.

.

Chapter 58

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Napatingin agad ako sa side ni Mama at ganun na naman ang posisyon niya. Nakatigil siya sa may gitna at parang may pumipigil sa kanya sa paggalaw. Parang yung posisyon niya kanina.

 

“Mama!” napasigaw ako dahil nag-aalala ako sa kanya kaso naramdaman ko na naman yung pagbukas ng Black Dimension sa harapan ko. Agad-agad kong in-aim yung arrow ko doon at saktong pagbukas ay nirelease ko yung arrow. Napasigaw yung Shinigami dahil natamaan siya sa may balikat at napatingin rin sina Akane sa direksyon ko.

 

Mukhang may iilan pang Shinigami na nagtatago sa Black Dimension. Kailangan naming mag-ingat.

 

Bigla ko namang naalala si Mama kaya tumingin ulit ako sa direksyon nila. This time, nakakagalaw na ulit siya nang maayos pero may malaki siyang sugat sa kaliwang balikat. Bigla naman akong kinutuban. Hindi kaya yun yung sixth sense ni Rin? Baka may kinalaman sa pagtigil ng paggalaw yung sixth sense niya?

 

Naiisip ko pa lang, kinikilabutan na ako.

 

“Are you okay?” narinig kong tanong ni Sir Hideo kay Mama at tumango naman siya. Napabuntung-hininga ako kaagad. Buti naman at walang masamang nangyari kay Mama at sugat lang ang nakuha niya.

 

“Hanggang dyan na lang ba ang kaya niyo? I guess I overestimated you dahil sa nangyari dati,” sabay ngisi ni Rin at napansin ko ang pagbabago sa expression nina Mama at Sir Hideo. Naging seryoso sila at parang...naging dark yung expression nila.

 

Fifteen years ago...yun yung time ng pag-atake ng mga Shinigami dito sa Tantei High. Ibig sabihin, kasama rin si Rin noon? Sa pagkakatanda ko, si Sir Hideo ang nakatalo sa halos lahat ng Shinigami, at katulong niya yung iba pang members ng Great Seven. Ibig sabihin, kasama niya rin si Mama nun.

 

Bigla ko na namang naramdaman yung pag-open ng Black Dimension sa may bandang likuran ko, pero at the same time, naramdaman ko rin yun sa harapan ko. Pero bago pa ako makakilos ay bigla na akong pinalibutan ni Ken at Akane. The next thing I knew, nakahandusay na yung dalawang Shinigami sa lupa.

 

“Ayos ka lang, Akemi?” tanong ni Ken.

“Oo. Pero paano niyo nalaman...” kasi sa pagkakaalam ko, hindi pa naman sila nakakapasok sa Black Dimension at di pa nila alam ang pakiramdam ng pag-open nun.

“Yung expression mo kasi,” sabay ngiti sa akin ni Akane. “Kapag nararamdaman mo yung pagbukas ng Black Dimension, bigla kang tumitingin sa kawalan at sobrang focus ka kaya alam namin kung saang parte magbubukas yun. Pero kanina, bigla kang nagpabalik-balik ng tingin sa harapan at likuran mo kaya ayun.” Namangha naman ako sa sinabi niya. Kahit hindi nila exactly nararamdaman yung pagbubukas ng Black Dimension, alam nila kung ano yung posisyon dahil nakita nila sa expression ko? Wow.

 

Napatingin naman ulit ako sa side nina Mama at gusto ko talagang lumapit doon pero alam kong pipigilan lang nila ako. Pero gusto ko talagang pumunta at pakiramdam ko ay may malalaman ako sa pagkatao ko kapag nandun ako.

 

‘Do you really want to go there?’ Napatingin naman agad ako kay Hiro.

‘Oo.’ Pagsabi ko nun, hindi na ulit siya nagsalita sa isip ko.

 

 

“Let’s get closer to them,” biglang sabi ni Hiro kaya napatingin kami sa kanyang lahat. Maski ako nagulat.

“Ha?! Nababaliw ka na ba? Magiging pabigat lang tayo sa kanila!” sabi naman ni Akane.

“Hmm, mukhang magandang idea rin yun dahil baka may mga nakaaligid rin sa kanilang mga Shinigami at naghihintay lang ng tamang oras para umatake sa kanila,” dagdag pa ni Reiji. Oo nga, baka may mga nagtatagong Shinigami sa paligid nila. Masyado silang nakafocus kay Rin at baka hindi nila mapansin yung ibang Shinigami.

