.

.

Epilogue (Part 1)

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

“Good work, everyone.”

 

Napangiti naman ako sa pagbati sa amin ni Sir Hayate. Katatapos lang naming magsolve ng isang murder case at isa ito sa mga pinakamabilis naming natukoy ang killer. Siguro dahil na rin kasama namin si Ms. Reina at mabilis na natukoy yung time of death at may loopholes talaga sa alibi nung murderer.

 

“Sige na, bumalik na kayo sa school. Gamitin niyo na lang si Miyu dahil may pupuntahan pa kami,” sabi naman ni Ms. Reina habang nakaturo siya kay Sir Hayate.

 

“Date?” pang-aasar ni Ken kaya biglang nagsugat si Ms. Reina ng daliri at mukhang balak niyang mag-summon.

“J-Joke lang, Ma’am!”

“Hay. Wala akong panahong makipagdate dahil sa dami ng gagawin.” Bigla naman siyang nag-emote sa harapan namin. “Bakit ba naman kasi tayo pinapatravel ni Sir Hideo sa kung saang lumalop ng mundo para lang hanapin yung Shinigami rebels!”

 

Nawala naman yung ngiti ko nung marinig ko yun. Hinahanap nila sina Darwin?

 

“Reina, I told you it’s for alliance purposes,” sagot naman ni Sir Hayate.

“Haaaah! Fine, fine. Pero nasaan na ba si Hiroshi? Sabi ko dapat nandito na 4 PM sharp! Late na siya ng one minute and thirteen seconds!”

 

Pagkasabi ni Ms. Reina nun, may naramdaman akong humawak sa balikat ko pero pagtingin ko, wala naman. Kinilabutan ako at naging stiff yung buong katawan ko.

 

M-Minumulto na ba ako?

 

“Sorry, I’m late,” pagkarinig ko nun, biglang nag-appear si Sir Hiroshi sa likuran ko, and it turned out na siya yung nakahawak sa balikat ko. “At sorry kung natakot kita. Well, that’s my plan, actually,” sabay ngiti niya sa akin.

 

Kung hindi lang talaga teacher ‘tong si Sir Hiroshi, baka nahampas ko na siya. Natakot ako dun!

 

“At anong kalokohan na naman yan, Hiroshi? Ginamit mo na naman yung invisibility fluid mo?” sabay pamaywang ni Ms. Reina.

“I just want to,” tapos inadjust ni Sir Hiroshi yung salamin niya.

“Tama na yan. Tara na at baka mahuli tayo sa flight natin,” sabi naman ni Sir Hayate.

“Oh sige aalis na kami. Walang gagawa ng kahit anong kalokohan habang wala ako ha! Ako ang adviser niyo kaya ako ang mapapagalitan kapag—”

“Yeah, yeah,” sabay hawak ni Sir Hayate sa balikat ni Ms. Reina mula sa likuran at inilayo niya siya sa amin.

“You should stop lecturing your students. It’s annoying,” dagdag pa ni Sir Hiroshi. Magsasalita na ulit sana si Ms. Reina pero hinatak na siya palayo nina Sir Hayate at Sir Hiroshi.

 

Napangiti na lang ako habang tinitignan ko silang naglalakad palayo. Nakakatuwa lang na hanggang ngayon, magkakasama pa rin sila. Kahit hindi nila ipakita o sabihin, alam kong best friends silang tatlo at matatag ang bond nila.

 

“Let’s go,” sabi naman bigla ni Hiro kaya sumunod kami sa kanya. Sumakay agad kami kay Miyu at namiss ko talaga siya. Kanina lang ulit namin siya nakita.

 

‘Welcome back, Masters.’

“Hello, Miyu,” bati agad ni Riye. Sunud-sunod namin siyang binati at after that, umupo kami sa lapag habang nakakalat yung mga papel na ginamit namin kanina sa may table. Pero sa isang bagay lang ako nakafocus at yun ay yung librong nasa gitna ng table.

 

Ang ‘All About Seventh Sense.’

 

Of course, si Hiro ang nanalo sa contest. Nasagutan niya lahat ng questions for ten minutes and twelve seconds, ayon kay Ms. Reina. Si Reiji naman ang second at natapos siya after fifteen minutes and three seconds, then ako for fifteen minutes and six seconds. Sumunod sina Akane, then Ken at Riye.

 

Pero shinare niya rin kaagad yung libro after one day. Simula nun, sama-sama na naming finifigure-out kung paano namin maaattain ang Seventh Sense, though wala pa kaming improvement.

