.

.

Chapter 47

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

“Sorry talaga Akemi! Kung hindi lang ako nagpadalus-dalos—”

“Ano ka ba, okay lang.”

“Hinde eh! Kasalanan ko...” tapos naiyak na naman siya.

 

Kanina pa nakayakap sa akin si Akane at kanina niya pa rin sinisisi yung sarili niya dahil sa nangyari. Nakaupo kami ngayon sa dalawang sofa, habang si Akane ay nasa gilid ko. Nandito kami ngayong lahat sa agency kasama si Sir Hayate na mukhang may alam sa mga nangyayari dahil kanina pa siya tahimik at nakatingin lang siya sa akin.

 

“Pero nee-san, sobrang nag-alala talaga kami sa’yo. Two days kang nawala.” Naalala ko naman kaagad yung narinig kong usapan nung dalawang Shinigami. Sabi nga nila, two days daw akong walang malay dahil sa sixth sense nung humawak sa akin.

 

Naikwento ko na rin sa kanila yung nangyari kanina nung kalmado na ako. Sinabi ko rin sa kanila yung mga nalaman ko nung nasa base ako ng mga Shinigami.

 

“Pero ang pinagtataka ko lang, paano nakapunta ‘tong pusa mo doon?” sabay turo ni Ken kay Demi na nakahiga sa may paanan ko.

“Hindi ko rin alam. Basta bigla na lang siyang lumitaw dun. Dumaan siya sa Black Dimension.”

“Hindi ko talaga maimagine na may iba pang dimension bukod dito at sa teleportation dimension,” dagdag niya pa.

 

Naikwento ko rin kasi sa kanila yung Black Dimension. Kay Ms. Reina ko lang kasi yun nasabi dati nung dinala ako doon ni Darwin. Kaya nasagot na rin yung tanong nila kung bakit bigla na lang nawawala at nag-aappear yung mga Shinigami.

 

“Another weird thing is that the Black Dimension seems like connected to the hallway,” sabi naman ni Reiji habang may hawak-hawak na libro.

“Kung connected nga sila, alam na natin kung bakit hindi normal yung path at time of travel doon,” sagot naman ni Riye.

“Pero di ba Shinigami lang ang nakakagamit ng Black Dimension? Kung parte nga nun yung hallway, bakit tayo nakakadaan?” Nung tinanong yun ni Ken ay natahimik kaming lahat. Oo nga no? Kung nakakadaan doon ang mga Senshin...

 

Ibig sabihin, posibleng hindi ako Shinigami.

 

“Still bothered by your identity?” Napatingin kaming lahat kay Hiro at bumabalik na naman yung frustration ko. Sinabi ko rin sa kanila yung possibility na Shinigami ako dahil sa mga sinabi ni Darwin. Bigla naman akong binatukan ni Akane kahit nakayakap pa rin siya sa akin.

 

“Don’t think about it. At kahit Shinigami ka pa, part ka pa rin ng Atama family,” tapos naramdaman kong humigpit yung yakap niya sa akin. Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya.

 

“Pero hindi pa rin ako makapaniwala na ginamit nila si Akane para makuha ka,” sabi ni Ken.

 

“It’s understandable,” this time, napatingin kaming lahat kay Sir Hayate na palapit sa amin. “Hindi nila pwedeng gamitin ang Black Dimension para makapasok sa school dahil may protective barriers na nakapalibot dito. Pero humihina yun habang lumalayo sa core ng school kaya sa gubat, pwede nilang gamitin ang Black Dimension.” Tumingin si Sir kay Akane kaya napabitaw siya sa akin.

 

“Pero kung part nga po ng Black Dimension yung hallway, bakit hindi nila ginagamit yun?” tanong ni Riye kay Sir.

 

“Maybe they don’t know about it.”

 

Feeling ko nga rin ay hindi nila alam ang existence nun. Narealize ko naman na siguro kaya ako nag-end up sa hallway ay yun yung lugar na una kong naisip nung nag-imagine ako ng isang madilim na lugar gaya ng Black Dimension.

 

“Mukhang alam nilang may anak si Ms. Akira kaya ginamit ka nila para pumunta ka sa gubat. At dahil hindi niyo naman ugaling pabayaan lang ang isa’t isa, alam nilang susunod kayong dalawa sa kanya,” sabay tingin niya sa amin ni Riye.

 

“Sir, kilala niyo po ba yung dalawang Shinigami na yun?” seryosong tanong ni Akane. Bigla tuloy tumaas yung tension dito sa loob ng room.

 

“Isa lang sa kanila ang kilala ko, si Kaido. Yung isa ang kumuha sa Mama mo at si Kaido ang pumatay sa kanya.” Naalala ko yung sinabi sa akin ni Darwin pagkagising ko. Kung tama ang pagkakaalala ko…

 

“Ichiro…Yun yung pangalan ng isa pa,” sabi ko kay Akane. Seryosong-seryoso yung mukha niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kaseryoso.

 

Sa pagkakaalala ko, nakabitin yung Mama niya nung namatay. Kaya siya nagpanic nung ganun yung naabutan namin during the serial case about sa cards dahil nakasabit rin sa kisame yung isang biktima.

 

“This is really the worst,” tapos napabuntung-hininga si Sir Hayate.

“B-bakit po?” Ano bang nangyari nung nawala ako?

“As you know, matagal nang may tension sa pagitan natin at ng mga Shinigami. Pero ngayon, mukhang mas lumala dahil gumalaw na sila.”

“Ahh. Nung dumaan ako kahapon sa Technology department, parang busy yung mga tao,” sabi ni Ken.

