.

.

Chapter 59

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Sinundan naman agad siya ni Sir Hideo at ni Ma’am Michiko. Sinummon ko rin kaagad yung bow and arrows ko dahil gusto ko ring tumulong. Pero kahit gusto kong tumulong, hindi ko naman magawang kumilos dahil sa dami ng mga ideya na tumatakbo sa isip ko tungkol sa pagkatao ko...kung sino ba talaga ako.

 

‘Anak, wag kang magpadalus-dalos,’ narinig ko si Mama sa isip ko. Gusto kong sumigaw sa kanya na huwag rin siyang magpadalus-dalos pero alam kong hindi niya rin ako papakinggan.

 

Sinugod ni Mama si Sarah at nagsummon siya ng dalawang pamaypay. Gaya ng ginawa sa amin ni Sarah, nagpaulan rin siya ng napakaraming needles papunta sa direksyon ni Mama. Pero patuloy pa rin sa pagsugod si Mama at binuksan niya yung dalawang pamaypay na hawak niya. Hinawi niya yung daan at lahat ng needles na nagkaroon ng contact doon sa pamaypay niya ay lumipad papunta sa direksyon ni Rin. Pero hinarang niya lang yung cape niya at madali niyang naiwasan yung iba pa. Dahil nasa direksyon din ni Rin sina Sir Hideo at Ma’am Michiko, may ilang needles rin ang lumipad sa pwesto nila. Tumalon si Ma’am Michiko at nagsummon siya ng malaking shield kaya bumagsak lahat ng needles na pumunta sa kanya. Si Sir Hideo naman, kahit nakatalikod siya ay naiwasan niya pa rin yung mga needles habang sinusway lang yung katawan at tumatakbo kahit di naman niya tinitignan.

 

“If you want to kill my daughter, you have to kill me first,” biglang sabi ni Mama kay Sarah, sabay sarado ng mga pamaypay niya at yun ang ginamit niyang pansugod sa kanya.

“Sinong niloloko mo? She’s not your real daughter!” pagkatapos ay sinangga niya ng needle niya yung pamaypay ni Mama.

“Anak ko pa rin siya. Minahal ko siya na parang tunay na anak. Hindi ako katulad niyo, na basta-basta na lang tinatapon ang pamilya nila.”

 

Pagkatapos sabihin yun ni Mama ay biglang nagbago yung expression ni Sarah. Nakita ko na yun dati. Yan yung expression na pinakita niya nung nakita niya si Sir Hideo at sinisi siya sa kung ano mang nangyari raw dati.

 

“Don’t mess with me,” tapos bigla ring sumugod si Sarah papunta kay Mama.

“You started this, Shinigamis. Pinalampas ko lahat ng nangyari fifteen years ago, pero ngayon, hindi na ako mananahimik. Pinatay niyo lahat ng taong mahalaga sa akin noon, hinding-hindi ko hahayaan na maulit pa yun,” biglang sumakit yung puso ko nung may nakita akong luha sa mga mata ni Mama. Parang ang tagal niya nang pinipigilan yun at ngayon niya lang tuluyang nailabas. “And don’t even think on attacking me, Rin,” biglang sabi ni Mama habang nakatingin pa rin siya kay Sarah. “I can sense your movements. I know her sixth sense very well at gusto kitang patayin ngayon dahil sa ginawa mo.”

 

Naguluhan naman ako sa sinabi ni Mama. Anong ibig sabihin niya doon? Sixth sense nino? At anong kinalaman doon ni Rin?

 

Sumugod na naman si Sarah papunta kay Mama pero iniwasan lang yun ni Mama at hinampas niya sa likod si Sarah ng pamaypay niya. Nagulat ako sa lakas ng impact ng pagbagsak ni Sarah sa lupa dahil halos nagkaroon ng cracks yun. Aatake na sana ulit si Mama pero tumigil na naman yung movements niya at paatras siya nang paatras mula kay Sarah.

 

“Ugh! Rin!”

 

Napatingin ulit ako kay Rin at nakatingin lang siya kay Mama. Bigla naman siyang sinugod ni Sir Hideo at Ma’am Michiko mula sa likuran at harapan pero hindi niya pa rin inaalis yung tingin niya sa likod ni Mama. Pero nung natamaan siya ng sword ni Sir Hideo sa braso ay napatingin siya doon. At the same time, nakagalaw na rin si Mama.

 

Lalong lumakas yung kutob ko kanina tungkol sa sixth sense ni Rin.

 

Kapag tinitignan niya si Mama, bigla na lang narerestrict yung movements niya at para bang hinihila siya papalapit kay Rin. Pero kapag hindi na siya nakatingin, nakakagalaw na ulit yung biktima niya. Yun ba ang sixth sense niya? Hindi ako masyadong sigurado pero mukhang malapit doon ang sagot.

 

Gusto kong mapatunayan kung tama nga ang hinala ko kaya in-aim ko yung arrow ko kay Rin habang inaatake pa rin siya nina Sir Hideo at Ma’am Michiko.

 

“Nee-san...anong gagawin mo?”

