.

.

Chapter 48

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Habang naglalakad kami papunta sa weaponry, hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa dinadaanan namin. Sobrang busy ng mga taga-Technology department. As in yung iba ay tumatakbo pa at kung anu-anong nagpoproject sa kung saan-saan. Sabi ni Akane, nakakarinig rin daw siya ng mga pagsabog sa loob ng ibang labs. Alam kong normal na ang ganitong scenario dito sa Tech department pero mas agitated sila ngayon. Para silang napepressure. Siguro dahil na rin sa upcoming war.

 

Ewan ko ba pero hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Oo natatakot ako dahil magkakaroon ng war pero parang hindi pa magsink-in sa utak ko na magkakagyera nga. At ang mas malala, ako pa ang nag-trigger nun. Alam ko namang matagal nang nagbabadya ang war sa pagitan ng Senshins at Shinigamis dahil sa sinabi yun ni Sir Hayate, pero mukhang dahil sa pagkakakuha sa akin ng Shinigamis, ngayon na matutuloy ang war.

 

Pumasok kami sa Dimension room at tulad dati, namangha pa rin ako. Ingat na ingat pa ako sa paghakbang dahil iniisip ko pa rin na glass yung floor kahit ang sabi naman dati ni Sir Hiroshi ay kasintibay daw ‘to ng concrete. Ang weird lang kasi na nakikita namin yung nasa ibabang lab kaya para talaga siyang glass floor.

 

“Here are your new weapons. Mark them,” sabi ni Sir Hiroshi sabay turo sa amin sa mga nakahanay sa center table.

 

“Whoa! Seryoso ‘to? Pwede namin ‘tong gamitin?” Tumakbo si Ken papalapit sa table at hinawakan niya yung weapons.

 

“Yes. Alam niyo na siguro na paniguradong magkakaroon ng laban sa pagitan natin at ng mga Shinigami. Busy kami ngayon sa paggawa ng weapons na makakatulong sa atin kaya gusto kong ibigay sa inyo ang mga ‘to. You can use them during the war.”

 

Lumapit kami doon sa center table at tinignan namin yung weapons na sinasabi ni Sir. Nakakabilib na nagawa nila ‘to at kaya nilang gumawa ng mga ganito. May descriptions na rin na nakasulat sa tapat ng weapons kaya alam na namin agad kung ano ang para sa amin.

 

Kinuha ni Reiji yung slingshot sa may dulo. Ayon sa description, sobrang elastic ng rubber na ginamit doon at kahit gaano kalakas na force ang gamitin mo sa paghila, hindi yun mapuputol. Kasama na rin doon yung parang mga bala na hugis bilog. Nabasa ko rin na mas mabilis pa raw sa bala ng baril ang speed nun kung gagamitin ng maayos ang slingshot. Mukhang tamang-tama kay Reiji dahil kaya niyang i-modify yung strength ng muscles niya sa katawan.

 

Si Riye naman, kinuha niya yung bow and arrows. Pero kakaiba yun dahil parang may scope o lens sa may string ng bow at kapag daw tinignan mo yun ay makikita mo ang inner system ng tao. Para siyang x-ray. Tapos hindi rin kailangan na skilled ka sa archery dahil kapag naka-lock na sa isang muscle/tissue o whatever na organ daw yung scope, kapag nirelease yung arrow ay susundan niya yung target hanggang sa matamaan niya ‘to. Dahil kabisado naman ni Riye yung organ systems, alam kong magagamit niya yun ng tama.

 

Kay Ken ay parang black jolens. Pero ang sabi sa description ay mini-bombs daw ang mga yun. Base sa composition, iba-iba ang magiging epekto ng mga yun. Nung inamoy nga ni Ken yung isa sa mga yun ay napalayo agad siya at tinakpan niya yung ilong niya, tapos may sinabi siyang pangalan ng compound na hindi ko na pinakinggan dahil hindi ko naman alam yun. Dahil nacurious ako, inamoy ko rin yung mini-bomb na inamoy niya pero wala namang odor. As in wala talaga. Napaka-sensitive naman pala talaga ng ilong niya para maamoy at maidentify pa yung substance na ginamit dun!

 

Kinuha naman ni Akane yung kakaibang sword. Sabi sa description, magaan lang daw yung sword kahit na gawa siya sa metal at pwede siyang maging elastic din. Sinubukan naman yun ni Akane at mukhang magaan nga yun dahil madali niyang nawawasiwas yung sword. Pero nagulat kami nung may pinindot siya doon sa hilt ng sword at bigla na lang naging whip yung sword niya. Ang mas nakakagulat pa, nagbabago yung haba nun depende sa kung gaano kalakas niya hinahampas at hinahagis sa hangin. Ang cool!

