.

.

Chapter 57

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Napasummon ako bigla sa spear ko kahit hindi ko naman talaga alam ang gagawin ko. Ang alam ko lang, sobrang nagulat ako sa ginawa niya. Parang si Kamatayan ang sumusugod sa akin. Ganun ang pakiramdam ko.

 

Pero bigla na lang lumitaw sa harapan ko sina Ms. Michiko, Sir Hideo at Mama tapos hinatak ako nina Hiro at Akane palayo doon.

 

Hindi pa ako nakakarecover sa pagkashock ay bigla na namang may sumugod sa amin. And this time, yung limang Shinigami naman. Lalo pa kaming nahirapan dahil ginagamit rin nila yung Black Dimension.

 

Hindi ko naman maiwasang hindi mapatingin sa bandang gilid ko dahil nakikipaglaban si Mama at Sir Hideo kay Rin habang si Ms. Michiko naman ang kaharap ni Sarah. Halos blur na lang ang nakikita ko dahil sa bilis nilang kumilos. Ni hindi ko nga alam kung paano sila nakakapaglaban sa lagay na yun. Tapos saka ko napansin na nandun na rin pala si Demi kasama nila Mama at naiwan sa akin yung cards na dala-dala niya.

 

“You’re dead!” Nagulat ako nung biglang lumitaw sa harapan ko yung isang Shinigami habang nakatingin ako kina Mama. Pero nagawa kong iwasan yung sword niya at ginamit ko yung spear bilang panangga. Kaso bigla na lang yung naputol sa gitna.

 

Hindi ako makapaniwala doon. My spear survived all sword attacks before. Pero ngayon...wala na yun. At naramdaman ko yung bigat ng atake niya dahil namanhid yung kamay ko.

 

“Nee-san!” napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Riye na biglang nagrelease ng arrow papunta sa amin. Mukhang napansin rin yun ng Shinigami kaya agad siyang nagtago sa Black Dimension. Pero bago pa siya tuluyang makapagtago, pinilit kong buksan yung part kung saan siya pumasok para makapagtravel doon yung arrow.

 

Naghintay ako ng ilang segundo pero hindi pa rin siya lumalabas. Maybe he got hit.

 

Sinummon ko na lang yung bow and arrows ko at pinulot ko yung cards na nalaglag. Binulsa ko na lang muna yun at tumulong ako sa paglaban doon sa apat pa. Pero halos masubsob ako sa lupa nung biglang may tumama sa likuran ko. Pagtingin ko, si Sir Hiroshi pala.

 

“S-sir! Ayos lang ba kayo?” saka ko siya inalalayan.

“Damn. I lost my timing,” sabi ni Sir tapos tinanggal niya yung salamin niya na nabasag. Bigla naman siyang tumingin sa akin.

“Sir?” pero narealize ko na sa likuran ko pala siya nakatingin kaya napatingin rin ako dun. Pero wala naman akong nakikitang kahit ano. Bigla naman niyang hinawakan yung bandang itaas ng bridge ng ilong niya tapos napakunot yung noo niya.

“Tsk. Wala na nga pala akong salamin,” sabi ni Sir.

 

Bigla namang tinaas ni Sir Hiroshi yung nakakuyom niyang palad tapos nakatingin pa rin siya sa likuran ko. Then bigla siyang sumuntok…sa gilid ko. Akala ko ako yung susuntukin ni Sir pero pagtalikod ko, hindi pala siya sumuntok talaga. Tiniming niya lang yung pagsuntok niya sa pagsummon niya dahil ngayon ay nakaenclosed na sa kamao niya yung kutsilyo. Saka ko napansin na nakatusok yun sa parang black na nakalutang.

 

“I can see you, moron,” then biglang lumabas yung buong katawan ng Shinigami mula sa Black Dimension. After that ay tumakbo si Sir Hiroshi papunta kina Ms. Reina at Sir Hayate.

 

Yun na naman. Ang alam ko, ang nakakita lang through things ay si Sir Hayate. Pero hindi ko alam na kaya niya rin palang makakita through Black Dimension. Pero bakit pati si Sir Hiroshi? Anong nangyari? Bakit nagagamit niya yung sixth sense ni Sir Hayate?

 

Bigla namang lumitaw sa harapan ko si Ma’am Ramos kaya napaatras agad ako. Muntik na akong matamaan ng sword niya. Isusummon ko sana yung spear ko pero naalala kong wala na nga pala yun. Sumugod ulit si Ma’am Ramos pero napigilan siya ni Akane nung sanggain niya ng sword niya and pag-atake ni Ma’am. Bigla namang napalibutan si Ma’am Ramos ng parang pixels tapos pumulupot ang mga yun sa kanya kahit na hologram lang yun. Then biglang sinipa ng malakas ni Ms. Reina mula sa likuran si Ma’am Ramos at lumipad siya palayo sa amin. Tumakbo rin si Ms. Reina papunta sa kanya pero bago yun ay tumingin siya sa amin at naghagis siya ng kung ano sa paligid namin at saka niya pinuntahan si Ma’am Ramos. Napatingin naman kami doon sa hinagis niya, at pagtingin ko, parang mga pixels rin at nakalutang sila sa iba’t ibang places sa paligid namin. Nung tinignan kong mabuti, may parang timer rin doon. Yung isa ay five seconds na lang.