 

Dahil si Hiro na rin ang nagsabi, sumunod kaming lima sa kanya dahil siya ang naglelead ng way. Pinapakiramdaman pa rin namin yung paligid dahil anytime ay pwedeng may umatakeng mga Shinigami sa amin.

 

Pero napatigil agad kami sa paglalakad dahil nakaramdam kami ng kakaibang presence. Naramdaman ko rin yung pag-open ng Black Dimension sa harapan ko kaya sinummon ko kaagad yung baril ko. Pero hindi ko inaasahan na...

 

“DIE!”

 

Masyado siyang mabilis kumilos kaya hindi ko agad nagamit yung baril ko. Bigla rin siyang sumugod sa akin habang may hawak-hawak na mahabang needle kaya automatic na pinangsangga ko yung baril ko. Bago pa siya makakuha ng iba pang needles ay sinipa ko siya sa may tuhod at umatras palayo sa kanya.

 

“Nee-san, okay kalang?” tinulungan ako ni Riye na makatayo dahil natumba ako nung umatras ako. Hindi ko naman kasi akalaing biglang aatake si Sarah sa amin…sa akin.

 

Tumayo naman agad siya at naging aware kaming anim sa kanya. Pero bago pa kami makakilos ay may pumagitna na sa amin.

 

“Kanina mo pa ako tinatakbuhan. Napapagod na ako sa’yo!” sigaw ni Ms. Michiko habang may hawak-hawak na dalawang mahabang espada.

“Dahil wala na akong interes na makipaglaban sa’yo,” sagot ni Sarah at tumingin siya nang matalim sa akin. “I will kill that kid no matter what. Kaya wag mo akong pakialaman.”

 

Bigla akong kiilabutan sa sinabi niya. Bakit ba gustung-gusto niya akong patayin?! Pati na rin si Rin. Ano bang kasalanan ko sa kanila? At kung totoo nga yung sinabi ni Darwin na Shinigami ako, bakit nila gagawin yun?

 

Sumugod ulit si Sarah papunta sa akin pero biglang humarang si Ms. Michiko at nagulat ako nung hindi na mga espada ang hawak niya kundi needles na rin. Pinigilan niya si Sarah at dinaan niya yun sa lakas kaya unti-unting napaatras si Sarah. Tapos biglang nawala yung needles sa kamay ni Ms. Michiko at tumalon siya. Sinipa niya si Sarah sa may bandang leeg kaya lumipad siya papunta doon sa pwesto nina Mama. Akala ko ay tatama siya kay Rin pero gaya ng nangyari kay Mama, tumigil rin siya sa paggalaw at bumagsak sa harapan ni Rin. Namilipit pa siya sa sakit pero agad rin siyang nakatayo.

 

“Sa tingin mo hahayaan ko yung mangyari? Don’t mess with me, Shinigami, or you’ll die.” Pagkasabi nun ni Ms. Michiko ay mabilis siyang tumakbo papunta kina Mama at Sir Hideo kaya agad-agad kaming sumunod.

 

Kahit nasa gitna kami ng laban, namamangha pa rin ako sa kakayahan ng teachers namin. Alam kong malakas at legendary si Ms. Michiko dahil isa siya sa Great Seven, pero habang nakikita ko siyang lumaban ay lalong nadadagdagan yung respeto ko sa kanya. Pati na rin kina Ms. Reina, Sir Hiroshi, Sir Hayate, Sir Hideo at Mama.

 

“What are you doing, Yuzuki?” biglang sabi ni Rin kay Sarah nung nakatayo na siya. Napatigil rin kami sa paggalaw dahil nakakaintimidate kahit yung boses niya. Kahit anong gawin niya, nakakatakot para sa akin.

 

“Sorry, Master Rin,” at lumuhod pa si Sarah sa harap ni Rin bago ito tuluyang tumayo.

 

Halos nasa likuran na kami ngayon nina Mama pero hindi na kami masyadong lumapit dahil hindi na rin kami makagalaw sa sobrang taas ng tension dito.

 

“I will kill her no matter what,” biglang sabi ni Sarah. “I hate her and her existence.”

“Then I will kill you, too,” saka biglang sumugod si Mama papunta sa kanila.