 

Napunta naman yung twin guns kay Hiro. Nakalagay sa description na yung isa ay kayang magdetect ng small changes sa paligid nito at automatic na magloload ng bala at nakadepende na lang sa user kung gagamitin niya yun. Yung isa naman ay nakakadetect ng Shinigami at automatic na babarilin ang mga ‘to. Infinite rin ang balang laman nun dahil gaya nung sa notepad daw ang theory na ginamit nila. Pero nabigla ako nung biglang nanginig yung kamay ni Hiro na para bang nagrereact sa kung saan yung baril na hawak niya. Lalo pa akong nagulat nung biglang tumutok yung baril sa akin kaya napapikit kaagad ako.

 

“Shit,” narinig ko yung pagcuss na Hiro at naramdaman ko rin na hinahatak ako nila Akane palayo.

 

It can detect Shinigamis.

 

Parang biglang lumubog yung puso ko. Kahit pilit kong itinatanggi sa sarili ko, maraming proofs pa rin ang lumalabas.

 

“It’s okay, Akemi. Hindi lumabas yung bala kaya ibig sabihin, hindi ka Shinigami,” napadilat naman ako nung narinig ko yun kay Sir Hiroshi.

“Pero—” pinutol ko ang sasabihin ko at napabuntung-hininga na lang. Pero nagreact pa rin sa akin yung baril. Anong ibig sabihin nun?

 

Kinalma ko na lang ulit ang sarili ko. Ayoko nang mag-isip tungkol sa kung ano ba talaga ako. Ang mahalaga sa akin ngayon ay kung ano ang magagawa ko. Lumapit ako doon sa table at kinuha ko yung may nakasulat na pangalan ko.

 

Sa akin napunta ang isang kakaibang baril. Kakaiba dahil hindi bala ang laman nito kundi arrows. Nabasa ko na kasinliit ng bala ng baril ang mga ‘to kapag nasa loob pero kapag pinindot ko na ang trigger at lumabas sila ay magiging totoong size na sila ng arrow. Infinite rin ang dami ng arrows sa loob gaya ng kay Hiro. May scope rin sa taas ng baril kaya kaya kong tantsahin ang distance ng target ko mula sa akin.

 

Halos ilang minuto kaming nakatingin sa weapons na natanggap namin mula sa Tech department at inutusan rin kami ni Sir Hayate na i-mark na namin sila. Pagkatapos nun ay pinalabas na kami ni Sir Hiroshi sa Tech department.

 

“Grabe ang cool ng weapons! Ang galing nila gumawa! Out of this world!” bulalas ni Akane. Nag-agree naman kami sa sinabi niya dahil nakakamangha naman talaga yung mga ginawa nila.

“Mukhang inannounce na nila,” sabi naman bigla ni Reiji kaya napatingin kami sa tinitignan niya.

 

Nakatingin siya sa Midori Building at sobrang daming estudyante ang nagkukumpulan doon kaya tumakbo kami palapit doon. Pagtingin namin, nakaproject sa harapan ng building ang hologram ni Sir Hideo at sinasabi niya yung tungkol sa war na magaganap.

 

“...Nagsisimula na silang kumilos kaya naghahanda na rin kami sa pwede nilang gawin,” yun yung naabutan naming sinasabi ni Sir Hideo. Napatingin ako bigla kay Hiro para tignan yung reaction niya. Napaisip tuloy ako na siya pala ang susunod na successor ng Tantei High kung nagkataon dahil tatay niya si Mr. Hideo.

 

Napansin ko naman na nagpanic yung mga estudyante lalo na yung mga maliliit na bata. Umiiyak pa yung iba. Sinabi rin ni Mr. Hideo na nasabihan niya na ang mga magulang nila na kung gusto nilang sunduin ang mga anak nila ay pwede na nilang sunduin. Syempre mag-aalala ang mga magulang nila sa mga anak nila, lalo na sa mga maliliit pa. Pero may mga estudyante akong nakita na naging fierce ang mga tingin.

 

“This is the only place where we can be ourselves. We will also protect it,” sabi nung isang lalaki na siguro ay mas matanda sa amin ng isa o dalawang taon.

“It’s time to show them our real strength,” sabi naman nung babaeng katabi niya.

“At makikita rin ng mga Shinigami na yun kung gaano kalakas ang families sa Tantei High!” sigaw ng isang babae sa crowd.

 

Napangiti na lang ako. I can say that I can feel their sentiments. Ngayon lang rin ako nagpakatotoo sa sarili ko. Ngayon ko lang nahanap yung place kung saan ako komportable. Ngayon lang ako nagkaroon ng maraming kaibigan. Ayaw kong mawala lahat ng yun dahil lang sa mga Shinigami. At kahit may dugo nga akong Shinigami, kung meron man, mas gugustuhin ko pa ring maging Senshin.

