.

.

Chapter 53

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

“This way! This way!”

 

Napatingin ako sa paligid at napaarami na ang sugatan at yung iba ay...wala ng buhay. Dumating na rin yung Huntres at Custos tribes. Tinulungan nila yung ibang estudyante na pigilan yung mga Shinigami. Habang nakikipaglaban sila ay hindi ko maiwasang maamaze sa combat strength nila.

 

Yung mga tiga-Huntres tribe ay kakaiba. I mean, parang hindi ordinaryong sixth sense users sila. It’s like...they’re using the elements of the Earth as their power. Bigla na lang kasing may lumalabas na tubig, apoy at kung anu-ano pa sa weapons nila at yung iba, from their own bodies.

 

Yung Custos tribe naman, nakakamangha rin dahil ang graceful nilang tignan. Parang nababasa nila yung movements ng kalaban at ginagamit nila yun to counterattack. Tapos ang classy pa nila dahil lahat sila ay naka-suit at parang hindi man lang sila nadudumihan.

 

“They are strong,” sabi ni Reiji na kasabay kong tumatakbo.

“Hindi ko akalain na ganito pala yung dalawang tribes. Akala ko, halos kaparehas lang rin natin sila ng abilities.”

“Nope, nee-san,” sabi naman ni Riye. “Kaya nahati sa four tribes yung mga katulad natin ay dahil na rin sa iba’t ibang abilities natin. The Huntres tribe uses attributes while the Custos tribe uses another type of sensing ability.”

 

Masyado kasi akong nag-focus sa pag-aaral ng history ng Senshins kaya hindi ko na masyadong nabigyan ng pansin yung pag-aaral sa ibang tribes. Pero gumaan yung loob ko ngayon dahil alam kong may mga malalakas kaming allies.

 

“I’m sorry!” napatangin naman kami sa likuran namin at nakita namin na umiiyak si Akane habang kasabay niyang tumatakbo si Hiro at Ken.

“You’re really insane! Kamuntikan ka nang mamatay kanina kaya wag mo nang uulitin yun! Don’t freaking engage in a battle without thinking!”

“Oo na! Oo na! It’s my fault, okay? I just...”

“Your Mom would not want her daughter to be dead, so be careful.”

“Pati ba naman ikaw Hiro? Sorry na nga eh! Huwaaa Akemi, Riye, Reiji!” Nagulat naman ako nung bigla siyang tumakbo nang mabilis papunta sa amin.

“E-eh? Wh—whoa!”

 

Bigla niya na lang kaming dinamba kaya muntik na kaming masubsob. Pero masaya ako na okay lang si Akane at mukhang bumalik na siya sa dati niyang personality. I prefer this Akane over that serious Akane na puro revenge ang nasa utak.

 

“We’re going to the forest, right?” tanong ni Reiji at nagnod naman ako. Nag-aalinlangan pa rin ako sa desisyon ko na pumunta sa gubat para makita si Mama dahil alam kong susunod silang lima sa akin. Kapag may nangyaring masama sa kanila dahil sa selfishness ko, hindi ko mapapatawad ang sarili—

 

‘If you really want to save your friend, then save her at all cost. Walang magagawa yang mga luha mo kung mamatay rin naman siya. Naiintindihan mo ba? And we’re in the middle of a war. You are not allowed to show your weakness even for a second because that will be the cause of your death. So wipe your tears and fight like a warrior,’

 

Bigla akong natauhan nung naalala ko yung sinabi nung isang huntress sa akin kanina. Bakit ko ba iniisip na may masamang mangyayari sa kanila? It’s their choice na samahan ako dahil tinuring nila akong pamilya. Kung may masama mang mangyayari, gagawin ko lahat para matulungan ko sila. I won’t let them die.

 

‘And we won’t let you die, too.’

 

Napangiti naman ako doon. I am really happy that I have them as my friends. As my family.

 

“May naririnig akong pagsigaw!” sabi ni Akane kaya napatingin agad ako sa harapan namin.

“I can see twelve Shinigamis approaching us!” sigaw ko sa kanilang lima.