 

Bigla namang tinutok ni Hiro doon yung dalawa niyang baril at nung mag-zero na ay saktong may lumabas na Shinigami doon. Binaril ni Hiro yung Shinigami at nawala na yung pixels sa place na yun.

 

“She helped us,” sabi ni Hiro.

 

Saka ko narealize na yung pixels ay yung place kung saan lalabas yung mga Shinigami at yung timer ay kung kelan sila lalabas. Namangha ako doon pero mas lalong gumulo yung isip ko. I understand na yung timer ay dahil sa sixth sense ni Ms. Reina pero yung holograms ay kay Sir Hiroshi. Paano nila nagagawa yun? And to predict the Shinigami’s location, kailangan rin ng sixth sense ni Sir Hayate.

 

Naghalu-halo na ba ang sixth sense nila?

 

Bago pa ako mabaliw kakaisip ay in-aim ko na lang yung arrow ko doon sa isang part na may pixels at nakaabang rin doon si Akane habang hawak niya yung sword niya. Sina Ken, Reiji at Riye naman ang nakaabang sa isa pa. Then nung nag-zero na ay saka kami umatake.

 

Akala ko mahirap silang matalo dahil naintimidate talaga ako sa kanila nung lumabas sila pero mukhang nakaya naman namin. Though dahil na rin sa tulong ng teachers namin.

 

Lumapit naman sa akin si Akane at napabuntung-hininga siya.

 

“Unbelievable,” sabi niya tapos umiling-iling pa siya. Naging alerto pa rin kami sa paligid dahil baka may lumabas na naman na mga Shinigami.

“Ang alin? Yung ginawa ni Ms. Reina?”

“Yes. But, no, not that. Yung phenomenon na yun...yung nabasa ko sa isang libro,” tsaka ko naalala na binanggit na rin yun ni Akane kanina.

“Anong yun?” Bigla naman siyang tumingin sa akin at ngumiti.

 

 

“The Seventh Sense.”

 

 

Nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko at napatulala ako sa kanya. Seventh sense? Meron pang seventh sense?

 

“You mean...sina Ms. Reina...”

“Yeah. Akala ko dati, legend lang yun. Nabasa ko kasi sa isang libro na may mas malakas pang kakayahan ang Senshins, at yun ay ang Seventh Sense. Sabi doon, kapag may full coordination ang dalawa o higit pang Senshins, pwede nilang maattain ang Seventh Sense. They can share their sixth senses to each other and they can read each other’s movement. Nung nakita ko kanina sina Ms. Reina, yun agad ang pumasok sa isip ko. Hindi ko alam kung paano nila nagagawa yun dahil wala namang sinabi doon sa book. Sobrang rare lang daw kasi ng mga Senshins na nakakagawa nun. Pero hindi ko akalaing mawiwitness ko ang legendary skill na yun ngayon.”

 

Unti-unti namang naaabsorb ng utak ko yung sinabi ni Akane. Kaya pala nagagamit nila ang sixth sense ng isa’t isa. Hindi ko akalaing posible pala yun.

 

“They are really amazing,” dagdag pa niya.

 

Oo. Alam kong sobrang amazing nila. Kumbaga nasa ibang level sila sa amin, at lalong-lalo na ang members ng Great Seven. Sigurado akong kaya rin nilang gawin yun.

 

Napatingin ulit ako doon sa part nina Mama at Sir Hideo pero hindi ko talaga masundan ang mga galaw nila dahil sa sobrang bilis. Gusto kong tumulong pero alam kong magiging pabigat lang ako.

 

“Don’t even try to go near them,” napalingon naman ako dahil sa sinabing yun ni Hiro. Nasa likuran na pala namin silang apat. Nabasa na naman niya yung isip ko.

“A-alam ko...” alam kong magiging pabigat lang ako at baka makuha pa ako ni Rin. Napayuko na lang ako.

“That guy told me...” bigla naman akong napatingin sa kanya nung sinabi niya yun. That guy...ibig sabihin...

“Si Darwin?” tapos tumango siya.

“He told me that Rin wants to kill you.”

 

Pagkasabi nun ni Hiro ay parang lumubog yung puso ko. Napatulala na lang ako at hindi ko alam kung anong dapat kong isipin. Kahit kasi ayaw kong tanggapin, nakaregister na sa utak ko na may possibility na siya ang nanay ko. Pero...gusto niya akong patayin? Magagawa ba yun ng isang nanay? Siya ba talaga ang totoo kong nanay?

 

“Akemi...” tapos bigla akong niyakap ni Akane.

“Don’t worry, we’ll protect you,” sabi naman ni Ken.

 

Nagbabadya nang tumulo yung luha ko dahil sa halu-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon pero pinigilan ko. Inisip ko na lang ulit yung sinabi sa akin ng isang Huntres member. Kailangan kong isantabi muna yung emotions ko. I need to be mentally and emotionally strong.

 

Humiwalay ako sa pagkakayakap ni Akane at nagtalikuran kaming anim. Imbes na mag-isip ng kung anu-ano, kailangan naming maging alerto dahil anytime ay pwedeng may sumugod sa aming Shinigami.

 

Pero biglang natinag yung lakas na pinanghahawakan ko nung narinig ko ang boses ni Mama.

 

 

Yung boses niya...habang sumisigaw na parang may nangyaring masama sa kanya.