 

***

 

Limang araw na ang nakakalipas simula nung makabalik ako sa school. Lalo pang naging busy ang lahat dahil hindi na tinuloy ang mga klase at kanya-kanyang meeting rin ang teachers namin. Yung ibang estudyante, nagmemeeting rin sila ng bawat families nila at sinasamahan sila ng advisers nila. Sobrang taas na rin ng tension sa loob ng campus. Sinundo kasi ng mga magulang nila yung mga batang Senshins para hindi sila madamay sa gulong mangyayari. Marami pa rin namang naiwan pero halos ¼ ang umalis. Sobrang taas na rin ng security sa gubat dahil posibleng doon mag-appear ang mga Shinigami.

 

“Meow.” Napatingin agad ako kay Demi na nakasunod sa akin habang naglalakad ako sa campus.

“Aren’t you scared?”

“Meow.”

 

Napabuntung-hininga na lang ako at itinuloy ko ang paglalakad ko. Ayoko muna kasing bumalik sa dorm. Nitong mga nakaraang araw kasi, seryosong-seryoso si Akane. Feeling ko ay dahil pa rin sa killers ng Mama niya. Si Riye naman, laging may kausap sa phone. Sabi niya, Papa niya raw. Tinuturuan siya ng ways kung paano ma-track ang mga Shinigami. Sa pagkakaalam ko, kapag nag-fifteen siya, tsaka pa lang yun ituturo sa kanya, pero mukhang walang choice ang Querino family ngayon dahil nanganganib ang school kung nasaan ang anak nila. Yung boys, hindi ko rin alam kung anong ginagawa nila. Siguro busy rin sila sa mga dapat nilang alalahanin.

 

Ako, worried pa rin ako sa pwedeng mangyari. Unti-unti ko na ring natatanggap na may posibilidad talaga na...

 

na Shinigami nga ako.

 

Hindi ko rin alam kung bakit, pero yun ang nararamdaman ko. Ilang araw ring nagtatalo ang isip ko kung ano bang dapat kong isipin. Ang gusto ko lang ngayon ay makita si Mama. Pag kasi may problema ako dati, siya ang lagi kong nilalapitan. Kakausapin niya ako at magbibigay ng advice, tapos tapos na ang problema ko. Lagi niya pa akong nilulutuan ng pagkain after kong magsabi sa kanya ng problema.

 

Namimiss ko na talaga siya.

 

“Meow!”

 

Nagulat naman ako nung biglang napalakas yung pag-meow ni Demi kaya napatingin ako sa kanya. Pagtingin ko, nakataas na yung buntot niya. Tapos, bigla siyang tumakbo.

 

“Wait! Demi! Saan ka pupunta?!” Hinabol ko siya kaagad at nakita kong papunta siya sa Midori Building.

“Demi! Teka bakit ka papasok dyan?!”

 

Ang bilis tumakbo ni Demi kaya kaagad siyang nakapasok sa building. Wala naman akong nagawa kundi sundan siya, or more like automatic na sumunod ako sa kanya. Ewan ko ba, parang may something sa building ngayon. Kaya ba ganun na lang makareact si Demi?

 

Kinabahan naman ako habang sinusundan ko si Demi. Papunta kasi kami ngayon sa Intel department. Pero nilagpasan niya yun at tumakbo pa siya sa hallway. Umakyat siya papunta sa fourth floor hanggang sa huminto siya sa tapat ng isang kwarto. Tinignan ko kaagad kung nasaan na kami at halos nanigas ako sa kinatatayuan ko.

 

President’s Room.

 

Oh God. Bakit pumunta dito si Demi? Anong kailangan niya kay Sir Hideo? Nakatitig lang siya sa may pinto. Napailing na lang ako at ginesture ko na sumunod sa akin si Demi palabas dito pero ayaw niya pa ring gumalaw sa pwesto niya.

 

“Is she alright?” Napatigil ako sa ginagawa ko dahil narinig ko ang isang pamilyar na boses.

 

Boses yun ni Mama. Sigurado ako.

 

“Yes. Pero kumikilos na si Rin para kunin ulit siya,” this time boses naman ni Sir Hideo ang narinig ko. Magkakilala sila?

“Hindi na ako makakapayag na makuha ulit si Rainie.”

“Kasalanan ko. Hindi ko siya naprotektahan kahit na ako ang Presidente.”

“Alam ko namang marami kang ginagawa at responsibilidad mo ang buong school. Kung buhay lang—”

 

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bigla kong binuksan ang pinto. Naramdaman ko rin na sumunod sa akin si Demi at agad-agad siyang tumakbo palapit kay Mama at Sir Hideo.

 

“R-rainie...”

“Mama.”