 

Patuloy lang kaming tumakbo habang sinasummon yung weapons namin. I summoned my bow and arrows at tinira ko yun sa direksyon ng mga Shinigami. Ganun rin ang ginawa nilang lima and in no time, napabagsak namin yung twelve. Mukhang mga ordinaryong Shinigami lang sila at hindi sila kasinglakas nung mga na-encounter naming ibang Shinigami kanina. Sa pagkakaalala ko, may hierarchy ang mga Shinigami at nasa pinakataas si Rin. Si Sarah at Darwin naman ay nasa mataas ring posisyon, pati na rin sina Raiden, Kyuuya, Ma’am Ramos, Ichiro at yung isa pang kasama niya, kung pagbabasehan ang lakas nila.

 

“Teka, di ba si Mrs. Sera yun?!” bigla namang tinuro ni Ken si Mrs. Sera na nasa right side namin at may limang Shinigami ang nakapalibot sa kanya.

 

Tumakbo agad kami sa direksyon niya para tulungan siya dahil mukhang wala na siyang stamina. Dahil na rin siguro medyo matanda na siya. Pero napatigil rin agad kami dahil biglang dumilim yung paligid niya. After ilang seconds, lumiwanag ulit at nakahandusay na sa lupa yung limang Shinigami. Whoa!

 

“That was an awesome attack!” sabi ni Akane.

“Teka anong ginawa ni Mrs. Sera?” tanong ko sa kanya.

“Bigla niyang sinabi yung darkness, tapos biglang dumilim sa paligid niya. Siguro during that time, sinugod niya yung limang Shinigami.”

 

Alam kong nakakagawa ng kahit ano si Mrs. Sera sa pamamagitan ng speech. Naalala ko dati na may mga lumabas na figures sa bibig niya nung kinukwento niya sa amin yung history ng Senshins pero hindi ko akalain na ganitong extent pala yung sixth sense niya.

 

“Guuuh!” Napatingin naman agad kami kay Mrs. Sera at bigla na lang siyang bumagsak kaya tumakbo kami papunta sa kanya.

 

“Ma’am! Anong nangyari? Okay lang ba kayo?” tanong agad ni Ken habang inaalalayang tumayo si Mrs. Sera.

“O...oo. It’s just that...puro physical na bagay lang ang kaya kong isummon through speech. Pero pagdating sa abstract and intangible ideas, nauubos ang stamina ko.”

 

Kaya pala bigla na lang siyang bumagsak. Pero sobrang nakakabilib pa rin na nasummon niya yung darkness kahit panandalian lang at sa limited space lang.

 

“Mrs. Sera, look out!” Naging alerto naman kami bigla nung sumigaw si Riye.

 

Bigla niyang tinaas yung bow and arrow niya at humarang siya kay Mrs. Sera. The next thing I knew, bigla na lang may lumipad na maraming needles papunta sa direksyon namin.

 

“Shit!” Binuhat ni Ken si Mrs. Sera at lumayo sa diresyon ng needles habang kami nina Riye at Akane ay sinubukang i-deflect yung mga needles na lumilipad sa direksyon namin. Si Hiro at Reiji naman ay tumakbo doon sa direksyon kung saan nanggagaling yung needles habang iniiwasan nila ang mga yun. Pero bago pa sila makapunta doon ay nakita ko na kung kanino galing ang mga ‘to.

 

She’s 600 meters away from us but I can see her clearly.

 

“Reiji! Hiro! Bumalik kayo rito! Si Sarah Angeles!”

 

Natauhan naman agad silang dalawa at tumakbo pabalik dito. Kasabay nun ay tumigil rin yung paglipad ng needles sa direksyon namin. Halos mamanhid yung kaliwang paa ko dahil may dumaplis na limang needle doon. Nakita ko namang may mga galos rin si Akane at Riye galing doon sa needles.

 

Pagtingin ko doon sa direksyon ni Sarah Angeles, unti-unti na siyang lumalapit sa amin. Alam kong malalakas na yung mga naencounter naming Shinigamis kanina, but she’s entirely on a different level. Ni hindi pa nga namin alam kung gaano siya kalakas.

 

Bigla namang nag-iba yung itsura ni Hiro at bigla niyang tinutok yung baril niya sa amin habang tumatakbo sila pabalik dito.

 

“DUCK!”

 

Dahil sa sobrang lakas ng pagkakasabi niya ay napaupo kaming tatlo at napatingin sa likuran. Halos hindi naman ako makagalaw dahil sa nakita ko. Alam kong ineexpect ko na ‘to pero iba pa rin talaga sa pakiramdam na makita ko siya.

