.

.

Chapter 62

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Kahit alam ko na may possibility na yun nga ang sabihin ni Sir Hideo, natulala pa rin ako sa narinig ko. Rin is my mother’s sister, and that makes her my aunt. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa ngayon. Parang lahat ng emosyon na pwede kong maramdaman ay nararamdaman ko ngayon.

 

Pero marami rin akong naisip after that. Yung sinabi ni Rin kanina na she hated my mother, narealize ko na siguro ay dahil yun sa position but it was more than that. She hated her to the point na siya ang dahilan ng pagkamatay ng nanay ko, ayon kay Sir Hideo. I really want to know more about my mother pero ayoko nang tanungin si Sir Hideo. Kitang-kita sa expression niya na nagpapakatatag na lang siya para sa akin, pero alam ko na ayaw niya nang balikan yung pangyayaring yun. Alam kong nasasaktan at nalulungkot siya ngayon.

 

Marami pa ring gumugulo sa isipan ko pero mas luminaw na ngayon. Nalaman ko kung sino ang mga magulang ko kahit na masakit pa ring isipin na hindi ko man lang makakasama yung totoo kong nanay.

 

I was so curious about Akemi’s life simula nung narinig ko yung pangalan niya nung nagparegister ako ng alternative name. Gustung-gusto kong malaman kung sino siya at kung bakit cursed ang pangalan niya...kung may nagawa ba siyang mali at kung anong pinagdaanan niya. Ngayon, naiintindihan ko na.

 

She’s been labeled as a curse because of her origin—dahil isa siyang Shinigami at supposed to be leader pa. Pero kahit Shinigami siya, mas pinili niya pa ring magstay kasama ng mga Senshin. For me, she’s a hero. She’s a great woman, a great friend, a great wife, and a great mother.

 

Bigla ko namang nakitang ngumiti si Sir Hideo sa akin, and then narealize ko kung bakit. He’s reading my mind. At kahit anong gawin kong pagblock, alam kong mababasa pa rin niya ‘to. He’s the President of this school and I know na siya ang pinakamalakas dito. Alam kong madali lang para sa kanya ang basahin ang isip ko.

 

“Your Mom loves you so much.” Napalunok ako at pinigilan ko yung luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata ko. Nagnod na lang ako sa sinabi niya. At kahit na hindi niya yun sabihin, alam ko at nararamdaman ko yun.

 

She gave up her life for me. That’s the greatest thing a mother can do for her daughter. Pero may something pa rin na kulang para sa akin. Dahil hindi siya masyadong binabanggit sa books at ng mga tao sa paligid, ni hindi ko man lang alam kung anong itsura niya o kung anong personality niya. I really want to know her more.

 

“We should go back,” sabi ni Sir Hideo habang nakaalalay pa rin siya sa akin.

“Paano po si Rin?”

 

Kahit na umabot sa sukdulan ang galit ko sa kanya, ayaw ko pa ring makita siya sa ganitong estado. Ayokong iwan na lang basta-basta dito yung katawan niya. After all, kadugo ko pa rin siya.

 

“Magpapadala ako ng tauhan dito para irecover yung katawan niya.”

 

Then bigla kong naalala yung sinabi kanina ni Rin.

 

“You won’t get our eyes.”

 

After niyang sabihin yun, tinarget niya yung sarili niyang mata. Hindi ko alam kung anong meron sa mata niya at ayaw niyang makuha yun pero ayaw ko nang magtanong ngayon. Ayoko munang madagdagan pa yung mga nalaman ko sa ngayon dahil feeling ko ay sasabog na ang utak ko.

 

Inalalayan ko si Sir Hideo sa paglalakad dahil ngayon ko lang nakita yung lagay ng katawan niya. Nabalot yung katawan niya ng mga gasgas at sugat, at halos naging red na rin yung damit na suot niya. Tahimik lang kaming naglalakad pabalik sa lugar kung nasaan sina Mama kaya naman naging weird yung pakiramdam ko.

