.

.

Chapter 50

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

“Fire! Fire!”

“Don’t let them in!”

 

Naririnig ko ang sigawan ng mga estudyante, staffs at teachers habang kinakalaban nila yung mga Shinigami na nasa loob na ng school habang yung iba ay pinipigilan pa rin yung pagpasok ng iba pang Shinigami.

 

“Akemi, duck!” sinunod ko naman yung sigaw ni Akane mula sa likuran ko kahit hindi ko siya nakikita. Then after a few seconds, may nakahandusay nang Shinigami sa harapan ko.

“Thanks!” sigaw ko naman. Humarap ako sa kanila ni Hiro at nakita kong may mga papalapit na naman sa amin. Kaya bago pa sila tuluyang makalapit ay tinira ko na sila ng arrows.

 

Tinulungan ko silang dalawa sa abot ng makakaya ko para mabawasan yung mga kalaban nila. I was amazed at the same time. Ngayon ko napatunayan na they are really experienced in battles. Simula bata pa sila, tinetrain na sila ng iba’t ibang physical activities for defense para sa mga criminals at Shinigamis na makakaharap nila. At ngayon, kahit tatlu-tatlo yung kalaban nila ay nasasabayan pa rin nila yung mga kilos nila.

 

Bigla naman akong nakaramdam ng pangingilabot kaya napatalikod ulit ako at nakita kong may papalapit sa aking Shinigami  with an unbelievable speed at may kasama pa siyang dalawa sa may likuran niya. Agad naman akong nag-draw ng dalawang arows at pinosition ko yung baril sa may arc ng bow. Tinira ko yun sa kanilang tatlo at natamaan sa balikat yung dalawa sa likuran niya pero naiwasan nung nasa gitna yung arrow. What the? That’s the arrow from the gun and it’s faster than the two! How did he...

 

Nakita ko naman na sumugod sa akin yung nasa gitna kaya sinummon ko ulit yung spear ko at tineleport back ko yung bow and arrows. Hindi ko rin alam kung paano ko nagawa, I mean namin dahil pati si Hiro at Akane ay kaya na ring gawin yun. Hindi naman kami tinuruan ni Sir Hiroshi na iteleport pabalik yung weapons kaya naibabalik lang namin yun sa Dimension Room kapag umuuwi na kami galing sa isang case. Pero kanina, nagawa kong iteleport pabalik yung spear dahil hindi ko na yun mahawakan gawa ng may bow, arrows at gun na akong hawak. Ayoko namang iwan lang yun sa lapag dahil baka makuha ng kung sino. Dahil puro dugo na yung kamay ko kanina, nalagyan rin ng dugo yung spear ko at inisip ko yung itsura ng Dimension Room. Katulad ng sinabi ni Sir Hiroshi, pinilit kong idisintegrate yung spear at inisip kong marerecreate yun sa Dimension Room. And then the next thing I knew, wala na sa kamay ko yung spear.

 

Ngayon, hawak ko na ulit yung spear at saktong napigilan ko yung kutsilyo na muntik nang sumaksak sa akin na hawak nung Shinigami.

 

God. That was close!

 

Pero mas nagulat ako nung lumitaw yung dalawang Shinigami na tinira ko kanina sa magkabilang gilid ko. Nakita kong nandun pa rin sa mga balikat nila yung arrows pero gumagalaw sila na parang wala lang yun.

 

Tinutok ko sa may left side ko yung baril na hawak ko habang hawak ko naman sa right hand ko yung spear at pinipigilan ko yung movements ng kutsilyo ng Shinigami sa harapan ko. I shot the Shinigami at my left side and another arrow pierced his other shoulder pero patuloy pa rin siya sa paglapit sa akin. I shot another to his legs pero parang walang effect. Bigla ko namang naramdaman na bumibigat na yung right part ko at lumayo agad ako dahil naramdaman kong matatalo ako sa physical strength kung pinagpatuloy ko pa rin yun. Bigla naman silang sumugod ng sabay-sabay kaya nagpanic ako.

 

“Aaahhh!” Napasigaw ako nung biglang may humatak sa akin at naramdaman kong lumulutang na ako...I mean kami.

“Akemi, draw your bow and arrows!”

“Reiji!”

