.

.

Chapter 7

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Nandito kami ngayon sa stall na pinagpilahan namin at kumakain ngayon ng breakfast dahil nga katatapos lang ng Logic class.
Pero hanggang ngayon ay tulala pa rin ako sa nangyari. Idagdag pa yung theory daw ni Akane tungkol sa sixth sense ko.

 

“Really nee-san? Yun ang sixth sense ni Akemi-neechan? Ang galing naman!” sabi pa ni Riye after naming pagkwentuhan yung mga kaganapan kanina.

“I think so. Wala talaga kasi akong makitang anino or tao kanina sa scope ng vision ko. Pero naririnig ko yung pagtakbo niya at medyo malayo na yun sa amin since minimal sound lang yung naririnig ko. Tapos nakita nitong si Akemi? Feeling ko talaga, sight enhancement ang sa kanya.” Sabay tingin ulit sa akin ni Akane at tiwalang-tiwala talaga siya sa theory niya.

“Ewan. Bahala na. Pero naweirduhan talaga ako doon sa taong yun. Sino kaya yun? Bakit niya tayo tinitignan?” naalala ko tuloy ulit at kinilabutan na naman ako.

 

Nagpatuloy lang kami sa pagkukwentuhan hanggang sa maubos namin yung pagkain namin. After nun ay dumiretso kami sa next class namin—which is, Technology. Dahil hindi ko naman alam kung saan ang buildings at rooms, nagpahatak na lang ako kay Riye at Akane at maya-maya lang rin ay nakarating kami sa isang room na walang kahit anong laman, as in pure white lang. Pagpasok namin, nandun na yung tatlong lalaki tapos may isang lalaking nakatayo sa gitna. Siya siguro yung teacher namin.

 

“Okay, since kumpleto na kayo, let’s start this class.” Medyo masungit ang first impression ko sa kanya kasi ni hindi man lang ngumiti si sir. At gaya ni Ms. Reina, green rin ang mata niya. Agad-agad naman kaming umupo sa sahig since yung tatlong lalaki ay doon rin nakaupo.

“So this is the Technology class. Dito, matututo kayong gumawa at gumamit ng technological devices para maging aid o katuwang niyo sa paglutas ng mga kaso. I am Hiroshi, from Atama family.”

 

“Bago na naman pala ang teacher. Akala ko si Ms. Kako pa rin. Pero sabagay, isa rin yung masungit eh.” Rinig kong sabi ni Ken. Tapos bigla siyang binatukan ni Akane at nagbangayan na naman silang dalawa doon. Buti nga hindi sila pinapagalitan ni sir Hiroshi eh. Tahimik lang siya doon sa gitna at nagpipindot ng kung ano doon sa hologram na keyboard…

 

 

WAAAHH! TEKA! BAKIT MAY HOLOGRAM NA KEYBOARD SA HARAPAN NIYA?! Tapos.. tapos.. nakikita namin yung tinatype niya kasi parang nakaproject doon sa taas ng hologram na keyboard, pero syempre pabaligtad yung basa since nakaharap sa kanya. Napanganga na lang talaga ako sa sobrang amazement! Parang yung mga nakikita ko lang sa sci-fi movies! Ang galing!

 

“Dahil hindi na si Ms. Kako ang teacher niyo, ibig sabihin, bagong gadgets at devices na rin ang ituturo at ipapakita ko sa inyo, so I hope, you’ll pay attention while I’m discussing them.” Tapos tumingin siya kina Ken at Akane. Natahimik naman yung dalawa at napatingin agad kay Mr. Hiroshi.

 

“Sir, ka-batch niyo po ba si Ms. Reina?” nagulat naman ako nung nagtanong si Riye.

“Yes. Sa katunayan, lahat ng teachers niyo ngayon ay bago at either kakagraduate lang o yung mga batches before us.”

“Ahh. Thank you sa pagsagot, sir.” Saka ngumiti si Riye. Balak ko sanang tanungin siya kung bakit niya yun tinanong kaso nahihiya naman ako. Bakit nga kaya bago lahat ng teachers?

 

‘Akemi-neesan, don’t be too loud. Haha. Don’t worry, sasabihin ko sa’yo mamaya.’

 

OKAY. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba yun, o dapat na akong magpanic dahil naririnig ko ang boses ni Riye sa loob ng ulo ko. Eto na ba ang senyales na nasisira na ang ulo ko? Waaaah!

