.

.

Chapter 64

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Sinundan ko si Sir Hideo habang papunta siya sa bandang pusod ng gubat. Tahimik lang kami habang yakap ko nang mahigpit si Demi. Saka ko narealize na sobrang lawak pala talaga ng gubat na ‘to. Ilang minuto pa kaming naglakad hanggang sa nakarating kami sa parang grassland. Tapos may nakita akong cross doon sa bandang gilid. Lumapit naman doon si Sir Hideo kaya sumunod rin ako. Nung umupo siya sa harapan nung cross, alam ko nang ito yung puntod ng Mama ko. Hindi ko alam pero nasaktan ako sa nakita ko.

 

“The elders didn’t want to bury her inside the campus,” sabi ni Sir Hideo.

 

Ang alam ko kasi, may isang building na allotted for Senshins na namatay sa war fifteen years ago and during duties. Pero ngayong nakita ko na yung puntod ni Mama ay nandito lang sa may gubat, nasaktan ako para sa kanya.

 

“Dahil ba Shinigami siya?” tanong ko kaagad habang pinipigilan ko yung luha ko.

“Yeah. Even though she was an excellent student, they can’t accept the fact that she’s a Shinigami.”

 

Napansin ko naman yung dami ng bulaklak na nakapaligid sa puntod niya. Halos napapalibutan na nga ng bulaklak at parang may tumubo na lang na iba’t ibang bulaklak sa tabi. Tinignan ko si Sir Hideo at sobrang lungkot ng expression niya.

 

“Ayokong mag-isa siya kaya lagi akong pumupunta rito,” tapos ngumiti siya. “Ngayon, may makakasama ka na,” saka niya hinawakan yung cross. Napatingin naman ako kay Demi at napangiti rin ako. Alam kong hindi siya malulungkot dahil kasama na niya yung amo niya. Kasama na niya si Mama.

 

Naghukay kami sa tabi ng puntod ni Mama at nilibing namin si Demi doon. Kumuha rin ng makapal na sanga si Sir Hideo para gawing cross at tinusok niya yun sa pinaglibingan namin kay Demi.

 

“Rest in peace, Demi.” Naglagay ako ng bulaklak sa harapan niya at ganun rin kay Mama.

 

Napatingin ulit ako sa puntod ni Mama. Ang dami-dami kong gustong itanong at sabihin sa kanya. Gusto kong makita kung paano siya ngumiti at gusto kong marinig yung boses niya, pero alam kong imposible. Pero masaya na akong malaman na siya ang totoo kong nanay.

 

Thank you, for giving me a chance to live. Kung hindi dahil sa inyo ni...ni...Papa, sana wala ako ngayon. Alam kong sobrang laki ng sakripisyo niyo para sa akin kaya hindi ko sasayangin yung buhay ko. Gusto ko pa kayong makilala. Gusto ko pang malaman ang maraming bagay tungkol sa inyo. At kahit sinasabi nilang isang curse ang existence mo dito, hindi ako naniniwala doon. You are the greatest woman for me. Not because you are my mother, but because you chose to be a mother than to be a Shinigami. I love you so much, Mama.

 

Pagkatapos kong sabihin yun sa kanya, naramdaman ko yung pagyakap ni Sir Hideo mula sa likuran ko.

 

“Mahal na mahal ka rin niya. And I will be here for you.”

“Thank you...Sir—P...papa.” Kahit hindi pa ako sanay na magkaroon ng tatay, ayokong sayangin ang panahon na ‘to. I need him. I need my father and I’m really thankful na nakilala ko rin siya.

 

Bigla naman niyang tinanggal sa pagkakayakap yung isa niyang kamay at after nun, may nilagay siya sa kamay ko.

 

“I want you to keep these. Sa Mama mo ‘to pero ngayon, sa’yo na.” Pagtingin ko, hawak-hawak ko na yung cards na binigay sa akin kanina ni Demi na sinummon rin nina Mama...I mean, ni Naomi, at ni Sir Hideo.

 

“Sa kanya po ‘tong cards?” kahit na puro dugo yung cards, hinawakan ko pa rin yun nang mahigpit.

“Yes. Those were her main weapons. Akala namin nawala na yan pero na kay Demi lang pala. Hindi ko alam kung saan niya yan nakuha o kung tinago niya ba, pero alam kong gusto niyang ibigay yan sa’yo. Siguro isa rin yun sa bilin sa kanya ng Mama mo.” Nung marinig ko yun, lalong bumigat yung pakiramdam ko.

