.

.

Chapter 54

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Natulala na lang ako sa intensity ng paglalaban ni Ms. Michiko at Sarah.
Ni hindi masundan ng mata ko yung mga nangyayari, tulad nung unang beses kong makita na naglaban si Mama at si Rin.

 

“Ugh!” Agad naman akong napalingon sa likuran ko at nakita ko si Riye at Akane kaya tumakbo ako papunta sa kanila.

“Riye! Kailangan natin ng medical help,” sabi ko at saka tumayo pero bigla akong hinatak ni Riye sa braso.

“N-nee-san, no...need.” Napatingin lang ako sa kanya habang pinipilit niyang umupo.

“Riye...” kitang-kita naman sa mukha ni Akane ang pag-aalala. Inalalayan namin si Riye para makaupo siya nang maayos.

“I’ll…I’ll be fine.”

 

Bigla niya namang kinuha yung isang arrow niya at tinutok niya sa braso niya. Nagkatinginan pa kami ni Akane dahil kinakabahan kami sa iniisip ni Riye. Pero walang pasabi niyang tinusok yung arrow doon sa parte ng braso niya kung saan tumama yung needles ni Sarah.

 

“Riye!” Napasigaw kami ni Akane at inagaw namin yung arrow sa kanya.

“I’m...I’m removing the...the poison from my body,” sabi ni Riye sabay pisil niya doon sa sugat kaya umagos yung dugo. Dahil mas may alam si Riye sa amin tungkol sa medical stuff, inassist na lang namin siya and at the same time, kinakalaban rin namin yung mga Shinigami na nagtatangkang lumapit sa amin. After ilang minutes, pinunit ni Riye yung dulo ng damit niya at tinali niya sa sugat niya. Siguro most of the poison, sumama na sa dugong nawala kay Riye pero alam kong meron pa ring natira sa katawan niya. Kailangan niya pa rin ng immediate treatment.

 

Saka ko naman naalala...

 

“N-nasaan si Reiji at Hiro?”

“Hinabol nila si Darwin, err...Seiji. Whatever!” sabi ni Akane at bigla akong kinabahan. Napatayo ako bigla at iniscan ko yung buong paligid. Nakita ko mula sa malayo si Ken na kasama si Mrs. Sera pati na rin sina Dra. Yuuki kaya sinummon ko yung bow and arrows ko. Alam kong pagod na si Akane ngayon kaya hindi niya kayang iextend yung whip niya hanggang sa place nina Ken. Pinunit ko yung laylayan ng damit ko at ginamit ko yung dugo sa sugat ko para isulat yung message ko para sa kanila.

 

‘Papunta dyan sina Akane at Riye. Sugatan si Riye. Help them to get over there safely.’

 

Tinusok ko sa dulo ng arrow yung piece of cloth at in-aim ko sa punong katabi ni Ken. Nirelease ko yun at napangiti ako dahil gulat na gulat yung reasyon ni Ken nung biglang may pana na halos katabi na ng ulo niya.

 

“Susunod ako sa’yo kapag nahatid ko na doon si Riye,” sabi sa akin ni Akane habang inaalalayan niya si Riye.

“Mmm,” sabay tango ko. Tinignan ko ulit si Ken mula doon sa pwesto nila at tumatakbo na siya papunta rito.

 

Tinignan ko ulit ang paligid at hinanap ko kung nasaan si Hiro at Reiji. Nasaan na kaya sila? Ayos lang kaya sila? Si Darwin kaya?

 

Bigla namang may nahagip na anino yung mata ko malapit sa gubat kaya finocus ko ang paningin ko doon. Pagtingin ko...naglalaban si Hiro at Darwin. Nasaan na si Reiji?!

 

Tumakbo ako papunta doon dahil nag-aalala ako sa kanila pero napahinto rin agad ako. Gusto kong tulungan si Hiro pero hindi ko alam kung kaya ko bang saktan si Darwin. He’s still...my friend. He’s special to me kahit na minsan lang naman kami mag-usap at kahit na Shinigami siya.