 

“Tsk. Bakit ba kasi nakasulat rin sa code ‘tong book? Ang sakit tuloy sa ulo!” reklamo ni Akane.

 

Yeah. Kaya wala pa kaming progress ay dahil dinedecode pa namin yung buong book. Nakasulat kasi yun sa kakaibang language pero sa ibang parts ay may alphanumerics naman. Parang pinaghalu-halong languages at ginawa pang code kaya masakit talaga sa ulo.

 

Napatingin naman ako kay Hiro at kumuha siya ng isang papel then sinulat niya doon yung isang buong page ng libro kahit hindi niya tinitignan yun. Ang galing talaga ng sixth sense niya. Nakakamangha.

 

“Maybe this square means space,” sabi ni Hiro.

“Pero nii-san, may three consecutive squares sa page 27.”

“Hmmm...”

 

Bigla naman akong napangiti. Nakakatuwa na sama-sama rin naming sinosolve ‘to. Sana maging katulad rin kami ng natitirang members ng Great Seven at nina Ms. Reina na hanggang ngayon, magkakaibigan pa rin. Sa kanila ko lang naramdaman yung pagkakaroon ng kaibigan, though I consider Darwin, too. Noong nasa St. Joseph ako, hindi ko talaga gustong makipag-usap dahil feeling ko ay out of place ako. Si Darwin lang ang nakakausap ko noon dahil seatmate ko siya, at feeling ko, pareho kaming na-oout of place. And it turned out, na totoo nga, since hindi kami normal. Dito, nagkaroon ako ng mga totoong kaibigan, na tinuturing ko na ring pamilya.

 

“Akemi. Huy. Akemi?” napatingin naman ako bigla sa gilid ko at sobrang lapit na pala ng mukha ni Akane sa akin.

“Ahhh. H-huh?” tapos binigyan niya ako ng isang suspicious look.

“Sinong tinitignan mo?” bulong niya sa akin sabay tingin kay Hiro. Napabuntung-hininga na lang ako.

“Baliw, hindi. Nag-iisip lang ako ng pattern na pwede sa codes na ‘to,” sabay turo ko sa scratch paper ko na punung-puno na ng kung anu-anong pagdedecode.

“Eh kasi masyado kang tulala. Sige na nga, kunwari maniniwala ako,” sabay tingin niya sa akin ng nakakaloko.

 

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa agency at hindi pa rin namin madecode yung karamihan ng parts ng book. Grabe. Kung sino man ang gumawa nun, feeling ko ang galing-galing niya para ganituhin yung buong content. Pero bakit nga ba niya ginawang codes yung contents?

 

“Hey, it’s your turn,” sabi ni Hiro sa akin nung papunta na kami sa hallway para makabalik sa loob ng school at inabot niya yung libro.

“Oh. Ako na pala,” saka ko naman kinuha sa kanya yung book.

 

Napagdesisyunan kasi namin na iikot yung libro sa aming anim every week base sa rank namin doon sa contest. Since tapos na si Hiro at Reiji, sa akin muna ‘tong libro at iseshare ko sa kanila kapag magkakasama kami, just like what we did awhile ago.

 

Nagsimula naman kaming maglakad sa hallway at yung same na tanong na naman ang nasa isip ko. Nacucurious talaga ako sa history ng hallway na ‘to.

 

“Grabe, ni hindi ko man lang namalayan na Christmas Eve na pala bukas,” narinig kong sabi ni Akane kaso hindi ko siya makita.

“Sus, every year mo namang hindi namamalayan eh—aray!” At alam ko na agad na nagsasapukan na naman si Akane at Ken kahit nasa hallway kami at madilim.

“Hmm, uuwi ako bukas. Baka sa 26 pa ako makabalik,” rinig ko namang sabi ni Reiji.

“M-Me too. Buong clan kasi kaming magcelebrate ng Christmas, though hindi namin kasama si Ms. Reina ngayon,” sabi ni Riye. Oo nga pala, kasama rin sa Shinigami Trackers clan si Ms. Reina at malayong magkaanak sila ni Riye. Ang saya siguro ng Christmas nila dahil ang dami nila.

“Hoy Hiro, baka tulugan mo na naman yung Christmas ha! Tapos magigising ka, midnight na!” sigaw ni Akane.

 

Huh? Natulog lang siya?

 

“Not this time,” sabi naman niya. Saka ko narealize na dahil ngayon ang first Christmas nila ng Mama niya na magkasama.

“Ikaw, nee-san? Anong plano mo?”