 

Si Reiji ang humatak sa akin at ngayon ay nakapiggyback ride ako sa kanya at nakalutang kami sa ere. Or more like, tumalon siya ng sobrang taas gawa ng muscle manipulation niya at babagsak na kami anytime. Hawak-hawak niya yung slingshot niya habang ako ay nilagay ko muna sa likod ko yung baril ko at sinummon ko ulit yung bow and arrows. Pinosition ko ulit siya horizontally at in-aim ko doon sa dalawang Shinigami sa baba habang si Reiji ay naka-aim ang slingshot doon sa Shinigami na may hawak na kutsilyo. Unti-unti na kaming bumagsak at during that time, sabay naming nirelease yung arrows at yung bullet-like thing. Bago pa kami bumagsak sa lupa ay nauna nang bumagsak yung tatlong Shinigami. Bumaba agad ako kay Reiji at nakaramdam ako ng lungkot sa nakita ko.

 

Kanina ay parang wala lang sa kanila yung arrows na tinitira ko pero dahil tumama yun sa dibdib nila, alam kong wala na sila. I killed them. Ganun rin kay Reiji. Nabutas yung dibdib nung Shinigami na tinira niya.

 

“You guys, okay?” Napalingon naman agad kami at nakita namin ni Reiji na napatumba na ni Akane at Hiro yung mga kalaban nila.

“Yeah,” sagot naman ni Reiji.

“Where’s Riye and Ken?” tanong agad ni Hiro habang pinapagpag niya yung damit niya na parang wala lang nangyari.

“Riye’s helping the medical team while Ken is there,” tapos tinuro ni Reiji yung right side namin.

“Nakikita mo ba siya, Akemi?” tanong naman sa akin ni Akane. Tumingin naman ako sa direction na tinuro ni Reiji at agad kong nakita  si Ken 850 meters away from us. Wait, 850 meters? Nadagdagan yung distance na nakikita ko. Naramdaman ko naman na unti-unting nagbabago yung kulay ng mata ko. Mas naging intense yellow sila.

“Yeah.”

“Reiji, use this para kunin siya,” then inabot ni Akane kay Reiji yung sword niya na agad namang naging whip. Saka ko naman narealize kung anong gustong gawin ni Akane dahil nakabase yung haba ng whip sa strength ng paghampas nun.

 

Uh oh. This could get rough.

 

Sinunod naman ni Reiji yung sinabi ni Akane at napanganga na lang ako nung paghagis ni Reiji ay sobrang haba ng whip to the point na umabot ito kay Ken at pumulupot yun sa katawan niya. Nagulat pa siya dahil nasa gitna siya ng pakikipaglaban. Nakita ko namang naghahabol ng hininga si Reiji habang hinahatak niya pabalik yung whip. Siguro masyadong nastress yung muscle niya sa braso dahil sa ginawa niya. Biruin mo ba namang nag-extend yung whip ng 850 meters?

 

“Ouch! Shit ang sakit!” sabay hawak ni Ken sa likod ng ulo niya habang nakahiga siya sa lupa.

“Tumayo ka na dyan!” tapos tinanggal ni Akane yung whip niya sa katawan ni Ken. Tumayo naman agad si Ken pero sinugod niya si Akane at nagrambulan na lang sila bigla.

 

Napabuntung-hininga na lang ako sa ginagawa nila. Medyo gumaan yung pakiramdam ko dahil bumaba yung tension sa amin. Kaya talaga nilang pagaanin yung atmosphere kapag magkasama sila kahit nasa gitna kami ngayon ng labanan.

 

“Get ready, they’re here,” biglang sabi ni Hiro kaya napatigil kaming lima at napatingin sa paligid.

 

“GUUHH!”

“Aghhh!”

 

Nagulat kami nung sumugod sa amin yung limang Shinigami pero lahat sila ay bumagsak na. Pagtingin namin, may tig-iisang arrows na nakatusok sa shoulders nila. Nagtaka naman agad ako. Bakit yung dalawang tinamaan ko kanina, hindi naman agad bumagsak? Pero yung una, mukhang bumagsak naman. Tsaka ko narealize...

 

“Si Riye!” tapos tinignan ko yung direksyon kung saan galing yung mga Shinigami at nakita ko si Riye 750 meters away from us. Tinaas ko kaagad yung kamay ko para makita niya agad ako. Pero nagpanic ako nung bigla siyang pinalibutan ng apat na Shinigami, 50 meters away from her. Isa sa likod niya, sa kanan, sa kaliwa at sa harapan, kaya napatigil siya sa pagtakbo papunta sa amin.

