.

.

Chapter 9

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

Biglang may pumasok na babae galing doon sa kabilang pinto. Tapos dumiretso siya doon sa table kung nasaan si sir Hayate.

 

“This is a detective agency, right?” tanong nung babae na parang kinakabahan masyado at patingin-tingin pa siya sa pinto kung saan siya nanggaling.

“Yes, it is. Welcome to Teitan Agency.” Saka ngumiti sa kanya si sir Hayate at pinaupo niya yung babae sa chair na nasa harap ng table niya. Kami naman, umupo doon sa magkaharap na sofa.

 

‘Akemi, watch and observe carefully dahil ikaw na lang ang hindi pa nakakaexperience ng ganito.’

 

Halos mapatalon pa ako nung may narinig akong boses. Saka ko napagtanto na si sir Hayate pala yun. Ugh. Bakit ba hindi ako masanay na bigla na lang akong may maririnig na boses sa loob ng ulo ko? Well, second day ko pa lang naman ‘to so reasonable naman na nagugulat pa rin ako.

 

Ginawa ko naman yung sinabi ni sir Hayate. Tinitigan ko silang mabuti at pinakinggan ko rin yung pag-uusap nila.

 

“How may I help you, ma’am?” sabi ni sir Hayate sa babae tapos nginitian pa niya. Nilead niya yung babae sac enter table.

“Nakatanggap kasi ako ng isang letter. Here.” Sinabi nung babae habang naglalakad. Tapos may nilapag siya sa lamesa. Pagtingin ko, kinilabutan ako sa nakalagay.

 

“Oh my God.” Saka pa ako napatakip sa bibig ko.

“Oh Akemi, bakit?” napatingin ako kay Akane at napabuntung-hininga na lang ako.

“Na..nakita ko yung nakasulat.” Pabulong kong sabi sa kanilang lima. Syempre, narealize agad nila kung bakit. Dahil sa sixth sense ko.

“Ano bang nakasulat? Is it a code?” tanong sa akin ni Ken pero umiling ako.

I will bathe you with your own blood. I’ll take your life as you took mine.-JC. A..at nakasulat siya using a bloody red ink.” Lalo akong nangilabot after ko yung sabihin sa kanila. Pero nung tinignan ko yung reactions nila, parang wala lang. Siguro dahil sanay na sila sa ganito.

 

“Natanggap ko yan last night. Bigla na lang may nagring ng doorbell namin at pagbukas ko, may letter na sa labas ng pinto.” Nagulat naman ako nung biglang nagsalita si Akane. Saka ko narealize na minimimic niya pala yung sinasabi nung babae. Sabi ko nga naririnig niya yung sinasabi dahil sa sixth sense niya.

 

“Sa tingin mo bakit ka pinadalhan ng ganito?” tanong ni sir Hayate, na nirerelay lang sa amin ni Akane.

“Y..y..yung boyfriend ko. S..si JC. Namatay kasi siya the..the day before ko matanggap yang letter.” Pagtingin ko doon sa babae, sobrang nanginginig siya. Kinilabutan ako lalo sa sinabi niya. JC? Yun yung pangalang nakasulat sa letter. You mean, yung boyfriend nyang namatay na yung..yung nagpadala ng letter?

 

Bigla namang tumingin sa amin si sir Hayate tapos pinalapit kami sa kanila. Pagdating doon, saka ko lang nakita nang maayos yung babae. Maganda siya at maputi. Actually para nga siyang model eh. Wavy yung buhok niya at slim lang yung katawan niya.

 

“Here’s our first client today. She’s..” tumingin si sir Hayate doon sa babae para hingiin yung pangalan niya.

“Bianca Avila.”

“She’s Bianca Avila and--”

“Teka, teka lang. Sasabihin mo sa kanila yung sinabi ko sa’yo?”

“Yes. They are also detectives.” Pagkasabi nun ni sir, parang nakakita ng multo yung Bianca.

“Pero mga bata lang sila! How can you pass them--”

“Bata pa nga sila pero magaling sila. I am sure of that. Sa katunayan, mas magaling pa sila sa ibang detectives ditto sa Pilipinas. So don’t worry.”

