.

.

Chapter 67

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

“May case raw ba?” tanong ko kay Akane habang naglalakad kami papunta sa Midori Building.

“Ewan ko rin. Pinatawag lang tayo eh.”

 

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad habang yung dalawang lalaki ay nakasunod sa amin. Pagdating namin sa loob ng building, dumiretso agad kami sa creepy hallway. Tsaka ko naalala yung nangyari dati. Dito ako nag-end up nung tumakas ako sa base ng mga Shinigami kasama si...si...Demi.

 

Ang alam ko, part ‘to ng Black Dimension, though hindi ko alam kung paano yun nangyari. Hindi rin pwedeng makapagtravel ang Senshins dito pero nakakapagtravel sina Akane. Hindi ko alam kung anong nangyari rito pero nacurious ako. Hindi kaya may kinalaman rin ‘to sa nangyari fifteen years ago? O masyado lang akong nag-iisip?

 

Tahimik lang kaming naglalakad sa hallway hanggang sa makarating kami sa pinto ng agency. Pagbukas namin, nakaupo lang sa may couch sina Riye at Reiji habang nakatingin sa direksyon namin sina Ms. Reina at Sir Hayate. Hindi pa kami tuluyang nakakapasok ay may hinagis sa direksyon namin si Ms. Reina.

 

“Whoa!” Buti na lang at nasalo ko yung bagay na binato sa akin. Ganun rin sina Akane, Ken at Hiro. Pagtingin ko, parang maliit na booklet na may kasamang ballpen pala yung hinagis sa amin. Sinara agad namin yung pinto at tumabi kina Riye.

 

“Pasensya na. Kailangan kasi ng tao rito dahil may pinapagawa sa amin si Sir Hideo,” sabi ni Sir Hayate at naglakad sila ni Ms. Reina papunta sa amin. “Maraming kailangang ayusin sa campus kaya kung may pupunta man dito, kayo na ang bahala.”

 

“At para di kayo mabore, gumawa ako ng logic questions,” sabi naman ni Ms. Reina, sabay turo sa booklets na hawak namin. ”That booklet is developed by Hiroshi, I think, five years ago? Kung mapapansin niyo, yung first page lang ang may sulat. Yan yung first question. Kapag nasagot niyo yan, doon lang lalabas yung second question sa next page. Binase niya yan sa notepad. Cool, right?”

 

Tumango naman ako. Ang galing naman ni Sir Hiroshi. Feeling ko kahit ano kaya niyang gawin.

 

“Oh di ba, para na rin tayong na-Logic class!” sabay tawa ni Ms. Reina. “Since kaya kong madetermine kung sino ang mauuna at mahuhuli, gawin nating contest. Kung sino ang unang makatapos, ipapahiram namin ni Hayate yung book about sa Seventh Sense.”

 

Pagkasabi nun ni Ms. Reina, naramdaman ko kaagad yung tension sa pagitan namin at halata namang interesado kaming lahat.

 

“See? Sabi ko sa’yo interested sila eh,” sabi ni Ms. Reina kay Sir Hayate. Pumunta naman si Sir Hayate sa table niya at may kinuha siya doon sa pile ng books.

“Here’s the book,” sabay taas niya sa isang book na mukhang sobrang luma na. Nagkatinginan kaming anim at alam kong gusto rin nilang mabasa ang content nun.

“Kung tapos na kayo, iwan niyo na lang sa table, okay? Babalik kami kapag free na kami. Good luck sa pagsasagot, guys! Bye!” saka tuluyang umalis sina Ms. Reina at Sir Hayate.

Nung nakaalis na sila, tahimik pa rin kaming anim.

 

“Okay, ganito na lang. Medyo maghiwa-hiwalay tayo kapag magsasagot,” sabi ni Akane tapos tumayo siya at doon siya pumwesto sa table ni Sir Hayate.

“Hoy pwesto ko yan!” sigaw naman ni Ken.

“Kelan pa? Nakapangalan sa’yo? Nauna na ako no! Tsupi!”

