.

.

Chapter 52

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Nagulat kami sa ginawang pagsugod ni Akane doon sa dalawang Shinigami. Pero agad rin siyang tinulungan nina Ken at Hiro after ilang seconds. Ngayon ko lang nakita si Akane na ganito. Sobrang seryoso ng mukha niya...at natatakot ako para sa kanya.

 

Sunud-sunod niyang tinitira yung swords niya doon sa dalawa at nararamdaman ko na mabibigat yung blows na yun dahil paatras na nang paatras yung mga Shinigami.

 

“Akane!” sigaw ko, pero parang wala siyang naririnig. Parang nakasarado na yung tenga niya at yung dalawang Shinigami lang ang nakikita at naririnig niya.

 

“Shit! She’s out of her mind!” Napatingin naman ako kay Ken na nasa tabi ni Akane at siya ang sumasalo sa mga tira ng dalawang Shinigami sa blindspots ni Akane.

 

May hawak-hawak na malaking sword yung isa at si Ichiro naman ay may suot lang na parang gloves. Bigla naman niya yung tinanggal at napasigaw ako sa kanila.

 

“Look out! Wag kayong didikit sa kamay niya! You’ll lose your senses!” Parang bigla ko ulit naramdaman yung nakakahilong feeling na yun nung hinawakan niya ako at nawalan ako ng malay for two days.

 

Naging alerto naman si Ken at Hiro kaya umatras agad sila pero si Akane ay sige pa rin ang pakikipaglaban doon sa isa. Nakita kong tumakbo si Ichiro papunta sa kanya pero hindi yun nakikita ni Akane dahil nakatalikod siya sa kanya. Agad-agad kong sinummon yung bow and arrows ko. Titirahin ko na sana yung kamay ni Ichiro pero bigla na lang may sumabog doon sa kinatatayuan niya.

 

“Don’t touch her,” rinig kong sabi ni Ken.

 

Pagtingin ko, parang hindi masyadong naapektuhan si Ichiro doon sa bomb na hinagis ni Ken sa kanya dahil mabilis siyang nakaiwas. Pero nakita kong nagdudugo yung kanang balikat niya.

 

“Is this your revenge, little girl?” sabi nung kalaban ni Akane na may hawak na malaking sword. “Mukhang mas malakas pa ang nanay mo noon kahit nasa bingit na siya ng kamatayan,” then he smirked.

 

Maski ako nainis sa sinabi niya to the point na gusto ko siyang saktan pero mas inuna kong isipin si Akane. She must be tormented right now. Yung mga taong pumatay sa Mama niya ay nasa harapan niya at minomock pa yung pagkamatay ng Mama niya. Sinubukan kong itutok yung arrow ko doon sa Shinigami pero hindi ko magawang irelease dahil baka tamaan rin si Akane.

 

“Guuuuhhh!” Natigilan naman ako sa ginagawa ko dahil bigla na lang napaluhod yung Shinigami na kaharap ni Akane.

 

“Gusto mo rin bang maranasan yung naranasan ng Mama niya? Then I will slowly kill you.” Natulala na lang ako nung makita ko si Hiro na nakatayo doon sa likod ng Shinigami at tinutok niya yung baril niya sa kanya. His green eyes were cold and he’s radiating a killing aura. Bigla akong natakot kay Hiro dahil sa kinikilos niya.

 

Bigla namang tumawa yung Shinigami kahit nakaluhod na siya sa lupa at may tama siya sa likod. Tumayo siya at nagulat na lang ako sa nangyari. Kung hindi lang dahil sa sixth sense ko ay hindi ko masusundan ang mga galaw niya. Bigla na lang siyang napunta sa likod ni Hiro at tinaas niya yung malaking sword niya na alam kong tatama sa leeg ni Hiro. Hiro was caught off-guard.

 

“Boy, you are too young to kill someone like me,” and he swung his sword towards his neck.

 

“HIRO!” Parang automatic na gumalaw yung kamay ko at nirelease ko yung arrow papunta sa kanila. Pinagdasal ko na sana umabot yun sa braso niya bago pa tumama yung sword niya kay Hiro pero...

 

“WHAT THE HELL ARE YOU DOING?!”

“SHIT! AKALA KO MAWAWALAN KA NA NG ULO!”

 

Nagulat ako nung bigla na lang nadeflect ni Akane yung malaking sword na yun gamit yung dalawang swords niya habang si Hiro naman ay sinipa ni Ken sa binti para ma-out of balance siya at mapahiga sa lupa. Then my arrow struck the Shinigami’s arm.

 

“The fu—”

“I just saved you, dude. So shut the hell up. At mukhang natauhan na si Akane,” sabay tayo ni Ken para tulungan si Akane na nilayo yung Shinigami sa kanila pero bigla na lang lumitaw si Ichiro sa harapan nilang dalawa.

 

“Sleep, stupid guys,” He reached out for them and he gave them an evil grin. Hindi ko rin siya nakita na papalapit kanina dahil nakatingin lang ako doon sa isang Shinigami pero sinubukan ko pa ring tumira ng isang arrow papunta sa kanya.

 

“No. You will.” Napatingin naman ako bigla sa likuran ko at bigla na lang tinira ni Reiji yung slingshot niya pero napansin siya ni Ichiro. Ngumiti na naman siya at parang wala lang na umiwas siya doon sa bullet ni Reiji. What the?! How can he see that fast-moving bullet?!

 

“Sorry, but I wont,” sabay tingin niya pa kay Reiji na parang nang-aasar. Pero mas nagulat ako nung ngumiti rin si Reiji sa kanya.

“Fool,” sabi ni Reiji. Saka ko napansin yung pagtingin niya sa likuran ni Ichiro.