 

Bigla kong naalala yung unang beses naming nagkita. Nagbubuklat ako nung malaking libro nun sa gitna nung makita ko yung pangalang ‘Akemi,’ and it turns out she’s my mother. Tapos ang sabi niya, she was the last Akemi. Sobrang nadisturb ako sa presence niya nun kahit hindi ko naman alam kung bakit. Lukso ng dugo? Ewan. Tapos tinanong niya ako nun kung naniniwala ba akong may sumpa ang pangalan ko, at umiling ako that time, habang siya ay ngumiti naman.

 

Ngayon, naisip ko na siguro nung time na yun, alam niyang ako yun. Alam niyang ako yung anak niya. And he introduced me to my Mom kahit na hindi ko pa alam yun noon.

 

Gusto ko siyang tawaging Papa pero pakiramdam ko magiging awkward. At hindi pa naman talaga tuluyang nagsisink-in sa utak ko lahat ng sinabi niya sa kadahilanang...masyadong hindi kapani-paniwala ang lahat.

 

Nakarating kami sa lugar kung saan namin iniwan sina Mama at nawala yung bigat na dinadala ko sa loob ko nung nakita ko si Darwin na nakatingin sa amin at binigyan niya ako ng isang matipid na ngiti. Halos maiyak naman ako nung makita ko yung likod ni Mama habang nakaupo siya. Sobrang saya ko na makitang ayos na silang dalawa.

 

Pero hindi ko inaasahan na makitang ang katabi ni Mama ay si Sarah. She’s badly wounded at nakaupo si Mama sa gilid niya. Nakita kong may hawak siyang locket. Nakita ko rin na may malaki siyang sugat sa bandang dibdib pati na rin sa may binti. Tinignan ko yung expression ni Sarah at ngayon ko lang siya nakita na parang vulnerable. It’s like she’s on the verge of crying.

 

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila pero napahinto ako nung nakita ko yung picture sa loob ng locket na hawak-hawak ni Sarah.

 

“She told me to give this to you kapag nagkita tayo. Pero hindi ko yan magawang mabigay sa’yo nung nagkita tayo nung nakaraang buwan dahil bigla mo na lang akong sinugod sa bahay.” Bigla ko namang naalala yung scene na yun. Yun yung time na nagsosolve kami ng kaso about sa sunog.

 

“She never left you. She never betrayed you.” Pagkasabi nun ni Mama kay Sarah, bigla na lang tumulo yung luha ni Sarah at nilagay niya yung locket sa dibdib niya.

 

“You’re more than just an apprentice to her, and you know that. Tinuring ka niya na parang nakakabatang kapatid. And when she made that choice, she needed to leave you, hindi dahil tinatalikuran ka na niya kundi para protektahan ka.”

 

Napatingin ulit ako doon sa locket at nakita ko ang dalawang babaeng magkayakap. Yung isa ay may brownish hair at bakas na bakas sa mukha niya ang saya. Sa itsura pa lang, alam kong si Sarah yun. The other one...sobrang...nagulat ako.

 

Para siyang model dahil sa long, black hair niya. Sobrang genuine rin ng ngiti niya na parang yun ang pinakamasayang araw sa buhay niya. Hindi man sila magkamukha, mukha talaga silang magkapatid dahil sa affection sa picture. Sobrang bata pa nila rito, siguro ka-age ko si Sarah nung mga panahong yun.

 

Alam kong si Akemi ang kasama niya sa picture. That was my mother. Gusto kong maiyak dahil nakita ko ang itsura niya at masasabi kong nakuha ko ang mga mata at bibig ko sa kanya.

 

“A...alam...ko. I...hated her...because she left...me.”

 

Hindi ko alam pero bumigat yung loob ko nung nakita ko si Sarah na umiiyak. May connection siya kay Mama at nararamdaman kong sincere yung lungkot na nakikita ko sa kanya ngayon.

 

“I...just want to...to be with her...but she left me...ni hin...hindi man lang...siya nagsabi...It’s like...I was...betrayed...”

“She did that for you, for your safety. Magiging traitor ka rin kapag sinama ka niya sa kanya.”

“I...I...know...” tapos tuluy-tuloy nang bumagsak yung luha ni Sarah.

“You know? Pero bakit galit na galit ka sa kanya?”