“Tss. Sana ikaw mahuli,” bulong ni Ken sa amin. Pero dahil sa sixth sense ni Akane, may lumipad na libro dito at sapul sa ulo si Ken. “Ouch! What the hell?!”

“Ayan. Sana naalog utak mo!” sigaw naman ni Akane. After that, pinulot ni Riye yung lumipad na libro at tumingin kay Akane.

“Nee-san, wag kang magbato ng libro. Baka masira,” seryosong sabi ni Riye.

“Ohh. S-sorry.”

“Ang sama no, Riye? Sige pagalitan mo pa,” pangungulit naman ni Ken sa kanya.

 

Napailing na lang ako sa kanila at napangiti at the same time. Parang kanina natetense pa kaming lahat pero ngayon rambulan na naman ang nagaganap. Napatingin naman ako kay Reiji at Hiro. Ah! Nagsasagot na sila!

 

“Hoy madaya kayong dalawa! Bakit nagsasagot na agad kayo!” Naunahan naman ako ni Akane sa pagpoint-out nun. Magbabato sana ulit siya ng libro pero napatingin siya kay Riye kaya hindi na niya naituloy.

“Nagstart na yung contest pagkaalis nila. Ang dami niyo pa kasing sinasabi,” sabay yuko ulit ni Reiji at nagpatuloy lang siya sa pagsagot habang si Hiro ay tahimik lang.

“Tsk. Nahawa ka na sa ugali ni Hiro kakasama mo sa kanya! Ay bahala na nga kayo, magsasagot na ako!” saka nagfocus si Akane sa booklet na hawak niya.

 

Nagstart na rin ako sa pagbabasa ng first question. Pagtingin ko, parang fill in the blanks.

 

1.       M V E M _ S U N P

 

Okay. Buti na lang at nakinig naman ako kahit papaano sa Science teacher ko nung first year high school kaya pamilyar sa akin ‘to. Sinulat ko kaagad yung letter J. After that, may nag-appear na question sa sumunod na page. Whoa! Ang cool talaga!

 

2.       T S P H H _ N D

 

Napaisip naman ako bigla. Ano ‘to?

 

“Nakakagutom naman!” napatingin ako bigla kay Ken dahil tumayo siya at kumuha siya ng Piattos doon sa gilid. “Gusto niyo?” tanong niya sa amin. Nagtaas naman ako ng kamay pati si Reiji. Nagugutom na rin kasi ako. Naghagis siya sa akin ng V-Cut at Potato Chips naman kay Reiji. After that, bumalik na rin siya sa pagsasagot. Napatingin naman ako sa Piattos at napangiti ako dahil naisip ko na yung sagot sa number 2.

 

Sinulat ko yung letter O sa blank at mukhang tama ako dahil nag-appear yung next question.

 

3.       F S _ F F S S E

 

Grabe sumasakit na yung utak ko! Pero nagfocus pa rin ako sa pag-iisip. Third question pa lang ‘to pero ang hirap na…wait…hindi kaya...oh! Buti na lang nagrereklamo ako sa isipan ko kundi hindi ko malalaman yung answer. Sinulat ko yung letter T, and yes! Nag-appear yung fourth question!

 

4.       J F M A M J _ A S

 

Buti na lang medyo madali lang ‘to. Sinulat ko kaagad yung letter J at lumitaw yung sunod. Kailangan kong bilisan!

 

5.       _ G H C

 

Napabuntung-hininga na lang ako. Mukhang imposible nang ako ang mauna sa pagsasagot nito. Number five pa lang, namamatay na brain cells ko. Napatingin na lang ako sa labas ng bintana. Ganito ang feeling ko dati kapag wala na akong masagot sa exams nung nasa ordinaryong school pa lang ako. May nakita naman akong batang nakauniform na naglalakad kasama yung Mama niya. Buti pa siya sa ordinary school lang pumapasok. At least mas madali ang buhay niya, though hindi naman ako nagsisisi sa buhay ko ngayon.

 

Bigla ko namang narealize yung sagot sa number five. Oh gosh, bata, thank you! Nilagay ko yung letter P at nagprocceed ako sa number 6.