“H-huh? Hindi ko pa alam eh.”

 

After that, tahimik na ulit kaming naglakad at nakarating rin agad kami sa dulo. Naghiwa-hiwalay naman kami agad ng way dahil may kanya-kanya kaming pupuntahan, though magkasama kami ni Hiro dahil pareho kaming papunta sa Teacher’s Village. Gusto ko kasing puntahan si Papa at mukhang pupuntahan naman niya ang Mama niya.

 

“Gusto mong bumalik sa bahay niyo?” Nagulat naman ako nung biglang nagsalita si Hiro at mukhang alam niya na kung anong pinoproblema ko kaya napabuntung-hininga ako.

“Sort of. Ewan. Nasanay na kasi akong mag-Christmas doon kasama si Mama—I mean, yung Mama mo. Kahit kaming dalawa lang, sobrang saya naman. Well, now it’s your turn to be with her. First Christmas niyong magkasama.”

“Pati kayo ng Papa mo.”

“Yeah.”

 

Actually, yun rin yung kanina ko pang iniisip. First Christmas ko with Papa at hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Parehas lang kaya sila ni Hiro na natutulog lang kapag Christmas? O baka busy siya?

 

“No. He’s always in the forest during Christmas Eve. Babalik siya kapag midnight na at bibigyan niya ako ng regalo.”

“Oohh.”

 

Bigla akong nalungkot after kong marinig yun. Ibig sabihin, dinadalaw niya si Mama every Christmas. Nalulungkot ako pero at the same time, natutuwa. Pakiramdam ko sobrang mahal na mahal ni Papa si Mama kahit na sobrang daming nangyari sa kanila.

 

“Teka, ikaw? Anong nireregalo mo kay Papa every Christmas?” para naman magkaroon ako ng idea sa kung anong pwedeng iregalo sa kanya.

“Neckties. Polo. Tuxedo. Shoes.”

 

Napahinto ako after kong marinig yun. Seryoso ba siya? Yun ang mga nireregalo niya?

 

“Eh si Papa? Anong nireregalo sa’yo?”

“Shirts. Books...”

 

Napafacepalm na lang ako dahil sa kanilang dalawa. Wala ba silang matinong maisip na iregalo sa isa’t isa? Yung may effort? O sadyang mga babae lang ang ganun?

 

“...and his time,” napatigil naman ako.

 

Time? Then narealize ko yung ibig niyang sabihin. Sabagay, sa sobrang busy ni Papa sa pamamahala ng school at pagiging leader ng tribe, malamang wala or konti na lang ang time niya for Hiro. Siguro nga, yun ang mahihiling niya for him kapag Christmas.

 

Bigla naman akong nakaisip ng pwedeng iregalo kaya naexcite ako.

 

“Hiro, mauna ka na pala. Pupunta muna ako sa Central Plaza. May bibilhin lang ako!” saka ako tumakbo. Pero napahinto rin agad ako at humarap sa kanya. “Ahh! Kung magreregalo ka kay Mama...sa Mama mo, I suggest photos, though mukhang imposible na yun. Mahilig kasi siyang magcollect ng pictures lalo na ng sceneries at mga taong malalapit sa kanya. At samahan mo na rin ng adobo!” then nagwave ako sa kanya at saka ako tuluyang tumakbo.

 

***

 

Kahit na Christmas break na, andami pa ring tao dito sa Central Plaza. Siguro dahil dito na rin magc-Christmas yung iba. Nakakatuwa rin dahil gabi na at nakailaw na yung Christmas lights...na hindi normal.

 

Sobrang ganda dito sa Central Plaza dahil lahat ng puno ay makulay kahit walang Christmas lights na nakasabit sa kanila. Parang hologram lang ng iba’t ibang kulay ng lights na nakaproject sa kanila. Then may mga nakalutang rin na lanterns at hindi sila bumabagsak. Nakakatuwa rin dahil yung mga nasa pre-school level ay may suot na Santa hats habang kasama yung parents nila. Pero ang pinakanakakamangha ay yung snow. Oo, hologram lang yun pero parang totoo at ang ganda tignan habang bumabagsak sila. Kulay white rin yung daan at mukhang invention rin ‘to ng Technology department. Para talagang totoong snow. Tamang-tama dahil malamig ngayon kaya feel na feel ng mga tao rito. Kahit sa campus, may hologram lights rin yung mga puno simula last week pero ngayong gabi lang nila pinakita yung snow. Ang sarap tuloy sa pakiramdam.

