.

.

Chapter 5

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Kinikilabutan talaga ako ngayon habang nakaangkla na naman sa amin ni Riye si Akane.
Palabas na kasi kami ng dorm at papunta sa.. ano ba yun? Basta sa isang building na sinabi kanina ni Riye. At sabi ko nga, kinikilabutan ako dahil sa sixth sense ni Akane.Though hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa lahat ng sinabi nila sa akin. Ewan! Basta ayaw tanggapin ng utak ko eh. Duh? Sino ba naman kasing maniniwala doon di ba? Namuhay ako ng normal for fifteen years. Tapos malalaman kong abnormal pala ako? Shemay.

 

Anyway, yung kay Akane, sabi ni Riye eh yung super sensitive na pandinig. Grabe halos lumuwa talaga yung mata ko nung sinabi yun ni Riye. Imagine?! 100 meter radius tapos naririnig mo lahat ng sounds within that perimeter, maski bulong?! Oh God. Sinong di kikilabutan doon, right? Naririnig niya rin kaya yung mga sinasabi ng utak ko ngayon?

 

“So, naniniwala ka na ngayon? Na hindi kami nagjojoke? Hahaha! Galing ko no? Kaya nga nasa Meitantei ako eh. Hahaha!” tapos tumawa lang siya ng tumawa habang naglalakad kaming tatlo.

 

“Pagpasensyahan mo na si Akane-neesan. Ganyan lang po talaga siya.” Sabi sa akin ni Riye sa likuran ni Akane. Hawak-hawak niya pa rin kasi yung mga braso namin ni Riye eh. Adik netong babaeng ‘to. Ang hyper masyado!

 

At gaya nga nung sinabi niya kanina, dumating yung tatlong lalaking kasama rin sa Meitantei. Actually di ko pa sila kilala dahil hindi naman sila nagpakilala at nahihiya rin naman akong magtanong. Baka sabihan pa nila ako ng feeling close.

 

“Hoy Ken, ang tahimik mo ata ngayon?” tanong ni Akane doon sa lalaking nagbuhat ng maleta ko kanina. So Ken pala ang pangalan niya. Japanese name pala yun?

 

“Alam mo naman yang si Ken, makakita lang ng magandang babae, matatahimik na.” sabi naman nung lalaking pinakamatangkad tapos brownish yung buhok niya.

 

“Ay oo nga no? Wahaha! Oy Reiji, mukhang paparating na naman yung stalker mo. Naririnig ko siya na tinatawag yung pangalan mo. You better hide na.”

 

“Ah shit! Talaga? Sige pala!” tapos tumakbo siya papasok ulit sa dorm dahil nakalabas na kaming lahat.

 

Humiwalay naman sa amin si Ken tsaka yung isa pang lalaki. Papunta ata sila sa isang building na hindi ko alam yung tawag. Kami naman eh pupunta sa Midori Building para daw iparegister yung alternative name ko. Actually kanina ko pa yun pinag-iisipan habang nandoon kami sa kwarto. Pero isa lang talagang Japanese name ang naiisip ko eh.

 

“Nee-chan, may naisip ka na ba?”

“Uhmm oo kaso.. siguro okay na yun. Teka, pano pala kapag may kapareho ako?”

 

This time naman eh si Akane na yung sumagot.

 

“Okay lang na may kapareho ka as long as wala na siya dito or graduate na siya. Pero kung ang kapareho mo eh andito pa, no choice ka kundi mag-isip ng iba. Kaya nga maswerte yung mga dito na talaga nag-aral nung bata pa dahil maliit ang possibility na magkaroon siya ng kapareho.”

 

Hawak-hawak pa rin kami ni Akane kahit na nakapasok na kami sa building.

 

“San pala tayo pupunta? Di ko kasi alam eh.” Tanong ko sa kanilang dalawa dahil sila ang may alam kung saan ako magpaparegister.

“Doon sa room ni Sir Hayate. Ay naku cute yung teacher na yun, swear! Super!”

“Akane-neesan!”

 

Hahaha! Ang adik rin pala netong si Akane. Pati teachers pinagdidiskitahan!

 

After naming kumaliwa, kumanan, umakyat at kumaliwa ulit eh narating na rin naming yung room ni Sir Hayate. Pero teka parang narinig ko na yung pangalan na yun eh. Saan nga ba?

 

“Hey, ilabas mo na yung ID mo before tayo pumasok.”

“O..ok.”

 

Buti nalang pala binulsa ko yung ID ko. Di ko naman alam na kailangan pala ‘to…

 

AAAAHHH!! Naalala ko na siya! Siya yung name na nakapirma doon sa certificate at mga papeles! Si Sir Hayate Kitamura! Wow mamemeet ko na yung nagpadala nung letter. Siya rin kaya ang pumili sa akin or pinagbotohan? Hindi ko naitanong kanina kay Akane kung paano pinipili yung trasferees! Nakalimutan ko!

