tao sa paligid ko. Hindi ko na alam kung sinong paniniwalaan ko. Ang sabi nila sa Tantei High, Senshin raw ako. Ngayon namang nandito ako, Shinigami ako.

 

“Gising na siya?” Napatigil ako sa pag-iisip nung makarinig ako ng pag-uusap sa labas ng kwarto ko.

“Sabi ni Seiji. Dalawang araw rin siyang walang malay.” Nagulat naman ako sa narinig ko. Dalawang araw na akong walang malay?! Akala ko kanina lang nangyari lahat!

“Paano sobrang higpit ng hawak mo sa kanya nung dinadala natin siya dito. Buti nga hindi inabot ng isang linggo yang pagtulog niya.”

“Tss. Tara, tignan nalang natin siya.”

 

Oh my God! Papasok na sila dito!

 

“Demi! Paano na?!” bulong ko kay Demi habang hawak-hawak ko siya.

 

Sobrang kinakabahan na ako dahil anytime ay baka bumukas yung pinto. Kailangan na naming makaalis dito bago pa nila kami abutan!

 

“Meow.” Bigla namang tumalon si Demi sa hangin at bigla na lang siyang nawala. Pero alam ko kung nasaan na siya. At kailangan ko ring makapunta doon.

 

Please. Please. Kung Shinigami nga ako, sana makapunta ako sa Black Dimension. Please!

 

Pinikit ko yung mga mata ko at inimagine ko na nag-open yung space at nasa Black Dimension ako. Naramdaman ko na naman yung burning sensation sa loob ng katawan ko at halos hindi ako makahinga sa sobrang sakit. Parang binibiyak rin yung ulo ko sa di malamang dahilan. Nung hindi ko na talaga kaya ang sakit ay napadilat na lang ako at napaupo sa sahig.

 

“Meow.”

“D-Demi?”

 

Napatingin agad ako sa paligid ko at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Sobrang dilim ng paligid at sobrang tahimik.

 

 

Nasa Black Dimension kami.

 

 

Naramdaman ko naman agad yung pagbabago sa mga mata ko. Kahit hindi ko nakikita, alam kong yellowish yung mga mata ko ngayon. Nag-aadjust pa yung mata ko sa kadiliman pero alam kong nasa tabi ko si Demi. Tumayo agad ako kahit ang sakit-sakit pa ng kalamnan ko. Natatakot akong abutan ako ng mga Shinigami na yun.

 

Nagsimula akong maglakad ng mabilis habang sinusundan ko yung pag-meow ni Demi. Kung anu-ano nang tumatakbo sa isip ko ngayon. Nakapasok ako ngayon dito sa Black Dimension. Ibig sabihin, totoong Shinigami nga ako? Kaya ba nakapasok rin ako dati nung dinala ako ni Kyuuya dito?

 

Nagtuluy-tuloy yung luha sa pisngi ko. Ewan ko kung bakit ako umiiyak. Siguro dahil sa frustration. Siguro dahil sa hindi ko na alam kung anong iisipin at gagawin ko ngayon.

 

“Meow.”

 

Sunod lang ako ng sunod kay Demi dahil alam ko namang matalino siyang pusa at alam niya kung saan siya pupunta. Ayoko na munang mag-isip ngayon. Gusto ko na lang makaalis dito. Gusto ko silang makita.

 

“Meow.”

 

Nabangga ko naman si Demi dahil tumigil siya. Tatanungin ko pa sana kung bakit siya tumigil pero mukhang alam ko na. May naririnig akong yabag ng mga paa. Bigla akong kinabahan. Baka Shinigami yun. Naabutan na ba nila ako? Ni hindi ko nga makita yung paligid ko. Paano ako lalaban kung sakali mang kunin nila ako?

 

Narinig kong papalapit na sa akin yung yabag kaya lalo akong kinabahan. Wala pa man din akong weapons ngayon. Anong gagawin ko?!

 

Sobrang natakot ako nung may humawak sa wrist ko kaya napasigaw ako. Pinilit kong kumawala sa hawak niya pero ang lakas niya. Naiiyak na ako dahil sa sobrang takot at kaba.

 

“Bitaw! Ayoko nang bumalik dun!” pilit pa rin akong kumakawala pero bigla niya akong hinigit at nagulat ako nung niyakap niya ako.

“It’s me.” Napatigil ako sa pagwawala nung narinig ko ang boses niya. Tuluyan na akong naiyak dahil sa kanya.

“H-hiro.” Napakapit ako sa kanya dahil alam kong ligtas na ako.

 

“Hoy Hiro! Si Akemi ba yan?! Narinig ko siya!” This time, narinig ko yung boses ni Akane.

“Nee-san!”

“Akemi!”

“You’re back.”

 

Naiyak na lang ako nung narinig ko yung boses nilang lima. Ibig sabihin ba, nasa Tantei High na ako? Ligtas na ba talaga ako? Wala na ako sa Black Dimension?

 

“Nasa hallway tayo,” sabi ni Hiro. Napaisip naman ako bigla. Narealize ko na yung hallway na sinasabi niya ay yung sobrang dilim na hallway na kakaiba na papunta sa agency. Ibig sabihin, dito ako napunta? Paano nangyari yun?

 

“Wag ka munang mag-isip ng kung anu-ano,” tapos bigla na lang bumitaw si Hiro at hinawakan niya yung kamay ko. “Let’s go,” saka niya ako hinila papunta kina Akane.

 

So...I’m really home.