 

Tuluyan nang tumulo yung mga luhang kanina ko pa pinipigil. Tumakbo rin ako palapit sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit. Pakiramdam ko kasi, kapag hindi ko yun ginawa, tatakas siya o kaya tatakbuhan niya ako.

 

“I missed you,” sabay subsob ko sa kanya. Sobrang namiss ko talaga siya. Her warmth, her smell, her voice, everything.

“Anong ginagawa mo dito?”

 

Napabitaw naman ako para matignan ko si Mama pati na rin si Sir Hideo. Pinunasan ko rin yung luha ko para makausap ko sila ng matino.

 

“Sinundan ko si Demi kasi bigla siyang tumakbo papunta dito, tapos narinig ko yung boses mo.”

“Y-you heard us?”

“A bit. T-teka, magkakilala kayo ni Sir Hideo?” sabay tingin ko kay Sir Hideo at napabuntung-hininga siya.

“I guess there’s no more point in hiding. Yes, I know her,” sabi ni Sir. “Kasama ko siya sa Atama family simula bata pa kami.”

 

Naisip ko na dati na posibleng isa si Mama sa Great Seven, pero ngayong narinig ko mula kay Sir Hideo, nagulat pa rin ako. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Kaya ba nakita ko dati si Mama na galing dito ay dahil nag-usap sila ni Sir Hideo? Pero bakit sabi ni Mrs. Seira, hindi niya kilala ang Mama ko nung nagtanong ako sa kanya?

 

“Because Rina Lazaro is not my true name,” sabay ngiti sa akin ni Mama na halata namang malungkot. Pero wait, paano niya nalaman yung iniisip ko?!

 

“Nathalie. Nathalie Alejandrino ang totoong pangalan ko.”

“Bakit kailangan mong mag-iba ng pangalan Mama? Bakit...” bigla naman akong napatigil at bigla ring lumakas yung tibok ng puso ko. Kung isa nga si Mama sa Great Seven, “M-mama, anong alternative name ang ginamit mo?”

 

Nakita ko na mas lalong nalungkot yung expression ni Mama. Parang iiyak na siya. Ganyan din yung expression niya nung nalaman niyang mag-aaral na ako sa Tantei High.

 

“It’s—”

 

Bigla kaming nakarinig ng malakas na pagsabog kaya napatingin kami sa bintana. Pagtingin namin, may itim na usok na na nanggagaling sa gubat.

 

“They’re here,” sabi ni Sir Hideo na bigla na lang binuksan yung bintana at napasigaw ako nung bigla siyang tumalon. God! Nasa fourth floor kami!

 

Nagulat naman ako nung binitawan ako ni Mama at lumapit rin siya sa bintana na tinalunan ni Sir Hideo.

 

“Mama! Anong gagawin mo?”

“It’s dangerous here. Bumalik ka na sa dorm niyo!”

“A-ayoko! Sasama ako sa’yo!” Napatingin kaagad sa akin si Mama. Hindi rin ako makapaniwalang sinabi ko yun. First time kong sinuway ang utos niya sa akin. Ayoko na kasing mawala na naman siya sa tabi ko. Siya na lang ang nag-iisang pamilya ko at natatakot ako na mawala siya sa akin.

“Rainie—”

“Pero Mama kita! Wala akong pakialam kung may mangyaring masama sa akin! I’ll go with you!” saka na ako tuluyang naiyak. Bigla naman siyang lumapit sa akin at hinawakan niya ako sa balikat. Naiiyak na rin siya at kitang-kita ko yung pained expression niya.

“No. You don’t have to sacrifice your life just to be with me,” tapos ngumiti siya sa akin.

“Mama—”

“I know this is not the right time to say this, but Rainie...” kinabahan ako sa tingin na yun ni Mama. Pakiramdam ko may mangyayaring masama.

 

 

 

“...I am not your real mother. So don’t die for me,” pagkasabi niya nun ay lumapit ulit siya sa bintana.

 

Hindi ko naman alam kung nagkamali lang ba ako ng rinig o ano. Parang biglang huminto yung paghinga ko. A-anong sabi ni Mama? She’s not my real mother? No. No way.

 

“Naomi,” napatingin ako kay Mama habang nakatalikod siya sa akin at nakatungtong siya sa may bintana. Napansin kong nasa gilid na niya rin si Demi, habang ako ay nakatulala pa rin. Para lang akong nakalutang sa kawalan at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

 

“That’s my alternative name. I’m sorry, Rainie. Sorry.” Narinig ko yung pagcrack ng boses ni Mama kaya alam kong umiiyak na rin siya. Pagkatapos nun ay bigla na lang siyang tumalon at sumunod sa kanya si Demi.

 

Tell me, totoo ba lahat ng narinig ko? That she’s not...she’s not my real mother?

Then who the heck am I?

 

Gulung-gulo na ako!