.

.

Chapter 6

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

“Tara dali! Dito dito!”

 

Hatak-hatak kaming dalawa ni Riye ni Akane dahil late na kami. Ni hindi ko nga alam yung first class namin eh! Di ko kasi natanong sa kanilang dalawa since nakatulog na agad kami kagabi. Shocks. Yung curse ng pagiging late ko eh nadala ko pati rito, tapos mukhang nahawaan ko pa si Riye at Akane!

 

“Saan ba ang class natin? Tsaka anong subject?” sabi ko pa habang hihingal-hingal. Si Riye nga eh hinihika na ata eh.

 

“Sa Midori building. Basic Knowledge and Logic, Akemi-neechan.” Sabi naman ni Riye sa akin.

 

Halos patakbo pa kaming pumasok sa room namin. Pagpasok ko, akala ko marami kami. Then naalala ko, by family nga pala ang klase so anim lang kami sa klase. Bale, yung tatlong lalaki lang yung nandun tsaka si ma’am Castro.

 

 

Huh?! Teka.. bakit nandito si ma’am Castro?!

 

“Yo! Hi girls! You are eleven minutes 16 seconds late. Please take your seats.”

 

Umupo naman agad kami. Since medyo modelled sa Japan ang school na ‘to, yung seats ay may kasamang table. Umupo naman ako sa bandang left side. So katabi ko yung bintana tapos sa right side ko ay si Riye.

 

“Siguro naman kilala niyo ng lahat si Akemi no? She’s your new member and I’m really glad na napunta ka sa Atama! Hihi!” then she giggled. Ngayon ko lang napansin na isip-bata pa talaga ‘tong si Ma’am Castro. Idagdag pa na medyo pang-teenager yung suot niya. Naka-tube kasi siya with sleeveless shirt sa top then ripped pants tsaka rubber shoes. Tinignan ko ulit yung mata niya para makasigurado ako sa nakita ko dati. And holy eyes. Green nga talaga ang mga mata niya! What the heck!

 

“Oh, Akemi, wag mo na akong tawaging ma’am Castro. Reina nalang. And ako nga pala ang bagong teacher niyo sa Basic Knowledge and Logic. Nag-retire na kasi si sir Eiichi last year.”

 

“Boring kasi magturo si sir eh. Buti naman.” Biglang sabi ni Ken. After niyang sabihin yun eh binatukan siya ni Akane na nasa likuran niya nakaupo.

 

“Aray ko ha! Ano na namang problema mo Akane?!”

 

“Anong boring? Panong di ka mabobore eh simula pa lang ng klase tulog ka na kaagad!”

 

“G..ganun talaga!”

 

Natawa naman ako sa kanilang dalawa. Ang cute lang nilang tignan. Parang super close nila sa isa’t isa.

 

“Okay okay tama na. Simulan na natin ‘tong subject na ‘to. And I assure you, I’ll make this subject as exciting as it could be. Okay?” then tumingin siya ng nakakaloko kay Ken.

 

“So bago tayo magsimula, ieexplain ko lang muna kay Akemi ang mundong pinasok niya. Bawal munang magtanong okay? Patapusin muna ang speech ko.” Tapos tumingin rin siya sa akin ng nakakaloko. Okay. Ano na naman kayang trip ni ma’am Castr—I mean, ms. Reina.

 

“Tantei is the Japanese word for detective. Dito, madedevelop ang skills mo to be a detective. Tantei High is actually a secret organization na binuo para tulungan ang police force sa pag-solve ng crimes sa iba’t ibang panig ng mundo. By the help of our sixth sense, mas madali nating nadedetermine ang mga bagay-bagay kaysa sa mga humdrums. Isa pa, ito ang way of practice na ginamit ni Master Shinji sa sixth sense ng tribe nila—para tumulong.”

 

Napanganga naman ako sa sinabi ni ms. Reina. Ibig sabihin, we’re training to be a detective? Cool! Ang astig! Mas gusto ko naman ‘to kaysa sa pag-aaral sa ordinary schools. Besides, fan rin naman ako ng mystery plots. Bigla ko tuloy naimagine ang sarili ko na naka-detective attire. Waaah ang cool talaga!

 

“And one trait of being a detective is logical thinking. Madali nilang naicoconnect ang small details to know the bigger events. Mabilis nilang napoprocess yung information na nagagather nila. That’s why I’m here. To help you develop your logical and critical thinking. And my favourite way of testing people..is by this.”

 

Bigla naman siyang may hinagis sa aming anim. Nasalo ko yung isa na pumunta sa way ko. Pagtingin ko, a piece of cardboard. Tapos may message na nakalagay sa cardboard na yun.

 

“Ano ‘to?” tanong ni Ken.

“Is this a code?” tanong rin ni Reiji habang iniinspect yug cardboard na hawak niya.

“Bingo!” tapos nag-gesture na naman si ms. Reina ng baril sa kamay niya at tinutok kay Reiji. “I’ll give you ten minutes to solve this code. Raise your hand if you know the answer at lalapitan ko kayo. Okay, timer starts now!”

