.

.

Chapter 51

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

“Shut up, Hiroshi. Wag mong lokohin yung mga bata!” sigaw ni Ms. Reina kay Sir Hiroshi. Pero ano raw? Wag kaming lokohin?

“Mukha namang teleportation talaga ah,” depensa naman ni Sir Hiroshi. Wait. So ibig sabihin, hindi talaga sila nagteleport?

 

Mukhang nabasa naman ni Sir Hayate yung mga itsura namin dahil sa usapan ni Ms. Reina at Sir Hiroshi.

 

“We didn’t teleport. May ininject lang si Hiroshi sa amin para maging invisible for two minutes. As you all know, hindi natin kayang magreconstruct ng human body dahil sa complexity nito,” sabay buntung-hininga ni Sir Hayate.

 

Akala ko nagteleport na talaga sila. Kaya pala narinig namin yung boses nila kahit hindi pa namin sila nakikita. Imposible naman siguro yun kung nagteleport ka di ba?

 

“Done with your lesson?” Napatingin kami kay Ma’am Ramos na biglang sumugod kay Sir Hayate. Sa sobrang bilis niya ay hindi ko siya masyadong nakita at parang blurry figures lang yung nadaanan ng mga mata ko.

 

“Kelan ka pa naging mainipin, Ma’am Ramos?” Nagulat na lang ako nung nasa harapan na ni Sir Hayate si Ms. Reina at pinigilan niya si Ma’am Ramos sa pag-atake. What the? Katabi lang kanina ni Sir Hiroshi si Ms. Reina ah? Ngayon nandito na siya sa harapan ni Sir Hayate! Hindi ko rin nakita yung kilos niya!

 

Nakita ko naman kaagad yung kakaibang sword na hawak ni Ma’am Ramos. Yung hilt o yung hawakan ay nasa gitna tapos yung magkabilang dulo ay sharp blades. Si Ms. Reina naman ay dalawang short swords ang hawak. Ewan ko kung swords ba yun o kutsilyo, pero medyo mas mahaba kasi siya kaysa sa ordinaryong kutsilyo.

 

Napatingin rin agad ako sa magkabilang gilid at naglalaban na rin si Kyuuya at Sir Hiroshi, pati na rin si Raiden at si Sir Hayate. Para lang akong nakakakita ng blurred lines dahil sa bilis ng mga kilos nila. Ni hindi ko sila masundan nang maayos!

 

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Akala ko nung una ay dahil sa takot. Pero mas nangingibabaw yung pagkamangha ko kina Ms. Reina, Sir Hayate at Sir Hiroshi dahil sa pakikipaglaban nila.

 

“Everyone, run!”

 

Hinatak ako bigla ni Akane nung sumigaw si Ken at sumunod kami sa kanya sa pagtakbo. Shortly after that, bigla na lang may bumagsak na bomba doon sa pwesto namin kanina. Oh my gosh! Kung nandun kami ngayon, siguradong magiging critical ang kondisyon namin.

 

“Shit. Naghahalu-halo na yung amoy ng gunpowder, dugo at kung anu-ano pa sa hangin,” sabi bigla ni Ken. Napansin ko kaagad na nagbago yung kulay ng mata niya from yellow green to light yellow. Parang pinababa niya yung sensitivity ng sixth sense niya.

 

Tumingin ulit ako doon sa direksyon nina Ms. Reina. Hindi ko na sila masyadong maaninag dahil sa bilis nilang kumilos pero kahit papaano ay alam kong kaya nila yung mga kalaban nila. They’re strong.

 

Tumakbo ulit kaming anim at kinakalaban namin yung mga Shinigami na nakakasalubong namin. Sobrang dami na nila dito sa loob ng campus at alam kong nahihirapan na rin ang ibang estudyante sa pagpigil sa kanila. Kapag may mga nakikita akong sugatan at…at…mga wala nang buhay na Senshins, parang sumisikip yung dibdib ko at gusto kong pumunta sa kanila para tulungan sila. Pinipigilan na lang nila ako dahil ililigtas naman daw sila ng medical team.

 

“Don’t worry, nee-san. Doctor Yuuki will treat them,” sabay ngiti sa akin ni Riye kahit alam kong pati siya ay gusto ring tumulong.