 

Ginawa ni Demi lahat ng sinabi sa kanya ni Mama at hindi man lang ako nakapagpasalamat. Ni hindi ko man lang nasuklian lahat ng ginawa niya para sa akin.

 

Habang hawak-hawak ko yung cards, pakiramdam ko, kasama ko pa rin ngayon si Demi, pati na rin si Mama. Parang mas lalo ko pa siyang nakilala.

 

Nagulat naman ako nung may naramdaman akong pumatak sa balikat ko. Kahit hindi ko tignan, alam kong umiiyak si Sir Hideo. Oo, masakit sa akin na hindi ko man lang nakilala at nakita ang Mama ko. Pero mas masakit para sa kanya na makitang mamatay ang taong mahal niya at naging mag-isa siya simula nun. Nawala si Mama sa kanya. Nawala ako sa kanya. Hindi ko maimagine kung paano niya nakaya yun.

 

“I’m sorry. It’s my fault. Kung nalaman ko lang na tumakas siya kaagad, sana nakagawa pa ako ng paraan para maligtas kayong dalawa.” Naramdaman ko kung gaano kabigat yung dinadala niya. Sa loob ng fifteen years, tinago niya ‘to sa sarili niya. Sinisisi niya pa rin yung sarili niya hanggang ngayon dahil sa nangyari.

 

“Wala ka pong kasalanan. At alam kong hindi ka rin sinisisi ni Mama.”

“But still...”

“It’s been a long time. Siguro oras na rin po para patawarin niyo ang sarili niyo,” saka ako humarap sa kanya. Ngayon nakita ko kung gaano kamahal ni...ni Papa ang pamilya niya. He acts like everything is okay so no one worries about him. Pero kahit hindi niya sabihin, alam kong sobrang bigat ng dinadala niya. Idagdag pa na kailangan niyang pamahalaan yung school.

 

Ilang minuto lang naming pinagmasdan yung graves nina Mama at Demi. At least panatag ang loob ko ngayon na magkasama na silang dalawa.

 

“Let’s go. They’re waiting for us.” Naglakad kami pabalik ni Papa pabalik sa gubat. Medyo tahimik na ngayon dahil siguro nahuli na yung ibang Shinigamis at yung iba naman ay nakatakas na. Madilim na rin kaya medyo nakakatakot na yung paligid.

 

Pagbalik namin doon, may mga taga-Medical department na nagrerecover sa bangkay ni Rin at Sarah, pati na rin ng iba pang Shinigami sa paligid. Pinuntahan naman sila ni Papa tapos lumapit sa akin si Dra. Yuuki.

 

“Thank you for notifying us,” sabay ngiti niya sa akin. Bigla naman akong naguluhan. Notifying? Kelan? At para saan?

“Po?”

“You called us, right? Kung hindi mo kami kaagad tinawag, baka mas malala pa ang naging kalagayan ni Naomi at ng kaibigan mo.” Bigla namang may nagflash sa isip ko doon sa sinabi niya.

“Teka po...you mean...yung sa inner voice?” nung tinanong ko yun, bigla siyang tumawa, siguro dahil na rin sa confused look ko. Then tinap niya yung balikat ko.

“Yes. That was a great distance and it’s not that easy. You are really their daughter,” tapos ngumiti ulit siya at saka siya lumapit sa mga kasamahan niya.

 

Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko. Ibig sabihin, narinig nila hanggang sa may campus yung inner voice ko? Pero bago nun, ni hindi ko nga makausap si Mama sa isip nung magkalayo kami ng 300 meters. Ibig sabihin, nung hinahabol namin ni Papa si Rin, narinig nila yung pagtawag ko at pumunta sila dito? Pero wala kaming naabutan kanina dito na taga-Medical department nung ayos na sina Mama at Darwin. Sabagay, baka nagligtas pa sila ng iba pang Senshins kaya hindi na sila nagstay.

 

Saka ko naman narealize na hindi ko makita si Darwin sa kahit saan. Nasaan na siya? Umalis ba siya? Hinuli? Imposible. Nakita naman nina Papa kung paano niya kinalaban si Rin. Kung umalis man siya...hindi. Hindi pwede. Sabi niya mag-uusap pa kami. At marami pa akong gustong itanong sa kanya.

 

“Hinahanap mo ba yung kaibigan mo?” Nagulat naman ako nung narinig ko yung boses ni Mama sa likuran ko kaya napatingin agad ako. Pagtalikod ko, magkasama sila ni Hiro.

