.

.

Epilogue (Part 2)

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 1, 2015


***

“After that, ilagay mo na yung baboy, then halu-haluin mo.”

“Oh, okay.”

“Hanggang sa lumambot.”

“Got it.”

 

Nandito kami ngayon ni Hiro sa kusina at sinusupervise ko ang pagluluto niya. Bale ito na ang magiging ulam namin ngayong gabi at mukhang dito na rin magdidinner yung tatlo.

 

Naglalaro naman ng kung anong board game yung apat sa may sala. Ngayon ko nga lang nakita yun eh kaya hindi ko alam kung ano yung nilalaro nila. Pero parang may pagka-Snake and Ladder yung dating.

 

“That’s the logic version,” sabi ni Hiro kaya napatingin ako. “I mean, that game.”

“Aahh. Paanong logic version?”

“May logic question bawat box at kailangan nilang masagutan sa loob ng two minutes.”

“Ang bilis naman!”

“Of course. That’s why it was developed—to enhance their critical thinking under pressure.”

 

Feeling ko hindi ako mananalo kung sakaling ako ang maglalaro nun. Sobrang nakakapressure ang two minutes para sagutan ang isang logic question.

 

“The answers can vary from positive to negative numbers.”

“Wait. So kapag negative, paatras yung galaw nila? So parang yun yung Snake.”

“Yeah. At kapag mali yung sagot, magsstick yung game piece nila sa box. Hindi nila magagalaw yun kahit anong gawin nila kaya malalaman nilang mali ang sagot kapag hindi nila maalis sa box yun. Kapag natapos na yung move, magbabago lahat ng logic questions sa boxes para walang dugaang maganap.”

“Oohh. Cool. Pero wait! Tumingin ka lang sa niluluto mo!”

“Ah, sorry.”

 

***

 

“Yes! We won!” sabi ni Reiji at nag-appear sila ni Riye.

“Sabi ko kasi sa’yo five yung sagot eh! Six ka nang six!” sigaw ni Akane sabay hampas kay Ken.

 

Natapos yung game nila at nanalo nag sina Reiji at Riye. Tapos na rin kaming magluto ni Hiro kaya naghain na rin kami. For a first timer, ayos ang luto niya. Feeling ko nga mas masarap pa yung luto niya kaysa sa akin nung unang beses rin akong nagluto nito.

 

“Thank you,” sabay ngiti ni Hiro. Binasa na naman niya yung isip ko!

 

“Holy shit. Reiji, nakita mo yun?” Napatingin naman ako kay Ken at nakatulala siya kay Hiro.

“Saw that. He smiled...not because of a case,” then tumingin rin si Reiji kay Ken.

“Hoy Akane! Hindi mo nakita! Ngumiti si Hiro!”

 

Pagkasigaw nun ni Ken, biglang tumingin rin sina Akane at Riye kay Hiro. Napatingin rin ako kay Hiro at nakita kong kalmado pa rin siya. Pero siguro deep inside nagpapanic na yan...or not.

 

“Ang duga! Di ko nakita! Hoy Hiro! Isa pa!” sigaw ni Akane habang nililigpit nila yung board.

“Don’t want to,” saka tumalikod si Hiro at kumuha ng mga plato.

“Hay. Sayang, gusto ko ring makitang magsmile si kuya Hiro,” rinig kong sabi ni Riye. “pati si Kuya Darwin.” Bigla naman akong napalingon. Hindi ko alam kung nag-iimagine lang ako o sinabi talaga yun ni Riye. Err, hayaan na nga.

 

Pero mukhang tama nga yung sinabi ni Hiro nung nasa hill kami. Big deal ‘to sa kanila at feeling ko aasarin talaga siya ng mga ‘to kapag nagsmile siya. Pero...mas bagay talaga sa kanya kapag nakangiti.

 

“Akemi, nakita mo rin?” tanong ni Akane.

“Mmm,” sabay tumango ako then nagpatuloy na sa paghahain sa lamesa.