 

Nasa likuran ni Ichiro si Riye at bigla na lang niyang sinaksak si Ichiro sa may gilid ng leeg at tumumba siya sa may lupa. Natulala na lang ako sa ginawa ni Riye. She…she killed him?

 

“Hindi pa siya patay,” napatingin naman ako kay Reiji dahil mukhang nabasa niya yung expression ko.

“H-huh? Pero...” tapos tumingin ulit ako kay Ichiro na nakabulagta sa lupa.

“She hit his critical nerve point,” tapos tinuro niya yung sarili niyang leeg. “The carotid artery and the tissues surrounding it. It can cause unconsciousness.”

 

Napanganga na lang ako nung marinig ko yun. Tinignan ko rin yung part na sinaksak ni Riye at napansin kong parang malaking needle yung ginamit niya. Yun yung parang nakikita ko na gamit ng mga doctor sa movies kapag nag-oopera. Napatingin ako kay Riye habang chinecheck niya yung katawan ni Ichiro. She’s amazing. Alam kong malaking tulong ang sixth sense niya pero it takes courage and intelligence para magawa niya ang bagay na yun. And she’s still young. Sobrang napabilib ako sa ginawa niya.

 

“AKANE!”

 

Nagulat naman kami sa ginawang pagsigaw ni Ken kaya napatingin kami sa direksyon na tinitignan niya at napasigaw rin ako sa nakita ko.

 

The Shinigami is holding her neck and lifting her up as if she’s just a doll. Bigla niyang tinaas yung sword niya at balak niyang gawin kay Akane yung ginawa niya kanina kay Hiro.

 

Lahat kami ay nag-aim doon sa Shinigami pero hindi namin magawang tumira dahil hawak-hawak niya si Akane, at baka gamitin niyang shield si Akane kung sakaling tumira man kami.

 

“Akane!”

 

Bigla na lang nagswing yung sword nung Shinigami at ngumiti siya sa amin kaya napasigaw na ako dahil wala man lang akong magawa para tulungan si Akane. She’s always helping me but I can’t help her. I want to save her. I want to save my friend!

 

Naramdaman kong kusa na lang tumakbo yung mga paa ko papunta sa kanila at umaagos na yung luha ko. Ayokong mawala sa amin si Akane. Hindi pwede!

 

“No! Akane! AKANE!”

“SHE”S DEAD!” sigaw nung Shinigami at ilang inches na lang ang lapit nung sword sa leeg ni Akane.

“STOP IT!”

 

Bigla na lang tumigil ang mundo ko. Napaluhod na lang ako sa lupa dahil parang tinakasan ako ng sarili kong lakas. Tuluy-tuloy rin yung pagbagsak ng luha ko dahil hindi ako makapaniwala sa nangyari.

 

“A-A...Akane...”

 

“AKANE!” Narinig ko yung boses ni Ken at nakita kong tumakbo siya papunta doon sa pinagbagsakan ni Akane.

 

 

 

 

“Sorry, we’re late.” Napatingin ako doon sa babaeng bigla na lang lumitaw at may mga kasama rin siya sa likuran niya. “We are the Huntres tribe and we’re here to help you.” Pagkasabi niya nun, tinaas niya yung kamay niya at bigla na lang nagsitakbuhan yung mga nasa likuran niya papunta sa iba’t ibang direksyon at lumapit siya sa akin.

 

“Don’t worry, she’s safe,” tapos tinulungan niya akong tumayo.

 

Napatingin ako sa direksyon nina Ken at Akane at nakita kong buhat-buhat na ni Ken si Akane papunta kina Hiro. After that, napatingin naman ako doon sa Shinigami na bigla na lang...naging yelo.

 

Hindi ko alam kung anong eksaktong nangyari pero bigla na lang may tumamang tatlong arrows sa braso niya at mula doon ay unti-unti siyang nabalot ng yelo. May tumama ulit na arrow sa kamay niya na frozen na kaya nadurog yun at nalaglag na lang si Akane mula sa pagkakahawak niya.

 

Nakahinga ako nang maluwag nung nakita kong kasama na nila si Akane at inaasikaso siya ni Riye. Tumingin ulit ako sa babae at ngumiti ako sa kanya.

 

“Thank you—”

 

Halos mabingi naman ako nung bigla niya akong sinampal. Napahawak ako sa pisngi ko at tumingin ako sa kanya. Ni hindi ko alam kung anong irereact ko dahil sa biglaan niyang ginawa yun.

 

‘If you really want to save your friend, then save her at all cost. Walang magagawa yang mga luha mo kung mamatay rin naman siya. Naiintindihan mo ba? And we’re in the middle of a war. You are not allowed to show your weakness even for a second because that will be the cause of your death. So wipe your tears and fight like a warrior,’ at bigla na lang siyang umalis.

 

“Nee-san! Are you okay? Bakit ka niya sinampal?” Napatingin naman ako kay Riye at kitang-kita sa mukha niya yung pag-aalala kaya tiniis ko na lang yung sakit ng pagkakasampal nung babae.

“I’m...I’m okay. Ginawa niya lang yun para gisingin ako,” tapos ngumiti ako sa kanya. “Kamusta pala si Akane?”

“She’s fine. Nawalan lang siya ng malay,” tapos tumakbo kami papunta kina Akane.

 

Pero habang tumatakbo ako ay iniisip ko yung sinabi ng babae sa akin. Maybe she’s right. I must fight like a real warrior. That way, I can save my friends. Kahit masakit yung sampal niya, alam kong nakatulong naman yun para magising ako sa katotohanan. I can still feel her cold blue eyes staring at me while she’s telling those words inside my head.

 

Hindi ko man siya kilala, nagpapasalamat ako sa kanya. I will fight with all my life to protect my loved ones.