 

‘Hahaha! Akemi, wag kang magpanic! Nakalimutan kasi naming idiscuss sa’yo ‘to. Pagkatapos ng class na ‘to, ieexplain namin agad ‘to, okay?’

 

At ngayon naman ay si Akane ang nagsasalita sa loob ng ulo ko?! Waaaah ano bang nangyayari?! Ang sakit sa ulo nito ha! Kulang na lang ay katukin ko yung ulo ko eh!

 

“Ms. Akemi, right?” nagulat naman ako nung narinig kong tinawag yung alternative name ko kaya napatingin agad ako kay sir.

“Yes, sir?”

“Pakihinaan ang inner voice. Nadidistract ako.”

“O..okay po. Sorry po, sir.” Kahit di ko naman naintindihan yung pinapagawa niya ay umoo na lang ako. Putek lang ha, sumasakit na talaga ang ulo ko!

 

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Okay, Rainie, kalma. Focus. Wala muna akong inisip at nagfocus lang kay sir Hiroshi.

 

“Ang una kong ipapakita sa inyo ay katatapos lang gawin ng Technology Division last month. And here it is.” Then may nilabas siya sa bag niya na necklace na parang.. parang.. kamukha ata nung sa Inuyasha? Teka, sa Inuyasha nga ba yun? Ah basta! Parang nakita ko na yan somewhere. “This necklace detects murderous and killing intents. When this pearl turns black, that means a murderous intent is detected. Using this, we can easily locate criminals. ”

 

Napa-‘oohh’ naman kaming anim. Actually, gusto ko ngang pumalakpak kaso nakakahiya. Ang galing kasi! Imagine, nagawa nila yun? I mean, makadetect ng murderous at killing vibes? Ang cool kaya! Parang out of this world naman ang nakaisip nun!

 

“Pero ang downside nito ay nadedetect niya lang ang murderous intent kapag nangyayari na kaya hindi natin agad-agad mapipigilan. We are trying to improve it so don’t worry.” After that, binigyan niya kami isa-isa ng necklace. Kulay puti pa yung pearl sa gitna. So pag nag-black ‘to, ibig sabihin, posibleng may murderer sa paligid. Pero hanggang saan ang kaya niyang i-detect? May distance limit kaya ‘to?

 

“Yes you are right, Ms. Akemi. May distance limit nga ito pero malawak ang scope niya. Nakakadetect ito up to one kilometer radius. Pero kung sino ang pinakamalapit, yun ang madedetect niya.”

 

Ayan na naman. Yung mind-reading na yan! Bakit lahat sila, nababasa yung sinasabi ng utak ko? Pakiramdam ko tuloy, pati mga pinakatagu-tago kong secrets ay malalaman nila! Waaah dapat pala di ako nag-iisip ng kung anu-ano! Mamaya kung ano pang mabasa nila!

 

‘Try to close your mind. Block all your thoughts para hindi namin naririnig.’

 

 

Nagulat naman ako nung may panibago na namang boses ang nag-invade sa utak ko. Waaah! Sino ‘to?!

 

‘Hiro.’

 

Pagkasabing-pagkasabi niya nun, napatingin agad ako sa kanya. Nakatingin lang siya doon sa kwintas na binigay sa amin at parang walang pakialam sa mundo.

 

‘I told you, try to control your thoughts. You are too loud.’

 

Sinubukan kong mag-reply, kung reply man ang tawag dito.

 

‘P..pano ba kasi? A..ang creepy na kasi na lahat ata kayo, alam na ang iniisip ko.’

 

‘Hindi ba sinabi sa’yo nila Akane na kaya nating makapag-usap gamit ang ulo natin? Lahat ng nasa Atama, connected ang isip. That’s why we can communicate by our mind.’

 

Kung naririnig lang ang pagsigaw sa utak, panigurado, bingi na ‘tong si Hiro. At di nga ako nagkamali. Napapikit siya nung tinignan ko ulit siya. Napasigaw nga ata ako sa isip ko! Eh kasi naman! Hindi ko kinakaya yung mga sinasabi niya! Ibig sabihin, lahat ng sinasabi ko sa isip ko mula kahapon, nababasa or naririnig nilang lahat?! Waaaahhh! Gusto ko nang lamunin ng lupa! Nakakahiya! Ni hindi man lang nila sa akin sinabi! Kung anu-ano pa man ding laman ng utak ko kahapon!

