.

.

Chapter 55

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Your mother is a Shinigami, but your father, is not.
Inexpect ko na na Shinigami ang nanay ko pero hindi sumagi sa isip ko yung identity ng tatay ko. Simula nung bata ako, wala na akong kinilalang tatay. Hindi ko rin naman tinatanong si Mama dahil alam kong ayaw niyang pag-usapan ang topic na yun. Ang sabi ni Mama, patay na raw si Papa dahil sa isang aksidente. Pinaniwalaan ko rin yun. Pero ngayong marami nang nangyayari at marami na rin akong nalaman, hindi ko na alam kung ano ang totoo sa hindi.

 

Tapos ngayon, si Darwin, sinasabihan akong lumayo kay Rin at hindi niya raw hahayaan na makuha ako ni Rin. Hindi ko alam kung anong nangyari sa pagitan nila ni Rin pero mukhang alam niya ang plano ni Rin. At dahil sa akin, baka mapahamak si Darwin sa gagawin niya.

 

“Bakit? Bakit mo ‘to ginagawa? Mapapahamak ka lang,” sabi ko habang nakayuko. Naramdaman ko naman yung pagbuntung-hininga ni Darwin.

“Hindi ko rin alam. Shinigami ako pero hindi ko gusto yung principles nila. Siguro dahil hindi ako lumaki kasama ang mga Shinigami.”

“Shinigami rin ang parents mo ‘di ba? Hindi ba sila—”

“Wala na tayong oras para pag-usapan ang bagay na yan,” tapos bigla niya akong hinatak. “Kailangan mo nang umalis dito.” Pagkasabi niya nun, naramdaman ko ulit yung burning sensation kaya napapikit na lang ako. Pagdilat ko, nandito na ulit kami sa campus, kung saan kami huling nakatayo.

 

“Lumayo ka na—”

“No.” Tumingin si Darwin sa akin at nakakunot yung noo niya. Alam kong nag-aalala siya, at ganun rin si Mama kaya gusto nila akong lumayo kay Rin. Ako na naman yung pinoprotektahan.

“Rainie, makinig ka—”

“Darwin, makinig ka rin! I don’t want to run away. Ayoko. Nandito yung mga taong mahalaga sa akin. Nandito yung mga taong gusto kong protektahan. Wala na akong pakialam kung anumang balak sa akin ni Rin. Gusto ko magstay dito. Gusto kong lumaban.” Pagkatapos kong sabihin yun ay nagtitigan lang kami. Malamang ay binabasa niya yung iniisip ko. Gusto kong malaman niya na wala akong balak na tumakas o lumayo kahit ano pang sabihin nila sa akin. Nakapagdecide na ako.

 

“We’ll protect her.”

 

Nagulat ako nung may narinig akong nagsalita sa may likuran ko kaya tinignan ko kaagad sila. Nakita ko sina Hiro, Akane, Ken, Reiji at Riye. Mukhang stable na ang lagay ni Riye pero nakaalalay pa rin sa kanya si Reiji. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon.

 

“Nasabi na sa amin ni Hiro kung anong plano ni Rin,” sabi ni Akane habang nakatingin kay Darwin. Teka, alam ni Hiro ang plano ni Rin? “Shinigami ka kaya hindi kita paniniwalaan. I hate your tribe. You kill people without any hesitation and guilt.” Kitang-kita ko sa mata ni Akane yung galit at alam ko kung bakit siya ganyan. Her mother was murdered by them. Hindi ko siya masisisi kung malalim ang galit niya sa mga Shinigami.

“I know. I don’t like meddling with Senshins, too.” Bigla namang tumalikod si Darwin. “Rainie, kung yan ang desisyon mo, hindi kita pipigilan,” at saka siya naglakad palayo.

“But I think you’re an exception,” biglang sabi ni Akane kaya napahinto si Darwin. “Hindi ko akalain na may Shinigami na nagpapahalaga kay Akemi. Thank you. Malaking bagay para sa amin na sinabi mo ang plano ni Rin. And...I don’t hate you.”

 

Hindi humarap si Darwin sa amin pero tumango siya at nagsimula ulit maglakad palayo sa amin. That’s right, Darwin. Hindi mo kailangang isakripisyo ang sarili mo para sa akin. Ayokong mapahamak ka. Mas mabuti na sigurong hayaan mo na lang akong lumaban. That way, hindi ka mapapahamak at hindi ka magiging traitor sa tribe mo.

 

‘Thank you, Rainie. Alam kong ayaw mong may mangyaring masama sa akin, pero gagawin ko pa rin yun. I’ll also protect you.’

