.

.

Chapter 60

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Nakita kong nagstruggle si Rin sa pagdefend sa sarili niya dahil nakapalibot sa kanya sina Sir Hideo at Ma’am Michiko. Susugod na sana ako pero nagulat ako nung may narinig ako.

 

‘Dyan ka lang muna. Don’t reveal your position yet.’ Narealize ko naman na boses ni Sir Hideo yung narinig ko sa isip ko. Ibig sabihin, alam niya kung nasaan ako?

 

Sinunod ko na lang yung sinabi ni Sir at nagtago muna ako sa likod ng puno. Sinilip o kung ano nang nangyayari doon at mukhang may pinag-uusapan silang tatlo...or nagtatalo sila? Kung kasama ko lang siguro si Akane ngayon, malalaman namin kung anong nangyayari doon ngayon.

 

’10 o’clock, now.’ Saka ko naman narealize na kinakausap na naman pala ako ni Sir Hideo kaya dahan-dahan akong umalis doon sa pwesto ko at sinunod ko siya. Naging dahilan rin yun para lumiit yung distance sa pagitan namin. Pagtingin ko, naglalaban na naman silang tatlo at mukhang mas lamang ngayon sina Sir Hideo at Ma’am Michiko. Dahil na rin siguro sa mga nakuhang damages ni Rin sa mga pagsugod namin sa kanya.

 

Hanggang ngayon, sumasakit pa rin yung dibdib ko dahil sa mga nangyari kanina. Kapag nakikita ko si Rin, naiisip ko na siya ang muntik nang kumuha ng buhay ng mga taong mahalaga sa akin. Hinding-hindi ko siya mapapatawad.

 

Pero nagpanic ako nung nakita kong may nagbubukas na part ng Black Dimension sa bandang likod ni Rin. Tapos nakafreeze rin si Sir Hideo na parang nangyari rin kanina kay Mama. Parang pinipigilan niya yung sarili niya na lumapit kay Rin. Then naalala ko bigla yung sinabi ni Mama nung hinagis niya kay Rin yung cards kanina...

 

“Try to attract these cards, Rin! I’m going to kill you!”

 

Attract? Hindi kaya may kinalaman sa attraction ang sixth sense niya? Pero kaya niya ring mapahinto yung mga bagay na pumupunta sa kanya gaya ng ginawa niya sa arrows ko. Ang nakita ko lang na hindi niya napigilan ay yung cards na tinira ni Mama sa kanya.

 

Bigla naman akong kinabahan nung narealize ko yung gustong gawin ni Rin. Kaya niya siguro binuksan yung Black Dimension at inaattract si Sir Hideo ay para pumasok siya doon. At hindi kayang i-withstand ng isang Senshin ang dimension na yun.

 

Agad-agad kong pinakawalan yung dalawang arrows ko papunta kay Rin para mawala siya sa focus at tumama yun sa kaliwang braso niya na nadaplisan ko kanina. Napatingin siya agad doon at biglang nakagalaw si Sir Hideo.

 

Wait. Ibig sabihin ba, kapag hindi na siya nakatingin doon sa target niya ay hindi na niya maaattract yun?

 

Tumingin na naman siya sa direksyon ko pero mukhang hindi niya pa rin ako nakikita. Lalo lang bumigat yung loob ko dahil sa matalim na tingin niya rito. Hindi ko alam kung maririnig ako ni Sir Hideo pero tinry ko pa rin.

 

‘Sorry Sir, pero hindi ko na kayang magtago. Lagi na lang ako yung nasa likod. Lagi na lang ako yung pinoprotektahan. Dahil sa pagpoprotekta sa akin, nanganganib yung buhay ng dalawang taong mahalaga sa akin. This time, ako naman ang tatayo sa harapan para protektahan sila.’

 

Pagkatapos ko yung sabihin ay tumakbo ako papunta sa kanila habang sinusummon ko yung baril ko. Habang papalapit ako sa kanila ay sunud-sunod akong nagpaputok at sunud-sunod ring lumabas yung arrows sa baril papunta kay Rin. Pero mukhang naestimate na niya kung nasaan ako kanina kaya nakaiwas siya sa ilan pero sinabayan nina Sir Hideo at Ma’am Michiko yung atake ko kaya halos mapagod siya sa kakaiwas. Nung nakita na niya ako ay agad-agad niya akong tinitigan at naramdaman ko na naman yung kakaibang feeling na yun. And I know it’s her sixth sense.

 

Pero gaya ng ginawa ni Mama kanina, hindi ko pinigilan yung sarili ko sa paglapit sa kanya. Ginamit ko pa yung driving force para mas mapabilis yung pagpunta ko sa kanya. At habang inaattract niya ako ay sinummon ko yung bow and arrows ko.