 

“Maiwan ko po muna kayo,” sabi ni Hiro kay Mama tapos tumingin siya sa akin.

 

‘Tomorrow. Library,’ saka siya umalis. Narealize ko naman na doon na lang kami mag-uusap dahil wala ring time ngayon para makapag-usap kami. Hinarap ko naman si Mama at ngumiti ako sa kanya.

 

Ang weird pa rin sa pakiramdam na malamang hindi ko siya totoong nanay. At mas weird dahil yung kinilalang Dad ni Hiro ay yung Papa ko pala. Grabe. Hindi ko akalaing nagkapalit kami ng parents dahil sa nangyari fifteen years ago.

 

“Napuntahan mo na ba ang grave ni Akemi?” napakunot naman yung noo ko sa tanong ni Mama. Ang awkward dahil kapangalan ko yung totoo kong Mama kaya parang ako yung nirerefer doon. “Oh. Sorry Rainie. Nasanay na kasi akong yun ang tawag sa kanya. Fine. I’ll call her Rielle.”

“Rielle?” Ngumiti naman si Mama sa tanong ko.

“That’s her real name.”

“Ohh.” Rielle. So yun ang totoong pangalan ni Akemi. Bigla namang hinawakan ni Mama yung kamay ko.

“Alam mo, kahit ngayon mo lang nakilala ang Mama mo, pinili ko pa ring bigyan siya ng chance para maging Mama mo.” Naguluhan naman ako sa sinabi ni Mama.

“Ano pong ibig niyong sabihin?”

“Alam mo ba kung bakit Rina Lazaro ang ginamit kong pangalan nung nagtatago ako?” Umiling naman agad ako. Sa pagkakatanda ko sa sinabi niya sa akin bago sumugod ang mga Shinigami dito, Nathalie Alejandrino ang totoo niyang pangalan. “Well, Lazaro is my maiden name. And I want you to have two mothers kaya pinagcombine ko ang pangalan namin ng Mama mo. Alam kong maliit na bagay lang yun pero gusto kong malaman mo na...meron kang dalawang nanay na nagmamahal sa’yo.” Bigla namang naiyak si Mama kaya niyakap ko siya kaagad.

 

So that’s why Rina ang name niya. Rielle and Nathalie. Nakakatuwang isipin na hindi hinayaan ni Mama na mawala na lang si Akemi sa buhay ko.

 

“K-kamusta naman po pala kayo ni Hiro?” For sure nakapag-usap na rin sila kanina. Naging awkward rin kaya sila? Ano kayang mga pinag-usapan nila?

 

“He’s a good kid. At mukhang nakuha niya yung ugali niya sa tatay niya,” tapos tumawa si Mama sabay iling. Sa pagkakatanda ko, si Mitsuo, na part rin ng Great Seven, yung tatay ni Hiro. Nakakalungkot isipin na sinacrifice niya rin yung buhay niya para mailigtas si Hiro, just like my mother.

“Ganun rin po ba si Mitsuo? I mean, laging kalmado at cool lang?”

“More like, pa-cool.” Pareho kaming natawa ni Mama. Hindi ko naman maimagine kung anong itsura ni Mitsuo at kung paano siya naging pa-cool. “But he got my sixth sense.”

 

Nacurious naman ako bigla sa sinabi ni Mama. Ibig sabihin, pareho sila ng sixth sense ni Hiro? Yung kayang matandaan lahat ng bagay at lahat ng nangyari sa kanya?

 

“No, it’s not like that.” Ah! Nabasa niya yung iniisip ko! Lahat ba ng Great Seven, kaya ang skill na yun?

 

Bigla naman akong binitawan ni Mama at lumayo siya sa akin ng mga five meters. Tapos pumulot siya ng maliit na bato at binato niya sa akin. Buti na lang nakita ko yung path na tinravel kahit sobrang liit nun kaya nasalo ko.

 

“Throw that at me,” sabi niya. Nung una, nag-alangan pa ako, pero ginawa ko na lang. Binato ko yung maliit na bato kay Mama. Tapos nagulat ako nung...

 

Nagstop midway yung bato. As in nakafloat lang siya. Then after three seconds, bumagsak na yun sa lupa. Napatingin ako kay Mama at tinawanan niya lang ako dahil sa facial expression ko. Lumapit ulit siya sa akin after that.