 

6.       F S J _

 

Dahil hindi pa ako nakakamove on sa number five, nagamit ko yun para dito dahil medyo magkatulad sila. Sinulat ko yung S at number 7 na.

 

7.       O T _ T T H M

 

Konti na lang maiiyak na ako dito. Feeling ko mas nakakapiga pa ‘to ng utak kaysa sa Math. Wait. Math? Hmm? Hindi kaya...Ah grabe! Yun lang pala! Nakakaloka ‘tong si Ms. Reina! Nilagay ko kaagad yung H. Napapagod na yung utak ko.

 

8.       A A N S A _ A

 

Hah! Natatandaan ko ‘to! Buti na lang! Nagbunga ang paggawa ko dati ng acronyms para sa exam sa World History!

 

Nilagay ko ang letter E. Number 9 na ako. Yes! Feeling ko tuyot na yung utak ko. Pagtingin ko, nagbago na yung type ng question. Naalala ko bigla yung first logic game sa amin ni Ms. Reina.

 

9.       Decode: WVGVXGREV

U have a clue.

 

Pinagtuunan ko muna ng pansin yung second line. May clue pero hindi naman sinabi. Ibig sabihin, within the line lang yung clue. At dahil yung U lang naman ang kakaiba, yun na lang yung ginamit kong clue. Sinulat ko yung alphabet at habang ginagawa ko yun, narealize ko na kung anong ibig sabihin ng U. Pinagtapat-tapat ko yung letters at napangiti ako sa nabuong salita.

 

Sinulat ko kaagad yung Detective at lumabas yung number 10.

 

10.   Decode: VGEJPQNQIA

1/3 is enough.

 

Okay, 1/3 is enough. Anong meron doon? One third? Hmm one third? Teka. One. Third. One, then third. Ooohh. Sinulat ko ulit yung alphabet at ginamit ko yung one third as a clue. Nabuo ko naman agad yung salitang kailangan. Agad-agad kong sinulat yung Technology at tama ako!

 

11.   M

R

A

W

 

Nung una, hindi ko pa nagets pero mukhang nagfunction naman agad yung utak ko after that. Nilagay ko kaagad yung warm up at dahil lumitaw na yung number 12, mukhang tama ako.

 

12.   PpOpD

 

Kung pwede lang lumaktaw, kanina ko pa ginawa. Pero hindi eh. Inalog-alog ko pa yung utak ko para makakuha ng sagot. Buti na lang at nakikisama siya ngayon. Sinulat ko yung two peas in a pod and yes! Tama ako!

 

13.   you cant have it

ti evah tnac uoy

 

Nakapag-isip naman agad ako. Mukhang mas madali ‘tong ganito kaysa doon sa fill in the blanks at decoding kanina. Sinulat ko yung you can’t have it both way at lumabas yung 14th question.

 

14.   his iiii

oooo

 

Natagalan naman ako dito. Kung anu-anong words at phrases na ang nabubuo ko na wala namang sense. Then after thirty seconds, nasagot ko rin ang nakakainis na circles under his eyes.

 

15.     0  

B.Sc.

M.D.

Ph.D.

 

Dito talaga ako natagalan ng husto. One minute na ang nakakalipas pero hindi ko pa rin masagutan. After siguro ng 2 minutes, saka ko lang naisip yung sagot. Pagkasulat ko ng three degrees below zero, wala ng lumabas na question sa susunod na page. Akala ko nga mali ako pero biglang nagsalita si Reiji.

 

“Hanggang fifteen lang?” Nagkatinginan kami at narealize kong tapos na pala.

 

Pagtingin ko sa paligid, nakasandal na si Hiro sa may couch at nakapikit. Mukhang kanina pa siya tapos. Halos sabay naman kami ni Reiji natapos. Nagpakawala ako ng isang buntung-hininga dahil napagod talaga ang utak ko. Pero after that, napangiti na lang ako. Naalala ko kasi yung unang linggo ko dito. Parang ganito rin. Kahit marami nang nangyari, nandito pa rin ako at sila pa rin ang mga kasama ko.

 

Sana lang, wala na ulit mangyaring masama.