 

Waaah t..teka! Ten minutes?! Seriously?! Teka nga, kailangan ko ‘tong masagutan agad. Ayoko namang mapahiya sa first day of classes no. Teka ano ba ‘tong nakasulat?

 

 

GRABE NAMAN! Kaya ba ‘tong i-solve ng ten minutes?! Waaah nagpapanic na ang utak ko! Ano ba ‘tong letters na ‘to? San siya nagcocorrespond? Isip isip rin Rainie! Kaya ko ‘to. Kelangan ko lang mag-focus!

 

Napatingin naman ako sa nasa unahan ko, si Hiro. Bigla kasi siyang nagtaas ng kamay so lumapit si Ms. Reina sa kanya tapos sinulat niya ata sa cardboard yung sagot.

 

“Correct! One minute and 6 seconds. Wow ang bilis. As expected of you, Hiro.”

 

 

Nasagutan niya yun within one minute?! Ano siya, halimaw?! Anong klaseng utak ang meron siya?!

 

Dahil nagpapanic na naman ako eh kinalma ko muna ang sarili ko. Whoo. Wag magpadala sa paligid. Sabi nga ni mama, kailangan ko daw mag-focus sa ginagawa ko kung gusto kong ma-achieve ang goal ko.

 

THINK.

 

Letters with no meanings. For sure may meaning naman ‘to pero hindi lang nakaayos. I need a clue. Pero san ko naman makikita ang clue dito?

 

Tinignan kong maiigi yung papel. Ang tanging words lang nacomprehensive dito ay..

 

‘Step back if you don’t get it!’

 

Step back? Kailangan ko bang tumayo at magstep talaga pabalik? No. Hindi naman yun ginawa ni Hiro. Ano kaya? Step back.. step back.. back..

 

Teka...

 

Alphabet? Back? Wait. I think this makes sense.

 

Biglang kumabog ng malakas yung puso ko. And I think dahil yun sa excitement. Sinulat ko sa scratch paper yung alphabet pati na rin yung symbols after nun like dot and comma, question mark, etc. Tapos pinagcompare ko siya doon sa nakasulat sa cardboard.

 

And gaya ng hinala ko.. may pattern nga! Wow! This is exciting!

 

Sinulat ko agad sa papel yung nabuo kong sentences. And after that, may lumabas na parang riddle. Okay. Parang two-level logic pala ‘to. Huhuhu sumasakit ang ulo ko dito ha. Binasa ko ulit yung mga nabuo kong sentences.

 

I am at the top of everything.

I am always used by great people.

And I am the host of intellect and reasoning.

What am I?

 

Mukhang madali lang naman pero natatakot akong magtaas ng kamay. Pano kung mali ako? Eh di napahiya ako sa kanilang lahat. Ayoko naman nun! Nakakahiyang magmarunong dito.

 

“Ma’am! Got it!”

“Me too!”

“Me three!”

 

Napatingin naman ako kay Akane, Reiji at Ken na halos sabay-sabay magtaas ng kamay. Nilapitan sila isa-isa ni Ms. Reina at hinawakan yung cardboards nila at nag-nod lang siya sa sagot nila.

 

“Akane, four minutes 32 seconds. Reiji, four minutes 34 seconds. Ken, four minutes 35 seconds.”

 

Waaah! Ang galing nila! Kaming dalawa na lang ni Riye! Tinignan ko kaagad siya at bigla siyang nagtaas ng kamay kaya automatic na nagtaas na rin ako. Nakakahiya naman kung magtatagal pa ako samantalang sila ay tapos na. Please po, sana tama ako!

 

Unang nilapitan ni Ms. Reina si Riye at ngumiti siya sa kanya.

 

“Good job Riye. Four minutes, 42 seconds.”

 

Then bigla siyang tumingin sa akin kaya halos magwala na yung puso ko sa sobrang kaba. Nung nasa harapan ko na siya, binigay ko sa kanya yung cardboard na pinasagutan niya at napapikit na lang ako nung biglang kumunot yung noo niya. Hala! Sabin a nga ba mali ako eh! Waaah nakakahiya!

 

“This is correct, Akemi. The right answer is brain. Four minutes, 44 seconds.”

 

Napadilat ako at shocked na shocked sa sinabi ni Ms. Reina. Tama ako? As in tama yung sagot ko?!

 

“Wow congrats Akemi! Galing mo! Buti di ka nakalampas ng 5 minutes!” biglang sabi ni Akane kaya napatingin ako sa kanya.

“Huh? Bakit? Di ba hanggang ten minutes naman?” o baka mali lang ako ng rinig kanina?

“Kung kasama ka sa Atama, you should solve codes like this for less than five minutes. Or else, ililipat ka nila sa regular classes.”

“Ha?! Talaga?!”

