.

.

Chapter 49

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

“C’mon.”

 

Nagpahatak na lang ako kay Hiro at hindi ko alam kung saan kami papunta. Basta ang alam ko lang, after tumalon ni Mama at Demi ay bigla na lang pumasok sa kwartong yun si Hiro at hinatak niya ako palabas.

 

Tuluy-tuloy pa rin yung pagtulo ng luha ko pero hindi ako gumagawa ng ingay. Hindi na ako makapag-isip ng ibang bagay bukod sa mga sinabi sa akin kanina ni Mama.

 

“I am not your real mother.”

 

Mas lalo lang gumulo yung katauhan ko. Hindi ko na alam kung sino talaga ako. Kung dati may pinanghahawakan pa ako bilang anak ni Rina Lazaro, ngayon wala na.

 

“Wag ka munang mag-isip ng kung anu-ano,” narinig kong sabi ni Hiro. Alam kong alam na niya kung anong nangyayari sa akin. Kaya niyang basahin ang isip ko kahit nakasarado. Nahihiya ako dahil nalaman niya yung nangyari. Nalaman niya na hindi pala ako anak ng inaakala kong nanay ko.

 

“Don’t read my mind,” agad kong sabi at pinilit kong isarado pa ang isip ko kahit na alam kong nakasarado na yun.

 

“Sorry.”

 

Nakalabas na kami ng Midori Building at halos lumubog yung puso ko sa nakikita ko.

 

Nagkakagulo na sa buong school at may mga nakikita akong Shinigami na galing sa gubat. May mga Shinigami na rin na nandito sa loob ng school at kinakalaban sila ng mga estudyante at teachers.

 

‘They have breached the defensive system at the forest. Pero hindi nila magagamit ang Black Dimension sa loob ng school!’

 

Napahawak agad ako sa ulo ko. Boses yun ni Sir Hayate. Pero paanong…

 

“He’s using an equipment made by the Tech department to communicate with all of us using his mind,” sabi ni Hiro sa akin pero nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Walang words na lumalabas sa bibig ko. Hindi ko rin alam kung anong dapat kong sabihin.

 

Bigla naman niya ulit akong hinatak papunta sa direksyon ng dorm pero halos mapasigaw ako nung may humarang sa aming dalawang Shinigami.

 

“So you’re the lucky girl?”

“Come with us—”

 

Napatingin agad ako kay Hiro dahil biglang tumaas yung dalawang kamay niya at nagulat na lang ako nung nakarinig ako ng putok.

 

“Go to hell.”

 

Parang biglang bumalik yung boses ko dahil sa ginawa kong pagsigaw. Tumumba yung isang Shinigami at wala na siyang malay habang yung isa naman ay nakaiwas sa bala. Saka ko narealize na nai-summon niya na pala yung twin guns niya. Wait, did he summon them in just a split second? Sa pagkakatanda ko kanina, wala pa siyang hawak.

 

“Nice try, kiddo,” tapos biglang naglabas rin ng baril yung Shinigami at tinutukan niya si Hiro. Bigla akong hinatak ni Hiro papunta sa likuran niya at nakarinig na lang ako ng sunud-sunod na pagputok, pagkatapos ay isang malakas na tunog ng pagbagsak sa lupa. Sumilip ako at pagtingin ko, nakahiga na sa lupa yung Shinigami.

 

How did he...

 

Then I realized it must be his sixth sense. Kayang-kaya niyang malaman yung path ng bala dahil nacacapture yun ng mga mata niya. And to confirm it, kulay green na ang mga mata niya ngayon.

 

“Are you okay?” tanong niya sa akin.

“Yeah—”

 

Then my mind snapped. What the heck am I doing? Bakit ako nagtatago sa likod niya? Bakit ako pinoprotektahan? I am one of them. I’m a Senshin. That means I also have the responsibility to save this place, not to be protected by them.

 

Siguro nga hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi sa akin ni Mama...na hindi niya ako tunay na anak. It’s a personal matter pero dinadala ko dito ngayon. We’re in a middle of a fight. A war. It’s not the time to think about my personal matters anymore.

 

“Look out!” bigla akong napayuko dahil hinawakan ni Hiro yung ulo ko at pinress niya yun pababa kaya napaupo na rin ako. Ginamit ko ang pagkakataon na yun para isummon ko yung weapon ko. Tumingala ako at nakita ko yung Shinigami na nakatumba na sa harapan ko. Inenhance ko rin kaagad yung sight ko at nakita kong meron ring may hawak na mga pana ang ilan sa mga Shinigami. And one of them is aiming at us, about 500 meters away from us.

