.

.

Chapter 61

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Pinanood ko si Sir Hideo habang naglalaban sila ni Rin. Hindi ko talaga lubos maisip kung paano pa nakakagalaw si Rin kahit na sobrang critical na ng mga tama niya sa katawan. Alam kong hindi ko dapat maramdaman ‘to pero naaawa ako sa kalagayan niya ngayon.

 

Bigla naman siyang umubo at may lumabas na dugo sa bibig niya, pero bantay-sarado pa rin siya sa mga galaw ni Sir Hideo.

 

“Kung ayaw mong mamatay, sumuko ka na lang. Hindi—”

“Death is a better option. But I won’t die easily!” tapos biglang lumipad papunta kay Sir Hideo yung sword na na hawak ni Rin, habang si Sir Hideo naman ay parang nahahatak papunta kay Rin.

 

Nagregister agad sa isip ko yung ginawa kong stunt kanina at sobrang kinabahan ako para kay Sir Hideo. Oo, hindi pa nagsisink-in sa utak ko na siya ang tatay ko pero kahit ganun, ayaw ko siyang mapahamak. Ngayon pa na sobrang dami kong nalaman at siya lang ang makakasagot ng iba ko pang mga tanong.

 

Tumakbo ako kung saan ko iniwan yung bow ko pero napahinto rin agad ako dahil nakita ko si Demi na katabi nun. Kahit ayoko nang umiyak, kusang tumulo yung mga luha ko.

 

Pagtingin ko, hindi na siya humihinga at nabalot na yung kalahating parte ng katawan niya ng sarili niyang dugo. Nawala agad yung naramdaman kong pagkaawa kay Rin at napalitan agad ng galit.

 

Pero mas nagagalit ako sa sarili ko. Kung napansin ko lang agad si Demi na tumalon sa pagitan namin, sana napigilan ko pa yung nangyari. Sana sa akin na lang tumama yung pana na yun. Sana ako na lang yung nasaktan.

 

Mahalaga siya sa akin. Sobrang halaga. Siya ang nakasama ko sa mga panahong wala akong mapagsabihan ng mga tanong at iniisip ko. Siya ang kasama ko kapag nasa delikadong sitwasyon ako. She’s my partner. She’s my friend.

 

Pero ngayon...yung katawan na lang niyang walang buhay ang nakikita ko.

 

Bago pa magbago ang isip ko, tinanggal ko na kaagad yung tingin ko kay Demi at kinuha ko yung bow. Kumuha ako ng tatlong arrows sa likod ko at hinintay ko yung oras na mag-iintersect yung sword ni Rin sa path ng arrows ko.

 

Nirelease ko yung tatlong arrows at tumama yu sa sword kaya medyo nagbago yung path niya at hindi dumiretso kay Sir Hideo. Pero nung ginawa ko yun, napatingin sa akin si Rin.

 

“You are really her daughter. Pareho kayong sagabal sa mga plano ko!”

“Hindi ko alam kung anong ginawa ng totoo kong nanay sa’yo, pero hindi na ako papayag na may saktan ka pa. I won’t let you hurt my father.”

 

Pagkasabi ko nun, nakita ko sa peripheral vision ko na tumingin rin sa akin si Sir Hideo. Hindi naman ako makatingin sa kanya dahil nahihiya ako.

 

‘Thank…you.’ Nagulat naman ako nung marinig ko yung boses ni Sir Hideo sa isip ko. Pero mas nagulat ako nung parang nag-crack yung boses niya. ‘Thank you for acknowledging me as your...father.’

 

Pagkatapos nun ay sinugod niya si Rin pero nagrelease si Rin ng kung anu-anong weapons. Kinabahan pa ako kasi baka kung mapano si Sir Hideo pero parang wala lang sa kanya yung weapons na pumupunta sa kanya. Naiwasan at nasangga niya lahat. Pero kanina, parang hindi siya makapagfocus.

 

Hindi kaya...dahil sa sinabi ko?

 

Bigla naman siyang tumalon at nawala yung sword niya sa kamay niya. Pero kasabay nun ay may panibago siyang sinummon at  naglanding siya sa harap ni Rin.