 

“That’s not a nice way to say hello,” sabi ni Darwin habang pinansangga niya sa bala na galing kay Hiro yung black cape niya. Ni hindi man lang lumusot doon sa tela yung mga yun at nalaglag na lang sa lupa.

 

“D-Darwin.” Tumingin lang siya sa akin pero hindi ko mabasa yung expression niya. Hinatak ako ni Akane at Riye palayo sa kanya at pumunta kami kina Hiro at Reiji.

 

“Seiji, hindi ko kailangan ng tulong mo.” Napatingin naman ako sa harapan at nakita kong nandito na rin si Sarah. Oh God. We’re cornered.

 

“I’m not helping you. I have my own reason for coming here.”

 

“And we have the same reason. Isn’t it?” Bigla siyang ngumiti at sumugod sa amin kaya sinummon ko kaagad yung spear ko at pinigilan siya. Tinulungan rin ako ni Akane at Riye habang alam kong pinipigilan naman ni Hiro at Reiji si Darwin.

 

“Oh. You guys improved,” tapos bigla na lang siyang naglabas ng tatlong needles at sinugod si Riye.

“Ahhh!” Bigla niya na lang tinusok sa braso ni Riye yung tatlong needles at bumagsak si Riye.

“Riye!”

“Those needles are special. They contain a unique type of poison that will kill you in five minutes,” sabay ngiti niya sa akin.

 

Nung narinig ko yun, nagpantig agad yung tenga ko. Nakita ko sa peripheral view ko na pinuntahan ni Akane si Riye kaya humarang ako agad sa kanila para hindi sila masugod ni Sarah. Gusto ko ring pumunta kay Riye para tulungan siya pero kapag ginawa ko yun, mas lalo lang kaming magiging open for attacks.

 

‘If you really want to save your friend, then save her at all cost. Walang magagawa yang mga luha mo kung mamatay rin naman siya.’

 

The only way to save her is to stop Sarah from attacking them. Alam kong...makakaligtas si Riye.

 

“I like the look on your face.”

 

Naglabas ulit siya ng needles kaya naging alerto ako. Kapag natamaan ako ng needles, I’m dead. Mukhang may poison rin ang mga yun.

 

Bigla siyang sumugod kaya ginamit ko yung spear ko para ideflect yung pagsaksak niya ng needle sa akin. Patuloy lang siya sa pagsugod habang patuloy naman ako sa pagdefend sa sarili ko. Sobrang bilis ng paggalaw niya at ilang beses na akong muntik masaksak sa braso. Nawawala rin paminsan yung balanse ko dahil sa mga galos sa binti ko mula sa pag-atake niya ng needles kanina.

 

“Are you really her daughter? You’re weak!”

 

I was caught off-guard after she said that. Natumba ako at bumilis yung tibok ng puso ko habang nakangiti siya sa akin. She...she know my mother? Si Mama ba ang tinutukoy niya? Or my...real mother?

 

“Die!”

 

Natauhan naman agad ako kaya gumulong ako para makaiwas sa kanya at tumayo ako kaagad pero halos hingalin ako dahil sa sobrang pagod.

 

Muntik na ako dun. Akala ko katapusan ko na.

 

Nagulat naman ako nung biglang may bumagsak sa pagitan namin at sa sobrang lakas ng impact ay napuno ng usok yung paligid namin. Ano yun?!

 

“Geez! Damn that Hideo! Ginatungan pa ni Naomi! Kainis!” Natulala na lang ako nung nakita ko si Ms. Michiko na nasa harapan ko. Ibig sabihin...siya yung bumagsak kanina? What the?! Saan siya nanggaling?!

 

“Are you okay, Akemi?” sabay tingin niya sa akin.

“M....mmm.” Hindi pa rin ako makapaniwala na bumagsak si Ms. Michiko dito. At nabanggit niya rin si Mama at Mr. Hideo. Ibig sabihin ba, galing siya sa gubat?

“Michiko, one of the Great Seven.” Napatingin naman ako kay Sarah at nakangiti siya kay Ms. Michiko.

“Ohh. Kilala mo pala ako. I must be famous. Hahaha! But sorry, I don’t accept Shinigamis as my fans!” at bigla na lang siyang sumugod kay Sarah Angeles.