 

Nakatingin lang ako sa kanila mula sa malayo. Pero bigla akong napaatras nung sabay silang tumingin sa direksyon ko. Alam kong hindi naman nila ako nakikita talaga pero pakiramdam ko, dito sila nakatingin. Tumigil sila sa paglalaban at parang nag-uusap sila. Teka, anong nangyayari?

 

Tumakbo ako papunta sa kanila. Kung kasama ko lang si Akane ngayon, maririnig niya kung anong pinag-uusapan nila. Pero bakit sila nag-uusap? Binilisan ko yung pagtakbo ko pero napahinto ako nung may pumalibot sa aking tatlong Shinigami.

 

Agad kong sinummon yung spear ko at kinalaban ko sila. Mukhang mga ordinaryong Shinigami lang sila, unlike doon sa mga nakaencounter namin kanina. Inikot ko yung spear ko sa paligid ko para hindi sila makalapit sa akin at saka sinummon yung baril ko. Binaril ko sa binti yung nasa harapan ko kaya na-out of balance siya. Naramdaman ko namang sumugod yung dalawa sa likuran ko kaya yumuko ako at hinampas ko sa binti nila yung metal part ng spear ko. Bago pa sila makatayo ay binaril ko yung binti nila. After that ay tumakbo na ako papunta doon sa gubat pero pagtingin ko ay wala na si Hiro at Darwin doon sa place na yun. Nasaan na sila?!

 

‘Rainie, why are you here?! Stay away from the forest!’

 

Nabigla ako nung narinig ko yung boses ni Mama sa isip ko. Hindi na ako nagulat na nakakausap niya ako kahit nakasarado yung isip ko, pero...nakita niya ako? Pero 300 meters away pa ako sa gubat. How can she talk to me through our minds ng ganun kalayo? Kapag sa amin sa Atama, hindi ko na sila makausap kapag lumagpas na ng 50 meters. A-amazing.

 

Pero hindi ito ang time para maamaze ako kay Mama! Bakit kailangan kong lumayo sa gubat? Dahil ba nandun si Rin? Hindi ko magawang kausapin si Mama gamit ang inner voice dahil hindi ko alam kung nasaan siya at hindi ko kayang kumausap ng sobrang layo.

 

‘Please Rainie! Lumayo ka rito! Kukunin ka ni Rin sa amin!’

 

Doon na ako napatigil sa pagtakbo. Kukunin na naman ako ni Rin? Ano ba kasing kailangan niya sa akin?! May kutob na ako pero ayaw kong maniwala. Ayokong tanggapin. Nung sinabi ni Mama na hindi niya ako totoong anak at nung nalaman ko na may dugong Shinigami ako, isa lang ang tumakbo sa isip ko. She’s so desparate in getting me. Ayokong maniwala pero...

 

 

Dahil ba siya ang totoong nanay ko?

 

 

No. Ayoko. Ayokong mangyari yun. Si Mama lang ang kinilala kong nanay ko simula nung bata ako. At hindi magbabago yun kahit na malaman ko pa kung sino ang totoong parents ko. Mas gugustuhin ko pang mahirapan o mamatay na lang kaysa sumama sa kanya.

 

‘Rainie!’

 

Tumakbo ako papunta sa gubat. Sorry, Mama. I want to help you. I want to see you. I want to be with you. Kahit na hindi ikaw ang totoo kong nanay, ikaw pa rin ang kinilala kong nanay at ikaw lang ang kikilalanin ko.

 

‘No, Rainie! Please! Hindi mo naiintindihan! I also want to be with you but this is not the right time!’

 

Malapit na ako sa gubat at pinipilit pa rin ako ni Mama na lumayo. Hindi na lang ako nakinig sa kanya. Bakit ako? Bakit lagi na lang ako? Lagi na lang nila akong pinoprotektahan. Alam kong malaking factor ako sa war na ‘to. Dahil sa akin...Dahil sa akin, maraming sugatan ngayon at maraming nawalan ng buhay. I don’t want to be protected anymore. This time, I want to protect them. I want to protect the people I love.