“Maduga! Bakit kaming dalawa lang ni Riye ang di nakakita?!”

“Malamang nakatalikod kayo—aray!” at nagsimula na naman ang rambulan sa pagitan ni Akane at Ken, habang sina Riye at Reiji na lang ang nagtulungan sa pagliligpit sa sala.

 

After that, sabay-sabay na kaming kumain at ang usapan lang ay ang pagngiti ni Hiro. Hindi ko nga alam kung matatawa ako o maaawa sa kanya dahil habang kumakain ay nakatingin lang yung apat sa kanya, hoping na ngumiti siya kahit isang beses lang. Akala ko nga hindi mangyayari pero maski ako nagulat nung...tumawa siya.

 

Tumawa siya. Hindi lang ngiti. Pero yung half-suppresed laugh lang, I mean para lang siyang nagsnicker.

 

“Fools,” sabay iling niya pa.

 

Nabitawan naman ni Akane yung kutsara niya habang si Ken ay nabulunan. Si Riye at Reiji naman, nakatulala lang kay Hiro. Feeling ko nga konti na lang, magttwinkle na yung mata ni Riye dahil sa sobrang amazement. Maski ako, natulala rin dahil hindi ako makapaniwalang nakita ko yun.

 

“Hoy Ken, kurutin mo nga ako, feeling ko hallucination lang ‘to.”

“Baka hindi si Hiro yan? Di kaya hologram yan?”

 

Nagkurutan naman sa pisngi yung dalawa at sabay pa silang nag-‘aray.’

 

“My gosh! Totoo nga! Hoy Hiro! Yung totoo, anong nangyayari sa’yo? Epekto ba yan ng war? Tumama ba yang ulo mo sa kung saan?”

“Ugh. Sumama ata sikmura ko. Hindi ko masikmura ang ganitong Hiro,” sabay sandal ni Ken at para talaga siyang affected na affected.

 

‘I told you they will act like this.’

 

Napangiti na lang ako nung narinig ko yun.

 

Pagkatapos naming kumain, umalis na rin yung tatlo at dumaan sila sa bintana. Pero napasigaw ako nung tumalon lang sila galing doon. Nasa fourth floor ang room namin!

 

“Ayos yun ah, eat and run!” sabi naman ni Akane.

“Ako na lang ang maghuhugas,” sabi ni Riye at saka siya dumiretso sa kitchen.

 

After that, mabilis ring nakatulog sina Akane at Riye. Bago nga matulog si Riye, nag-impake muna siya. Aalis kasi siya ng maaga bukas para sa Christmas celebration ng clan nila.

 

Umalis agad ako sa kama at kinuha ko yung mga pinamili ko sa closet. Dahan-dahan akong pumunta sa sala at sinigurado kong wala akong ginagawang ingay or minimal lang dahil baka magising si Akane.Sinarado ko yung pinto ng kwarto at binuksan ko yung ilaw sa sala. Tinignan ko yung list ng mga reregaluhan ko. Napangiti na lang ako dahil ngayon lang ako magreregalo sa maraming tao. Si Mama lang kasi ang nireregaluhan ko dati. Hindi rin naman ako pumupunta sa Christmas party ng class namin dahil naoout of place ako kaya wala akong ibang nireregaluhan maliban kay Mama.

 

Chineck ko yung names nina Mama, Papa, Akane, Riye, Hiro, Ken, Reiji, Sir Hayate, Sir Hiroshi, Ms. Reina, Darwin, Dra. Yuuki at Ma’am Michiko. Madali lang namang ibigay sa kanila yung gifts bukas pero hindi ko alam kung paano ko ibibigay yung kay Darwin. Hindi niya naman sinabi kung nasaan siya at wala rin namang way para macontact siya.

 

Nung natapos ko nang balutin lahat ng gifts, bumalik ulit ako sa kwarto. Dahan-dahan kong binalik yung gifts sa closet ko at dahan-dahan rin akong umakyat sa kama. Buti na lang, hindi nagising si Akane at si Riye.

