.

.

Chapter 8

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Lalo akong kinilabutan. Siya ba? Siya ba yung nadedetect ng kwintas na may killing intent?

 

“Shit! Sino ‘to?!” narinig kong sabi ni Ken habang tumatakbo pa rin kami papunta sa may gubat.

 

Hindi ko tinanggal yung tingin ko doon sa aninong naaaninag ko kahit na alam kong may hawak siyang baril at nakatutok sa akin. Hindi ko naman masabi sa kanila dahil ayokong takutin sila. Pero bigla na lang akong kinabahan nung nakita kong in-adjust niya yung hawak sa baril.. at this time.. kay Riye na nakatutok. Halos mawalan ako ng hininga nung makita kong pinindot niya yung trigger.

 

“RIYE!!” pinilit kong itulak si Riye kahit tumatakbo kami at sumalubsob kami sa lupa nung ginawa ko yun.

“Akemi! Riye!” nagsilapitan sa amin sila Akane. “Anong nangyari? Bakit—”

“Akane, yung nakita natin sa gubat kanina! May hawak siyang baril at—”

“Ahh..awww!”

 

Napatingin kaming lahat kay Riye at nakita kong bigla na lang nagkulay pula yung right side ng uniform niya. Pagtingin ko, may tama siya sa braso niya.

 

“Oh my God. Riye! Ayos ka lang ba?” I felt stupid after asking that question. Obviously, hindi siya okay.

“O..okay lang po.” Sabay pilit niyang umupo.

“No you’re not. May tama ka at—”

“Akemi, hayaan mo na si Riye. More importantly, saan mo nakita yung may hawak ng baril? Kailangan natin siyang--”

“H..ha? Pero si Riye, kailangan muna natin siyang dalhin sa clinic—”

“Okay lang po ako nee-chan. Besides,” tapos hinawakan niya yung part kung saan siya nadaplisan, “yung deltoid muscle ko lang naman ang natamaan at hindi yung posterior cutaneous nerve.”

 

After niyang sabihin yun, napanganga na lang ako. Ano daw? Deltoid muscle at poste chuva chercher? Biglang sumakit yung ulo ko. God. I really hate science.

 

“Tara na Akemi!” bigla na lang akong hinatak ni Akane at tumakbo kami papunta doon sa lugar kung saan ko nakita yung anino.

“Akane, anong sinabi kanina ni Riye?” tanong ko habang tumatakbo kami.

“Hahaha! She sounds like a geek, right? Pero yun kasi ang sixth sense niya. Kapag hinawakan niya ang isang body part, nalalaman niya ang inner systems nun. Kumbaga, alam niya kung nasaan lahat ng body systems mo. Every bone, every nerve and every muscle in your body, oras na nahawakan ka niya.”

 

For the nth time, napanganga na naman ako. Wow. Para siyang may x-ray sa kamay niya, pero ang kaibahan, hindi lang buto ang nakikita niya kundi lahat. That’s..amazing.

 

“Wait. Oh gosh! We’re late!” hinawakan niya yung kwintas niya at bumalik na ito sa dating kulay—white. Ibig sabihin, wala na siya sa perimeter namin. Wait, sa pagkakatanda ko, one kilometer radius ang nadedetect nito.

“You mean, one kilometer away na siya sa atin? That was..fast.” ilang segundo lang naman kaming nalingat tapos lagpas one kilometer na ang na-travel niya?

“Baka naman may sasakyan siya or something. Pero wala na tayong magagawa. Tara, bumalik na tayo.”

 

Wala kaming nagawa kundi bumalik kina Riye. Pagdating namin, inaalalayan nung tatlong lalaki si Riye. Tapos binuhat siya ni Reiji. At halos lumuwa yung mata ko nung isang iglap lang ay nasa malayo na silang dalawa.

 

“OH MY—”

“That’s his sixth sense. Kaya niyang imanipulate ang muscles sa katawan niya to extremities kaya kaya niyang tumakbo ng mabilis. Pero may side effect nga lang.”

 

After that, hindi na ako nagsalita. Actually, hindi ako makapagsalita. Nashock ako sa sixth senses ni Riye at Reiji. Oo alam kong hindi kami normal, pero nakakabigla pa rin talaga kapag nakikita mo yung kaibahan ng isang tao sa.. humdrums, ayon kina Akane.