 

Pagtingin ko kay Rin, may hawak siyang kutsilyo, at saktong pag-appear ni Sir Hideo sa harap niya ay sinaksak niya yun sa kanya.

 

Napasigaw ako sa nakita ko at nagflash lahat ng times na nakasama at nakausap ko si Sir Hideo.

 

No. Hindi pwede. Hindi pwedeng mangyari ‘to!

 

Tumakbo ako papunta sa kanila pero napahinto agad ako nung nakita ko yung nangyari sa pagitan nila. Sinalo ni Sir Hideo yung kutsilyo gamit yung kamay niya kaya tumutulo doon ang maraming dugo. Pero nakita ko rin na may dalawang cards na nakatusok sa dibdib ni Rin. Sa bandang puso. Yun rin ba yung cards na binigay sa akin ni Demi? Sinummon rin niya ba yun gaya ng ginawa ni Mama?

 

“Damn...it. So in the end...it’s still her,” sabi ni Rin habang humihingal at may lumalabas ng dugo sa bibig niya.

“I may be the reason of her death, but you killed her.” Nakita ko yung galit sa mata ni Sir Hideo habang tinitignan niya si Rin. At alam kong yung her na pinag-uusapan nila…ay yung totoong nanay ko.

“So this is your...revenge. Hah...”

“No. I did this to protect my tribe, and to protect my daughter.”

“I...h...hate...her...and...I hate...you...” bigla namang nawalan ng lakas yung kamay ni Rin dahil nalaglag na lang yun sa magkabilang gilid niya.

“She never hated you,” sabi naman ni Sir Hideo at lumayo siya kay Rin.

“D...Damn...”

 

Hindi ko alam kung totoo ba yung nakikita ko o ano pero may tumulong luha sa mga mata ni Rin. Kasabay nun ay bigla na lang siyang nagcollapse at bumagsak sa lupa. Lumapit ako papunta sa kanila habang hawak-hawak ko nang mahigpit yung bow ko.

 

“This is the end, Rin.” tanong ni Sir Hideo sa kanya. Tumabi naman ako kay Sir Hideo at tinignan ko lang si Rin habang nakahandusay siya sa lupa.

“H...hindi...pa. My hatred...will live...on. And you won’t...get our...eyes...” pagkatapos niyang sabihin yun ay may lumipad na dalawang kutsilyo papunta sa kanya at napapikit na lang ako dahil sa nangyari.

 

Dumiretso yung dalawang kutsilyo sa mga mata niya.

 

Ayaw ko sanang makita pero huli na. Nagulat naman ako nung bigla akong niyakap ni Sir Hideo at hinarang niya yung sarili niya sa pagitan namin ni Rin. At alam kong ginawa niya yun para hindi ko na makita yung nangyari. Pero imbis na gumaan yung loob ko, lalong bumigat. Yung kanina ko pa pinipigilang bigat sa loob ko, bigla na lang lumabas at tuluy-tuloy na yung pagbagsak ng luha ko. Siguro dahil na rin sa lahat ng nangyari at sa lahat ng nalaman ko ngayong araw. Hindi ko alam na ganito na pala kabigat yung dinadala ko sa loob ko.

 

“Shh. It’s okay. You can cry all you want. I won’t leave your side.” Naging trigger pa yun para mas lalo akong maiyak. Hindi ko na napigilan yung sarili ko at niyakap ko rin siya. Para akong batang nagsumbong sa tatay niya dahil inaway ng mga kalaro niya. Pero wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ay comfort at nahanap ko yun sa kanya.

 

“I’m sorry. Sorry kung...hindi namin sinabi sa’yo ang totoo. Sorry.” Naramdaman ko naman yung pagbagsak ng luha ni Sir Hideo sa ulo ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na tatay ko siya. Hindi ko alam kung paano yun nangyari pero nagpapasalamat ako na nakilala ko siya. Buong buhay ko, hindi ko alam ang pakiramdam ng mayroong tatay. Naiinggit ako sa mga kaklase ko dati na kasama ang mga tatay nila pero hindi ko yun sinasabi kay Mama dahil alam kong malulungkot lang siya at siya na rin naman ang tumayo kong tatay.

 

Pero ngayon...ngayon alam ko na yung pakiramdam.