 

Narinig ko yung boses ni Darwin sa isip ko. Magsasalita na rin sana ako pero bigla na lang siyang nawala.

 

“Nee-san...” Napatingin ulit ako sa kanilang lima at ngumiti na lang. Pero nawala yung ngiti ko nung may naramdaman akong something sa likuran nila. Sinummon ko kaagad yung bow ang arrows ko. This feeling...

 

“Umalis kayo dyan!” sigaw ko sa kanila at nirelease ko yung tatlong arrows sa direskyon nila. Tumama yun sa katawan ng tatlong Shinigami na bigla na lang lumitaw sa likuran nila.

 

I knew it. Yung pag-open sa Black Dimension. Yun yung naramdaman ko kanina. Ibig sabihin, sa area na ‘to ay malaya nang nagagamit ng mga Shinigami ang Black Dimension. Dagdag pa na sobrang hina na ng Dimension barrier dito.

 

May lumitaw pang apat sa paligid namin kaya pinosition ko ulit yung bow ko at tinira ko sila pero hindi ko sila mapuruhan dahil bigla na lang silang nawawala. Mukhang alam na rin nina Hiro ang nangyayari kaya naging alert rin sila sa mga Shinigami.

 

“These bastards! Ang hirap nilang patumbahin!” sigaw ni Ken habang naghahagis ng bomba sa kanila. Kahit ordinaryong Shinigamis lang sila, mahirap talaga dahil may advantage sila. They can use the Black Dimension, habang kami ay naghihintay sa next move nila. Kung kaya lang rin naming makapasok dun...

 

No. I can. Because I have a Shinigami blood.

 

Pero kapag pumasok ako dun, macocorner nila ako, lalo na at di pa ako sanay doon. Kinikilabutan pa rin ako tuwing papasok ako sa lugar na yun.

 

Naramdaman ko na naman yung pag-open ng Black Dimension malapit sa akin kaya sinummon ko yung spear ko at saktong may lumitaw na Shinigami sa harapan ko kaya sumugod agad ako sa kanya. Pero may naramdaman rin ako sa likuran ko. God!

 

“I got your back.”

 

Pagtingin ko, nasa likuran ko na si Hiro. Mukhang nararamdaman niya rin yung pag-open at close ng Black Dimension kahit hindi naman siya nakakapasok doon.

 

Patuloy lang kaming anim sa paglaban sa Shinigamis na bigla na lang nawawala at lumilitaw and I’m starting to get irritated. Hindi namin sila mapuruhan habang kami ay napapagod lang para sa wala. Sana matamaan man lang sila ng arrows ko bago sila makapagtago ulit sa Black Dimension! Nakakaini—

 

Wait. What if...

 

Bigla naman akong nakaisip ng plano. Sana nga lang, gumana.

 

“Hiro, back me up,” sabi ko tapos sinummon ko ulit yung bow and arrows ko.

“Okay.”

 

Mukhang nabasa na niya yung plano ko. Hinanda ko naman yung sarili ko para sa posibleng mangyari. Niready ko yung bow and arrows ko. Maya-maya pa ay may lumitaw na naman sa harapan ko na dalawang Shinigami kaya agad kong nirelease yung dalawang arrows pero bago pa makarating sa kanya ay nawala na naman sila. Naramdaman ko yung pag-open ng Black Dimension sa kanan ko kaya alam kong may lalabas na naman dun pero pumosisyon doon si Hiro para hindi maalis ang focus ko. Nung mawala yung Shinigamis sa harapan ko ay inipon ko ang concentration ko para ma-open ang Black Dimension mula sa malayo. Mas malala ang burning sensation na nararamdaman ko ngayon at parang kinukuha yung lakas ko pero hindi ko pa rin tinigilan. Hanggang sa may mag-open na maliit na path kung saan nagtatravel yung arrows ko...and they went through.

 

Nanghina yung tuhod ko at feeling ko ay masusuka ako pero pinigilan ko ang sarili ko sa pagbagsak. After ilang seconds ay biglang lumitaw ulit yung dalawang Shinigami at nasa dibdib nila yung arrows ko,at bumagsak sila sa lupa.

 

I knew it. Hindi possible na makapagsummon ng weapons sa Black Dimension. Naexperience ko na yun dati sa base ng mga Shinigami nung tinry kong magsummon at halos masunog yung loob ng katawan ko. Pero kapag gumawa ka lang ng path para sa weapon, pwede. Though, sobrang weird sa feeling na i-open ang Black Dimension mula sa malayo. Parang nasusunog na umiikot-ikot yung loob ng katawan ko.

