.

.

Chapter 65

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Tatlong araw na ang nakakalipas. Hindi kami nakapag-usap ni Hiro tulad ng napag-usapan namin. Wala rin kasing time. Sobrang daming dapat ayusin sa campus at kailangan ng tulong ng lahat ng estudyante.

 

Maraming nasirang buildings at marami ring sugatan kaya wala munang mga klase. Ngayon rin yung mass para sa mga namatay sa nangyaring war.

 

Ngayon ko lang rin nalaman na wala na rin pala si Ma’am Sera. Nung sugatan siya at dinala namin siya kina Dra. Yuuki, sumugod sa kanila yung mga Shinigami. Pinrotektahan niya yung mga taga-Medical Department dahil kailangan sila para makasurvive kami. Sinacrifice niya ang sarili niya para sa kanila. Nung narinig ko yun kina Akane at Riye pagkauwi namin sa dorm, sobrang bumigat yung loob ko. Isa siya sa mga tinitingala kong teachers at malaki ang respeto ko sa kanya. Nagkanya-kanyang pwesto kami nina Akane at Riye nun sa dorm. At kahit hindi namin sabihin sa isa’t isa, alam kong para hindi namin makita na umiiyak kami at para na rin siguro sa space. We need to be alone for a moment.

 

Nagpunta ako sa banyo at pagkalock ko ng pinto, doon na ako nagsimulang umiyak. Sobrang sakit na para sa akin na mawala si Demi pero ngayong nalaman ko na nawala rin si Ma’am Sera, mas lalong bumigat yung pakiramdam ko. At nung makita ko yung mga katawan ng ibang estudyante at school staffs na wala ng buhay, parang gusto kong masuka.

 

‘It’s a war. Hindi lahat, magsusurvive.’ Narinig ko yung boses ni Akane sa isip ko at alam kong umiiyak rin siya ngayon. Napangiti naman ako dahil kahit papaano, pwede pa rin kaming mag-usap kahit nasa ganitong sitwasyon kami.

 

‘But...it still hurts,’ sabi naman ni Riye.

 

‘I know. Pero wala na tayong magagawa. Wala na sila.’ After kong sabihin yun, nagcrack na yung boses ko dahil naalala ko na naman si Demi.

 

Pagkatapos nun, hindi na ulit kami nag-usap-usap. Nung bandang alas-tres na, lumabas ako sa banyo at sumilip ako sa may bintana. Pagtingin ko, may mga taga-Intelligence department na nakabantay sa baba ng dorm at ganun rin sa kabilang dorm. Lahat kasi ng estudyanteng survivors, pinabalik na nila sa kanya-kanyang dorm at hindi raw kami pwedeng lumabas hangga’t hindi nila sinasabi.

 

Pumunta naman ako sa kwarto at nakita kong tulog na si Riye. Nilapitan ko siya at hinawi ko yung buhok niya na nakaharang sa mukha niya. Pagtingin ko, sobrang maga ng mata niya at hanggang ngayon, may tumutulo pa ring luha sa mga mata niya. Nababasa ko rin yung isip niya at napapanaginipan niya yung mga nangyari kanina. Tama nga yung sinabi nina Ken na sobrang nagfflow ang mga iniisip mo kapag tulog ka. Her mind is very vulnerable right now.

 

“Mukhang hindi ka rin makatulog ah.” Tumingin naman agad ako sa kanan ko at nakita ko si Akane sa isang sulok. Umakyat ako sa kama at tumabi ako kay Riye.

 

“Mukhang ikaw rin,” tapos nginitian ko siya.

 

“N-naalala ko lang si Mommy.” Nakaupo siya sa may gilid habang yakap-yakap niya yung tuhod niya. Nakita ko naman na may tumulong luha sa mga mata niya kaya tinago niya agad yung mukha niya.

 

Kahit naiiyak na rin ako, pinigilan ko yung luha ko. Sobrang maga na rin kasi ng mga mata ko at wala na akong ginawa mula kanina kundi umiyak. Sa dami ng nalaman ko at nakita ko, puro iyak ang reaksyon ko. At ngayong umiiyak si Akane, gusto kong magpakatatag para sa kanya. Nilapitan ko siya at saka ko siya niyakap.