 

“Riye!”

“Bakit? Anong nangyari?” tanong sa akin ni Akane.

“She’s surrounded!” Lalo akong nagpanic.

“You can help her,” sabi ni Hiro kaya napatingin ako agad sa kanya. Napansin ko kaagad yung mga mata niya. His eye color became intense green. Bigla kong naalala yung sinabi niya sa akin kanina.

 

Do the things that you can, but we can’t.

 

Nagnod agad ako at humarap sa direksyon ni Riye. Tinutok ko yung baril ko kay Riye.

 

“Ken, at 2’oclock, Reiji, at 10’oclock.”

“Roger!” narinig kong sabi ni Ken at tumabi silang dalawa sa akin.

“Akane, watch our backs.”

“Aye aye captain!”

“Hiro, can you reach Riye’s mind?”

“Yeah.”

“When I say duck, say it to her.”

“Okay.”

 

Hinintay ko ang segundo na gumalaw silang lahat papunta kay Riye.

 

“NOW!” sigaw ko kay Ken at Reiji kaya sabay-sabay kaming tatlo na tumira. Hinagis ni Ken yung mini-bomb niya doon sa Shinigami sa left at tinira naman ni Reiji yung nasa right. Malapit nang tumama kay Riye yung arrow na nirelease ko kaya sumigaw agad ako ng ‘duck.’ Bigla namang yumuko si Riye kaya alam kong nagawang irelay ni Hiro yung message. Pagkatapos niyang yumuko ay napana yung nasa likuran niya sa leeg habang tinira niya naman yung nasa unahan niya sa bandang tuhod. After ilang seconds, nasa harapan na namin si Riye.

 

“Nee-san!” sabay yakap sa akin ni Riye.

“Kumpleto na ulit tayo!” sigaw pa ni Ken.

“Aaahhh!” napalingon naman kami nung bigla naming marinig yung sigaw ni Akane.

 

“Oi, oi. Don’t think you can escape us, brats.”

 

Umatras agad si Akane at lumapit sa amin. Pero nagulat ako nung makita ko kung sino yung kaharap niya kanina. Naramdaman ko ulit yung takot na naramdaman ko nung huli ko siyang nakita. Siya ang dahilan kung bakit ako nakarating sa Black Dimension ng unang beses.

 

“Kyuuya, I told you not to go ahead of us,” napatingin ako sa kadarating pa lang na Shinigami na ngayon ay katabi na ni Kyuuya.

“You’re not the leader here, Kyuuya.” Bigla namang may lumitaw ulit sa kanan ni Kyuuya na isang babae at halos nanlaki yung mata ko kung sino kahit ineexpect ko na na makikita ko siya rito.

“Don’t give me a fucking lecture, Shizu!” sigaw pa ni Kyuuya.

 

Bigla namang napatingin sa akin yung babae kaya napaatras ako. Ngumiti siya sa akin at tumingin ng matalim.

 

“My, my. Long time no see, Ms. Lazaro.”

“M-ma’am Ramos.”

 

Oo, inexpect ko na na Shinigami dahil nandito rin si Abigail, pero hindi ko inaasahang makikita ko rin siya kaagad. At kasama niya pa yung dalawang Shinigami na nakatalo sa amin dati.

 

“You have nowhere to run, Ms. Lazaro,” sabay ngiti niya pa sa akin.

 

“Hey, hey, don’t go bullying my students, Ms. Ramos!” Napatigil kami nung marinig namin ang boses na yun. Boses ni Ms. Reina! Pero nasaan siya?

“Reina, this is supposed to be an ambush!” this time si Sir Hayate naman ang narinig ko. Parang malapit lang sila sa amin dahil naririnig namin ang boses nila pero hindi naman namin sila makita.

“Oops, sorry!”

 

Pero bigla na lang kaming nagulat nung nag-appear silang tatlo sa harapan namin. Almost like...

 

“Teleportation, success,” sabi ni Sir Hiroshi habang inaayos niya yung eyeglasses niya.

 

Wait. Teleportation?! Akala ko ba hindi possible na magteleport ang humans dahil sa sub-atomic destruction na sinasabi ni Sir Hiroshi dati? So how did they do that?!