.

.

Chapter 66

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Nagstay muna ako sa puntod nina Mama at Demi. Nagbigay rin ako sa kanila ng white roses at nilinis ko yung paligid ng mga puntod nila.

 

“Okay na po ako ngayon. Though napapanaginipan ko pa rin yung mga nangyari. I hope ayos rin kayo kung nasaan man kayo ngayon,” saka ako umupo sa harapan nila at niyakap ko yung tuhod ko. Then kinuha ko sa bulsa ko yung cards na binigay sa akin ni Demi.

 

“Mama, gusto ko pa pong malaman lahat ng tungkol sa inyo. Gustung-gusto ko nang magtanong kay Papa pero alam ko namang busy siya. Gusto kong malaman yung buhay mo nung nasa Shinigami ka pa, kung paano kayo nagkakilala ni Papa at ng iba pang members ng Great Seven, kung paano kayo naging magkakaibigan, kung paano kayo nagka-inlovean ni Papa,” napangiti na lang ako habang iniisip ko yun. Kahit na sinasabi ng Senshins sa cursed siya at traitor siya para sa mga Shinigami, nararamdaman ko naman na naging masaya siya sa buhay niya.

 

“Demi, namimiss na kita. Alam mo, kahapon, nagpunta ako sa library. Akala ko makikita ulit kita doon, pero para lang akong tanga. Kahit alam kong wala ka na, hindi pa rin matanggap ng isip ko. Minsan nakatingin lang ako sa kawalan, hoping na magbukas yung Black Dimension at tatalon ka papunta sa akin. Pero alam ko namang hindi na mangyayari yun. Di ba?”

 

Bago pa ako tuluyang maiyak, tumayo na ako at pinagpagan ko yung palda ko.

 

“Bye Mama. Bye Demi. Thank you for everything. Wag kayong mag-alala, pupunta ulit ako dito,” saka ako umalis doon.

 

Naglakad ako papasok ulit sa gubat at tanging yung paggalaw lang ng mga dahon dahil sa hangin ang naririnig ko. Ang peaceful sa pakiramdam at kahit papaano, medyo gumaan yung loob ko. Napahinto naman ako sa paglalakad at napatingin ako sa bandang kaliwa. Yun yung part ng gubat na hindi ko pa napupuntahan. Parang may nagtutulak sa akin na pumunta doon kahit na alam kong delikado. Mas liblib kasi yung part na yun at sabi ni Akane dati, may mga naririnig siya doong tunog ng wild animals.

 

Pero naglakad pa rin ako papunta doon. Sinummon ko na lang yung bow and arrows ko para kung may sumugod man sa akin, kaya kong protektahan yung sarili ko.

 

Dahan-dahan akong naglakad doon habang pinapakiramdaman ko yung paligid. Nakakatakot nga lang dahil sobrang tahimik. Siguro dahil na rin sa masyado na ‘tong malayo sa campus at mukhang wala namang pumupunta dito.

 

Then 200 meters away from me, may nakita akong hill na mas mataas pa kaysa sa ilang puno. Pero ang ikinagulat ko, may taong nakaupo doon sa tuktok at nakatalikod siya sa akin. Naglakad ako papunta sa kanya at nung malapit na ako, napatigil ako.

 

‘Hey.’ Boses pa lang, alam ko na kung sino. Kahit hindi siya lumingon, alam nyang nandito ako. Paano niya kaya nagagawa yun?

 

“Hiro,” then lumingon siya sa akin habang nakatayo ako sa baba ng hill at nakatingin sa kanya. Nagsimula naman akong umakyat at nakita kong tumayo siya. Nung nasa kalagitnaan na ako, tinulungan niya akong makaakyat hanggang doon sa tuktok at umupo ako sa tabi niya.

 

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko kaagad nung makaupo na kami.

“Nothing.” Ngumiti naman siya after that. Napansin ko lang, simula nung matapos yung war, dumadalas na yung pagngiti niya. Siguro dahil kasama na niya ngayon yung Mama niya. “How about you? What are you doing here?” sabay tingin niya sa akin.