 

Nagtuluy-tuloy na lang kami sa pagtakbo kahit hindi namin alam kung saan kami pupunta. Basta ang alam ko lang, kailangan kong makalayo sa gubat. Sobrang natatakot ako sa pwedeng mangyari. Alam ko namang gusto akong kunin ni Rin sa kung anumang dahilan na hindi ko alam. Pero ayokong mapunta na naman sa lugar na yun. Ayokong malayo dito sa campus.

 

Napalingon ako sa likuran at tinignan ko yung place kung saan nakikipaglaban sina Mama at Sir Hideo, at napatigil ako sa pagtakbo.

 

“G-guys, anong nangyayari doon?” sabi ko sa kanila kaya napatigil rin sila sa pagtakbo at tinignan yung tinuro ko sa may bandang gubat.

“What the hell,” sabay lapit sa akin ni Ken.

 

Nasusunog na yung ibang part ng gubat at nakarinig kami ng mga pagsigaw.

 

“Oh my gosh! Nakapasok na yung mga Shinigami!” sabi ni Akane at halatang takot na takot yung itsura niya. “Napasok na nila yung campus!”

“Teka, di ba nandun si Sir Hideo at si Mama?!”

“I don’t know. Puro pagsigaw lang yung naririnig ko.”

 

Bigla akong kinabahan. Ayos lang kaya si Mama? Paano kung may masamang nangyari sa kanya? Kahit sinabi niyang hindi siya yung totoo kong nanay, siya pa rin ang nag-alaga at nagpalaki sa akin. Ayokong may mangyaring masama sa kanya dahil siya pa rin ang tinuturing kong Mama ko.

 

“Where are you going?” napalingon ako kay Hiro at silang lima ay nakatingin lang sa akin na parang nagtataka.

“I need to go there.”

“Bakit?” tanong naman ni Reiji.

“Gusto kong makita si Mama.” Natatakot rin ako sa pwedeng mangyari sa kanya.

“Pero di ba lumalayo tayo sa gubat?” dagdag naman ni Akane.

 

Natahimik ako bigla. Alam kong sinabihan ako ni Mama na lumayo sa gubat dahil nandoon si Rin at ayaw ni Mama na mapahamak ako. Pero…

 

“Sorry, pero pupuntahan ko ang Mama ko,” saka ako tumakbo papunta sa gubat. Sana ayos lang si Mama pati na rin si Sir Hideo. Sila ang pumigil sa pagpasok ng mga Shinigami kanina pero ngayon ay nakapasok na raw yung mga Shinigami sa campus.

 

“Nee-san, wait! Hintayin mo kami!” bigla naman akong napalingon nung narinig ko yung boses ni Riye. Pagtingin ko, nakasunod na silang lima sa akin.

“Teka, bakit kayo sumunod? Baka kung mapano kayo—”

“We’re a family kaya hindi rin namin hahayaan na mag-isa ka lang pumunta doon,” sabi ni Akane. Biglang bumigat yung pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. Oo, masaya ko na pamilya na ang tingin nila sa akin, pero at the same time, naguguilty ako dahil napakaselfish ko. Kung anong gusto kong gawin, yun yung ginagawa ko at hindi ko iniisip yung mararamdaman nila.

 

‘Don’t worry. We understand you.’ Narinig ko na naman si Hiro sa isip ko kaya napatingin ako sa kanya at nagnod lang siya.

 

Nagsimula na kaming tumakbo papunta doon sa direksyon ng gubat pero marami na akong nakikitang Shinigami na tumatakbo papasok sa campus kaya kinilabutan ako. Sobrang dami nila.

 

“Nakikita ko na sila! Papasok na sila sa campus!” sigaw ko sa kanilang lima.

“Ken, Reiji,” napatingin ulit ako kay Hiro na kasabay kong tumatakbo.

“Roger!” sigaw naman ni Ken at Reiji sa likuran namin. Biglang naghagis si Ken ng mga mini-bombs niya at sunud-sunod na tumira si Reiji gamit yung slingshot niya. Pagtingin ko sa mga Shinigami na 850 meters away from us, karamihan sa kanila ay natamaan nung bomba at ng mga bala ni Reiji. Whoa!

 

Nadaanan naman namin ulit sina Ms. Reina habang nakikipaglaban doon sa tatlo pero napahinto ako nung nakita ko sila. Maging sina Akane ay napahinto at napatingin sa nangyayaring labanan.