 

Gusto kong malaman lahat. Gusto kong malaman yung totoong nangyari at kung sino ba talaga ako. Ayoko nang manghula at mag-isip ng kung anu-ano.

 

Bigla namang bumitaw sa pagkakayakap si Sir Hideo at pinunasan niya yung luha ko. Tapos tumingin siya kay Rin kaya napatingin rin ako. Pero hindi ko na kinaya yung itsura niya kaya humarap na lang ulit ako kay Sir Hideo...kay...Papa.

 

“Alam kong galit ka sa kanya dahil sa mga ginawa niya sa’yo,” sabi niya sa akin at alam kong si Rin ang tinutukoy niya. “At galit rin ako sa kanya dahil siya ang kumuha ng buhay ng babaeng pinakamahalaga sa akin...your Mom.”

 

Bumilis bigla yung tibok ng puso ko. Pagkabanggit niya ng Mom, sobrang daming bagay ang tumakbo sa isip ko. Hindi na ako makapagsalita dahil sa kaba at hindi ko rin alam kung ano ang dapat na sabihin.

 

“She’s...a Shinigami. Alam kong naguguluhan ka dahil galing kami sa magkaibang tribe pero ang totoo ay pumasok siya sa Tantei High at nagpanggap na isang Senshin.” Nagulat naman ako sa narinig ko. Nagpanggap siya?

“Bakit po?”

“Because the Shinigami tribe wants a spy. Pero nangyari ang hindi inaasahan at hindi niya nagawa ang trabaho niya. Mas ginusto niyang maging kaibigan ang mga nakasama niya dito kaysa maging espiya. Siguro dahil napamahal siya sa mga kasama niya at hindi naging hadlang ang tribe niya.”

 

Hindi naman ako makapaniwala sa naririnig ko. Nasanay ako na ang mga Shinigami ay masasama at may malalim na galit sa aming mga Senshin. Ang weird pakinggan na may isang Shinigami na naging kaibigan ang mga Senshin.

 

“Naging parte siya ng pamilya at naging magkakaibigan kami. And we fell in love with each other.”

 

Napatingin na lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. Gaya ng isang normal na anak, gusto ko ring malaman ang love story ng mga magulang ko. Pero alam kong hindi ito ang tamang oras para doon.

 

“Naging kumplikado ang lahat dahil doon. Kinailangan niya ring bumalik sa base nila at nasa sinapupunan ka na niya nun. Nalaman ng pamilya niya ang ginawa niyang pagtatraydor kaya kinulong siya doon. Pagkatapos, sumugod yung mga Shinigami dito dahil sinasabi nilang may ginawa kami sa kanya kaya nagawa niyang talikuran yung sarili niyang tribe. Kinalaban namin yung mga Shinigami at nalaman ko kay Naomi na tumakas yung Mama mo sa base nila para pumunta dito, at kapapanganak niya lang sa’yo nung mga panahong yun. Alam niya kasing hindi ka ligtas doon kaya ginawa niya ang lahat para ibigay ka sa akin, kahit na ang kapalit nun...ay yung buhay niya.”

 

Hindi ako makahinga nang maayos nung narinig ko yun. Oo, gusto ko ngang malaman yung totoo pero mukhang hindi ako handa para dito. Naramdaman ko yung paghihirap ng totoo kong nanay habang sinasabi yun ni Sir Hideo.

 

“Pero hindi ko kayo mapuntahan dahil pinipigilan ko yung mga Shinigami sa pagpasok sa loob ng campus. Kaya pinakiusapan ko si Naomi na siya ang sumundo sa inyo. Iniwan niya yung anak niya sa asawa niya para puntahan kayo.”

 

Nagulat naman ako sa narinig ko. Totoo ba yun?

 

“May pamilya po si Mama—I mean, si...si Naomi?” tumango naman si Sir Hideo at bigla siyang bumuntung-hininga.

“Pero dahil kasama si Mitsuo sa Atama, hindi niya kayang hindi tumulong sa pagpigil sa mga Shinigami. Kaya lumaban rin siya kahit na kasama niya ang anak nila.”

 

Ibig sabihin, si Mitsuo ang asawa ni Mama? Kasama rin siya sa Great Seven sa pagkakatanda ko. Pero hindi ko akalain na may iniwan pa lang pamilya si Mama…para sa amin ng totoo kong nanay.