 

“Copying that useless woman’s attack is futile!” sigaw niya sa akin. Mas lalo ko siyang gustong sugurin dahil sa narinig ko.

“Don’t insult my mother in front of me!” saka ko nirelease yung tatlong arrows sa bow ko papunta sa kanya. Pero agad niya yung napigilan nung tinitigan niya yung tatlo at ilang metro na lang ang layo ko sa kanya.

 

“You’re dead, kid.” Bigla akong kinilabutan sa way ng pagkakasabi niya nun sa akin na parang sobrang laki ng galit niya at kitang-kita yun sa coldness ng mata niya. Hawak-hawak niya yung isang arrow ko at alam kong balak niyang gamitin yun para saksakin ako kapag sobrang lapit ko na sa kanya. Pero isinantabi ko yung takot ko at nagstick ako sa plano ko.

 

“She won’t die,” biglang sabi ni Sir Hideo na nasa bandang likuran na pala ni Rin nang hindi man lang namin namamalayan. Saka ko narealize na tumango siya sa akin during that splitsecond. Tapos nakita kong tumakbo si Ma’am Michiko papunta kina Mama. Siguro ay para tulungan na rin sila. Napatingin ulit ako kay Sir Hideo.

 

He knew my plan.

 

“Then I’ll show you her dead body, Hideo.”

 

Bago ako tuluyang mapalapit kay Rin ay kumuha ulit ako ng dalawang arrows habang tinutok niya sa akin yung arrow na hawak niya. Three meters away from her, nirelease ko yung isang arrow at nilipat niya yung tingin niya doon. During that splitsecond, nareduce yung distance namin by one meter at ginamit ko ang pagkakataon na yun para bitawan yung bow ko at hinawakan ko ng dalawang kamay yung isa ko pang arrow.

 

“RIN!!” habang sinisigaw ko yung pangalan niya ay hindi ko mapigilang maiyak dahil sa dami ng tumatakbo sa utak ko. During that moment, nagflash sa utak ko lahat ng nangyari sa buhay ko.

 

I stabbed my arrow into her chest.

 

 

Then bigla siyang ngumiti sa akin.

 

 

“Damn you...” and then nakita kong may something sa bandang tiyan niya. “...Hideo.”

 

Napatingin ako sa likuran niya at alam kong sword ni Sir Hideo ang nakikita ko sa tiyan ni Rin. Pero nakaramdam rin ako ng matinding hirap sa paghinga.

 

 

She also stabbed me in the chest.

 

Nanginig yung mga kamay ko at napabitaw ako sa arrow ko. Hindi ko na napigilan yung sarili ko at naiyak na ako nang tuluyan. Lumayo ako kay Rin at hinayaan kong si Sir Hideo muna ang umasikaso sa kanya. Bakit? Bakit kailangang mangyari ‘to?

 

“M...meow...”

 

Pati ba naman ikaw, niligtas rin ako?

 

“B...bakit mo ginawa ‘to, Demi?”

“M...eow.”

 

Dahan-dahan ko siyang niyakap kahit na sobrang nanginginig na yung kamay ko. Hindi ko akalaing bigla siyang lilitaw. Bigla na lang siyang tumalon sa pagitan namin ni Rin nung sasaksakin niya na rin ako ng arrow. Pero imbis na ako yung mapuruhan, kay Demi nangyari yun.

 

Dumudugo yung dibdib ko at malalim rin yung sugat na nakuha ko pero hindi ko yun nararamdaman ngayon dahil mas masakit sa loob ko na makita ‘to. Nakatusok lang sa kanya yung arrow at unti-unti siyang nanghihina. Yung puti niyang balahibo ay nagiging pula na dahil sa dugong kumakalat sa katawan niya.

 

“Demi...please...”

 

Naramdaman ko na dinilaan niya yung pisngi ko at pagkatapos nun ay pumikit na siya.

 

“No...No! Demi! Wag! Demi!” lalong lumakas yung pag-iyak ko dahil hindi ko na alam ang gagawin sa ngayon. Kahit pusa lang siya, naging importante na siya sa akin dahil lagi siyang nasa tabi ko kapag kailangan ko ng tulong…

 

Tulad ngayon. Pero ayokong mamatay siya. Ayokong mawala siya.

 

“Demi...gumising ka...please...”

 

Kahit alam ko sa sarili kong wala na siya, ayaw ko pa ring tanggapin. Ayokong tanggapin na ginamit ni Demi yung sarili niyang buhay para iligtas ako.

 

Niyakap ko siya nang mahigpit kahit na alam kong masusugatan ako dahil sa arrow na nakatusok sa katawan niya. Halos kumalat na yung dugo niya sa gitnang parte ng katawan niya pero siya pa rin ang pinakamagandang pusa na nakita ko. At ituturing ko siyang kaibigan habangbuhay.