“It’s...just my...excuse...I...want to hate her...but...I can’t...and I even hated...her daughter...because she...reminds me...of her...” bigla naman siyang umubo at lumabas yung dugo sa bibig niya kaya nagpanic si Mama. Gusto ko ring pumunta doon pero hindi ko magalaw yung mga paa ko.

 

“I...I will see her...soon...at...magso...sorry ako...sa kanya...”

“You don’t need to. Alam niyang magagalit ka sa kanya at mas ginusto niya yun, kaysa mapahamak ka.”

“Thank you...for giving this...to...me...” sabay hawak niya nang mahigpit doon sa locket. Pagkatapos nun, nakita kong tumulo na rin yung luha sa mga mata ni Mama.

“Pwede bang, paki-hello na lang ako sa kanya? At sabihin mong namimiss ko na siya,” sabi ni Mama habang natatawa ng kaunti pero pinupunasan niya yung luhang tumutulo sa mata niya.

“I...will...Now...I can die...ha...happily...”

 

Pagkatapos nun ay nakita kong pumikit si Sarah at mas lalong umiyak si Mama. Napatakip na lang ako sa bibig ko para pigilan yung paghikbi ko.

 

Lagi kong tinitignan si Sarah as a dangerous enemy. Hindi ko alam na mabigat rin pala ang dinadala niya. Kahit hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila ni Akemi, alam kong mahalaga siya para sa kanya.

 

Tumakbo ako papunta kay Mama at niyakap ko siya mula sa likuran na ikinagulat niya.

 

“Rainie...” at lalo lang siyang naiyak. Pinunasan ko yung luha ko at pinigilan kong maiyak para kay Mama. Marami akong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko alam kung saan magsisimula at kung makakapagsalita ba ako. Pero bago pa ako makabuo ng salita, inunahan na niya ako.

 

“Alam mo na ang totoo...” tapos naramdaman ko yung pagpisil niya sa kamay ko. Yung pinipigilan kong luha, tumulo na lang bigla. I missed her. I missed her so much. Yung way ng pagtawag niya sa pangalan ko, yung paghawak niya sa kamay ko at yung warmth niya. Kahit hindi siya ang totoo kong nanay, siya pa rin ang Mama ko.

 

“Mmm...” saka ako nagnod sa kanya.

 

“I’m so sorry...dahil tinago ko ‘to sa’yo. Nalayo ka sa tunay mong magulang dahil—”

 

“Mama. Nalayo ka rin sa totoo mong anak. At mas masakit yun dahil alam mo, at ako, wala akong kaalam-alam sa kahit ano.” Tumingin ako sa direksyon ni Hiro at nakita kong nakatingin siya sa amin. Alam na niya kaya? Matagal na niya bang alam? O ngayon lang rin niya nalaman?

 

Humarap sa akin si Mama at niyakap niya ulit ako, tapos hinalikan niya ako sa ulo. Sobrang swerte ko at nagkaroon ako ng dalawang nanay na alam kong mahal ako.

 

Bigla naman kaming may narinig na kaluskos kaya humiwalay agad kami sa isa’t isa at napatingin sa harapan. Then nakita namin sina Ms. Reina, Sir Hiroshi at Sir Hayate na papalapit kay Sir Hideo. Yumuko silang tatlo sa kanya at nagsalita.

 

“Sir, the war is over,” malakas na sabi ni Sir Hayate at nakita kong bumagsak yung tensed na balikat ni Sir Hideo.

“Most of the Shinigamis were subdued,” dagdag pa ni Sir Hiroshi.

“Hindi pa po namin alam kung gaano kataas ang casualties but we are looking into it,” sabi ni Ms. Reina.

 

Nagnod naman si Sir Hideo at napabuntung-hininga siya. Ngayon ko lang naisip kung gaano kalaki ang responsibiladad niya at dala-dala niya ang buong tribe sa balikat niya.

 

“Hiroshi, send the signal,” sabi ni Sir Hideo at nagnod si Sir Hiroshi sa kanya.

 

The next thing I knew, may hologram na ng flag ng Tantei High sa may langit para makita ng mga nasa campus at ng mga nasa ibang parte ng gubat.

 

Finally, the war is really over.