.

.

Chapter 63

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

“Nee-san!”

“Akemi!”

 

Biglang yumakap sa akin sina Akane at Riye. Tumulo na lang ang luha nila kaya ganun rin ako. Sobrang nag-alala ako sa kanila kanina at gumaan ang pakiramdam ko ngayong nakita ko silang maayos. Lumapit rin sina Reiji, Ken at Hiro.

 

We’re still complete.

 

Nagyakapan kaming anim at nagtawanan na lang dahil sa wakas ay nawala na yung tension. Bumitaw agad si Akane at tinignan niya ako nang mabuti.

 

“Narinig ko lahat,” sabi niya tapos tumingin rin siya kay Hiro. Napasulyap rin ako sa kanya at alam kong kailangan naming mag-usap.

“Anong narinig mo?” tanong naman ni Ken.

“I guess hindi pa time para pag-usapan yun. Nagulat rin ako sa mga nalaman ko pero mas magandang yung mga involved na lang ang magsabi sa atin, kapag handa na sila.”

 

Napatango naman ako sa sinabi ni Akane. Thankful ako na naiintindihan niya yung sitwasyon namin at pinili niyang manahimik kaysa magtanong.

 

“Atama family, kailangan namin ng tulong para sa mga injured sa campus,” biglang sabi ni Sir Hayate kaya nagtinginan kaming anim. Tumango naman agad sina Riye, Akane, Reiji at Ken.

 

“See you later!” sigaw sa akin ni Akane kaya kumaway na lang ako sa kanya.

 

Kaming dalawa na lang ni Hiro ang naiwang nakatayo dito at nagkatinginan lang kami. Alam kong tinitimbang namin yung sitwasyon at kahit gusto kong magsalita, hindi ko naman alam kung paano sisimulan.

 

“I think—”

“Siguro—”

 

Nasira naman yung momentum ko dahil sabay kaming nagsalita. Kung kailan naisip ko na yung dapat kong sabihin...

 

“Sometimes I wish I could read your mind,” sabi ko sa kanya. Mas maganda siguro yun para hindi ko na kailangang itanong o sabihin yung mga gusto kong sabihin. Samantalang siya, kaya niyang basahin yung isip ko, at alam kong alam na niya ngayon kung anong gusto kong sabihin.

 

“I wonder if you could handle them,” sabay turo niya sa ulo niya. Napaisip naman ako. His sixth sense allows him to remember everything. Makakaya ko nga kaya kung mababasa ko lahat ng nasa isip niya?

 

Bigla naman akong napatingin sa direksyon ni Mama, na nasa bandang likuran ni Hiro, at nakangiti siya sa amin. Napangiti rin ako sa kanya at tumingin ako kay Hiro.

 

“I think mas magandang sumama ka muna kay Mama—I mean, sa Mama mo...Uhm, I mean...ugh. This is weird.” Napailing na lang ako. Ang awkward tawaging Mama si Mama sa harap ni Hiro, knowing na siya ang totoo niyang anak. Iniisip ko tuloy kung tinawag niyang Dad si Sir Hideo sa harap ko, awkward rin ang kalalabasan.

 

“Okay,” tapos hinawakan niya yung magkabilang balikat ko at ngumiti. “Let’s have a talk later,” saka siya pumunta sa direksyon ni Mama.

 

Pinanood ko naman siya habang papunta siya kay Mama. Ngayon ko na lang ulit siya nakitang ngumiti after nung time na naexcite siya sa isang case. He’s always cool at laging calm ang expression niya. Pero ngayon, nakita ko yung other side niya.

 

Napatingin naman ako sa side ni Sir Hideo at kausap niya si Darwin. Hindi pa rin ako makapaniwalang ginawa yun ni Darwin kanina. Nagflash bigla sa isip ko yung mga panahong nasa St. Joseph pa kami. Dati, ang sungit niya at minsan lang siya mamansin kahit seatmate ko siya. Pero kahit ganun, siya ang nag-iisang itinuring kong kaibigan sa school na yun dahil siya lang ang nakakausap ko ng ganun. Nagbago yung normal na buhay namin dahil sa tribes na kinabibilangan namin. Nung nalaman kong Senshin ako, pakiramdam ko nag-iba agad ang mundo ko at napaka-bizarre ng ginagalawan ko. Pero nung nakita ko si Darwin, as a Shinigami, parang naramdaman ko ulit yung buhay ko dati. He’s a part of my normal life, at nung nalaman kong halos katulad ko rin siya, natanggap ko na iba talaga ang mundong ginagalawan ko...namin. Pero masaya ako na parte na rin siya ng kakaibang mundong ‘to, kahit na magkaiba kami ng tribe.

 

Lumapit ako sa kanila at nakita nila ako. Ngumiti sa akin si Sir Hideo habang may hawak-hawak siya sa kamay niya na nakabalot.

 

“Iwan ko muna kayo,” tapos saka siya pumunta sa direksyon ni Ma’am Michiko, na inaayos yung bangkay ni Sarah.

 

Tumingin ako kay Darwin at nagpakawala siya ng isang buntung-hininga.

 

“I’m glad you’re safe,” saka siya ngumiti sa akin. Halos mabatukan ko siya dahil sa sinabi niya. Dapat ako ang nagsasabi nun dahil sa ginawa niya kanina! Pero pinalampas ko na lang yun at ngumiti na lang rin ako.

“I’m glad you’re alive,” pabiro kong sabi sa kanya.

“Well, I have nine lives,” then he smirked at me.

“Ano ka, pusa—?”