 

Binitawan ko siya at nilapag ko muna siya sa lupa. Tumayo ako at hinarap ko sina Rin at Sir Hideo. Nakakatayo pa rin si Rin kahit na may nakatusok na sa katawan niya na arrow at sword. Tinignan ako ni Sir Hideo at nakikita ko sa mga mata niya na naaawa siya sa akin. Tapos bigla niya akong niyakap. Dahil doon, mas lalo lang akong naiyak at lalong tumindi yung galit ko.

 

Hindi ko alam kung kay Rin o sa sarili ko.

 

“You are crying because of a cat? Pathetic,” hingal na sabi ni Rin sa akin at gusto ko siyang sugurin pero pinigilan ako ni Sir Hideo at pinuwesto niya ako sa likuran niya.

 

“You won’t understand her feelings, Rin. Never. Because you don’t know how to love and treasure the people around you,” sabi sa kanya ni Sir Hideo. Bigla namang tinignan ni Rin yung isang arrow sa lupa at biglang napunta yun sa kamay niya.

 

“Hah. Ikaw pa ang nagsasabi niyan ngayon? Dahil sa’yo, namatay siya. So don’t fucking tell me those words!” tapos binato niya sa direksyon namin yung arrow pero nasalo yun ni Sir Hideo gamit yung kamay niya na ikinagulat ko. Nakita kong nagdugo yung palad niya dahil sa ginawa niyang yun.

 

“Alam kong dahil sa akin kaya namatay siya. At dahil sa akin, hindi nakilala ng batang ‘to ang totoo niyang nanay.”

 

Pagkasabi ni Sir Hideo nun, bigla akong napatigil sa paghinga at nakatingin lang ako sa likuran niya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Kilala niya ang totoo kong nanay at siya ang dahilan kung bakit siya namatay?

 

“Pero salamat sa’yo dahil namatay siya. Sa akin napunta ang posisyon niya. Pero nung malaman ko na may anak siya, gumulo na naman ang lahat. I want to use her at first pero mukhang nakuha niya sa nanay niya ang ugali niya kaya mas mabuting mamatay na lang rin siya.”

 

“Sa tingin mo hahayaan kong mangyari yun?” tapos bigla siyang nagsummon ng panibagong sword. Habang si Rin ay nag-aattract na naman ng weapons papunta sa kanya.

 

“Trying to be her protector, huh?” sabay hawak ni Rin doon sa dalawang swords. Hindi ko alam kung paano pa siya nakakagalaw kahit na sobrang lala na ng sugat niya.

 

Bigla ko namang naramdaman yung pagbuntung-hininga ni Sir Hideo at sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Marami rin akong nalaman dahil lang sa usapan nila.

 

Una, hindi ko nanay si Rin. Pangalawa, patay na ang totoo kong nanay. At pangatlo, siya ang leader ng Shinigami tribe dati dahil sa sinabi ni Rin kanina.

 

Hindi ko na alam kung ano pang pwede kong malaman at kung kakayanin ko pa ba lahat ng nangyayari ngayon.

 

“Hindi ko nagawang protektahan yung isa sa pinakamahalagang babae sa akin dati at pinagsisisihan ko yun,” biglang sabi ni Sir Hideo at mas lalo lang akong kinabahan.

 

“Pero ngayong nasa likuran ko yung taong pinrotektahan niya hanggang sa huling hininga niya, gagawin ko rin lahat para protektahan siya. Hindi ko na hahayaang may mawala na naman sa pamilya ko.”

 

W...what?

 

“I lost my wife before, and I don’t want to lose my daughter, too.”

 

Hindi ko alam kung tama ang naririnig ko galing kay Sir Hideo. Pakiramdam ko mababaliw na ako sa sobrang gulo ng utak ko ngayon.

 

“I know I’m a useless parent because I wasn’t there when you need me. But I will do everything to protect you now because that’s my  responsibility...as your father, Akemi. Alam kong naguguluhan ka ngayon pero sasabihin ko sa’yo lahat pagkatapos nito.” Pagkatapos niyang sabihin yun ay sumugod siya kay Rin, habang ako, natulala na lang at naiyak dahil sa sinabi niya.

 

Gusto kong magalit sa kanya dahil ni hindi man lang niya sinabi sa akin dati. Ilang beses kaming nagkita at nakapag-usap pero hindi man lang niya sinabi yun. Alam kong may reason naman siya pero hindi ko maiwasang sumama ang loob sa kanya.

 

Pero mas nangibabaw pa rin yung saya ko...kasi ngayon, nakilala ko yung totoo kong tatay. At kahit na sinabi niyang useless siya, hindi ko yun naramdaman. Kasi handa niya akong protektahan.

 

Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam kapag pinoprotektahan ka ng tatay mo. Pakiramdam ko, ligtas ako.