 

Pagkapasok namin ni Akane sa dorm, nasa room na si Riye at may bandage na rin yung braso niya. Nakatutok lang siya ngayon sa laptop niya. Si Akane naman, dumiretso sa c.r. habang ako ay nagcollapse sa kama.

 

“Mukhang napagod ka ngayong araw, nee-chan.” Narinig kong sabi ni Riye pero hindi ko siya tinignan at sa ceiling lang ako tumitig.

“Oo. Medyo hindi pa rin napaprocess ng utak ko lahat ng nangyayari. Parang.. parang feeling ko, nasa panaginip lang ako. It feels..surreal.”

“Lahat naman siguro tayo, dumaan sa ganyang stage. Maski ako, nung una kong pasok dito, halos hindi rin ako makapaniwala. Pero di ko akalaing one year na pala ang lumipas. And for the first time, naramdaman kong belong ako dito. Not to the normal world, but to our world. To the Senshins’ world.”

 

Hinayaan ko lang na maabsorb ng utak ko lahat ng sinabi ni Riye. May point siya. Dati, nung nasa St. Joseph ako, wala akong kaibigan. Yes, I know, may mga kumakausap sa akin, pero not like the real ‘friend’ talaga. But here, first day pa lang, pero parang sobrang tagal ko na silang nakasama. And it feels weird, at the same time great. Napahawak tuloy ako bigla sa kwintas na binigay ni sir Hiroshi. Mukhang wala namang nadedetect na killing intents ngayon. Nakahinga ako ng maluwag.

 

“Nee-chan, I think mas makakabuti kung tatanggalin mo muna yang Kenshutsu-ki mo para hindi ka nabobother.” Napatingin ako bigla kay Riye.

“Kenshu—what?” bigla naman siyang natawa nung nakita niyang baffled yung expression ko.

“Kenshutsu-ki. I mean yung kwintas. Yan yung tinawag ni sir kanina dyan.”

“Ah..ahh. Okay. Pwede bang Ken na lang ang itawag natin? Ang haba eh.” Nagreklamo pa talaga ako. Eh hindi ko kasi mapronounce ng maayos. Feeling ko makakagat ko yung dila ko anytime. Mukhang kailangan ko talaga ng masisinsinang pag-aaral ng Nihonggo.

 

Bigla namang bumukas yung pinto sa c.r. at lumabas si Akane na nakapantulog na.

 

“Ahh grabe! Ang daming nangyari within a day! Compared last year, mukhang mas exciting ang year na ‘to. Tapos puro bago pa yung teachers natin. Haaay sige matutulog na ako ha? Good night!” saka siya tumalon sa kama at padapang nahiga. Wala pa atang isang minuto ay mahimbing na yung tulog niya. Grabe ang bilis niya makatulog!

 

Nagprepare na rin kami ni Riye para matulog. Pagod na rin yung katawan ko at gustung-gusto ko nang pumikit at matulog. After kong maglinis ng katawan at magpalit ng damit, nakatulog na rin agad ako.

 

 

***

 

“Hala malelate na tayo!” sabi ko na nga ba, pati yung pagiging late ko sa klase, nadala ko dito eh. Pati tuloy si Akane at Riye, nadadamay dahil sa akin! Patakbo kaming lumabas ng dorm at pumunta sa Midori building. Sabi ni Akane, isa lang raw ang klase namin ngayong Tuesday, which is, Fielding. Hindi ko nga rin alam kung bakit pero hindi kami naka-uniform ngayon. Casual attire lang. Hindi ko na sila natanong kasi nga malelate na kami. Pagkarating namin doon, nakita namin sa isang room sina Reiji, Ken, Hiro at si sir Hayate. Pagkapasok namin, nagsitayuan naman silang apat.

 

“Let’s go.” Sabi ni sir Hayate, tapos lumabas siya ng room. Sumunod naman kaming anim sa kanya. Saan kaya kami pupunta?

 

‘Sa shortcut.’