“Ahh. Gusto ko lang makita kung anong meron dito sa part ng gubat na ‘to. Tapos nakita kita.” Tumingin naman siya sa harapan kaya napatingin rin ako.

 

“Whoa.”

 

Hindi ko inaasahan yung nakita ko. Kitang-kita ko yung buong campus. At ngayon ko lang masasabi na sobrang lawak pala talaga ng sakop ng campus at ang ganda ng landscape.

 

“Ang ganda.” Tanaw na tanaw ko lahat ng buildings. At dahil sa sixth sense ko, nakikita ko rin yung mga estudyante at mga magulang nila na naglalakad sa buong campus.

“Your eyes are already green. That’s nice.”

“Mmm.”

 

Napayuko naman ako at ngumiti na lang sa sarili ko. Sa katunayan, nagulat rin ako nung naramdaman ko sa sarili ko na green na yung mga mata ko. Siguro hindi ko lang ‘to napansin nung nakikipaglaban kami. Hindi ko akalaing ganito kabilis mag-eevolve ang eye color ko. Hindi naman kasi ako kagaya ng ibang green-eyed Senshins na sobrang lakas at marami nang nagawa sa buhay nila.

 

“No. That means you’re also strong.” Napatingin naman ako sa kanya. Kahit sanay na ako na nababasa niya yung isip ko, hindi ko pa rin lubos-maisip kung paano niya nagagawa yun. Ang unfair pa kasi by default, nakasarado yung isip niya.

“Paano mo nababasa yung isip ng iba kahit nakasarado naman?” This time, napatingin siya sa akin.

“Hm? Kaya ring gawin yun ni Dad...ng Papa mo.” Natawa naman ako sa reaksyon niya. I guess hindi pa rin siya sanay na hindi tawaging Dad si Papa, gaya ko kay Mama.

“Talaga?”

“Sabi niya, lahat ng members ng Atama, kayang gawin ‘to.”

“Wow.”

 

Saka ko narealize, siguro sadyang magaling at malakas lang si Hiro. Siguro makakaya naming gawin yun after some time, pero siya, nagagawa niya na kaagad ngayon.

 

“Uhm kamusta na pala kayo ng Mama mo?” Pagkatanong ko nun, napangiti na naman siya. Mukhang masaya talaga siya ngayong kasama na niya yung Mama niya.

“We’re okay. Still getting to know each other.”

“Saan pala siya tumutuloy ngayon?”

“Teacher’s Village. There,” then tinuro niya yung area malapit sa Intelligence department.

“Ah. Payo lang, kung gusto mo siyang matuwa, lutuan mo siya ng adobo. Favorite niya yun,” sabi ko na lang. Naalala ko nung first year ako, tinuruan niya ako kung paano magluto nun at tuwang-tuwa siya nung natuto na ako. Favorite niya raw kasi yun at gusto niyang ipagluto ko siya kapag depressed siya o may pinoproblema siya.

“But...I don’t know how to cook.”

“Ohhh.”

 

Then bigla akong may naalala. Nung tinanong ko kay Mama yung totoong pangalan ni Hiro, sabi niya itanong ko na lang raw mismo sa kanya. Pero nakakahiya naman kung itatanong ko kung anong name niya.

 

Ah wait! Baka nababasa na naman niya yung isip ko ngayon! Teka! Wag mo basahin! Ayokong malaman pangalan mo! Wag mo basahin isip ko! Wait, wag! Wala kang nababasa. Wala kang nababasa. Wala!

 

Narinig ko naman sa isip ko yung pagtawa niya ng kaunti.

 

‘Cute.’

 

Nahampas ko siya sa likod after that. Pero bumuntung-hininga na lang ako. Bakit ba kasi naisip ko yun?

 

‘Why do you want to know my name?’

‘Ha? Curious lang.’

 

Saka ko narealize na hindi ko alam yung real names nina Ken, Reiji at Hiro. Well, hindi naman needed na malaman pero nakakacurious kasi.