 

Mukhang naconvince naman ni sir si miss Bianca kaya sinabi nila sa amin yung kaso, although alam na namin yung iba dahil sa sixth senses namin ni Akane. Nalaman rin namin na 25 years old na pala si miss Bianca at freelance model nga siya. Tapos namatay daw yung boyfriend niya dahil nahagip ng kotse habang tumatawid sila. Dead on arrival na raw nung sinugod siya sa ospital. Bigla na lang lumubog yung puso ko nung narinig ko yun. Nakakaawa pala siya dahil nakita niya yung buong pangyayari. His boyfriend died when he’s with her.

 

“May party sa bahay ko mamaya and I’m sure, baka isa sa mga guests ang nagpadala ng letter na ‘to. Ginamit nya pang panakot yung nangyari sa boyfriend ko. I wanna find out kung..kung sino man ang gumagawa nito. Kaya please, tulungan niyo ako. A..ayoko pang mamatay.” Tapos bigla na lang siyang umiyak. Hinayaan na lang muna namin silang dalawa ni sir Hayate doon at pumunta kami doon sa pinakamalayong place sa room from them.

 

“Sa tingin nyo nagsasabi siya ng totoo?” panimula sa amin ni Ken.

“I think she’s lying on some part. Pero mukhang totoo naman yung karamihan.” Sagot sa kanya ni Akane.

“Malalaman naman natin kung nagsasabi siya ng totoo mamaya.” Dagdag pa ni Reiji.

 

Maya-maya pa, tumayo na si sir Hayate tsaka si miss Bianca. Sumunod lang kami sa kanila palabas doon sa isang pinto. Pero halos manigas ako nung makita ko yung nasa labas ng pintong yun.

 

“Oh Hayate, may kaso ka na naman?” sabi nung isang lalaki sa isang cubicle.

“Oo. Fielding nila.” Tapos tinuro niya kami.

“Ahh sila pala. Oh, may isa pa lang bago! Hello!” nag-wave sa akin yung lalaki kaya nag-wave rin ako, awkwardly.

 

Buti na lang at sarado ang isip ko ngayon. Kundi ay baka narinig na nila Akane ang pagpapanic ko at amazement. It turned out na sa likod pala ng pintong yun, ay isang kwarto ulit. Room for police officers. Pero ang mas nakakagulat pa, lahat sila ay halos mga kasing-age lang ni sir Hayate. Meron rin namang nasa 40+ na siguro pero iilan lang sila. And they all have colored eyes, ranging from brown, yellow, yellow green and green.

 

“This is the Police Department of Tantei High. Kadalasan, yung mga graduate students from families A to E ang napupunta dito.” Bulong sa akin ni Reiji. Natuwa naman ako nung pinaalam niya yun sa akin. At natutuwa rin ako sa kanya dahil siya lang ang ka-height ko sa kanilang tatlong lalaki. Yung dalawa kasi parang mga tore. Well, siguro dahil one year younger siya sa akin, like Riye.

 

“Ahh. Meron pala tayong police force na sarili.” Bigla ko tuloy naisip, yung ibang pulis kaya sa Pilipinas, galing rin sa Tantei High? Pati yung mga kurakot at yung ginagamit lang ang pagiging pulis para sa ibang bagay? Kung ganun, nakakalungkot naman.

 

‘Not all of them.’

 

“Hik!” napatalon ako nung bigla kong narinig yung boses ni Hiro sa ulo ko. Sa pagkakaalam ko, sinarado ko na yung isip ko. How come nababasa niya pa rin?

 

“Okay ka lang ba Akemi?” kahit na mas bata sa akin si Reiji, hindi niya ako ina-ate. Pero okay lang naman para di ako magmukhang matanda.

“Ah. O..oo. Haha.”

 

‘Bakit mo ako naririnig? Nakasarado yung isip ko.’ Reply ko kay Hiro na nasa harapan ko ngayon.

‘I can hear you a little.’ Baka nga hindi ko naencapsulate mabuti yung isip ko.

‘Uhm, okay. A..ano yung sinasabi ko kanina na not all of them?’ pagbabago ko na lang sa topic. Nakakahiya kasi. Ibig sabihin pala, kanina niya pa naririnig yung pinagsasabi ng utak ko. Nakakahiya talaga!

‘Senshins are servant of justice. They will not succumb to evil thoughts. Most of them are humdrums. Others are.. evil.’

 

After that statement, hindi na siya ulit nagsalita sa isip ko. Pero napaisip ako sa sinabi niya. What does he mean by others are evil?