 

Naglakad naman ako at naghanap ng pwedeng panregalo sa kanila. Madali lang akong nakanap ng regalo para sa mga babae pero nahirapan ako para sa guys. Siguro inabot ako ng isa’t kalahating oras bago ko nakumpleto lahat ng reregaluhan ko. After that, nagmadali na akong bumalik sa dorm.

 

***

 

“Hindi ganyan yung amoy ng adobo. May mali, may mali.”

“Hoy! May balak ba kayong sunugin ‘tong kwarto namin?!”

“Nii-san, walang kamatis yun.”

“Hmm, let’s look at the recipe.”

 

Nabitawan ko bigla yung hawak kong plastic bag dahil sa nakita ko. Nakapalibot sina Ken, Akane, Riye at Reiji kay Hiro habang nasa kusina sila. Napatingin naman agad sa akin si Akane.

 

“Akemi! Buti dumating ka na! Turuan mo nga ‘tong lalaking ‘to at nag-eexperiment ‘tong tatlo sa paggawa ng adobo!” then hinatak niya ako papunta doon.

 

Napakunot yung noo ko nung nakita ko yung kusina. Sobrang kalat at ang daming nagamit na utensils. Pero nagulat talaga ako sa niluluto nila. Black na yung kulay at yung kamatis na lang hindi nasusunog, though hindi ko alam kung bakit may kamatis. Pinatay ko kaagad yung kalan at after that pinigilan ko na lang yung sarili ko sa pagsigaw. Humarap ako sa kanilang lima at tinignan ko sila, tapos napaatras sila.

 

“Sabi ko nga doon muna kami sa sala,” sabi ni Ken at saka sila pumunta sa sala.

 

Napailing na lang ako sa nangyari dito sa kusina. Nasanay na kasi akong malinis at organized lagi dito dahil tinuruan ako ni Mama ng ganun. Ayaw niya rin na madumi ang kusina. Niligpit ko na lang yung mga kalat at nilagay ko sa lababo lahat ng ginamit nila. Tinapon ko rin yung niluto nila dahil wala talagang pag-asa. After that, dumiretso na rin ako sa sala at nakita ko silang nag-uusap doon.

 

“Tsk. Bakit kasi hindi ka marunong magluto? Kababae mong tao...” sabi ni Ken kay Akane.

“Pakialam mo ba? Hindi naman ako naturuang magluto eh.” Bigla naman akong nalungkot after sabihin yun ni Akane. Hindi na siya naturuan ng Mom niya dahil bata pa lang si Akane nung namatay siya.

 

Naupo naman ako sa tabi ni Riye at tumingin silang lahat sa akin. Saka ko naman narealize…

 

“Teka, bakit nga ba nandito kayo sa girl’s dorm? Di ba bawal kayo dito?” sabay turo ko sa kanilang tatlo.

“Ay naku, Akemi, matagal na nilang ginagawa yan, kahit nung mga bata pa kami. Dumadaan sila sa bintana,” saka pa umiling-iling si Akane.

 

Whoa. Simula nung mga bata pa sila? Teka, ibig sabihin, si Akane pa lang mag-isa dati dito sa dorm. Parang naiimagine ko na kung paano sila umaakyat dati nung mga bata pa sila. Siguro ginagawa lang nila yun dahil alam nilang mag-isa si Akane dito.

 

“Eh kasi ‘tong si Hiro, gustong magluto ng adobo para raw sa Mama niya bukas,” sabi ni Ken.

“At wala kaming gamit. Di rin namin alam kung paano yun,” dagdag naman ni Reiji.

“Kaya nandito sila ngayon, nee-san.”

 

Hindi naman ako nakapagreact agad. So kaya gusto niyang matuto ay dahil gusto niyang lutuan si Mama sa Christmas. Mukhang sinunod niya yung suggestion ko.

 

“Sorry,” biglang sabi ni Hiro.

“Fine. Ako na ang magtuturo pero medyo magulo pa yung kusina. Sinong maglilinis nun?”

 

“Sila!”

“Siya!”

“Bakit ako?!”

“Not me.”

 

At nagturuan pa sila. Ano bang gagawin ko sa limang ‘to? Bigla naman silang napatingin sa akin at after that, tumayo silang lima at dumiretso sa kusina. Then after that, naghati-hati sila ng gagawin. Okay, anong nangyari?

 

Ginamit ko naman ang time na yun para pumunta sa kwarto at itago yung mga pinamili kong gifts. Mamayang madaling araw ko na lang sila babalutin since andito yung ibang reregaluhan ko.