 

“I’m sure masaya ngayon ang Mommy mo kasi ligtas ka.” Pagkasabi ko nun, napatingin agad siya sa akin. “She sacrificed her life for everyone’s safety. For you. Right?”

 

Kahit hindi ko alam yung kwento behind her death, alam ko namang para yun sa mga taong mahalaga sa kanya. Just like what my mother did.

 

Tumabi ako sa kanya at napayakap rin ako sa tuhod ko. Sumandal naman siya sa balikat ko kaya sumandal rin ako sa ulo niya. Kahit hindi kami nag-uusap, nararamdaman ko yung nararamdaman niya. Kasi ngayon, alam kong parehas kami ng sitwasyon. And just like that, nakatulog kami.

 

***

 

Nandito kami ngayon sa quadrangle at katatapos lang ng mass para sa mga namatay. Yung mga magulang ng mga estudyante ay nandito rin kaya medyo maraming tao ngayon sa school.

 

“They will be remembered for the rest of our life. They are the heroes that fought the enemies for the future’s sake, for your sake,” sabay turo nung speaker sa mga nakikinig. “Rest in peace, our beloved heroes. You will always be in our hearts.”

 

After that, nagsitayuan na kami at pumunta kami sa graveyard sa campus. Pumunta kami sa kanya-kanya naming pamilya at naglagay kami ng white roses sa puntod ng mga namatay. Nung nasa puntod na ako ni Ma’am Sera, nag-iwan ako ng white rose at umupo ako sa harapan niya.

 

“Thank you po sa lahat. Sa pagtuturo sa akin ng mga kailangan kong malaman…at sa pagligtas sa amin.” Bago pa ako tuluyang maiyak, tumayo na ako. Then nakita ko na naglagay rin si Papa ng white rose sa puntod niya.

 

“Thank you for guiding us and for being a great senior.”

 

After that, niyakap ako ni Papa at ngumiti siya sa akin.

 

“Buti at hindi ka na umiiyak. Not that it’s bad. Crying is the best way to express the pain.” Ngumiti naman ako sa kanya. Kahit na hindi kami nagkasama ng fifteen years, pakiramdam ko kilalang-kilala niya ako.

“Narealize ko lang po na hindi lahat ng bagay, kailangan kong iyakan.”

“Yes.Life isn’t to be cried for but to be fought for.”

 

After that, nagpaalam na siya sa akin dahil marami pa siyang dapat asikasuhin ngayon. Lalo pa’t andaming kailangang ayusin sa school. Alam ko namang gusto niyang magkaroon ng time para sa akin para makapag-usap kami, pero alam ko ring mas mahalaga ngayon yung pagiging President niya ng school at leader ng Senshins.

 

Pumunta naman ako sa gubat at inalala ko yung way na dinaanan namin ni Papa papunta doon sa parang grassland. I want to see my mother and Demi. Hindi pa ako nakakapagpaalam sa kanila ng maayos.

 

Habang naglalakad ako, naalala ko lahat ng nangyari nung war. Dito sa lugar na ‘to, nalaman ko kung sino talaga ako. Dito rin namatay sina Rin at Sarah. Alam kong puro masasamang bagay ang ginawa nila sa akin, pero hindi ko pa rin maiwasang hindi itanong sa isip ko kung totally ay masama ba talaga sila...o dahil lang sa mga nangyari sa buhay nila. Sa pagkakaalam ko, naging apprentice ni Akemi si Sarah at kapatid naman niya si Rin. Gusto kong malaman ang nangyari sa pagitan nilang tatlo pero wala namang time para kausapin ko si Papa o si Mama…I mean Mama ni Hiro.

 

Nung nakarating na ako sa grassland, napahinto ako nung may nakita akong dalawang tao sa harapan ng puntod ni Mama. Magsusummon na sana ako ng bow and arrows pero pamilyar sa akin yung likod ng lalaki. Saka ko narealize na si Darwin pala yun. Lumapit ako sa kanila at ilang metro pa ang layo ko sa kanila, napalingon sa akin yung babaeng nakaupo sa harap ng puntod ni Mama. Shocked pa yung expression niya pero napalitan naman agad yun ng ngiti. Lumingon rin si Darwin at nakita niya ako. Dahil nakita na rin naman nila ako, tuluyan na akong lumapit sa kanila.