 

Hindi ko pinansin si Riye at nagfocus lang ako kay Rin. Nirelease ko yung arrow nung saktong nakaharap sa akin yung balikat niya. Pero bigla siyang napatingin doon at nagulat ako nung nagbago yung path ng arrow ko. In-aim ko yun sa balikat niya pero ngayon ay nasa kamay na niya yun. Bigla siyang napatingin sa akin at iba ang naging pakiramdam ko.

 

Parang biglang may malakas na force na naghahatak sa akin papunta sa kanya at hindi ko magawang malabanan yun.

 

“Akemi!” narinig ko yung sigaw nina Akane habang pinipigilan ko pa rin yung sarili ko sa paglapit kay Rin.

 

Nakita kong inaatake siya ni Sir Hideo pero hindi pa rin nawawala yung tingin niya sa akin. Pero mas kinabahan ako nung tinaas niya yung arrow ko na hawak niya at tinutok niya sa direksyon ko.

 

Oh God.

 

Bigla niya na lang binato yun papunta sa akin. At kahit walang bow ay para pa rin yung nirelease gamit ang bow dahil sa sobrang bilis at diretso ng path.

 

“Rainie!” narinig ko yung sigaw ni Mama pero hindi ko na siya nagawang tignan. Balak kong i-open yug Black Dimension para doon dumiretso yung arrow pero bigla na lang may yumakap sa akin at nawala ang concentration ko.

 

“I won’t let you kill her,” saglit na tumigil yung paghinga ko nung narinig ko ang boses na yun mula sa malapit.

 

“Are you okay?” tanong ni Hiro sa akin habang yakap-yakap niya pa rin ako.

 

“Y-yeah. S-siya ba yun?” tanong ko naman sa kanya dahil hindi ko makita yung nasa harapan ko ngayon. Agad naman siyang tumango at binitawan niya na rin ako.

 

Nakita ko kaagad si Darwin habang hawak-hawak niya yung arrow na dapat ay papunta sa akin.

 

“I knew you would betray me, Seiji. Just like your parents did,” biglang sabi ni Rin sa kanya. Napansin ko naman na napatingin si Mama kay Darwin at kumunot yung noo niya.

 

“Wag mong idamay ang mga magulang ko rito. Ginawa lang nila kung ano ang tama.”

 

“At anong tama? Ang pagtaksilan ako?”

 

“They helped their friend. Thats what they did.”

 

Biglang tumakbo si Mama papunta kay Darwin at nagkatinginan sila.

 

“Ikaw ba ang anak ni Haruka?” pagkasabi nun ni Mama ay parang naguluhan si Darwin. Pero bago pa siya makasagot ay sumugod na naman si Sarah sa kanila…

 

 

No. Sa amin.

 

Bigla akong hinatak ni Hiro papunta sa likuran niya pero kumuha pa rin ako ng tatlong arrows at pinosition ko yun sa bow ko. Pero bago pa siya tuluyang makalapit sa amin ay nahatak ni Mama yung cape niya. Bumagsak ulit siya sa lupa at ginamit namin ang opportunity na yun para marestrain siya.

 

Ginagamit niya pa rin yung needles niya pero dinedeflect lang yun ni Mama gamit yung pamaypay niya. Ginamit ko yung tatlong arrows sa cape niya para irestrain siya. Tapos pinalayo ako ni Mama sa kanila kaya sinunod ko na lang siya. Silang tatlo ang nagtulong para hindi makagalaw si Sarah.

 

Pero naramdaman ko na naman yun. Hindi na naman ako makagalaw. Tinignan ko si Rin at nakatingin na naman siya sa akin. Pagtingin ko ay bumagsak sina Ma’am Michiko at Sir Hideo at mukhang pagod na sila.

 

“You’re dead,” biglang sabi ni Sarah kaya nagulat sina Mama, Hiro at Darwin.

 

 

The next thing I knew, may sampung needles ang lumipad papunta sa akin. And at the same time, narinig ko yung dalawang magkasunod na pagputok ng baril ni Hiro. Hindi na ako nakapag-isip ng maayos dahil doon.

 

Pinipilit kong makagalaw pero hindi ko magawa. Hanggang sa naramdaman ko na naman yung pagyakap sa akin.

 

“Ugh.”

 

Doon na nagsimulang manubig yung mata ko. Tinignan niya lang ako na parang walang nangyari at ngumiti pa siya sa akin.

 

“Why are you...crying?” tapos pinunasan niya yung luha ko pero tuluy-tuloy pa rin yun na tumutulo. Niyakap ko siya para maabot ko yung likuran niya at naramdaman ko yung mga needles na nakatusok doon. Those poisonous needles. Lalo lang akong naiyak dahil doon.

 

“I told you...I’ll protect you...no matter what...” niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi pwedeng mangyari ‘to.

 

‘Riye, please...please help me.’ Hindi ko kayang magsalita ngayon kaya kinausap ko na lang si Riye sa isip ko kahit medyo malayo siya. Sana lang ay naririnig niya ako.

 

‘Please help him. Don’t let him die...please.’

 

Nararamdaman ko na yung pangihina ng katawan ni Darwin dahil unti-unti na niyang nililipat yung bigat sa akin. Hinatak ko siya paupo at bumuhos na naman yung luha ko.