 

“Tara na.” hinila kami ni Akane papasok sa loob ng office at pagpasok naming eh nakatalikod sa amin yung tao na nakaupo sa upuan. Siguro siya si Sir Hayate.

 

“Kanina pa kita hinihintay Ms. Lazaro.” Then inikot niya yung upuan niya at humarap siya sa aming tatlo.

 

 

At isa lang ang masasabi ko.

 

 

Pwede bang pakasalan na siya?

 

 

Hahaha! Joke! Pero ang gwapo niya! As in! Para lang siyang college student eh! Hindi halatang teacher siya! Siguro super bata niya pa.

 

“Hi sir!!” tinignan ko naman si Akane na kumaway kay sir at nagpacute pa.

“Oh hello Akane. Hello Riye.” Tapos ngumiti si sir. Waaah ang gwapo!!

 

Pinaupo niya naman kami doon sa couch sa room niya. Actually, parang hindi nga ‘to office eh. Para na siyang bahay. Ang spacious kasi.

 

“Oh di ba? Sabi ko sa’yo cute eh!” sabay hawak ni Akane sa mukha niya at mukhang nagdedaydream na siya.

“Cute nga.” Tapos sinundan ko pa ng tingin si sir.

“Nee-chan!” saway sa akin ni Riye. Haha! Ang cute rin ni Riye. Mukhang ayaw niya ng student-teacher relationship ah?

“Sorry Riye.” Then nginitian ko nalang siya.

 

After five minutes, bumalik na rin si sir Hayate na hindi ko alam kung saan nanggaling at bigla nalang siyang nagdisappear sa paningin ko kanina.

 

“So ikaw pala si Ms. Lazaro. Welcome nga pala to Tantei High. I’m sure mag-eenjoy ka dito. Besides, mukhang nag-eenjoy ka naman sa mga kasama mo.” Tapos ngumiti siya sa akin. Pigilan niyo ako, gusto kong pisilin yung cheeks ni sir!

 

“So back to our business, you’re here to register your alternative name, right? May naisip ka na ba?”

 

“Ahm. Opo.”

 

“So, what is it?”

 

Naalala ko ulit yung name na narinig ko dati. Actually di ko maalala kung kelan, saan at kanino ko narinig, pero bigla ko nalang naalala kanina yung name na yun. And I think, maganda naman siya pakinggan. Tsaka parang may something.. may something sa name na yun. Hindi ko lang talaga maalala kung ano.

 

“Ms. Lazaro?”

 

“Ah! S-sorry po!” grabe nagdedaydream na rin pala ako! Kakahiya tuloy.

 

“So...”

 

“A-akemi. Akemi po. Pwede po ba yun?”

 

Nagulat naman ako nung biglang napalapit sa akin si Akane at Riye. Pati si sir Hayate napatulala. Teka. Meron na rin bang Akemi? O kaya may something ba sa Akemi? Hala naman.

 

“B..bakit?” tanong ko sa kanilang tatlo na sobra kung makatitig sa amin.

 

“Bakit yun ang napili mo Rainie?” tanong ni Akane sa akin.

 

“Wala lang. Narinig ko lang siya somewhere. Bakit? Ano bang meron sa name na yun? Bawal ba?”

 

“Nope. There’s just this story about that name.” this time, si sir naman ang sumagot sa tanong ko. "Several years ago, may gumamit din ng name na yan. She’s great. She excelled in everything. Pero before pa siya makagraduate, she died. And that’s the first time na may namatay dito sa school na ‘to within the campus. So everybody thinks that that name is a cursed one. After that incident, wala nang gumamit ng Akemi as alternative name. Until today.”

 

Napalunok naman ako sa story na sinabi niya. Pero kasi.. gusto ko talaga ng name na yun. I don’t know why. Parang may value para sa akin eh. I just.. can’t explain it to myself.

 

“But...she’s great right?”

 

“Y-yeah.”

 

“Yan na po. Final na. I’ll use a great name, not a cursed one. It’s Akemi.” Then nginitian ko silang tatlo. Nagulat naman ako nung nagtinginan sila at ngumiti rin.

 

“If that’s your decision, then fine. Akin na yang ID mo.”

 

Inabot ko naman kay sir agad-agad tapos pumunta siya doon sa harap ng laptop niya sa may table. Tapos kung anu-anong pinagtatype at ewan ko na kung anong ginawa niya. After fifteen minutes, binalik niya yung ID ko. Pagtingin ko, hindi na Rainie Lazaro ang nakasulat doon kundi Akemi. Whoa! Cool. Napalitan yung name ko sa ID!