 

Sinubukan kong magconcentrate at wag mag-isip ng kung anu-ano. Hanggang sa matapos yung pag-eexplain ni sir Hiroshi sa necklace at hindi na talaga ako nakapakinig. Hindi ko na tuloy naintindihan kung pano gamitin yung necklace. Napakasama kong estudyante!

 

“Akemi, tara na! May History class pa tayo!” natauhan naman ako nung tinawag ako ni Akane. Nasa labas na pala silang lima, habang ako ay nakaupo pa rin sa lapag ng room. Dali-dali naman akong tumayo at sumunod sa kanila tapos sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa next class namin.

 

“Nee-san, mukhang wala ka sa sarili mo ah?” sabi sa akin ni Riye tapos umangkla siya sa akin.

“Ahh.. eh kasi.. yung ano.. yung kanina.”

“Ahh! Oo nga pala. Yung mind reading.”

 

Napatingin silang lahat sa akin. Dahil na-trauma na ako sa nangyari kanina, pinilit kong wag mag-isip ng kahit ano dahil feeling ko ay mababasa na naman nila yung nasa utak ko.

 

“Aww. Blank mind!” biglang sabi ni Ken. Sabi na nga ba eh! Binabasa na naman nila ako!

“Hahaha! Ano ba Akemi, meron kasing ibang way para hindi namin mabasa ang nasa isip mo.” Napatingin ako bigla kay Akane dahil sa sinabi niya.

“Weh? Meron? Pano?”

“Parang switch lang kasi yan.” Sabi naman ni Reiji na ngayon ko na lang ulit narinig magsalita. “May on at off. Imaginine mo na may nakapalibot na harang sa utak mo. Sa ganun, makakasiguro kang walang nakakabasa ng iniisip mo, o di kaya konti lang yung nababasa. I mean, syempre baka may nagle-leak na ideas, di ba?”

“Tama si Reiji, Akemi. Ang isip kasi natin, by default ay naka-on. Ibig sabihin, continuous ang flow ng information, thoughts at ideas. Parang gripo. For humdrums  at lower Senshins, hindi naman nila kayang marinig o mabasa ang isip ng isang tao. Only those in Atama family can do that. Kaya for safety and privacy purposes, dapat marunong ka ring isara ang isip mo.” Napanganga na naman ako sa sinabi ni Akane. Kaya pala. Kaya pala nalaman ni Ma’am Castro—I mean ni Ms. Reina yung naiisip ko kanina. Pati si sir Hiroshi. Dahil galing rin sila sa Atama.

“Isa pa, lahat ng galing sa Atama, may ability na makabasa o makarinig ng isip ng isang tao.” This time, si Ken naman ang nag-explain sa akin. “Kaya nating makipagcommunicate sa isa’t isa thru our inner voices. Kaya kahit hindi natin kausapin ang isa’t isa, pwede tayong magkaintindihan sa pamamagitan ng isip natin.” Parang yung sinabi kanina ni Hiro sa utak ko.

“So, you mean, kaya ko ring basahin yung isip niyo?” bigla kong tanong sa kanila. Baka kasi mamaya, ako lang ang may hindi kayang gawin yun.

“Oo naman nee-san! Natututunan yan. Don’t worry, tutulungan ka namin.”

 

Na-touch ako bigla sa kanilang lahat. Super thoughtful nila at hindi ko nararamdamang out of place ako. Nakakatuwa lang na talagang pinaparamdam nila sa akin na belong ako sa family.

 

Sinubukan ko yung sinasabi nilang mind reading. Nagfocus ako at inisip ko na walang borders ang mga isip nila.

 

‘Hihihi ang cute cute ni Akemi! Excited na akong turuan siya mamayang gabi!’

 

“Waaah! Hala! Gosh. Gosh! Na..narinig ko yun!” sabay turo ko kay Akane. Halos tumalon na ako sa saya at gulat nung marinig ko yung boses niya! Ibig sabihin ba nito, marunong na ako? Oh my gosh talaga!

“Ha? Ang ano?”

“Narinig kita! Oh my gosh! Tuturuan mo ako mamayang gabi, sabi mo!” pagkasabi ko nun, biglang nanlaki yung mata niya.

“Wait. You mean, binasa mo yung isip ko?” saka ako ngumiti at nag-nod sa kanya.