 

‘ANYONE! MEDICAL DIVISION! PLEAS TULUNGAN NIYO AKO! TULUNGAN NIYO YUNG KAIBIGAN KO! PLEASE!’

 

Napatingin ako kay Mama at kitang-kita ko yung lungkot sa mga mata niya. Nakita ko rin si Sarah na wala nang malay habang umaagos yung dugo sa dibdib niya.

 

“Good work, Yuzuki,” narinig kong sabi ni Rin at lalo lang bumigat yung loob ko.

 

Sa sobrang inis. Sa sobrang galit. Sobra-sobra na ‘to. Gusto ko na lang sumabog.

 

Pero ang mas ikinagulat ko pa ay biglang gumalaw yung kamay ni Sarah at hinawakan niya yung braso ni Mama. Napatingin ako bigla sa direksyon ni Rin at nakita kong yung ibang needles ni Sarah na napunta sa direksyon niya...

 

 

Ay papunta sa direksyon ni Mama.

 

 

Pero bago pa matamaan si Mama ay hinatak siya ni Hiro palayo. Pero may dalawang needles pa rin ang tumama sa tagiliran ni Mama. Sinubukan niyang tumayo pero bigla na namang naging stiff yung kilos niya. And this time, nahahatak siya papunta kay Rin. Pero imbis na pigilan yun ni Mama gaya ng ginagawa niya kanina, bigla siyang tumakbo papunta kay Rin.

 

“MAMA!”

 

Biglang nagflash lahat ng oras na nakasama ko si Mama at sobrang natakot ako para sa kanya. Pero naramdaman ko bigla yung pag-init ng bulsa ko. Then naalala ko na nakalagay doon yung cards na binigay sa akin ni Demi. Pero nung kinapa ko yung bulsa ko, wala na yung cards.

 

Pagtingin ko kay Mama, hawak-hawak na niya yung anim na cards sa dalawang kamay niya.

 

“Try to attract these cards, Rin! I’m going to kill you!” sigaw ni Mama sa kanya. Nagtaka pa ako dahil gulat yung reaksyon ni Rin at parang hindi niya inaasahan yung ginawa ni Mama. Sabay-sabay na umatake si Mama, Sir Hideo at Ma’am Michiko mula sa iba’t ibang direksyon.

 

Narinig ko yung pagsigaw ni Rin dahil sa ginawa nilang pag-atake. Hindi ko alam kung anong meron yung cards pero mukhang naging effective yun sa pag-atake sa kanya. Bumaon yung anim na cards sa magkabilang balikat niya tapos nasugatan siya ni Sir Hideo sa kanang braso at si Ma’am Michiko naman sa kaliwang braso.

 

Dumating naman bigla si Riye at sina Akane dito sa tabi ko at dahan-dahan kong ibinaba si Darwin para tignan siya ni Riye.

 

“R-Riye, please...gawin mo lahat...para iligtas siya.”

“Opo, nee-san.”

 

Pinunasan ko yung luha ko habang tinitignan ko si Darwin na nawalan na ng malay. Sobrang natatakot ako para sa kanya.

 

Tinignan ko ulit sina Mama at nakita kong tumatakas si Rin sa kanila. Hinabol siya nina Sir Hideo at Ma’am Michiko pero nagcollapse na si Mama.

 

“MAMA! MAMA!” tumakbo ako papunta sa kanya pero nandun na si Hiro sa pwesto niya at binuhat niya si Mama.

 

‘I’ll take care of her,’ biglang sabi ni Hiro kaya tumango na lang ako.

 

Tumakbo ako papunta sa pinagtakbuhan nina Sir Hideo pero bumagsak na lang bigla ulit yung mga luha ko. Hinampas ko yung dibdib ko at sinasabihan ko yung sarili ko na magpakatatag pero mahirap.

 

Nakita ko yung dalawang taong importante sa akin na nasaktan sa harapan ko at hindi ako sigurado kung makakaligtas. Sa isang iglap, pakiramdam ko kinuha lahat sa akin.

 

Hindi ko alam pero may naramdaman akong kakaiba sa loob ko. Hindi ko alam kung ano ‘to pero isa lang ang kailangan kong gawin. Kahit anong mangyari, at kahit anong mangyari sa akin, wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang ngayon ay mawala si Rin. Wala na akong pakialam kung siya ang nanay ko. Hinding-hindi ko siya ituturing na nanay kahit kailan.

 

Nakita ko bigla yung cape niya habang hinahabol siya nina Sir Hideo at Ma’am Michiko. Agad kong sinummon yung bow and arrows ko at in-aim ko yun sa kanya.

 

Pagkabitaw ko ay tumama yun sa kaliwang braso niya. Kumuha ulit ako ng isang arrow at this time, sa kanang binti niya naman ito tumama.

 

Tumingin siya sa direksyon ko pero alam kong hindi niya ako nakikita dahil 400 meters ang pagitan namin ngayon. Unti-unti akong lumapit sa kanila at isa lang ang nasa isip ko.

 

I will kill her...no matter what.