 

“Pero pinagtulungan si Mitsuo ng mga Shinigami kaya naging kritikal yung lagay niya. Tumakbo ako para iligtas siya pero hindi siya pumayag. Inabot niya lang sa akin yung anak nila at sinabing siya na lang ang iligtas ko at alam niyang katapusan na niya. Kaya ako na rin ang nagpalaki sa kanya.”

 

This time, nanlaki na ang mga mata ko. Unti-unti nang nabubuo sa utak ko yung mga nangyari at hindi ako makapaniwala sa naiisip ko ngayon.

 

“I-Ibig...sabihin  po...si Hiro...” hindi ko maituloy yung sasabihin ko dahil sa sobrang pagkabigla. Pero tumango si Sir Hideo na mukhang naintindihan yung gusto kong iparating.

“Yes. He’s not my real son. He is the son of Naomi and Mitsuo.”

 

Gusto ko nang magcollapse dahil sa mga nalalaman ko. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang paniwalaan dahil sa sobrang hindi ko inaasahan ang mga ‘to. Hindi ko maisip na anak ni Mama si Hiro. Alam kaya yun ni Hiro? Kaya ba mas ginusto niyang tulungan si Mama kanina? O coincidence lang yun?

 

“Nakita kayo ni Naomi pero pagkatapos nun ay namatay na rin ang Mama mo dahil sa mga nakuha niyang sugat nung tumatakas kayo. Pero hindi kami makapagkita ni Naomi dahil alam naming pinaghahanap ng mga Shinigami ang Mama mo at ikaw. Kaya mas minabuti kong sabihin kay Naomi na lumayo na lang kayong dalawa. Mas ligtas ka kung malayo ka sa akin at sa mundong ‘to.”

 

Pagkatapos sabihin yun ni Sir Hideo, bigla siyang lumuhod sa harapan ko kaya nabigla ako.

 

“I’m sorry for what I did. I’m a worthless husband and father. I’m really s—” lumuhod ako at niyakap ko siya kaagad.

“Thank you, Papa.” Tuluy-tuloy na yung tulo ng luha ko pero hindi na dahil sa lungkot o galit kundi dahil thankful ako sa kanya. “Mas inuna mong isipin yung kaligtasan ko kaysa sa makasama mo ako. At nagkaroon ako ng normal na buhay sa loob ng fifteen years. You’re not a worthless father. For me, you are the best.”

 

Niyakap ko siya nang mahigpit at napangiti na lang ako dahil alam kong sobrang laki ng sakripisyo nila ng totoo kong nanay para lang maging ligtas ako. Dahil sa kanila kaya ako nandito ngayon. At kahit hindi niya pa sinasabi, alam ko na kung sino ang nanay ko.

 

“Akemi, our daughter is really like you,” bulong ni Sir Hideo habang umiiyak na rin.

 

Yes. Ngayon alam ko na. The first Akemi, is my real mother. Sa pagkukwento kanina ni Sir Hideo, nalaman ko na part ng Great Seven ang totoo kong nanay. At doon ko naisip na siya talaga ang nanay ko. Siguro destiny ngang maituturing na yung alternative name niya ang napili ko ring maging alternative name. Alam kong narinig ko lang yun kay Mama nung bata pa ako, pero ngayon alam ko na kung bakit. Dahil yun sa magkaibigan sila at may pinagsamahan sila. Hindi niya siguro alam na narinig ko siya dati na binabanggit ang pangalan na yun.

 

Marami pa akong gustong itanong kay Sir Hideo...kay Papa...pero kailangan na naming bumalik kina Mama para tignan ang lagay nila. Inisip ko naman kung anong gagawin namin sa katawan ni Rin.

 

“Akemi, you need to know one more thing,” sabi bigla ni Sir— ni Papa habang nakatingin siya kay Rin.

“A-ano po?”

“Di ba sabi ko sa’yo, nalaman ng pamilya ni Akemi yung nangyari sa kanya?”

“Mmm,” tapos tumango ako sa kanya.

“Rin is one of them.”

“P-po?” bigla naman akong kinabahan kahit na nahulaan ko na kung anong gusto niyang sabihin.

“She’s Akemi’s sister.”