 

“Are you okay?” tanong ni Hiro nung nakita niyang malalim na yung paghinga ko.

“Y-Yeah. Nakakapagod lang i-open ang dimension na yun,” sabay ayos ko ng tayo.

 

Pagtingin ko sa paligid, napabagsak na rin nila yung ilang Shinigamis. Mukhang ginamit rin nila ang sixth sense nila para i-predict ang movements ng mga Shinigami. Nagtag-team sina Riye at Reiji para malaman kung saan lilitaw ang mga Shinigami. Kapag may lilitaw malapit sa kanila ay biglang lalayo o tatalon si Reiji ng sobrang bilis habang nasa likuran niya si Riye at during that moment, pinapana ni Riye yung Shinigami na hindi nasundan ang galaw ni Reiji sa critical area bago pa man siya makapagtago sa Black Dimension. Si Ken at Akane rin ay nagtulungan. Pinepredict ni Akane yung next movement ng mga Shinigami gamit ang sixth sense niya. Siguro kapag may naririnig siyang tunog na bigla na lang lumilitaw, doon siya sumusugod. Ganun rin si Ken. I think may nilagay siya sa capes ng mga Shinigami na inatake niya kanina kaya nalalaman niya yung location nila based on his sixth sense. Siguro special bombs na may distinct odor? Ewan ko. Pero ang importante ngayon, nasasanay na kami sa paggamit nila ng Black Dimension.

 

Nung halos wala nang sumusugod na Shinigamis ay tumakbo ulit kami papunta sa gubat. This time, mas aware kami na anytime ay pwedeng may sumugod sa amin sa kung saan kaya mas nagconcentrate kami sa paligid namin.

 

Halos 100 meters na lang ang layo namin sa gubat at yung ibang staffs sa iba’t ibang department ay nandito pala at nakikipaglaban. Pati yung ilang members ng Huntres at Custos tribes ay nandito rin. The Huntres tribe members are like warriors. As in parang warriors talaga sila lumaban kahit karamihan sa kanila ay babae. Samantalang yung Custos ay gentle yung pagkilos.

 

Nagfocus ulit ako sa pagtakbo namin kaysa panoorin yung mga naglalaban. Nandito na kami ngayon sa bungad ng gubat at napahinto kaming anim.

 

“Na-naramdaman niyo ba yun?” tanong agad ni Ken. Walang sumagot sa aming lima pero alam kong naramdaman naming lahat yung sinasabi ni Ken.

 

It’s an eerie feeling. Parang may nagtutulak palayo sa akin sa gubat at sobrang kinikilabutan ako ngayon. That’s the same feeling na naramdaman ko nung tinignan ako ni Rin sa mga mata dati.

 

Bigla ko namang naramdaman yung pag-open ng Black Dimension sa gawing kanan kaya napatingin ako doon at nagready.

 

“This is great. Ikaw na mismo ang lumalapit sa kanya.”

 

Lalo akong kinabahan nung marinig ko ang boses na yun. Tumingin kaming anim  sa kanan namin at niready namin ang mga sarili namin. Lumabas si Sarah mula doon. Bigla akong kinabahan.

 

“Nasaan si Ms. Michiko?!”

“Hulaan mo,” sabay ngiti niya pa sa akin.

 

Dahil dun ay bigla kong naisip na baka kung ano nang nangyari kay Ms. Michiko. Anong ginawa niya sa kanya? Hindi kaya…

 

Biglang may nalalaglag na naman sa harapan namin kaya napaatras kami. Sobrang lakas ng impact to the point na umusok yung lupa kaya naging foggy yung area. Pero teka, nangyari na ‘to kanina. Ibig sabihin...

 

“You bitch! Sinong nagsabi sa’yong takasan mo ako?! You can’t escape me!” si Ms. Michiko!

“Tsk!”

 

Biglang sinugod ni Ms. Michiko si Sarah habang hawak-hawak niya ang dalawang baril at dalawang swords. At hindi ko alam kung naghahallucinate ba ako o ano, pero nagsummon siya ng iba pang weapons at parang sumasayaw sa paligid niya ang mga yun. What the...

 

Ginamit namin ang moment na yun para makalayo kay Sarah at tumakbo kami papunta sa loob ng gubat. Lalong bumilis yung tibok ng puso ko dahil kakaiba yung nararamdaman ko dito. Mas naging creepy yung gubat ngayon.

 

May mga lumitaw ulit na Shinigamis kaya ginawa namin yung strategy namin kanina. Pero nawala ako sa concentration ko nung may nahagip ang mata ko.

 

About 200 meters away from us, nakita ko si Mama.