 

“I can freeze the movement of things that I can see, pero may time limit and certain surface area. Pero yung kay...Hiro, kaya niya lang i-freeze yung moment for less than a second, but, nasstore niya yun sa utak niya. Kaya parang nagiging photographic memory ang labas.”

 

Namangha naman ako after sabihin yun ni Mama. Ang galing!

 

Ako kaya? Kanino ko nakuha yung sixth sense ko? Hindi ko alam yung sixth senses ni Mama at Papa. Sana pala tinanong ko kanina.

 

“Namana mo yung kay Hideo.” Again. Binasa na naman ni Mama yung isip ko!

“Kay...P-papa po?” Pagkasabi ko nun, bigla namang natawa si Mama.

“Ang weird no? Hindi ko maisip na tinatawag mo siyang Papa. Ganyan din si Hiro sa akin. Sinubukan niyang tawagin akong Mom, at sobrang natuwa ako dun, pero ang weird pakinggan.” Natuwa naman ako dahil may karamay ako sa nararamdaman ko. Hindi talaga ako sanay lalo pa’t nabuhay ako for fifteen years na walang tinatawag na Papa. Pero gusto kong sanayin yung sarili ko.

“Teka, ano pong sixth sense niya?”

“He can see everything around him. As in 360 degrees and his eyesight limit is 2 kilometers.”

 

Nanlaki yung mata ko nung narinig ko yun. Kaya pala kahit nakatalikod siya sa akin o kaya wala ako sa line of sight niya ay nakikita niya ako. Grabe. Nakakamangha sila.

 

“Hindi ako masanay na Akemi ang tawag sa’yo dito,” then napabuntung-hininga si Mama. “Idagdag pa na kamukha mo siya nung teenagers rin kami. At hindi rin ako sanay na tawaging Hiro ang anak ko.”

“Hmm? Ano pong totoong pangalan ni Hiro?” Kasi panigurado yun ang iniisip palagi ni Mama. Hindi niya naman alam yung alternative name niya.

“You can ask him,” sabay ngiti niya. Haaay. Ayaw pa sabihin.

“Mama naman—”

“Anyway, ‘di ba hinahanap mo yung kaibigan mo?” Bigla namang naging seryoso yung mukha ni Mama.

“O-opo. Si Darwin. Saan siya nagpunta?”

“Sinabi ko sa kanya kung saan niya makikita ang parents niya kaya umalis siya kaagad.”

 

Nagulat naman ako sa sinabi ni Mama. Parents ni Darwin? Ibig sabihin, hindi niya alam kung nasaan yung parents niya? Akala ko kasama niya sila sa Shinigami base. At paano nalaman ni Mama yung tungkol sa parents niya?

 

Then bigla kong naalala yung sinabi niya nung nasa Black Dimension kami kanina.

 

“Bakit? Bakit mo ‘to ginagawa? Mapapahamak ka lang.”

“Hindi ko rin alam. Shinigami ako pero hindi ko gusto yung principles nila. Siguro dahil hindi ako lumaki kasama ang mga Shinigami.”

“Shinigami rin ang parents mo ‘di ba? Hindi ba sila—”

“Wala na tayong oras para pag-usapan ang bagay na yan.”

 

Kaya ba hindi niya sinagot yung tanong ko kasi hindi niya rin alam ang sagot? Dahil ba hindi niya alam kung nasaan ang parents niya? Napatingin ako kay Mama para manghingi ng explanation. Tapos naalala ko rin kanina nung nagkita sila, tinanong niya si Darwin.

 

“Ikaw ba ang anak ni Haruka?”

 

Yun ba ang pangalan ng Mama niya?

 

“Yes. That’s the name of her mother,” sabi sa akin ni Mama. “Nung wala pa sa Tantei High si Akemi, ang pinakamalapit niyang kaibigan ay si Haruka. At nung bumalik si Akemi sa base nila, si Haruka ang naging ‘mata’ niya sa kinikilos ng pamilya niya. Kaya nung namatay si Akemi at nabansagan siyang traitor, nadamay si Haruka. She and her husband were exiled. At kinuha sa kanila ang anak nila. Kasabay nun, nagtago na rin ako para maprotektahan ka sa mga Shinigami. At habang lumalaki ka, ginawa ko lahat para makatulong from the shadows. Nagresearch ako sa kung ano na ang nangyayari dito sa school at kung saan ipinatapon sina Haruka. Gusto ko silang tulungan dahil sila ang nag-inform sa akin na tumakas si Akemi sa base at susugod ang mga Shinigami dito. At after ten years of research, nalaman ko kung saan sila nakakulong. Nung nakita ko yung kaibigan mo, at kung paano ka niya protektahan, kinutuban na agad ako na siya yung anak ni Haruka. Kaya naman kanina, binigay ko sa kanya yung information about doon sa place.”