“Talaga, nee-san?! Wow! Ang galing! Nagawa mo yun kahit di ka pa tinuturuan kung paano!”

“E..eh?” nagtaka ako sa sinabi niya. Tuturuan? Ibig sabihin.. tinuturo pala ang mind reading?

“Grabe. Kinilabutan ako sa’yo oh!” tapos pinakita sa akin ni Akane yung goosebumps niya. “Nakakaloka! Nagawa mo agad kahit kakaexplain lang namin! You’re a monster!” tsaka niya ako sinundut-sundot sa tagiliran.

 

Hanggang sa makarating kami sa next class ay inaasar-asar pa rin nila ako. Tapos in-‘off’ nila yung mga isip nila dahil daw marunong na akong magbasa ng utak. Hindi ko naman kasi sinasadya na malaman kung paano eh. At dahil ayoko naman na mapagtripan na naman ako ng teacher, sinubukan ko ring isarado yung akin. Sabi naman ni Reiji, imaginine ko lang raw na may harang yung utak ko eh. So inimagine kong may nakapalibot na wall sa utak ko.

 

Pagkapasok namin sa room, meron ng teacher sa loob. Sabi ni Akane, History daw ang subject namin. Sabi rin niya, wala na daw nito dati pero binalik daw ngayong school year.

 

“Good morning, class. I’m Mrs. Seira, your History teacher.”

 

Mukhang mabait naman si Mrs. Seira. Siguro nasa mid-40 na siya dahil sa itsura niya, pero maganda pa rin siya, lalo na at color green ang mata niya. Hmm, nacucurious na talaga ako sa green eyes ng mga teachers dito ha! Syempre, umupo kami agad para makapagsimula na yung class.

 

“Siguro nagtataka kayo ngayon kung bakit may History subject tayo ngayon. Ibinalik ng administration ang History as a subject to teach ngayong school year para naman mabigyan kayo ng deeper backgrounds about this school and about your task. And besides, may bago kayong kasama, which is Ms. Akemi.” Tapos ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako.

 

“Mas magandang alam niya rin ang mundong pinasok niya. Right?” tumango nalang kaming lahat. After ng introduction ni ma’am, naglecture na siya tungkol kay Shou at Natsue. At laking pasasalamat ko talaga kay Akane at Riye dahil inintroduce na nila sa akin nun si Shou at Natsue nung binigyan nila ako ng free history lesson. Diniscuss lang ni ma’am kung paano nagkakilala si Shou at Natsue. Pero kamuntikan na akong mag-freak out nung nagsalita si ma’am tapos biglang may lumabas sa bibig niya na parang transparent something at nagfloat midair. Then bigla na lang gumalaw yung mga yun at nagform ng shapes. As in humanoid shapes. At napansin ko na lang na habang nagsasalita si Mrs. Seira, lahat ng sinasabi niya ay ginagawa nung humanoid shapes. At saka ko narealize na si Shou at Natsue pala yun at para naming pinapanood yung projection nila at ng mga nangyari sa kanila, na siyang ninanarrate ni ma’am. Parang kinocontrol niya yung transparent figures thru words.

 

“S..sixth sense niya yan? Grabe, ang cool!” bulong k okay Akane at nag-thumbs up siya sa akin.

“Oo. Sikat rin yang si Mrs. Seira ditto eh. Kasi yung mga sinasabi niya, napoproject niya kaya nakikita mo rin kung ano yung iniisip niya.”

 

Wow, grabe. Tatlo pa lang ang nakikita kong teachers pero super taas na ng tingin ko sa kanila. Para sa akin, super galing nila! Ito na ata ang kauna-unahang history class na hindi ako inantok dahil sa figures sa gitna at dahil kay Mrs. Seira. Nung matapos yung class namin ay sabay-sabay na rin kaming lumabas na anim sa room. Pabalik n asana kaming lahat ng dorm but something happened.

 

Bigla na lang akong nakaramdam ng chills at talagang kinilabutan ako. Then pagtingin ko sa kwintas na suot ko, yung color ng pearl ay naging black.

 

“What the..” biglang sabi ni Ken.

 

And the next thing we knew, bigla na lang kaming napatakbo sa right side na para bang hinahatak kami ng mga kwintas namin papunta doon. At pagtingin ko sa gilid.. may nakatingin na naman sa aking anino mula doon sa gubat, at this time, may hawak siyang baril.. at nakatutok sa akin.