“Matagal nang nagpapakiramdaman si Sir Hideo at si Rin, yung leader ng mga Shinigami. Pinaplano nila bawat kilos nila, pero mukhang nakalamang si Rin.”

“D-dahil po ba sa pagkakakuha nila sa akin?” Mukha kasing yun ang gustong iimply ni Sir Hayate. Nagulat naman ako nung tumango siya.

“There will be a war.”

 

Natahimik kaming lahat nung narinig namin yun kay Sir Hayate. Sobrang kinilabutan ako sa idea na magkakaroon ng war. Ganun ba kalala ang epekto ng pagkuha nila sa akin? Pero bakit? Ano bang meron sa akin? Dapat ba hindi na lang ako bumalik dito? Hindi ba matutuloy ang war kapag nagstay ako sa base ng mga Shinigami?

 

Pagkatapos nun ay pinaalis na kami ni Sir Hayate sa agency dahil may kailangan pa raw siyang gawin. Wala kaming nagawa kundi umalis na lang. Pero nagpanic ako nung naalala kong dadaan nga pala kami sa hallway na yun. Buti na lang at lahat sila ay naintindihan yung situation ko kaya habang dumadaan kami sa hallway ay nakapaligid sila sa akin, habang ako ay sobrang higpit ng hawak ko kay Riye.

 

After fifteen minutes, nakalabas na rin kami sa hallway at naglakad papunta sa dorm pero napatigil kami agad. Hindi ko rin alam kung bakit pero parang nakaramdam ako ng pressure. Parang pinipigilan kaming maglakad. Tapos napansin kong halos lahat ng estudyante ay nakatigil rin sa mga ginagawa nila. Tanging dalawang tao lang ang nakikita naming naglalakad, at mukhang sila ang dahilan ng pagtigil namin. Ewan ko pero parang ang lakas ng presence nila.

 

“Oh my gosh,” narinig kong sabi ni Akane.

 

May isang babae at lalaki na naglalakad papunta sa Intel department. Yung babae ay nakasuot ng weird na damit. Kita yung tiyan niya dahil sa suot niya na pantaas tapos nakapalda siya at naka-gladiator sandals. Pero ang weird dahil parang gawa sa fur ng bear yung suot niya. Mukha siyang babae galing sa isang tribo ng mga mangangaso. Yung lalaki naman ay naka-tuxedo at nakasuot pa siya ng hat. Pormal na pormal ang itsura niya. Opposite na opposite tuloy sila nung babae. Pero halos mapasigaw ako nung napatingin ako sa mukha nila....or more like, sa mga mata nila.

 

Bluish yung mata ng babae habang yung lalaki naman ay parang kulay red. Totoo ba ‘tong nakikita ko?

 

Nung makapasok na sila doon sa loob ng isang building ay tsaka lang nawala yung pressure sa paligid at nakagalaw na yung mga estudyante, pati kami. Napatingin agad ako kay Akane at gulat na gulat pa rin yung itsura niya.

 

“Akane, kilala mo sila?”

“Of course! I know them pero hindi ko inaasahang makikita ko sila in person,” sabi niya habang amaze na amaze pa rin siya.

“Pinag-aralan natin sila sa History nee-san,” sabay ngiti naman sa akin ni Riye.

“Sa History?” Inalala ko naman yung mga taong pinag-aralan namin sa History pati na yung mga librong nabasa ko sa library about sa history pero wala akong matandaan na Senshins na may blue at red eyes...wait...hindi kaya...

 

Napatingin ako sa kanilang lima at mukhang tama ang naiisip ko.

 

“They are the leaders of the Huntres and Custos tribes,” sabi ni Hiro kaya nagsimula na rin akong maamaze kahit wala na sila.

 

Naalala ko na. Nabasa ko nga yun sa isang libro about sa origins ng mga tulad namin na kakaiba. Nabasa ko doon yung description sa iba’t ibang tribes. Pero hindi ko rin inaasahan na makakakita ako ng galing sa ibang tribes, at yung leaders pa ng respective tribes ang nakita ko.

 

“Nararamdaman ko na yung tension kahit dito sa school. Mukhang papalapit na nga ang war,” sabi ni Ken habang seryosong nakatingin sa Midori building kung nasaan ang Intel department.

 

“Yeah. It seems like a war meeting,” sabi naman ni Reiji.

 

“War meeting?” Bakit kasama sa war meeting yung leaders ng dalawang tribes?

 

“We have an alliance with the Huntres and Custos tribes,” dagdag pa ni Hiro.

 

Mukhang kailangan ko pang magbasa ng iba pang history books bago ko tuluyang maintindihan yung mundong ginagalawan ko ngayon. Si Riye, mukhang marami na siyang alam tungkol sa buhay ng Senshins dahil mas nauna siya sa akin ng one year dito at galing rin naman siya sa Shinigami tracker na family kaya paniguradong may background na siya. Sina Akane, Ken, Reiji at Hiro naman, paniguradong alam na alam na nila lahat ng dapat malaman sa history dito dahil five years old pa lang sila ay dito na sila nag-aaral.

 

“Oh, nandito pala kayo.” Napatingin naman kami sa direksyon nung boses at nakita namin si Sir Hiroshi na naglalakad papunta sa amin. Saka ko naalala na may class pa pala kami sa Technology mamaya. Pero magkaklase pa rin bang magaganap kahit na nagpreprepare yung iba’t ibang departments para sa war?

 

“Come with me and test your new weapons,” sabay ngiti niya sa amin habang napatingin kami sa isa’t isa.

 

New weapons? May new weapons kami?