 

Nagulat naman ako nung bigla siyang humarap sa akin kaya napaharap rin ako sa kanya.

 

“Nathan,” then inextend niya yung kamay niya para makipagshakehands. Nung una, hindi ko pa nagets pero napangiti na lang ako.

“Hi. I’m Rainie,” saka ko kinuha yung kamay niya at nagshake hands kami.

“Nice to meet you, Rainie.”

“Same here, Nathan.” After that, natawa na lang ako sa kanya. Ang weird niya talaga minsan.

 

Tumingin na lang ulit ako sa buong campus. Nakita ko naman sina Akane at yung Dad niya na nasa harapan ng puntod ng Mom niya. Kahit ngayon ko lang nalaman, alam ko rin ang pakiramdam ng mawalan ng nanay kaya naaawa ako sa kanya. Siguro naalala niya yung Mom niya na namatay dahil sa Shinigami War dati, after ng war ngayon.

 

“Don’t worry, she’ll be fine,” sabi naman ni Hiro.

“Mmm,” saka ako napabuntung-hininga. “Paano mo nahahandle yung mga ganitong sitwasyon? You always look calm.” Para rin siyang si Papa. They act like everything is okay so no one worries about them.

“Because I need to. Kahit hindi nila sabihin, alam kong nakadepende sila sa akin.” Narealize ko na ang tinutukoy niya ay yung members ng Atama family. Kahit ako, siya ang tinuturing kong leader namin.

“Mahirap ba?”

“I don’t care if it’s hard. I’ll do everything for the people I love.”

 

I know. Natural na gagawin natin ang lahat para sa mga taong mahalaga sa atin pero bilib pa rin ako sa mga taong mas inuuna yung iba kaysa sa sarili nila. Siguro yun ang isa sa katangian ng isang leader. Hiro is really a natural leader.

 

“Tara?” Nagulat naman ako nung bigla siyang tumayo.

“Huh? Saan?”

“Campus,” then nilahad niya yung kamay niya para tulungan akong tumayo. Inabot ko naman agad yun.

“Bakit?”

“Turuan mo kong magluto ng adobo,” saka siya ngumiti.

 

Sabay naman kaming bumaba doon sa hill at ingat na ingat ako sa paghakbang dahil baka dumulas ako hanggang baba. Pagdating namin sa baba, sabay kaming naglakad.

 

“You know what? You should smile more often. It suits you.” Bigla naman siyang tumingin sa akin.

“They will tease me,” sabi niya naman.

“Bakit naman?”

“I always act calm and cool in front of them.”

 

Sabagay. Matagal na niyang nakasama sina Akane at magkababata silang lahat, well except kay Riye. Inimagine ko naman na ngumiti si Hiro kina Akane at mukhang tama siya. Panigurado mang-aasar si Akane at Ken.

 

“Hey, hey, nandito lang pala kayo.” Nagulat naman ako nung makita ko si Ken. At kasama niya pa si Akane. Parang kanina lang, nasa harap ng puntod ng Mom niya si Akane ah?

“Hinahanap daw tayo ni Sir Hayate,” sabi naman ni Akane.

“Bakit daw?” tanong ko naman.

“Case siguro,” sagot naman ni Ken. “Nasa agency na sina Riye at Reiji.”

“Tara na!” bigla naman akong hinatak ni Akane papunta sa kanya at nanguna kami sa paglalakad habang nakasunod sa amin sina Hiro at Ken.

 

“Ikaw ha. Magkasama pala kayo ni Hiro.”

“Ha? Nagkataon lang na nakita ko siya.”

“Okay. Sabi mo eh.” Pero iba yung tono niya at kakaiba rin yung ngiti niya.

“Ay naku. Halika na nga,” saka ko siya hinatak para mas mabilis kaming makapaglakad.

 

Habang naglalakad kami papunta sa campus, hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Parang dati, natatakot ako kapag magsosolve kami ng case, pero ngayon, hindi na. Namiss ko rin ‘to.

 

Sana mabilis rin naming matapos.