 

Nagpapasalamat ako sa Diyos at nakapagtaas ako ng kamay kanina. Ayoko namang lumipat sa ibang section kasi parang at home na ako sa Atama eh. Pero grabe! Bakit di sinabi na hanggang five minutes lang dapat? Mutik na ako dun ha.

 

“Actually Akane, she solved the code in a span of three minutes and 2 seconds. Di lang siya nagtaas ng kamay kanina.”

 

Bigla naman kaming napatinging lahat kay Ms. Reina. Oh my gosh. Pano niya nalaman yun? Tsaka napansin ko na wala siyang kahit anong timer na hawak pero alam niya yung exact time kung kelan kami natapos. Di kaya yun yung sixth sense niya?

 

“Talaga? OMG Akemi. Ikaw ang pangalawang natapos?” sabi pa sa akin ni Akane. Hala naman, nakakahiya!

“Ang galing mo pala nee-san.” Sabay ngiti sa akin ni Riye.

“Hala, tsamba lang yun!” totoo naman eh. Nanghula lang ako ng sagot!

 

“Okay. Mukhang lahat naman kayo ay deserving na mapasama sa Meitantei. Hahaha! I am so honoured! So magpapakilala ulit ako. I am Reina, a fresh graduate of Tantei High. Atama rin ang section ko. And my sixth sense is…”

 

Ayan na. Feeling ko talaga tungkol yan sa time or panahon. Kahit nung nasa St. Joseph pa kami, sobrang strict niya sa time. Di ko naman yun pinapansin dati kasi parang normal lang naman yun sa mga teacher. Pero nung nalaman ko na ang existence ng Tantei High at sixth senses, alam kong may kinalaman sa time ang sixth sense niya.

 

“Yes, you are correct Akemi. That’s my sixth sense. I can determine the time of an event ot doing by simply touching it. Nung hinawakan ko ang cardboard niyo, nalaman ko kung kelan niyo isinulat ang answers niyo.”

 

OH MY GOD. Okay wait lang! Oo, namangha ako sa sixth sense niya, pero.. bakit nalaman niya yung naiisip ko?! What the heck?! Parang ganito rin yung nangyari nung kay Hiro!

 

“So class, dismiss ko na kayo since may meeting pa kami. See you tomorrow! Bye!” tapos bigla siyang umalis ng room at iniwan kami doong tulala.

 

“Ang cool ng sixth sense niya! Riye, ang cool ni ma’am!” sabi ni Akane sabay pangungulit niya kay Riye. Ako naman nakatulala lang. Bakit di sila nagugulat na sinabi ni ma’am na correct ako eh wala naman akong sinasabi? Waaah sumasakit na ang ulo ko! Ano bang nangyayari?!

 

Bago pa magprocess ang mga iniisip ko, hinatak na ako ni Akane papunta daw sa plaza since mamaya pa yung next class namin. Balak ko sana silang tanungin ni Riye abou dun sa mind reading ni Ms. Reina at Hiro pero nahihiya ako. Siguro mamaya na lang sa dorm.

 

Pagdating namin sa plaza, hinatak nila ako sa may pinakagilid na part daw kasi dun daw may masasarap na ice cream. Ewan ko ba, ang aga aga pero ice cream agad ang kakainin namin.

 

Pero biglang may nahagip yung mata ko na anino sa may east side doon sa mapuno na lugar, and I swear, kinilabutan ako nung makita kong nakatingin siya sa akin.

 

“Sino ka?!” sigaw ko sa kanya pero bigla siyang tumakbo palayo kaya hinabol ko rin siya.

“Akemi!!” narinig kong tawag ni Akane pero hindi ko na siya nilingon. Then pagtingin ko, nasa gilid ko na pala siya.

“Anong ginagawa mo?!” tanong niya sa akin habang tumatakbo kami.

“May nakita kasi akong anino kanina doon!” tapos tinuro ko yung gubat na part. “Nakatingin sa atin at bigla siyang tumakbo!”

“This way! Naririnig ko yung footsteps niya!” at hinatak ako ni Akane papunta sa right side. Oo nga pala, naririnig niya lahat within a 100-meter radius! “Pero pano mo siya nakita? Ang layo nun!”

“Huh? Kita naman eh!” tapos nakita ko na naman yung anino. “Ayun siya!!” tinuro ko kay Akane yung taong tumatakbo at binilisan ko lalo yung takbo ko.

“My gosh Akemi! I knew it! That! That is your sixth sense!”

 

Nung marinig ko yun, napahinto ako at ganun rin siya. Parang nawala bigla ang pakialam ko sa taong nakatingin sa akin kanina. Anong sabi niya? My.. my sixth sense?

 

“H..huh?” hinawakan niya ako sa balikat habang hinihingal-hingal pa siya.

“I think your sixth sense is.. improved sight. I think...we’re the same. Kaya mong makakita ng kahit ano. Kahit gaano kaliit, within a certain perimeter, Akemi. That.. is your sixth sense. And what happened a while ago, is my proof.”