 

I can’t wait for tomorrow.

 

***

 

“Akemi! Gising na! Huy! Aalis na si Riye.”

“Mmm...”

Naririnig ko naman si Akane pero tinatamad pa akong dumilat at tumayo. Pero dahil sa walang tigil niyang pagyugyog sa akin, nagising ang diwa ko. Agad-agad naman akong kumilos at naligo.

 

Christmas Eve na mamaya. Ngayon lang ako naexcite ng ganito sa Christmas.

 

After kong magbihis, lumabas na kaming tatlo sa dorm para ihatid si Riye. Nakakatuwa nga dahil nagbabatian lahat ng girls from other families sa hallway ng ‘Merry Christmas.’

 

Mas lalo akong natuwa nung nasa labas na kami ng dorm. Grabe. Para akong nasa ibang bansa. Naging kulay white na yung daan at may holograms pa rin ng falling snow. Idagdag pa na malamig ngayon. Feeling ko tuloy may snow talaga dito.

 

“Ganito ba lagi dito kapag Christmas?” tanong ko nung nakita ko ang buong paligid.

“Yeah. Last year White Christmas rin ang theme. Base sa gustong theme ng mga nakakataas,” sagot naman ni Akane.

“Mmm. Naalala ko pa last year, akala ko talaga nagssnow dito,” sabi naman ni Riye.

 

Marami ring estudyante ngayon sa campus. Nakakatuwa pa dahil yung mga pre-school students, naglalaro sa labas at minomold nila yung snow-like na lupa. Ang cute nilang tignan.

 

Naglakad naman kami papunta sa main gate. Ang weird tuloy sa feeling. Nasanay na kasi akong sa hallway dumadaan kapag lalabas kami ng Tantei High dahil hindi nga pwedeng lumabas ang mga estudyante dito. Pero ngayon, bukas yung main gate para sa mga magbabakasyong estudyante at para sa parents na pupunta dito para dito icelebrate ang Christmas, kasama ang mga anak nila.

 

Nang makarating kami sa gate, humarap sa amin si Riye at ngumiti.

 

“Merry Christmas!” then inabot niya sa amin ni Akane yung regalo niya. Natuwa naman ako nung mareceive ko yun at sobrang bumilis yung tibok ng puso ko. First time kong makareceive ng gift galing sa ibang tao.

“Thanks, Riye! Oh eto gift ko. Merry Christmas!” sabi naman ni Akane at nagbigay rin siya ng gift kay Riye. Syempre, binigay ko rin yung akin.

“Here’s my gift. Thank you, Riye at Merry Christmas!”

 

Nagyakapan kaming tatlo at after that, umalis na si Riye. Naglakad naman kami ni Akane pabalik.

 

“Yung mga binili mo ba kagabi, gifts yun?” tanong ni Akane kaya kinabahan ako. Nakita niya?

“O-oo. Bakit?” Bigla naman siyang napapadyak.

“Tsk! Sayang! Dapat pala tinignan ko! Nakalimutan kong tignan!” Nakahinga naman ako nang maluwag nung sinabi niya yun.

“Kaninang madaling-araw ko nga lang binalot yung mga yun.”

“Ako naman kahapon nung wala pa si Riye. Buti nga at natapos ko bago nambulabog yung tatlong asungot.”

 

Natawa naman ako sa sinabi niya at nagkwento na naman siya tungkol kina Ken, Reiji at Hiro. Pagbalik namin sa dorm, agad ring umalis si Akane dahil magkikita daw sila ng Daddy niya sa Central Plaza. Ako naman, kinuha ko yung gift ko kay Darwin at umalis rin sa dorm.

 

Nagdecide ako na pumunta muna sa gubat para dalawin sina Mama at Demi. Habang naglalakad ako sa gubat, iniisip ko kung paano ko mabibigay kay Darwin yung gift ko. Saka naman biglang sumagi sa isip ko yung time na nasa St. Joseph pa kami. Umaattend kaya siya ng Christmas party? Hmm, kung ibebase sa ugali niya, feeling ko hindi.

