.

.

Chapter 56

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Mama. Si Mama yun!

 

“Akemi!”

 

Hindi na ako nakapag-isip nang matino at nagsimula akong tumakbo papunta sa direksyon ni Mama. Naririnig ko yung pagsunod sa akin nina Akane pero hindi ko sila malingon dahil kay Mama lang nakapako ang tingin ko. Pero nagulat ako nung may dalawang shinigami na lumitaw sa magkabilang gilid ko.

 

I immediately summoned my spear at pinaikot ko yun sa paligid ko, causing them to stumble. Then sinummon ko naman yung baril ko at agad ko silang pinatamaan. Tinuloy ko lang yung pagtakbo pero ilang Shinigami rin ang pumipigil sa akin. Pero hindi ko sila hinayaan.

 

Siguro dahil na rin sa gustung-gusto ko talagang makita si Mama kaya parang automatic na yung reaksyon ng katawan ko na patumbahin lahat ng pumipigil sa akin. Maski ako nagulat sa ginawa ko. Now I can simultaneously summon my three weapons at ease.

 

Napahinto naman ako nung ilang metro na lang ang layo ko kay Mama. At halos hindi ako nakagalaw nung bigla na lang bumagsak sa harapan ko si Sir Hideo. Napaupo agad ako at inalalayan ko siya pero bigla na lang siyang umubo at dugo ang lumabas sa bibig niya.

 

“Bakit ka nandito? Naomi told you to stay away from here,” sabi ni Sir habang dahan-dahan siyang tumatayo. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin dahil hindi rin naman ako makapagsalita.

 

Napatingin ako kay Mama at nakatayo lang siya doon sa pwesto niya pero parang nahihirapan siya dahil sa expression sa mukha niya. Anong nangyayari kay Mama?!

 

“Mama—!!”

“Wag kang lalapit dito, Rainie!” sigaw ni Mama sa akin habang hingal na hingal siya sa pagsabi nun. Kahit nasa likuran niya ako, alam niya pa rin na nandito ako.

 

Nakarinig naman ako ng pagtawa sa kung saan at sobrang kinilabutan ako doon. Ramdam na ramdam ko yung coldness ng pagtawa niya. At alam ko kung sino yun.

 

“Oh dear. This is great. Ikaw na mismo ang lumapit sa akin.” Then bigla na lang siyang lumitaw sa harap ni Mama pero hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya kay Mama.

 

It’s Rin.

 

Kahit nakita ko na siya dati, nagulat pa rin ako ngayon na makita ko siya sa malapitan. Suot niya kasi yung cape niya noon at natatakpan ang mukha niya at mata niya lang ang nakita ko dati. Pero ngayon, nakababa yung hood ng cape niya. Unlike sa dinescribe na itsura niya dati ni Sir Hideo, hindi mahaba ang buhok niya. Hanggang leeg lang ang buhok niya tapos sobrang fierce ng expression niya. And her eyes are giving me chills. Sobrang intense ng pagkagreen nila pero...parang magkaiba ng shade.

 

“Hindi siya sasama sa’yo, kahit anong mangyari!” sigaw ni Mama habang nakatayo pa rin siya doon, 15 meters away from Rin.

“Ang lakas rin ng loob mong magsalita ng ganyan kahit hindi ka na makagalaw,” sabi ni Rin sabay ngiti niya kay Mama. Sabi na nga ba, may kakaiba kay Mama. Pero bakit hindi siya makagalaw? Si Rin ba ang may gawa nun?

 

Napatingin naman ako bigla kay Sir Hideo dahil nakita kong nagsusummon siya. Pero nanlaki ang mata ko nung makita ko kung ano ang sinummon niya.

 

It’s a sword. A freaking huge sword. As in! Siguro dalawang tao ang haba nun at laki. Pero mas nagulat ako nung tumakbo siya papunta kay Rin habang buhat niya yung sword na yun.

 

Gaano siya kalakas para mabuhat yun?!

 

Pero hindi ko alam na may mas ikagugulat pa pala ako. Bigla na lang lumitaw si Sarah sa pagitan nina Sir Hideo at Rin tapos pinigilan niya yung malaking sword na hawak ni Sir...gamit ang isang needle. Hawak-hawak niya yung needle na dalawang palad siguro ang haba at yun ang ginamit niya para pigilan ang sword ni Sir Hideo.