 

“Stop, Rainie.”

 

Halos mapasigaw naman ako sa gulat at takot nung biglang lumitaw sa harapan ko si Darwin. Automatic ko tuloy na natutok sa kanya yung baril ko. Ngumiti naman siya sa akin kahit na alam kong malungkot yung expression ng mukha niya.

 

“Are you going to kill me?” tanong niya sa akin kaya nagpanic agad ako at binaba ko yung baril ko.

“N-no! I mean...ano...it’s just...na-nagulat lang ako.” How can I kill you?

“Come with me,” biglang sabi niya kaya nanlaki ang mata ko. Hinawakan niya ako sa braso at naramdaman ko na naman ang burning sensation na yun.

 

Mukhang mahina na nga ang dimensional barrier dito dahil nasa Black Dimension na kami ngayon ni Darwin. Pero hindi pa rin ako masyadong sanay sa sensation na yun. Sobrang weird sa pakiramdam. Naging aware naman ako bigla sa sitwasyon namin kaya lumayo ako agad.

 

“B-bakit tayo nandito? Dadalhin mo na naman ba ako sa base niyo? Kung yun ang gagawin mo, hindi ako sasama sa’yo. I will do anything para lang hindi mo ako madala doon,” sabay summon ko ng bow and arrows ko kahit na nanginginig na yung kamay ko.

 

Nakita ko naman na seryoso yung expression niya kaya lalo akong kinabahan.

 

“Listen, Rainie. Hinding-hindi na kita ibabalik doon.” Nagulat naman ako sa sinabi niya. Teka, nagsasabi ba siya ng totoo? O tinitrick niya lang ako para ma-caught off guard ako?

 

“Rin wants to get you but I won’t let her,” sabay titig niya sa mga mata ko. I can feel the intensity in his eyes. Pero bakit niya sinasabi ‘to?

“A-anong pinagsasabi mo, Darwin? You’re a Shini—”

“Please think of me as Darwin, your classmate, rather then Seiji, the Shinigami. Alam kong naguguluhan ka pero kailangan mong lumayo sa kanya.”

 

Napatingin na lang ako sa kanya dahil mas lalo akong naguluhan sa sinasabi niya. Why? Why would he do that? He’s a Shinigami like Rin. Kapag nalaman nilang hindi niya sinunod ang utos ni Rin, he’ll be...

 

“I’ll be a traitor.”

“Bakit?! Bakit mo ginagawa ‘to—” Nabigla ako nung nasa harapan ko na siya at bigla niyang hinawakan yung magkabilang balikat ko.

“Nung una, wala akong ginawa at hinayaan ko lang siyang kumilos para dalhin ka sa base dahil akala ko ay gusto ka lang niyang makuha kasi katulad ka rin namin. Pero nung nalaman ko kung anong plano niya...” bigla siyang napahinto at parang may iniimagine siyang kung ano.

 

Napaisip rin ako sa sinabi niya. Ibig sabihin, si Rin nga ang may kagagawan ng pagdukot sa akin. Pero bakit? Dahil ba...

 

“Darwin,” tumingin naman agad siya sa akin. “Siya ba ang nanay ko?”

 

Nakatitig lang siya sa akin at ganun rin ako sa kanya. Hindi ko alam kung iniisip niya ba kung sasabihin niya ang totoo o magsisinungaling siya. Pero gusto kong malaman...kahit na ayokong tanggapin yun.

 

“Hindi ako ang makakapagsabi niyan. Hindi ko rin alam kung pano sabihin sa’yo pero isa lang ang alam ko,” lalong naging intense yung mga mata niya kaya lalo rin akong kinabahan.

 

“Your mother is a Shinigami, but your father, is not.”