 

Bigla namang kumirot yung puso ko nung maalala ko si Demi. Naiwan ko siya doon sa lugar kung nasaan si Rin. Pinigilan kong umiyak pero naiimagine ko yung katawan ni Demi kanina. Hinatak ako ni Darwin palapit sa kanya at mas lalo lang akong naiyak.

 

“Shh. Don’t worry. She’s with your father.” Napatingala ako agad nung sinabi niya yun at tumingin ako sa direksyon ni Sir Hideo. Ibig sabihin, yung cloth na hawak niya...

 

“Go. I know she’s important to you. Pwede naman tayong mag-usap mamaya.” Pagkasabi niya nun, nagnod na lang ako at pumunta ako sa direksyon ni Sir Hideo.

 

Habang naglalakad ako, pabigat nang pabigat yung hakbang ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang wala na si Demi. Hindi pa rin ako makapaniwalang ginawa niya yun para sa akin. Alam kong maweiweirduhan sa akin ang iba dahil iniiyakan ko ang isang pusa, pero hindi lang siya basta-basta pusa para sa akin. Naging guardian ko siya. Naging kaibigan ko siya.

 

Agad namang napatingin sa akin si Sir Hideo at Ma’am Michiko. Nagulat naman ako nung bigla akong niyakap ni Ma’am Michiko.

 

“Mabuti naman at nalaman mo na lahat. Nung una kitang nakita sa PE class natin, gustung-gusto ko nang sabihin sa’yo yung totoo pero hindi pwede dahil maraming consequences kapag nalaman mo.” Naramdaman ko naman yung sincerity ni Ma’am Michiko at naalala ko yung sinabi niya sa akin dati sa PE class namin.

 

“May naalala lang ako. Yung kaibigan ko kasi dati, ganyang-ganyan din ang tinanong niya sa teacher namin sa PE.”

 

Ngayon alam ko na na si Akemi yung tinutukoy niya dati. Natatandaan ko pa yung malungkot niyang expression nun. Siguro nga sobrang close ng Great Seven kahit hindi nila sabihin.

 

“Kamukha mo talaga siya. Nagulat nga ako nung nakita kita nun dahil akala ko minumulto na niya ako. Pero sinupress ko yung pagkagulat ko dahil ayaw kong makahalata ka. I guess I did well,” tapos nag-thumbs up pa siya kay Sir Hideo.

 

Napatingin naman ako kay Sir Hideo at doon sa cloth na hawak niya. Biglang lumungkot yung itsura niya habang inaabot niya yun sa akin.

 

“Siguro panahon na rin para magpahinga siya. She did her duty,” sabi ni Sir Hideo kaya napatingin ako sa kanya.

“D-duty?” Hawak-hawak ko na ngayon si Demi habang nakabalot siya sa black cloth.

“It’s her duty to protect you. That was your mother’s last wish to her.” Nakita ko yung pained expression ni Sir Hideo at alam kong mahalaga rin sa kanya si Demi. Alam ko na rin ngayon na si Akemi ang totoong owner ni Demi dahil sabi ni Mama, isa sa Great Seven ang may-ari talaga sa kanya.

“But I don’t want her to die.” Nagtuluy-tuloy na naman yung luha ko at niyakap na lang ako ni Sir Hideo habang yakap-yakap ko rin si Demi.

“She’ll be fine. Magkasama na sila ngayon ng Mama mo.”

 

Pinigilan ko yung paghikbi ko pero sobrang sakit talaga. Kahit sandaling panahon ko lang nakasama si Demi, naging mahalaga siya para sa akin. Siya yung nakasama ko habang nagreresearch tungkol sa Shinigami War. Siya yung kasama ko nung kinuha ako ng mga Shinigami at nagnavigate kami sa Black Dimension. Siya yung kasama ko nung nakita ko ulit si Mama. Pero ngayon, hindi ko na siya makakasama. She’s gone.

 

“We love her as much as you do.” Napatingin naman ako kay Sir Hideo dahil sa sinabi niya at tumingin siya sa cloth na bumabalot kay Demi. “Sobrang saya namin nung nakita namin siya at pinangalan pa namin siya sa amin.”

 

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Then narealize ko na kung anong ibig niyang sabihin. Hideo. Akemi. So that’s why Demi ang name niya. Kahit umiiyak ako, napangiti ako dahil doon. Naimagine ko kung gaano kaimportante sa kanila si Demi at alam kong mas masakit para sa kanya na makita si Demi ng ganito dahil siya ang mas matagal niyang nakasama.

 

Tahimik lang kami habang tinitignan namin yung cloth. Binuksan ko yun at nakita ko yung mukha ni Demi. Ang peaceful niya tignan, lalo na at white na white pa yung fur niya sa bandang ulo. Pero pagdating sa katawan, nabalot na ng dugo yung puti niyang balahibo. Kapag naaalala ko yung scene na tumalon siya nung masasaksak ako ni Rin, lumulubog yung puso ko.

 

“Sa tingin ko mas gusto niyang malibing sa tabi ng amo niya.”

“S-sa tabi ni...ni...Mama?” Nagnod naman si Sir Hideo.

“Do you want to see her grave?”

“Mmm.”

 

Nagsimula siyang maglakad kaya sumunod ako habang hawak-hawak ko nang mahigpit si Demi. Kinabahan ako bigla at bumilis yung tibok ng puso ko.

 

Makikita ko na siya. Kahit hindi siya mismo yung makikita ko, makikita ko naman yung puntod niya. I really want to see her.

 

I want to see my mother.