 

“Akala ko nakita ko ulit si Rielle. So, ikaw pala ang anak niya,” tapos tumayo yung babae at ngumiti ulit sa akin. “I’m Haruka. Rielle’s friend and Darwin’s mother.”

 

Nagulat naman ako nung narinig ko yun. Hindi ko inaasahang makikita ko siya. Nung nakaraan, kinukuwento lang siya ni Mama...ni Hiro, pero ngayon nasa harapan ko na siya. Siya yung tumulong kay Mama at naging traitor rin siya dahil doon at ikinulong sa malayong lugar.

 

“After fifteen years, ngayon ko lang nadalaw si Rielle. Ang dami ko nang nasabi sa kanya kanina pero pakiramdam ko kulang pa yun,” tapos lumingon siya ulit sa puntod ni Mama tapos bumuntung-hininga. “Maiwan ko muna kayo ha?” After niyang sabihin yun ay nag-open yung Black Dimension at nawala na lang siya.

 

“So...how are you?” Napatingin naman ako kay Darwin na nasa harapan ko na pala.

“A-ayos lang.”

“Good,” then he smiled.

“Nahanap mo na pala yung parents mo. I’m happy for you.”

“Thanks. Pakisabi na lang rin sa Mama mo...uhm...” napangiti naman ako dahil alam kong hindi niya yun sinasadya. Alam kong alam niya na rin lahat ng nangyari at kung sino talaga ang parents ko. “...salamat dahil sinabi niya sa akin kung nasaan sila.”

“Okay. I’ll tell her.”

 

After that, nagtitigan na lang kami dahil hindi ko na alam ang susunod na sasabihin. Pero nagulat ako nung bigla niya akong hinatak papunta sa kanya.

 

He hugged me.

 

“Promise me, you won’t forget about me.”

“Teka, anong ibig mong sabihin...” Bigla akong kinabahan sa sinasabi niya. It’s like…

“We’re traitors. We can’t stay for too long here. They will hunt us, for sure.”

“You mean, you’re...leaving?” Naramdaman ko naman na humigpit yung yakap niya sa akin.

“Maraming naghihintay kay Mama sa lugar na pinagkulungan sa kanya. Mga Shinigami na tutol rin sa policies ng tribe. We’re planning to overthrow the current leaders but we need time and plans.” Humiwalay siya sa pagkakayakap at hinawakan niya ako sa balikat. “Dumaan lang kami rito dahil gusto ni Mama na bumisita sa puntod ng kaibigan niya. And I want to see you for the last time.”

 

Pinigilan ko yung sarili ko sa pag-iyak. Ayokong umalis siya na ang huling nakita niya ay yung umiiyak kong mukha kaya tinatagan ko yung loob ko.

 

“We’ll see each other again in the future. And I’m sure, isa ka na sa leaders ng bagong Shinigami tribe,” tapos ngumiti ako sa kanya.

“And you’ll be the Senshin’s leader.”

“Malabo. I don’t have the skills to be a leader.” At hindi ko nakikita ang sarili ko bilang leader. Kahit ako pa ang anak ng current leader, pakiramdam ko walang-wala ako sa lahat ng nagawa at magagawa pa niya.

“You have,” saka siya ngumiti ulit. Pero nagulat ako nung bigla siyang lumuhod.

“Hey wait! Teka Darwin anong ginagawa mo—”

“I, the leader of the Shinigami tribe in the future, will give my support to the future leader of the Senshine tribe. I will be your ally and I will do everything to help you.”

 

Natawa na lang ako sa pinaggagawa niya. Hindi ko akalaing may ganitong side pala siya. After that, tumayo na rin siya agad.

 

“See you soon.” Tumalikod na siya at bukas na rin yung Black Dimension. Ito na ang huling beses na makikita ko siya sa ngayon. Mukhang matagal na panahon pa bago ko ulit siya makita.

 

“Yeah. See you soon.”

 

And just like that, he disappeared.