 

Sinipa ko yung paa ni Hiro kaya na-out of balance siya at napaupo sa tabi ko. Then I shot my arrow and it snapped the arrow accelerating towards us into half. I shot another arrow to the Shinigami archer and it pierced his shoulder.

 

“There’s no need to kick me, though,” sabi ni Hiro nung nakita niya kung anong ginawa ko. Bigla naman akong nahiya dahil hindi ko naman sinasadya na gawin yun. I mean, tatamaan kasi siya nung arrow kapag hindi siya umupo at automatic na yun ang naisip kong paraan.

“S-sorry.”

“At least your back to your old self.” Napatingin ulit ako sa kanya. Lalo lang akong nahiya. Alam ko namang masyado akong nawala sa sarili ko noong mga nakaraang araw dahil sa mga tanong na hindi ko masagot regarding sa pagkatao ko...na nadagdagan pa ngayon.

“Let’s go,” saka niya ulit ako hinila paalis doon sa pwesto namin.

 

Habang tumatakbo kami ay hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa paligid. Kahit ilang minuto pa lang ang nakakalipas matapos yung pagsabog, sobrang dami ng casualties. Unti-unti akong nanginig. May mga estudyante at Shinigamis na sugatan at yung iba ay...wala nang malay at buhay. Bigla ko tuloy naisip na sa gulong ‘to, alam kong may mga tao akong masasaktan...o kaya mapatay. Pwede rin akong mamatay. Pero wala na akong panahon para isipin pa yun. I need to set my priorities, at unang-una sa listahan ko ang makaligtas at maprotektahan yung mga taong mahal ko.

 

Nasa 100 na Shinigamis na siguro ang nandito sa loob at nasa borders ng gubat ang natitira. Sa tingin ko ay gawa yun ni Sir Hideo at ni Ma...Mama. They are trying to hold off the majority of the Shinigami tribe.

 

Napasigaw ulit ako nung may humarang na naman sa aming tatlong Shinigami.

 

“Long time no see, Rainie.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig nung narinig ko yung boses na yun. Tinignan ko yung Shinigami sa harapan ko at bigla siyang ngumiti sa akin.

 

“A-abigail?!”

 

“Naaalala mo pa pala ako,” sabay sugod niya sa akin habang hawak-hawak niya yung sword niya.

 

Bigla akong napayuko pero naramdaman ko yung pagdikit ng metal sa balikat ko. Napakagat na lang ako sa labi ko para hindi ako mapasigaw ng malakas dahil sa sakit. Napahawak ako agad sa balikat ko at nakita kong umaagos na yung dugo mula sa sugat ko. Pagtingin ko sa harapan ko, nakatutok na sa akin yung sword ni Abigail. Tinutok ko sa kanya yung baril ko at may lumabas na arrow kaya umiwas siya. Ginamit ko ang segundo na yun para i-summon yung spear ko na hindi ko pa nagagamit simula nung mamark ko yun. Ginamit ko yung dugo galing sa sugat ko at sa isang iglap ay hawak ko na yung spear. Sinuksok ko kaagad sa likod ko yung baril nung pasugod na naman si Abigail at napigilan ko yung sword niya gamit yung spear ko.

 

Sinubukan kong kumalma pero masyado nang mabilis yung paghinga ko dahil sa sobrang kaba. Akala ko katapusan ko na kanina.

 

“Interesting,” sabay ngiti sa akin ni Abigail.

“A-abigail, Shinigami ka?” Hindi niya sinagot yung tanong ko at ngumiti lang siya sa akin tapos sumugod ulit.

 

Nagpalitan kami ng pagsugod pero nahihirapan akong magkeep-up sa kanya dahil mabibigat yung blows na binibigay niya sa akin. Pero dahil na rin siguro hindi ko inaasahang makikita ko siya rito. Si Abigail Relena. Kaklase rin namin siya ni Darwin nung nasa St. Joseph pa lang kami. Bakit siya nadito—

 

“Oh, hi Ma’am Ramos. Hello Ms. Relena.”

“So.. ikaw ang nakakita.”

“Hmm. Accidentally. Pero di ko akalain na...nagkamali ka ng hinala.”

“Tss. Tara na Ms. Relena.”

“Tara na rin Ms. Lazaro.”

 

Bigla kong naalala yung usapan ni Ma’am Ramos at ni Ms. Reina nung araw na papunta kami sa Principal’s Office at yun rin yung time na natanggap ko yung letter galing sa Tantei High.