 

Hindi ko naman agad napansin na nakalabas na kami sa police headquarters. For the first time, nakalabas ako sa Tantei High. Pagdating namin sa labas, sumakay si miss Bianca sa kotse niya, habang kaming pito ay sumakay sa isang van. Katabi ko si Akane at si Riye sa upuan.

 

“Sir, type nyo si miss Bianca no? Hahaha!” biglang sabi ni Akane kaya natawa kaming lahat, kasama si sir Hayate.

“Twenty three pa lang ako. Ayoko sa mas matanda sa akin.” Sabay ngiti ni sir. Ang gwapo talaga ni sir kahit may salamin siya!

“Ay ganun? Ang ganda kaya niya, sir!” talagang nagpupumilit si Akane sa pang-aasar sa kanya. Pushy ‘tong babaeng ‘to.

“Eh di kay Ma’am Reina ka na lang sir! Twenty two pa lang yun! Haha!” this time, si Ken naman ang nang-intriga kay sir. Grabe ‘tong dalawang ‘to!

“Si Reina? Amasona yun eh.”

 

Nagtawanan na lang kaming lahat habang bumabyahe. Si sir Hayate pa nga ang naging driver namin. After an hour, nakarating na rin kami doon sa bahay ni miss Bianca. Napanganga na lang ako sa sobrang laki. Ang yaman yaman niya siguro. Mansion na ‘tong bahay niya eh! Pumasok kami sa loob dahil sobrang init sa labas. Pagtingin ko sa relo ko, 10 AM na pala.

 

“Sige doon muna kayo sa guest room, magpapalit lang ako. Manang, i-lead mo sila.”

 

Umalis si miss Bianca sa harapan namin at pinapunta kami ng isang kasambahay doon sa guest room. Nashock pa ako kasi yung guest room nila ay kasing laki na ng bahay namin. After ilang minutes, pumasok rin agad si miss Bianca sa guest room.

 

“Mamayang 6 PM pa magsstart yung party ko. So feel free to ask questions to me muna. And then mamaya, ipapakilala ko na lang kayo as friends of my younger sister.” Nag-nod na lang kami dahil mukhang hindi nga makatotohanan na may friends siyang mukhang mga high school.

 

“Wow, is that barbeque? And I smell chlorine. Perhaps, it’s a swimming pool party?” napatingin ako kay Ken dahil sa sinabi niya. How did he know that?

“How did you know that?” nagtatakang tanong ni miss Bianca. Exactly my question.

“Uhm, just a hunch.” Tapos bigla siyang lumingon sa akin at nag-mouth ng ‘my sixth sense’ sabay turo sa ilong niya.

 

Wait. So his sixth sense is smell amplification? Whoa! That’s cool.. or not. Paano kung may body odor ang isang tao na malapit sa pwesto niya? I bet that will hurt his nose.

 

“Who are your primary suspects?” this time, kay Hiro naman ako napatingin. Seryoso siya at nakatingin lang siya kay miss Bianca.

“What do you mean?”

“Your primary suspects for the sender of the letter, I mean.”

“Ah. Feeling ko, yung malapit sa boyfriend ko. Si Bea, ex-girlfriend niya, Elle, yung best friend niya, and JL, ate niya. Sila kasi yung super galit sa akin nung day na namatay si JC. Kesyo hindi ko raw siya tinulungan at wala daw akong kwentang girlfriend. Siguro dala lang ng emotions nila, kaya nagpadala sa akin ng letter. Pero hindi ko rin alam, baka totoo ngang balak talaga akong patayin ng kung sino man yun.” Tapos nanginig na naman siya at nagpawis nung sabihin niya yun. Sabagay, sino ba naman ang hindi matatakot kapag pinagbantaan ang buhay niya, right?

 

“Dadating ba sila mamaya?”

“Yes. I just received their texts na dadating sila.”

“Okay. We will observe them later.”

“Uhm.. o..okay, thanks.”

 

Hindi ko alam kung matatawa or matatakot ba ako kay Hiro dahil talagang seryoso siya sa ginagawa niya. Pero hinayaan ko na lang yun at baka mabasa niya na naman yung iniisip ko. Nakakahiya na masyado. Iniwan ulit kami ni miss Bianca at babalik na lang daw siya mamaya.

 

Wala kaming magawa sa room so kinuha ko na lang yung isang libro doon sa may shelf at nagbasa. Sana naman, walang mangyaring masama mamaya.