 

Napatalon ako ng kaunti nung may narinig akong boses sa ulo ko. Si Akane pala. Oo nga pala, by default ay nakabukas at walang restriction ang utak ng isang Senshin. Bakit ko ba nakalimutan yun? Kung sinu-sino na naman tuloy ang nakakarinig ng iniisip ko. Ginawa ko naman yung sinabi nilang i-‘off’ ang flow ng isip ko. Pero this time, nag-iwan ako ng parteng bukas para makausap ko pa rin si Akane.

 

‘Shortcut saan?’ tanong ko rin ay Akane since magkalayo kami at nakakahiyang mag-ingay dahil ang tahimik nilang lahat.

‘You’ll see! Haha!’ after that, wala na akong narinig na kahit ano kaya minabuti kong isarado na nangtuluyan yung isip ko.

 

Tumigil kami sa harap ng isang pinto. Pagkabukas ni sir Hayate, napakapit ako kay Riye, na katabi ko ngayon, dahil sobrang dilim. Ni hindi ko nga makita kung ano yung nasa loob. Pumasok kami doon at ngayon ko lang napagtanto na hindi pala ‘to isang room kundi isang hallway. Dire-diretso lang kami sa paglalakad at mahigpit akong nakahawak sa braso ni Riye dahil sobrang dilim talaga. Tapos after fifteen minutes of walking, huminto ulit si sir at nakita kong may pinto na sa harap niya at binuksan niya yun.

 

“Sa wakas andito na tayo! Ayoko talagang dumadaan dun! Nakakatakot!” si Ken ang unang nagsalita at natawa na lang ako sa kanya.

“Lalaki ka ba talaga?” sabi naman ni Akane sabay irap kay Ken.

 

Ngayon ko lang napagmasdan kung nasaan kami. Pagbukas ni sir Hayate ng pinto, nag-end up kami sa isang malaking room. Not the classroom type, but the office type. May malaking office table sa harapan, tapos may dalawang sofa sa gitna at may table sa pagitan nila.

 

“Nasaan tayo?” tanong ko kay Riye na nginitian lang ako.

“Nasa labas po tayo ng Tantei High.”

“A okay nasa labas pala—what?!” napalakas ako ng pagkakasabi dahil nabigla ako sa sinabi ni Riye. N..nasa labas kami ng Tantei High? P..pano nangyari yun?!

 

“Ah oo nga pala. Akemi, that route we just took is a shortcut to this room, which is located one kilometer away from Tantei High. Nandito tayo ngayon to do Fielding.” casual na sabi ni sir Hayate na parang kailangan ay alam ko na yun. Pero lalo lang akong na-shock nung sinabi niyang one kilometer away kami sa Tantei High. Pano nangyari yun? Eh fifteen minutes lang naming nilakad yung hallway kanina?

 

Bigla naman akong hinatak ni Riye at Akane sa isang tabi.

 

“Sorry nee-chan, hindi na namin naexplain sa’yo ‘to kagabi.”

“Actually ako nakalimutan ko. Sorry Akemi!”

 

Naguluhan naman ako sa kanila kaya tinanong ko kung anong sinasabi nila. Tapos biglang nag-explain si Riye.

 

“Di ba po fifteen minutes nating nilakad yung hallway? Actually, distance is not normal there. May something dun sa room na yun pero hindi rin namin alam kung ano. At ngayon, nandito po tayo sa agency natin.” Napakunot naman yung noo ko sa narinig ko.

“Agency?”

“Detective Agency po. Dito, pwede tayong macontact ng mga taong gustong humingi ng tulong. Besides, dito lang tayo.. pwedeng makipag-interact sa humdrums at makalabas sa Tantei High. At dahil hindi nila pwedeng malaman ang existence ng school natin, hindi tayo pwedeng mag-uniform.”

 

Kinalma ko yung sarili ko. Akala ko wala nang tatalo sa pagkakashock ko sa mga sixth sense pero meron pa pala. Hindi ko akalaing may Detective Agency pala sa labas ng Tantei High at hindi ko akalaing kasama ‘to sa subjects namin. Wait..s..subject? Ibig sabihin.. no. Oh no, no, no.

 

“You..you mean, yung Fielding is actually..”

“Opo. Fielding means solving an actual case.”

 

Pagkasabing-pagkasabi nun ni Riye, biglang may babaeng pumasok sa isang pinto, pero hindi yung pintong pinasukan namin kanina. Ewan ko pero bigla na lang akong kinabahan. I think this is going to be another tough day.