 

Hindi ko akalaing ganun pala ang nangyari. Hindi ko akalaing yung magulang ni Darwin ang tumulong kay Mama para makatakas. Hindi niya pala alam kung nasaan ang mga magulang niya. I hope makita niya sila para magkasama-sama na sila.

 

‘Gabi na. Bumalik na tayong lahat sa campus. Marami pang kailangang asikasuhin dun.’

 

Nagulat naman ako nung marinig ko yung boses ni Papa sa isip ko at mukhang ganun rin si Mama dahil napatingin siya sa direksyon ni Papa.

 

“Okay, boss,” bulong ni Mama sabay nagmake face siya kaya natawa ako. “He’s bossy. Kaya madalas siyang nakakatanggap ng batok dati kay Miyu at Michiko.”

 

Nakakatuwang makita na masaya na ngayon si Mama. At nacurious ako bigla sa buhay ng Great Seven dati. Wala kasi sila sa mga history books. Siguro dahil na rin sa existence ni Akemi sa grupong yun kaya hindi sila nakalagay sa libro. Pero nakikita ko naman yung mga pangalan nila sa ibang libro about sa Shinigami War dati.

 

“Tara na,” sabay angkla ni Mama sa braso ko. Then kumaway siya sa may bandang kanan at nakita kong papalapit si Hiro sa amin. Andami niya rin palang galos at sugat sa katawan, maski ako. Pero feeling ko namanhid na yung buong katawan ko kaya hindi ko na nararamdaman yung hapdi. Hindi naman masyadong malala yung mga sugat ko compared sa ibang Senshin. Mas priority pa rin ng Medical department yung mga may critical na kalagayan.

 

“Mauna na kayo. Kakausapin ko lang si Hideo,” tapos nginitian ni Mama si Hiro. Nagnod naman si Hiro at after nun, umalis na si Mama at pumunta siya sa direksyon ni Papa.

 

Nagsimula naman kaming maglakad ni Hiro palabas ng gubat at papunta sa campus.

 

“You’re covered with wounds,” bigla niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya. Di niya ba nakikita yung sarili niya?

“Ikaw rin kaya. Meron ka pang galos sa mukha,” tapos tinuro ko yung pisngi niya. May malaking gasgas doon. Ang hapdi siguro nun. Hindi kaya magkaroon ng infection ‘tong mga sugat namin? Pagtingin ko kasi sa sugat niya sa balikat, may nakita akong lupa at maliliit na bato doon. Napatingin rin ako sa sugat ko sa binti. Iika-ika akong maglakad pero kaya pa naman. Kaso puro dumi rin yung sugat ko doon.

“Let’s go,” tapos bigla niya akong hinatak sa braso.

“Huh? Saan?”

“To Riye. Your wounds should be disinfected.”

“O-okay.”

 

Mukhang matutulungan nga kami ni Riye sa paggamot sa mga sugat namin. Sa pagkakatanda ko, nasa campus na sila dahil sinama sila kanina nina Sir Hayate.

 

Bigla ko namang naalala yung time na magkasama rin kaming pumunta dito sa gubat. Sobrang dilim rin nun. At yun rin yung time na nakita namin si Darwin. Ang tagal na rin pala simula nung pinasok ko ang mundong ‘to.

 

‘Thank you.’ Narinig ko naman yung boses ni Hiro sa isip ko kaya napatingin ako sa kanya kahit likod lang ang nakikita ko.

‘Para saan?’

‘For taking care of my Mom.’ Napangiti naman ako doon. Siguro matagal niya na ring hinihiling na magkaroon o makita ang nanay niya. Ano kayang sinabing dahilan sa kanya ni Papa dati? Na patay na ang nanay niya? O umalis?

‘Salamat rin. Para sa pag-aalaga sa Papa ko.’

‘I know you’re already tired. Let’s continue this conversation tomorrow.’

‘Okay.’

 

After that, tahimik kaming naglakad papunta kina Riye.

 

Yeah. Marami akong gustong kausapin at sobrang dami kong gustong malaman sa kanila. Pero makakapaghintay naman siguro ang mga yun. I really want to rest. Physically, mentally and emotionally.

 

Bukas. Bukas ko malalaman ang lahat.