 

Pero paano ko nga ‘to mabibigay sa kanya? Ang hirap naman oh! Saang lumalop kaya siya ng mundo ngayon?

 

Nung nakarating ako sa may grassland, napangiti ako dahil ang daming bulaklak na tumutubo sa paligid ng puntod nina Mama at Demi. Umupo ako sa harapan nila at pumitas ako ng bulaklak for them. Pumitas ako ng tig-tatlong puting bulaklak para sa kanila.

 

“Merry Christmas, Mama. Merry Christmas, Demi.”

 

Ito ang first Christmas ko na nalaman kong Mama ko si Akemi at fifteenth Christmas na wala siya sa tabi ko. Si Demi, ni hindi man lang nakaabot ng Christmas. Nakakalungkot pero tanggap ko na. Kahit hindi ko sila kasama, pakiramdam ko nasa tabi ko lang sila. Yun naman ang importante eh.

 

They’re dead, but they are alive in my heart.

 

“Nandito ka rin pala.”

 

Bigla naman akong napalingon at nakita ko si Papa na palapit dito kaya tumayo agad ako.

 

“P-papa.” Niyakap niya ako at pareho kaming naupo sa harapan nina Mama at Demi.

“Merry Christmas,” saka siya naglapag ng white flowers kay Demi at green naman kay Mama. Wow. Ang ganda ng pagka-green nung bulaklak. Meron palang ganun ang kulay.

“Ang ganda,” sabi ko habang nakatitig doon sa green flowers.

“That’s her favorite flower. And she likes green,” sabay ngiti sa akin ni Papa.

“Saan po yan nakikita?”

“Hmm, sa East side ng gubat. Pero may mga oso doon at iba pang hayop kaya bawal pumunta doon.”

“Pero pumunta kayo...”

“Because I can, and because I’m the President. I can break some rules if I want to,” sabay tawa niya at sinabi niya pang secret lang daw namin yun. Lagot kasi siya sa elders kapag nalaman nilang pumupunta siya sa east side.

 

Tahimik lang kaming nagstay doon at nagdasal rin kami para kay Mama at Demi.

 

“Gusto mo bang umuwi?” Nagulat naman ako sa tanong ni Papa. Then narealize ko na ang ibig niyang sabihin ay yung bahay namin dati nina Mama. Hindi naman ako agad nakasagot. Tumayo bigla si Papa kaya napatingin ako sa kanya.

 

“Mauna na ako ha? Marami pa kasing aasikasuhin para mamayang gabi.”

“Eh? Ano pong meron mamayang gabi?”

“Hindi ba nila sinabi sa’yo?”

 

Ugh. Lagi naman eh. It’s either nakakalimutan nina Akane at Riye, or sinasadya nila. Umiling na lang ako kay Papa.

 

“May Christmas party mamaya sa campus. I’ll see you there,” ngumiti ulit si Papa at nagpatuloy maglakad. Pero huminto rin agad siya at humarap ulit sa akin. “This will be our first Christmas. I want it to be memorable. I promise I’ll make it.”

 

Umalis na siya after that at doon lang ako nakahinga. Naiyak na lang ako dahil sa sinabi niya. Pareho pala kami ng naiisip. Humarap ako kay Mama at ngumiti.

 

“He’s the best father, right?” then inayos ko yung bulaklak sa puntod niya.

 

Napatigil naman ako sa paggalaw nung may naramdaman akong kakaiba. This sensation...

 

Napatayo ako at sinummon ko yung bow and arrows ko. The Black Dimension is opening.

 

Niready ko na yung sarili ko kung sakali mang may Shinigami na lumabas. Pero natumba ako sa gulat nung nagbukas yung Black Dimension at may tumalon mula doon papunta sa akin.

 

“Meow.”