 

Lalo lang akong kinabahan. Kung si Ms. Reina ang nagscout sa akin para makapasok ako sa Tantei High, ibig sabihin, si Ma’am Ramos ay isang Shinigami at si Abigail ang nakita niya sa school? Pero bakit nagkamali ng hinala si Ma’am Ramos? Anong ibig sabihin dun ni Ms. Reina?

 

“Oi, oi, Rainie, do you really think you have the time to daydream?” biglang nawala sa isip ko yung pangyayaring yun at nagulat na lang ako nung sumugod na naman sa akin si Abigail. Agad ko naman binlock yung sword niya gamit yung spear ko pero sobrang bigat talaga kaya tumalsik ako.

 

“Mabigat ba ang mga atake ko sa’yo?” tapos unti-unti siyang lumapit sa akin. “Hmm, sige, papagaanin ko para sa’yo.” Nagulat na lang ako nung hinawakan niya ng dalawang kamay yung sword niya tapos unti-unti niyang hiniwalay. The next thing I knew, dalawa na yung sword na hawak niya. “Gumaan na ng kalahati ‘to,” sabay taas niya sa isang sword. “Oops. Dalawa na pala sila ngayon,” tapos tumingin siya sa akin at tumakbo papalapit. “Kaya wala rin palang pinagkaiba!”

 

Nagawa kong iblock yung sword na hawak niya sa kaliwang kamay pero naramdaman kong papunta na sa leeg ko yung sword sa kanang kamay niya.

 

“DIE!”

 

Natahimik kami bigla dahil sa nangyari at napatingin na lang ako sa kanya.

 

“You’re welcome, Akemi,” tapos ngumiti siya sa akin.

“Akane!” nagulat na lang ako nung biglang nasa tabi ko na siya at binlock niya yung right sword ni Abigail. Tumingin si Akane kay Abigail at biglang sumeryoso yung mukha niya.

“Sorry but she’s not going to die,” parang bigla akong kinilabutan dahil sa pinapakita niyang seriousness. “Hindi na ako papayag na may mamatay na naman na importante sa akin.”

 

“Back off Akemi. I’m gonna teach this ugly girl a lesson,” sabi ni Akane habang dinidiin niya yung isang daliri niya sa blade ng sword niya. Agad ko naman siyang sinunod dahil alam kong wala akong magagawa kung short-ranged yung labanan.

 

Napaatras agad ako at pag-atras ko, na-summon na agad ni Akane yung dati niyang sword kaya dalawa na rin yung hawak niya ngayon. Napatingin rin ako sa gilid ko at kalaban naman ni Hiro yung dalawang Shinigami.

 

Suddenly, I felt miserable. The people around me are always protecting me. Pero ako, wala akong magawa para sa kanila. I’m so weak. I’m not strong enough to protect them.

 

‘You can also protect us,’ napatingin ako sa likod ni Akane habang kalaban niya si Abigail. H-how? Sarado ang isip ko pero nababasa niya? Teka, di ba si Hiro lang ang nakakagawa nun sa aming anim?

‘H-how?’ sabi ko naman. Anong magagawa ko?

‘Do the things that you can, but we can’t.’ This time, si Hiro naman ang narinig ko sa isip ko.

 

The things that I can do, but the can’t?

 

Unti-unti ko namang narealize kung anong ibig nilang sabihin. Pinigilan kong umiyak dahil ayokong makita nilang mahina ako. Napangiti na lang ako dahil mas naiintindihan pa nila ako kaysa sa mismong sarili ko. Napatango na lang ako kahit hindi sila nakatingin sa akin.

 

‘Thank you, guys.’

 

Tumalikod ako sa kanilang dalawa at tumingin ako sa direksyon ng gubat. Sinigurado kong malapit lang ako kay Hiro at Akane para alam ko pa rin kung anong nangyayari sa kanila. Finocus ko yung paningin ko at ang range ko ngayon ay nasa 700 meters. This time, sinummon ko yung dati kong bow and arrows.

 

“You’re open!” Narinig kong sigaw ng isang Shinigami sa left side ko. “You’re dea—ugh!”

“Go on, Akemi! I’ve got your back!” sigaw ni Akane kaya nagnod na lang ako.

 

Pinosition ko yung bow and three arrows ko horizontally. Yung kanang kamay ko ay hawak yung string at yung tail ng tatlong arrows habang yung kaliwa ay hawak yung arc ng bow at yung baril ko. Using these two weapons, I can fire 4 arrows in one shot.

 

Now I know what I can do. I can also hold off those Shinigamis even if I’m 700 meters away from them. Inayos ko yung position ko at sunud-sunod akong nagpakawala ng arrows sa mga Shinigami sa gubat.