 

“How did...” hindi na naituloy ni Ken yung gusto niyang sabihin dahil hindi rin siya makapaniwala sa nakikita niya, maging kami.

 

Hindi ko alam kung paano pero parang...parang in-sync sina Ms. Reina, Sir Hiroshi at Sir Hayate. Nakatalikod si Ms. Reina kay Ma’am Ramos pero parang may mata sa likuran niya si Ms. Reina at naiiwasan niya lahat ng tira sa kanya ni Ma’am Ramos. Si Sir Hayate naman ay biglang napalibutan ng kung anu-anong hologram. Sa pagkakatanda ko, sixth sense yun ni Sir Hiroshi. Pero paano yun nagamit ni Sir Hayate? Anong nangyayari sa kanilang tatlo?

 

“You guys should leave this place. Baka madamay kayo rito,” biglang sabi ni Sir Hiroshi sa amin kahit nakatalikod kami sa kanya at hindi naman niya kami nakikita.

 

Bigla namang sumugod sa amin si Ma’am Ramos at si Kyuuya. Napakilos mag-isa yung katawan ko at agad kong sinummon yung spear ko. Bago pa ako mapuruhan ni Ma’am Ramos ay agad kong nasangga ng spear ko yung double-sided sword niya. Oh God! Ang lakas niya!

 

Napansin ko namang hindi nakalapit sa amin si Kyuuya dahil pinagbabaril siya ni Hiro. Pero ang bilis niyang kumilos kaya naiwasan niya lahat ng yun.

 

“Don’t hurt my students, bitch!” nagulat naman ako nung nasa gilid ko na si Ms. Reina at bigla niyang inislice yung knife-like sword niya sa kanang braso ni Ma’am Ramos. Napasigaw si Ma’am Ramos kahit na medyo mababaw lang yung sugat na natamo niya dahil mabilis siyang nakaiwas doon sa blow.

“…or I’ll hurt you!” sigaw ni Ms. Reina. “I cut your muscle and nerve tissue. Next is your leg!” tapos sumugod ulit si Ms. Reina kay Ma’am Ramos habang si Sir Hayate naman ang pumigil kay Kyuuya sa pagsugod sa amin.

 

“L-let’s go!” Hinatak naman agad ako ni Akane at nagpatuloy kami sa pagtakbo.

 

Napaisip ako bigla sa nangyari. Paano yun nangyari? Paano nalaman ni Ms. Reina yung natamaan niya kay Ma’am Ramos ? Ang alam ko ay si Sir Hayate ang may parang x-ray vision pati na rin si Riye. Nagkapalit-palit ba sila ng sixth senses?

 

“Hindi ko akalain na makikita ko sila na ganun.” Napatingin naman ako kay Akane dahil sa sinabi niya.

“Anong ibig mong sabihin ?”

“Nabasa ko na yun sa libro pero hindi ko naman akalain na totoo pala yun. That phenomenon...”

 

Bigla namang napatigil sa pagtakbo si Akane kaya napatigil rin kami. Pagtingin namin sa harapan ay may dalawang Shinigami na nakaharang sa amin. When did they... Hindi ko man lang sila napansin!

 

Pero halos mangilabot ako nung nakita ko kung sino sila. Naalala ko na naman yung time na bigla na lang nila akong sinugod at nawalan na lang ako ng malay.

 

“Oh. Kusang lumapit ang target natin,” sabi ni Ichiro, yung dahilan kung bakit nawalan ako ng malay ng dalawang araw.

 

Halos hindi ako nakagalaw nung bigla silang sumugod papunta sa akin. Ipansasangga ko sana yung spear na hawak ko pero naunahan ako ng nasa harap ko ngayon at nagulat ako sa ginawa niya.

 

“A-akane...”

 

Tsaka ko narealize kung bakit niya ginawa yun. These two Shinigamis killed her mother.

 

Hawak niya ngayon yung dalawang sword niya at pinigilan niya yung swords nung dalawang Shinigami. Kahit nakatalikod siya sa akin, alam kong seryosong-seryoso yung mukha niya.

 

“You already killed my mother. I won’t let you kill my friend,” at bigla na lang sinugod ni Akane yung dalawang Shinigami.