 

 

After nun, lumabas na kami ng room ni sir Hayate. Bumalik muna kami doon sa dorm dahil naiwan daw ni Riye yung wallet niya sa may kama. Sabi nilang dalawa ay itotour nila ako dito sa school para daw maging familiar na ako sa mga buildings. Saka ko naalala, pano pala kami papasok bukas kung di ko pa alam yung schedule ko?!

 

“Ah yun ba? Don’t worry pare-parehas naman tayo ng subjects. Per family kasi ang subjects dito.” Sabi sa akin ni Akane with matching wave-wave pa sa buhok niya.

 

“And here comes the weird one.” Pagkasabing-pagkasabi ni Akane nun eh biglang may lalaking lumabas mula doon sa left side ng corridor. Siya yung isa sa tatlong lalaki sa family namin na hindi ko pa kilala. Yung nagbuhat kasi ng maleta ko kanina ay si Ken, tapos yung hinahabol daw ng stalker ay si Reiji. Ano kayang name neto?

 

“Hiro.” Tapos nilapit niya yung kamay niya na parang nakikipagshake hands. Eh?

 

“Di ba gusto mong malaman ang pangalan ko?”

 

Hindi ko alam kung paano niya nalaman na gusto kong malaman yung name niya pero nakipagshake hands na rin ako dahil baka nangangawit na siya.

 

“Rain—I mean...Akemi.”

 

Sabi ko nga di pa rin ako sanay sa alternative name ko na Akemi. Sabi ni Akane, yung alternative name daw namin is for security reasons daw. Di ko nga nagets eh. Pero bahala na.

 

“Ayan ka na naman sa mind-reading mo! At ano namang ginagawa mo dito?” pagtataray sa kanya ni Akane. At ano daw? Mind reading?! Totoo ba yun?!

 

“Wala lang. Pabalik na ako sa dorm. Sige.” Saka siya kumanan dahil doon yung dorm para sa mga lalaki ng family namin.

 

Weird.

 

Kami naman ay dumiretso na rin sa dorm. Kinuha ni Riye yung wallet niya. Ako naman binalik ko sa bag ko yung ID ko tapos kinuha ko na rin yung pera ko sa isa ko pang wallet. Yung dala ko lang kasi is yung coin purse ko. Naalala ko naman bigla si Hiro.

 

“Yung si Hiro ba, kaya niya talagang magmind read?”

“Opo nee-chan. Yun yung isa niya pang sense.”

“Oh.”

 

Di ko naman na-gets yung ibig sabihin ni Riye pero hindi nalang ulit ako nagtanong. Dumating kasi bigla si Akane. Baka isipin niya interesado ako doon kay Hiro.

 

“Wow. Interested ka kay Hiro?” sabi ko nga nakakarinig pala siya within her 100-meter radius. -__-

“Ha? Hindi ah.”

“Sus! Hahaha! Tara na nga! Ililibot ka pa namin sa campus.”

 

Lumabas kami ng dorm at nagsimula na ngang maglibot. Halos hindi ko na nga natandaan yung names ng building since Japanese yung iba at English naman yung iba. In fairness ang daming buildings! Tapos pumunta rin kami sa plaza daw. Basta medyo malayo na sa school buildings pero within the campus pa rin naman. Dito daw yung parang shopping center ng mga students. Tapos may amusement park rin! Ang cool! Para ngang plaza!

 

May ilang items ako na binili na nacute-an ako. Yung iba naman, gusto ko lang bilhin. Pati si Akane at Riye nagshopping na rin. Dito na rin kami kumain ng dinner. Nanlibre pa nga si Akane since bago lang daw ako dito. Nalaman ko rin na every night pala ay dito sila sa plaza nagdidinner since hindi sila marunong magluto. Kaya ako naman ay nagprisinta na na maging cook naming tatlo. Niyakap pa nga nila akong dalawa dahiil sa wakas daw ay makakakain na sila ng home-made dish. Kaya bumili na rin kami ng raw ingredients para daw sa pagluluto ko bukas. Halos 8 PM na rin kami nakarating sa dorm nun. Buti nga at walang curfew dito. Safe naman daw kasi ang campus. Wag lang lalagpas sa perimeter ng school dahil may mga wild animals doon. Besides, nasa pusod kami ng gubat.

 

Pagdating namin sa dorm, bagsak agad kami sa kama. Nakakapagod palang magshopping.

 

Bago ako nakatulog, napangiti muna ako. Mukhang maeenjoy ko naman ditto sa Tantei High. I mean, nagkaroon agad ako ng friends dito. Tapos maganda pa yung facilities at kakaiba pa siya sa schools na nakikita ko. May plaza pa. Di ba? Feeling ko masaya dito.

 

Well, I hope so.