 

Napanganga na lang ako sa nakita ko. They are on different level. Lahat sila.

 

“Damn it! Kanina mo pa ako tinatakbuhan! Hideo, wag kang gagalaw!”

 

And then out of nowhere, bigla na lang lumitaw si Ms. Michiko. Hindi ko alam kung galing ba siya sa taas ng puno o ano, dahil bigla na lang siyang bumagsak mula sa taas at naglanding siya doon sa sword na hawak ni Sir Hideo. She’s standing on that sword. Then biglang lumayo si Sarah sa kanila at tumalon naman si Ms. Michiko pababa.

 

Bigla namang napatingin si Rin sa kanila at during that time, biglang nakagalaw si Mama at tumakbo siya papunta kina Sir Hideo at Michiko.

 

“Ugh! Her sixth sense is really a pain in the ass,” sabi ni Mama sa kanila tapos bigla siyang nagsummon. The next thing I new, may dalawang pamaypay na siyang hawak. And I remember one of them clearly. Yun yung paboritong pamaypay ni Mama.

 

“We need to be more careful,” sabi naman ni Sir Hideo.

 

“At mas lalong dumami ang audience natin,” dagdag ni Ms. Michiko.

 

Tsaka ko lang narealize yung sinabi niya nung napansin kong nasa tabi ko na pala sina Hiro at natulala rin sila sa nakita nila. Bigla ring may lumitaw na limang Shinigami sa likod nina Rin at Sarah at sa unang tingin pa lang, alam kong mapanganib sila. Hindi sila yung mga ordinaryong Shinigami na naencounter namin kanina.

 

Halos nagpapakiramdaman kaming lahat pero biglang nawala yun nung may lumitaw na naman na mga Shinigami. And they are not the normal ones.

 

“Ugh! That hurts!” sigaw nung isa.

 

Mukhang galing sila sa Black Dimension at may mga sugat at galos sila pero nakakagalaw pa rin sila nang maayos. Pero bakit sila nandito? Parang kanina lang ay naglalaban sila nina—

 

“Hoooh! You ugly monster! Sinong nagsabing takbuhan niyo kami ha?! Pinagod niyo kami kakatakbo!”

“Stop it, Reina.”

“Pero Hayate—”

“Please, Reina. Nandito na tayo, wag ka na magreklamo.”

“Pati ba naman ikaw, Hiroshi?!”

 

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano dahil gumagawa sila ng scene. Pero mas lalo pang tumaas yung tension dahil sa pagdating nila. Yes, yung dumating na tatlong Shinigami ay sina Ma’am Ramos at yung dalawang Shinigami na kasama niya. Tapos nandito na rin sina Ms. Reina, Sir Hayate at Sir Hiroshi.

 

Ngayon pa lang natatakot na ako sa pwedeng mangyari. Parang bigla na lang nagsama-sama lahat ng sobrang malalakas. Pero syempre, hindi kami kasama doon. Parang audience lang kaming anim dito na nakatingin lang sa kanila.

 

And then something caught us all off-guard.

 

Akala ko hindi ko na siya makikita. Pero bigla na lang lumitaw si Demi sa harapan ko at tumalon siya papunta sa akin. What the? Teka…don’t tell me galing siyang Black Dimension? Bakit ba naakapagtravel siya doon kahit pusa lang siya?

 

Saka ko napansin na nakatingin na pala sa akin sina Mama, Ms. Michiko at Sir Hideo…pati na rin si Rin. Tapos bigla na lang nagtinginan yung tatlo sa Great Seven at sobrang kinilabutan ako sa pagtitig ni Rin sa akin.

 

Siya ba talaga ang nanay ko? Ni hindi ko nga maisip na nanay ko siya eh. The way she looks at me...hindi naman ganyan tignan ng isang nanay ang anak niya, di ba?

 

“Meow.” Napatingin ulit ako kay Demi tapos nung nag-meow siya ay saka ko lang napansin na may kagat-kagat pala siya sa bibig niya at nalaglag yun sa braso ko nung nag-meow siya. Pagtingin ko...

 

Cards. May ilang pirasong cards siyang dala. Hindi ko alam pero ang laking epekto ng paglitaw ni Demi dito dahil nakaramdam ako ng uneasiness at mas lalong tumaas yung tension.

 

Pero nawala lahat ng tension na nagbubuild-up...nung biglang sumugod si Rin...

 

Papunta sa akin.